All Chapters of Trapped in Love: Chapter 331 - Chapter 340
364 Chapters
Kabanata 331 Mag-usap Tayo
“Ama!” bigla may sumigaw matapos magsalita ang aroganteng babae.Napatingin si Caroline at matandang lalake sa isang middle-aged na lalake na nakasuot ng suit at leather shoes na nagmamadali palapit sa kanila at kinakabahan.Nabigla si Caroline ng makita ang lalake, iniisip, “Hindi ba’t siya si Joseph Gull mula sa Merlin School?”Nakilala niya ang lalake dahil sa paghahanap niya ng school para sa mga bata. Isa siyang principal ng isang internationally acclaimed na school kabilang na ang elementary, middle at high school.Lumapit si Joseph sa matandang lalake at nagtanong, “Ama, bakit ka pumunta dito ng mag-isa?”Ngumiti si Sam Gull at sumagot, “Napagdesisyunan ko maglakad-lakad at tignan ang bagong import na materyales para sa damit ng mga bata.Ngumiti si Joseph at bumuntong hininga. “Ama, puwede naman na ako na ang gumawa nito.”“Hindi kailangan,” sambit ni Sam. “Nakahanap na ako ng nararapat na fashion company.”Habang nakangiti, humarap si Sam kay Caroline at nagtanong, “Mi
Read more
Kabanata 332 Hindi Mo Ginawa Ang Iyong Tungkulin
Sa oras na sinabi iyon ni Kenny, tumayo agad si Alex at naupo sa tabi ni Evan.Isang upuan na lamang ang bakante sa tabi ni Evan ngayon.Kasabay nito, tinapik ni Alex ang bakanteng upuan sa tabi niya at hiniling kay Paige na maupo siya dito.Tinitigan ng masama ni Kenny si Alex. “Sinasadya mo ito, tama?”Tinawanan lang siya ni Alex. “Hindi ko maramdaman ang air-con dyan. Naiinitan ako kaya ako lumipat ng upuan.”Kumibot ang mga labi ni Kenny habang pinapagalitan siya, “Ikaw na p*ta ka! Sinadya mo ito para umupo dyan si Caroline!”Ginalit siya ni Alex. “Bakit hindi ka maupo sa iba?”Nagmura ng pabulong si Kenny, “T*ng ina! Hindi ko hahayaan magdusa si Caroline kung wala lang si Alisa dito.”Tinitigan ng masama ni Evan si Kenny ng marinig iyon.Walang nagawa si Kenny kung hindi sumuko. Suminghal siya bago nanahimik.Nahirapan magdesisyon si Caroline. Itinulak niya si Paige. “Mauna ka na.”Tumigil sa pagtitig ng masama si Paige kay Alex. “Naiintindihan ko. Huwag mo awayin si Mr
Read more
Kabanata 333 Isasama Kita Mula Dito
Dalawang putok ng baril ang agad na narinig pagkatapos.Takot na sumigaw si Caroline.Ngunit, nanatiling seryoso ang ekspresyon ni Evan habang hawak niya ang braso ni Caroline at ginabayan siyang maupo sa sahig.Nagsimulang magtakbuhan ang mga bisita sa paligid, itinutulak ang mga upuan. Tumama ang mga upuan sa mga tao.Mahigpit na hinawakan ni Evan si Caroline at kalmadong nagsalita. “Huwag ka matakot. Isasama kita mula dito.”Narinig ni Evan ang sigaw ni Alex mula sa likod. “Evan! Sa likod mo!”Agad na tumalikod si Evan at nakakita ng payat na lalake na sinusubukan siyang saksakin gamit ang patalim. Kaya, hinatak niya si Caroline para protektahan.Nahiwa ng lalake ang braso ni Evan. Nanlaki ang mga mata ni Caroline at sumigaw “Evan!”Sumigaw ang umaatake, “P*ta! Dapat kayo mamatay! Gusto ko patayin ang mga capitalist na tulad ninyo!”Walang pakielam na tinignan ni Evan ang braso niya at sinipa ang umaatake sa dibdib bago pa siya makahiwa muli.Kasabay nito, bumagsak siya
Read more
Kabanata 334 Muli Mo Siyang Iibigin
