Home / Romance / Jojo and Coco's Unexpected Love / Kabanata 321 - Kabanata 330

Lahat ng Kabanata ng Jojo and Coco's Unexpected Love: Kabanata 321 - Kabanata 330

366 Kabanata

Kabanata 321 Walang Dignidad sa Pagmamakaawa

Pinagbawalan n Harold si Chloe na umuwi nang gabing yun at binigyan siya ng sariling kwarto para hindi siya mapilitang makasama si Joseph.Nagtago siya sa kwarto. Matapos makuha ang approval ni Harold, mas gumaan ang pakiramdam niya. Hindi niya dinala ang laptop niya sa office, kaya nag-scroll na lang siya sa kaniyang phone para mabawasan ang pagka-inip.Nang sandaling yun, nag-reply si Icarus sa message niya.[Naglalaro kami ng golf ng mga kaibigan ko malapit dun. Pauwi na ako nang makasalubong kita.]Binuksan ni Chloe ang map application sa phone niya at sinearch ang area sa paligid ng City Hall. Totoo nga na mayroong malapit na golf course doon. Medyo nahiya siya na pinag-isipan niya nang masama si Icarus.Tinext siya ulit ni Icarus. Link ito sa isang article.[Chloe, alam kong makikita mo rin ito, kaya mas mabuting sabihin ko na agad sa iyo. Hindi dapat sumama ang loob mo dahil sa akin o sa mga internet trolls na ito.]Binuksan niya ang link at nakitang mayroong sikretong ku
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 322 Magpakabait Ka sa Pamilya Sullivan

Habang nakatingin kay Joseph, napalitan ng hiya at galit ang gulat sa mata ni Chloe. Nahulog na siya sa kadiliman. Sa loob lang ng ilang segundo, nawalan na siya ng pag-asa.Parang isang robot siyang nahiga sa malamig na desk. Na-expose ang maputi at payat niyang mga hita mula sa kaniyang silk pajamas. Kasabay nito, puno ng lungkot ang kaniyang maliit na mukha. Ngunit kahit ganun, napakaganda at kaakit-akit pa rin siya. Ito ang klase ng charm na na nagmumula lang sa matinding dalamhati.Nang makita ni Joseph si Chloe sa ganitong sitwasyon, hindi niya mapigilan ang matindi niyang inggit. Tinakpan niya ang ibabaw ni Chloe at minarkahan ang buo nitong katawan bilang pagmamay-ari niya. Pinanganak na sensitibo sa ganitong aspeto ang mga lalaki.Pagkatapos ng isang round, pinisil niya ang malambot na mga pisngi ni Chloe. “Hindi ba’t ito ang first time mo?”Hindi huminga si Chloe. Kumurap siya at maluha-luhang tinitigan si Joseph. Para bang narinig niya ang pinaka nakakatawang biro sa mun
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 323 Gustong Protektahan ni Noah si Chloe

“Opo.”Nagsimulang magplano si Ava. Noong una, hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siyang isama ni Calvin dito. Pero ngayon, nagsisimula na niyang makita ang buong picture.Kahit na ilang taong mas bata sa kaniya si Noah, halos magkasing-edad naman sila. Bukod sa pagpapa-partner sa kanila ni Noah, ano pang ibang dahilan kung bakit siya nandito? May ginawa na rin na ganito si Benjamin dati. Kapag may dalawang parties na nagkikita para pag-usapan ang negosyo, isasama nila ang kanilang mga anak. Kapag nagkagustuhan ang mga anak nila, pwede silang magkaroon ng business marriage.Naalala ni Ava ang bata at charming na mukha ni Noah. Kahit na hindi niya ito tipo, gwapo naman talaga ito at hawak nito ang Exotic Star. Katanggap-tanggap ito para sa kaniya.“Mr. Desmond!” Nang makita ni Calvin ang matanda, agad siyang lumapit para suportahan ito.Nasa seventies na si Desmond Sullivan, nakasuot ito ng casual sports attire. Puti na ang kaniyang buhok pero malusog at malakas pa rin an
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 324 Nagtulungan ang Apo at ang Lolo

