All Chapters of Jojo and Coco's Unexpected Love: Chapter 291 - Chapter 300

366 Chapters

Kabanata 291 Don’t Judge a Book by Its Cover

Natahimik ang paligid habang nag-iisip si Chloe.Nakatitig lang si Joseph kay Chloe, nagliliyab ang galit sa kaniyang mga mata. Kumbinsido siya na isang hangal na babae si Chloe na hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto. Sa kasamaang palad, may mas magaling pa rin sa kaniya, mas magaling umarte si Harold kaysa kay Chloe.Paglabas ng ward, humarap si Chloe kay Joseph at sinabing, “Hindi natin pwedeng hayaan na malaman ni lolo ang totoo sa ngayon. Hindi na niya kayang mabigla ulit.”“So?” Sagot ni Joseph, nilagay niya ang mga kamay sa bulsa, wala siyang emosyon.Nagsalubong ulit ang mga kilay ni Chloe. ‘Lolo mo siya. Bakit parang wala kang pakialam?’Kalmado siyang sumagot, “Bibigyan kita ng tatlong buwan. Pwede akong palitan ni Xavia sa tatlong buwan na yun, at pagkatapos nun, maghiwalay na tayo ng landas. Sa tatlong buwan na yun, makikipagtulungan ako sa iyo.”Kaya niyang magtiis pa nang kaunti para sa kapakanan ni Harold.Nag-igting ang panga ni Joseph, madilim ang mga
Read more

Kabanata 292 Mayroong Epekto

“Pero sa palagay ko, hindi ganung klaseng tao si Joseph..”Natahimik sandali si Chloe at nagtanong, “Paano mo nasabi?”“Tingnan mo, sobrang accomplished ni Joseph. Mayaman siya, gwapo, at may prominenteng social standing. Sa isang pitik lang ng daliri niya, maraming babae na ang lalapit sa kaniya. Kung gusto niya talagang magkaroon ng maraming affairs, sa tingin ko, hindi siya mag-aabalang itago pa yun sa iyo. Baka, sabihan ka pa nga niya bago niya gawin. Parang, “My dear, ito ang perang ibibigay ko sa iyo at sa “good sister” mo kada buwan. Magkasundo kayo at alagaan ang isa’t-isa,” Paliwanag ni Emily.“May katwiran nga ang sinasabi mo…” Nag-aalinlangang pag-amin ni Chloe.“Kaya ko sinabing baka misunderstanding ito. Pagkatapos ng lahat, lalo na at inanunsyo na ni Joseph ang relasyon niyo noong team-building trip, napaka-imposible na may mangyari pa sa kanila ni Xavia pagkatapos nun. Hindi ko yun maintindihan,” Sabi ni Emily.“Kung mayroong misunderstanding, yun ang katotohanang m
Read more

Kabanata 293 Pumunta Ka Sa Bahay ko Ngayong Gabi

Para bang may nagtutulak kay Joseph na magtanong, “Pinagsisihan niya ba?”“Nagsisisi ba siya? Oo, oo! Sobra siyang nagsisisi! Ilang araw siyang umiiyak, ikaw lang ang laman ng puso at isip niya!” Mabilis na sagot ni Emily, kasabay nito ay humihingi na rin siya ng tawad kay Chloe.Kahit na hindi naman talaga sinabi ni Chloe na nagsisisi kay Emily, nararamdaman niya ang nararamdaman ni Chloe sa relasyon nila ni Joseph. Kaya naman, pakiramdam ni Emily ay oras na para siya na ang gumawa ng paraan.“Pero ano pang silbi ng pagsisisi niya ngayon? Wala na yun silbi,” Sagot ni Joseph, puno ng sarcasm ang boses niya.Kumurap si Emily. “Kausapin mo siya. Win her back.”Sumingot ang mukha ni Joseph at hindi na namansin. ‘Kausapin siya? Kalokohan. Bakit niya naisip na hindi ko kayang mabuhay nang wala ang dumbo na yun?’Pinanood ni Emily ang pag-alis ng Rolls-Royce, naiwan ang isang tanong sa isipan niya.Anong ibig sabihin nun? May epekto ba ang ginawa niya?Kahit ano pa man ang maging res
Read more