Sumimangot si Alex at naiinis na sinabi, “Hoy, hindi malamig ang tingin mo kanina kay Caroline!”Mapanghamak siyang tinignan ni Evan. “Baka mandiri ako sa iyo.”Ngumiti si Alex. “Nagbibiro lang ako. Ganito kaya? May sasabihin ako sa iyo dahil may sugat ka.”Naging seryoso si Evan. “Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo.”Sinabi ni Alex, “Icecelebrate ni Caroline ang birthday bukas ni Paige sa Starry Campsite. Pare, isinusugal ko na iwan ako ni Paige sa pagsabi ko nito sa iyo.”Nagtanong si Evan, “Iyon lang?”Nagdududa siyang tinignan ni Alex. “Hindi ka pupunta?”Nanahimik si Evan at tumalikod para bumaba ng sasakyan, iniwan si Alex sa loob.Kaya, naguluhan si Alex.*Nakabalik si Evan sa Villa Rosa, pero nakita niyang natutulog si Axel sa sofa. “Bakit wala ka sa kama?”Iminulat agad ni Axel ang mga mata niya ng marinig ang boses ni Evan. “Hinihintay kita.”Sinabi ni Evan, “Gabi na. Dapat natutulog ka na sa kama. Sasama ako bukas para makita ang nanay mo.”Natulala si
Read more
Kabanata 335 Mag-isa Akong Pupunta
Sinabi ni Kenny, “Sige! Huwag mo kalimutan ang sinabi mo. Kung hindi, masasaktan ka nanaman.”Tumango si Caroline at umakyat patungo sa kuwarto ng mga anak niya.Nagkukuwento si Neil ng istorya sa mga bata ng mahina ang boses ng makita niyang pumasok si Caroline. Agad niyang sinenyasan si Caroline na maging tahimik.Matapos iyon, ibinaba niya ang libro at tahimik na lumabas ng kuwarto. Isinara niya ang pinto at nag-aalalang nagtanong, “Carol, namumutla ka. Anong nangyari?”Hinawakan ni Caroline ang mukha niya at sinabi ang totoo, “Wala. May kriminal lang sa exhibition.”“Kriminal?” tumaas ang boses ni Neil, tinignan niya si Caroline at hinawakan ang mga kamay, “Nasaktan ka ba?”Ibinaba niya ang mga kamay ni Neil, “Neil, okay lang ako. Huwag ka mag-alala. Natakot lang ako.”Nakahinga ng maluwag si Neil “Masaya akong marinig iyon. Natakot ako.”Ngumiti si Caroline bago naging seryoso. “Neil, parating na ang susunod na linggo.”Nanlumo si Neil. “Alam ko. Ioorganisa ko ang birthda
Read more
Kabanata 336 Focus
Makalipas ang isang oras, naunang dumating si Caroline kasama ang mga bata sa campsite.Ang Starry Campsite ay malawak na campsite na maraming entertainment activities.Noong nalampasan nila kung saan puwede sumakay sa kabayo, itinuro ni Liora ang kabayo at sinabi, “Mommy, puwede ba ako sumakay doon?”Hinawakan ni Caroline ang kamay ni Liora at mabagal na naglakad. “Siyempre, pero kailangan natin hintayin ang ninang mo na dumating muna.”“Nandito na siya.” Sinabi ni Tyler habang nakantingin sa harap.Tumingin si Caroline at nakita si Paige na tumatakbo palapit habang hawak ang kamay ni Alex, masigla silang bumati.Dumating si Paige sa harap ni Caroline at mga bata, tapos hiningal siya. “Hindi kami nalate, tama?”“Hindi, hindi kayo nalate, pero medyo mabagal.” Eleganteng ngumiti si Tyler, niloloko si Paige.Tinitigan siya Paige ng masama. “Para kang ama mo!”Noong sinabi niya iyon, naguguluhang tinignan ni Alex si Tyler. Tumigil sa pag ngiti si Tlyer.Napaisip si Alex, “Ang ug
Read more
Kabanata 337 Hindi Ito Nababagay
Galit na tinapakan ni Paige ang paa ni Alex. “Alam ko ang iniisip mo!”Napapikit sa sakit si Alex at hinawakan ang paa niya. “Hindi ka ba puwede maging mahinhin?”“Oh, nandidiri ka na sa akin ngayon huh?” tumaas ang boses ni Paige. “Oo, ganoon ako. Bakit mo hinihiling na magbago ako?“At huwag mo ako kulitin kung mas gusto mo ng mahinhin na babae. Pug, huwag mo ako galitin ngayon!”Matapos magtagumpay sa pagtuon ng atensyon ni Paige sa ibang bagay, ngumiti si Alex at huming ng tawad. “Okay. Ako ang mali. Lapit ka. Hayaan mong yakapin kita.”Sumimangot si Paige bago yumakap kay Alex.Walang masabi si Caroline at Evan sa pag-uusap nila.Nakaramdam ng panghahamak si Evan ng humarap siya at kinuha ang tongs mula kay Caroline, “Ako na,” sambit niya.Dahil hindi kumportable ang pakiramdam ni Caroline, tahimik siyang umusog sa kabilang banda para kumain ng prutas.*Ang triplets ay nasa loob ng tent at magkakaharap.Nagkrus ang mga kamay ni Liora habang nakatitig kay Axel. “Axel, m