“Kapag may nangyari sa kaniya, canceled lahat ng adverts ng Exotic Star. Sinong magiging responsable sa lugi namin? At saka, may ginawa ka sa kaniya sa hotel. Huminto ka man lang ba para isipin kung paano yun makakaapekto sa Exotic Star?”Istrikto ang itsura ni Calvin. “Dahil hindi alam ni Mr. Desmond kung paano tratuhin ni Mr. Joseph ang apo niya.”“Kung ganoon, si Joseph dapat ang pinuntahan niyo.”“Hindi ko naman kayang kalabanin ang pamilya Whitman, hindi ba?”“Tumigil na lang kayo.” Tiningnan ni Noah si Ava at marahang sinabi, “Dalawang kamay ang kailangan para pumalakpak. At sa tingin ko, hindi manganganak ng isang troublemaker si Tita Luciana. Sigurado ba kayong hindi kayo nagkamali?”Hindi kamukha ni Ava si Luciana. Ang totoo, mas kamukha ni Chloe si Luciana. O baka…. Nalito si Calvin sa edad nila at hindi na pinansin ang mas importanteng bagay.“Bantayan mo ang sinasabi mo. Anong ibig sabihin mong isa siyang troublemaker? Hindi minahal si Ava noong bata pa siya. Dapat na
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 325 Good Luck sa Paghahanap ng Karelasyon

Tinago ni Joseph ang dilim ng kaniyang mga mata. Kasabay nito, napakalamig ng boses niya. “Hindi siya karapat-dapat para pagkaka-abalahan ko.”‘Madumi ang katawan niya. Hindi ko hahayaan na bumalik siya hanggat hindi siya nagmamakaawa sa akin. Hindi na ako magiging maluwag sa kaniya tulad ng dati, lalo na ang gawin siyang madam ng pamilya Whitman.’Si Harold na nakahiga sa sahig ay nabalot ng galit. Habang nakahawak sa kaniyang puso, sumama ang ekspresyon niya at tuluyan nang nawalan ng malay.Nawalan siya ng malay dahil sa matinding galit.*Nang makauwi si Chloe, pagod ang katawan at isipan niya. Nakatulog siya at nagising nang madaling araw kinabukasan.Tiningnan niya ang schedule at nakitang nangako siya kay Icarus na sasamahan niya ito pumunta sa doktor para sa peklat nito. Hapon niya ini-schedule ang appointment at saka tinext si Icarus para paalalahanan ito. Sa gayon, hindi nito makalimutan ang appointment.Hindi busy si Chloe nang umaga na yun, kaya nagkaroon siya ng mee
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 326 Sumama na Naman ang Loob ni Lolo sa Kaniya

Mayabang na tinaas ni Jane ang noo at sinabing, “Hindi yun maiintindihan ng isang tulad mong walang kwenta. Kilala ko ang vice president ng Cloude hospital. Siyempre, malalaman ko ang ganung bagay.”Base sa asta ni Jane, mukhang hindi siya nagsisinungaling. Gayunpaman, kung totoo man yun, maraming hindi maipaliwanag na aspeto sa sitwasyong ito tulad ng kung bakit ito tinatago ni Xavia kay Joseph. Sa kasalukuyan kondisyon ng katawan niya, malaking risk ang dala ng pagbubuntis. At saka, bakit sa Cloude City siya pumunta? Wala masyadong tourist attraction sa maliit na lugar na yun.Sa sandaling yun, isang batang couple ang dumaan sa harap nila.“Sinabi ko na sa iyo. Hindi ako pwedeng magpa-abort kung anim na buwan na akong buntis. Sinusubukan mo bang takasan ang pagbabayad ng dowry?” Sigaw ng babae.“Hindi, sweetheart. Magpapakasal din tayo. Pangako na mababayaran ko ang dowry balang-araw…”Inobserbahan ni Chloe ang couple hanggang sa mawala na ang ito sa paningin niya. Bigla siyang
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 327 Three Month Buffer Period

Umangat ang tingin ng binata at tiningnan siya, puno ng init ng spring ang mga mata nito. “Ms. Chloe, nandito ka rin ba para bisitahin si Mr. Harold?”“Oo, mag-isa ka lang?”“Oo, busy ang mga elders ng pamilya ko.”“Pwede mo ba akong humiling ng pabor sa iyo?”“Sure. Sabihin mo lang sa akin ang kailangan mo, Ms. Chloe.”“Una, pumasok ka sa loob at tingnan mo kung may ibang tao sa ward. Kung wala, i-message mo ako at saka ako papasok.”Isang ngiti ang unti-unting lumitaw sa sulok ng mga mata ni Noah. “Ang “ibang tao” ba na sinasabi mo ay si Mr. Joseph?”“Oo….”“Okay, Ms. Chloe. Hintayin mo ang message ko.”“Hindi mo ako kailangang tawaging Ms. Chloe. Tawagin mo na lang akong Coco, o dahil mas bata ka sa akin, ate Coco na lang. Siyempre, hindi yun para samantalahin ka o anuman!”Ngumiti ang binata, sasagot na sana siya nang isang batang lalaki na may hawak na ice cream ang aksidenteng bumangga sa kaniya mula sa likuran. Mabilis na humingi ng tawad ang bata kay Noah, sinabi nit
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 328 Kapakanan