Kabanata 294 Gawa Ba Sa Bato ang Puso Mo

Makalipas ang isang oras, dumating si Joseph sa ospital, nakasunod sa kaniya si Lucas at Wren.Sumilip si Joseph sa hospital ward at nagtanong, “Dumating na ba ang mga pulis?”“Oo, may malay na rin si Benjamin. Kinukwestiyon siya ngayon,” Sagot ni Chloe.Tumango siya, kumatok sa pinto, at pumasok sa kwarto. Nakikipagtalo pa si Benjamin hanggang sa dumating si Wren sa harapan niya. Agad siyang nawalan ng lakas.Tiningnan ni Benjamin si Chloe at sinabing, “Matagal mo na ba itong pinaplano?”“Hindi naman. Nang mag-divorce lang kayo ni Karen,” Sagot ni Chloe.“At minanipula mo rin ang paternity test?” Tanong ni Benjamin.“Pwede mo rin sabihin yan,” Kumpirma ni Chloe.Sa mga salitang yun, nabasag ni Chloe ang natitirang ilusyon ni Benjamin. Inamin niya agad ang kasalanan niya at sinabing si Karen ang mastermind.Dahil sa seryoso ang krimen na ito, mabilis na inaresto ng mga pulis si Karen. Nang maaresto siya, nasa isang beauty salon si Karen kasama ang isang kaibigan, pinagmamayaba
Read more

Kabanata 295 Ayaw ko ng Babaeng Tulad Niya

Dahan-dahang binaling ni Chloe ang tingin mula sa financial report at saka tiningnan si Ava. Tumawa siya, “Kung ayaw mong malaman ng iba yun, huwag mong gawin. Ganun lang kasimple yun.”May ilang bagay na may mga kapalit na dapat lumabas.“Huwag mo akong gaguhin. Ang nanay ko ang first love ni Daddy. Ang nanay mo ang dumating at inagaw ang lugar niya. Sa huli, hindi niya man lang maalagaan si Daddy dahil sa nanghihina niyang katawan. Tinapos lang ng nanay ko ang paghihirap niya!”Nanlamig ang ekspresyon ni Chloe, at mabilis niyang kinuha ang mainit na kape sa mesa niya at sinaboy yun sa mukha ni Ava. Napasigaw sa sakit si Ava dahil sa nakakapasong kape, para bang handa na niyang sugurin si Chloe. Gayunpaman, mabilis na umiwas si Chloe, at nakakatawang bumagsak si Ava sa sahig.Ngayong nasabuyan ng kape ang mukha niya, galit na galit ang ekspresyon ni Ava habang pinagbabantaan si Chloe. “Sabihin mo sa mga pulis na pakawalan ang nanay ko ngayon o pagsisisihan mo ito!”“Oh? At bakit
Read more

Kabanata 296 Huwag Ka ng Magpanggap Na Inosente

Pagkatapos dalhin ng mga pulis si Benjamin, bumagsak na ang responsibilidad sa pamamahala ng kumpanya ng pamilya sa mga balikat ni Chloe.Dati ay si Benjamin ang nagbibigay ng tasks sa kaniya, at hindi siya nangingialam sa internal matters. Kahit na mas involved na siya nitong nakaraang mga araw, wala na siyang sapat na oras para asikasuhin ito.Matapos makauwi galing sa ospital, ni-lock ni Chloe ang sarili sa opisina. Nagulat siya sa nadiskubre niyang katotohanan—-hindi nagsinungaling si Benjamin sa kaniya. Dalawang magkasunod na quarter na ang nalugi sa opisina, at kapag nagpatuloy ito, maaari silang ma-bankrupt.Ang tanging project lang na maaaring makabaligtad sa resulta ay ang collaboration sa Graham Group. Na-overwhelm si Chloe sa sitwasyon. Kung hindi sila nag-divorce ni Joseph, baka handa pang tulungan ng mga Graham ang mga Johnson. Pero ngayon….Naging abala si Chloe buong gabi, umisip siya ng mga paraan para mabaligtad ang sitwasyon. Binalewala niya ang plano ni Benjamin
Read more

Kabanata 297 Sige Ba

Nagsalubong ang mga kilau ni Joseph sabay hawak sa baba ni Chloe, pinwersa niya itong tumingin sa kaniya. “Huwag mong subukan. Sasabihin ko kay Icarus ang lahat at ipapaintindi ko sa kaniya kung paano mo ako sambahin noon.”Naging mapait ang ekspresyon ni Chloe. “Bakit ka pa mag-aabala? Hiwalay na tayo. Bakit kailangan mo pa rin akong ipahiya nang ganito?”“Nag-eenjoy ako,” Malamig na sagot ni Joseph.“Pero ayaw ko!” Protesta ni Chloe.Bumugso ang galit sa puso ni Joseph at agad niyang hinalikan ang mga labi ni Chloe. Para bang kapag pinatahimik niya si Chloe, hindi niya na maririnig ang mga salitang ayaw niyang marinig. Imposibleng makalimutan niya si Chloe habang nabubuhay pa siya.Nanlaki ang mga mata ni Chloe at tinulak nang malakas si Joseph. Hindi niya inaasahan na magagawa niya ngang maitulak palayo ang palaki, pero bago pa siya makahinga, binuhat na siya nito at nagpunta sa kwarto.Nataranta si Chloe at sinubukang magpumiglas. “Anong ginagawa mo?! Hindi ka ba natatakot na
Read more