Read more
Kabanata 338 Humingi ng Tawad
Habangnag-iisip si Liora ng paraan kung paano humingi ng tawad, nakalapit na si Olivia kay Evan. “Huy pogi, tulungan kita sa apoy mo,” nahihiya niyang sinabi.Nagdududang tinignan ni Olivia si Evan. Bago pa siya makapagsalita, kinuha niya ang kamay ni Evan.Agad na umatras ng kamay si Evan at hindi natutuwang tinignan si Olivia. Malamig siyang nagbigay ng babala, “Huwag mo ako hawakan!”Lalo nahiya si Olivia ng tignan si Evan. Itinaas niya ang kamay niya at tinapik ang braso niya. “Oh, hindi mo kailangan mahiya sa akin. Naiintindihan ko.”Sumimangot si Evan. “Anong sinasabi mo?”Namula si Olivia na parang kamatis. Isinara niya ang kanyang bibig at siniko ng mahina si Evan. “Alam mo. Tanggap ko ang nararamdaman mo, hindi mo kailangan mahiya sa akin.”Walang masabi si Evan.Natulala si Caroline at iba pa na nakakakita sa eksena.Anong nangyayari?Sinabi ni Paige, “Oh my goodness! Sobrang pogi ni boss at nakaakit siya ng hindi kilalang babae para tulungan siya!”Pinigilan ni Ale
Read more
Kabanata 339 Pinakamabangis na Kabayo
Pinunasan ni Liora ang mga luha niya at bumaba mula sa mga braso ni Paige. Habang humihikbi, lumapit siya kay Olivia.Tinignan ni Olivia si Liora at nagulat habang palapit ang bata sa kanya. “Uy bata, bakit ka umiiyak?”Nanginig ang maliit na katawan ni Liora habang nauutal siya, “Pasensiya na. Nagsinungaling ako sa iyo. Hindi ka talaga niya hinahanap. Nagsinungaling ako para lumapit ka. Patawad.”Sinabi ni Olivia, “Okay lang. Nasimulan naman na ang apoy, kaya mauuna na ako bumalik. Huwag ka na umiyak, bata.”Lumapit si Caroline kay Olivia at humingi ng tawad. “Pasensiya na sa abala. Patawad dahil sa ikinilos ng anak ko.”“Okay lang! Huwag mo na ito isipin!” kumaway lang si Olivia at umalis.Tinignan ni Caroline si Liora at sinabi, “Kailangan mo humingi ng tawad sa isa pang tao.”Yumuko si Liora at humarap kay Evan, “Masama— Patawad!”Matapos makita ang mga nangyari, naintindihan ni Evan kung anong nangyayari.Itinaas niya ang kamay niya at tumigil sandali bago ito inilagay sa
Read more
Kabanata 340 Lumayo Ka Sa Akin
Naiinis na tinignan ni Evan si Alex at sinabi, “Ang dami mong oras.”Hinawakan ni Alex ang ilong niya. “Uy, nagbibiro lang ako. Ikaw talaga.”“Ano iyon?” Nagulat si Paige at nagtanong, “Hinahabol ng horse trainer si Carol?”Humarap si Evan at Alex sa horse trainer na mabilis na palapit kay Caroline. Nababalisa ang itsura ng horse trainer na tila sinasabi sa kanilang may mali.Pagkatapos, dalawag horse trainer ang humabol sa kanila mula sa stable.Noong makita ito ni Evan, tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at naglakad sa staff member ng malagim ang ekspresyon.Sumunod si Alex at Paige.Nagtanong agad si Evan, “Anong nangyayari?!”Nautal ang staff member, “Ang sinasakyan ng babae na kabayo ang pinakamabangis sa stable…”Bago pa sila matapos magsalita, nakarinig sila ng malakas ng tunog kasunod ng boses ni Caroline.Humarap si Evan at nakita ang puti na kabayo na lumabas na ng racecourse kasama si Caroline.Ibinuka ni Evan ang bibig niya at sinabi, “Maiwan kayo dito at ban
Read more
PREV
1
...
323334353637
DMCA.com Protection Status