Pinakita ni Chloe ang pagdududa niya, nagtanong siya, “Yun lang po ba?”Dahil hindi na siya nakatira sa villa, madali niyang matatanggap ang three-month buffer. Mabilis lang lumipas ang oras.“Oo, pero may isa akong kondisyon.”Makikita sa ekspresyon ni Chloe na hindi ito magiging madali katulad ng inaakala niya kanina.“Huwag kang matakot. Gusto ko lang bisitahin mo ako paminsan-minsan at i-check si Toto sa villa. Ang laki ng nabawas sa timbang ni Toto simula nang umalis ka.”Nasa dilemma si Chloe. Ibig sabihin ay hindi niya maiiwasang makita si Joseph. Ayaw niya itong makita sa ngayon, at hindi niya rin gustong magkaroon ng anumang contact sa kaniya.“Kung hindi pa rin kayo magkakaayos pagkatapos ng tatlong buwan, susuko na ako. Kung hindi, hindi ako mapapanatag dito sa ospital. Paano kung bigla akong mamatay?”Nangamba si Chloe sa sinabi ni Harold, “Lolo, huwag niyong sabihin ‘yan!”“Kung ganoon, pumapayag ka ba?”“Well…”“Ack, ack, ack!”Biglang nagsimulang umubo si Haro
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 329 Hindi Nababagay Pero May Naiwang Mga Koneksyon

“Sakay.” Walang bahid ng negosasyon ang tono ni Joseph.Bumagsak ang puso ni Chloe. Dahil pumayag siya sa hiling ni lolo, alam niyang kailangan niya itong harapin. Huminga siya nang malalim, binuksan niya ang pinto ng kotse at sumakay.“Nakausap ka na ba ni lolo tungkol doon?”“Mm.”“Tatlong buwan simula ngayon. Pero huwag mong asahan na patatawarin kita,” Malamig na sabi ni Joseph.Ngumiti nang maliit si Chloe. “Parang ako dapat ang nagsasabi sa iyo niyan.”‘Isang gago na nakipagtalik sa dalawang babae sa isang babae.’Tiningnan siya ni Joseph at mapanghamak na ngumisi. “Kung ganun, bakit ka pumayag sa sinabi ni lolo?”“Isa akong taong may damdamin at emosyon. Nagpapasalamat ako sa kabutihan na pinapakita sa akin ni lolo. Anong mali kung papayag ako sa hiling niya? Kailangan bang maging kasing sama at kawalang-puso kami katulad mo?”Suminghal si Joseph, tila kumbinsidong may tinatagong motibo si Chloe.Ayaw na niyang bigyan pa ng atensyon pa si Joseph, humalukipkip si Chloe
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 330 Masama Ang Loob Dahil sa Isang simpleng Komento Napaka-drama

Nakapatong ang magandang kamay ni Joseph sa manibela ng sasakyan habang nakatingin sa passenger seat sa kaniyang rearview mirror. Inobserbahan niya ang itsura ni Chloe, sunod-sunod ang pagbabago sa features nito. Parang alon ang emosyon nito, dahilan para maintriga siya pero nag-iingat pa rin.Habang nakataas ang mga kilay, naging isang linya ang mga labi niya. Malinaw na naabot na ni Chloe ang isang importanteng desisyon.‘Kung ganun nga katindi ang pagnanais ni lolo na magka-apo, paano kung talagang dala-dala ni Xavia ang anak ni Joseph? Sa senaryo na yun, makakapasok siya sa pamilya Whitman dahil sa kasal, kasama ang anak na isang hindi maitatangging koneksyon. Kahit na ayaw man ni lolo kay Xavia, hindi naman niya ipagpipilitan ang abortion, hindi ba? Ang rebelasyon na yun ang posibleng makapagpapawalang-bisa sa three-month cooling-off period.’Nag-isip nang mabuti si Chloe at sinabing, “Nakasalubong ko si Jane kahapon.”Nanatiling seryoso ang mukha ng lalaki, halata ang paghihi
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa
PREV
1
...
3132333435
...
37
DMCA.com Protection Status