Kabanata 298 Bakit Ayaw Mo Kay Tito Icarus

“Baliw ka ba? Hindi ka ba natatakot na malaman ito ni Xavia?” Sigaw ni Chloe.“Anong pakialam niya?” Walang emosyong sagot ni Joseph sabay suklay sa ilang hibla ng buhok ni Chloe at inamoy yun.Nanatiling tahimik si Chloe.‘Napakagago!’Bukod sa mahigpit na yakap ni Joseph na muntik na niyang ika-suffocate, walang nangyari buong magdamag. Matapos tiisin ang isang gabi ng kahihiyan, umuwi si Chloe sa bahay niya kinabukasan at nag-shower. Nang malinis na siya, naghanda siya ng orange juice at nagbihis ng kaniyang work attire.Bigla naman kumatok sa pintuan niya si Jake.Nagulat si Chloe. “Anong ginagawa mo dito?”“Sinabi sa akin ng mom ko na may nangyari sa pamilya mo at naaresto sina Benjamin at Karen. Nag-alala ako sa iyo, kaya pumunta ako dito para makita ka,” Paliwanag ni Jake.“Ako ang nagpakulong sa kanila. Anong pinag-aaalala mo?” Sagot ni Chloe.Napakamot ng ulo si Jake, “Baka gantihan ka ni Ava.” Lalo na at alam niya ang mapaghiganging nature ni Ava.Inubos agad ni Chl
Read more

Kabanata 299 Makikipaghiwalay ako Kay Ava

Pasensya na, Ms. Chloe, pero nasa meeting ngayon si Mr. Alexander at hindi niya kayo makakausap.”Tinikom ni Chloe ang mga labi at nagtanong, “Kung ganon, pwede ko bang malaman kung may oras siya pagkatapos ng meeting? Pwede akong maghintay.”Magalang ulit siyang tinanggihan ng secretary, “Fully booked ang schedule ni Mr. Alexander ngayong araw.”Sa madaling salita, hindi siya kakausapin ni Alexander ngayon.Napuno ng pagkadismaya ang ekspresyon ni Chloe habang nagsasalita, “Salamat.”Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng secretary. Gayunpaman, maiinis lang ang mga tao sa kaniya kung magpupumilit siya. Sa dahilan naman sa likod ng pagbabago ng isip ni Mr. Alexander, kailangan niya yun malaman para makahanap siya ng tamang isasagot.Biglang lumabas si Chloe ng Graham Group Office. Nakita niya ang isang makinang na pink sports car sa sulok ng mga mata niya. Huminto siya at lumingon. Nakaupo si Adam at isang bata at magandang babae sa loob ng kotse, nag-uusap sila at nagtatawanan. Ma
Read more

Kabanata 300 Kakaibang Charm

Light make-up lang ang suot ng petite na babae at elegante ang suot nitong business suit na mas nagbigay diin sa kaniyang mga kurba. Habang hawak-hawak ang isang folder, kahanga-hanga ang dating niya.Napakurap si Joseph, gumalaw ang Adam’s apple niya nang dumapo ang kaniyang tingin kay Chloe.Nakita ni Chloe na napansin siya ni Joseph at tahinik niyang sinuportahan ang sarili, professional siyang ngumiti at lumapit. Marahan siyang kumatok sa pinto ng kotse, senyales na may gusto siyang sabihin. Binaba ni Joseph ang bintana, walang emosyon ang tingin niya.“Mr. Joseph, kung may oras kayo, gusto ko kayong imbitahang kumain. Gusto ko rin makuha ang input niyo tungkol sa proposal na ito,” Sabi niya, wala siyang anumang personal na emosyon.“Walang collaboration ang Fairlight sa kumpanya mo, tama?” Tanong niya.“Wala, pinasa ko ang proposal na ito sa Grahams kaninang umaga. Nabanggit niyo na hindi acceptable ang proposal, at gusto ko sanang malaman kung anong mali dito at kung paano k
Read more
PREV
1
...
2829303132
...
37
DMCA.com Protection Status