Home / Romance / GENUINE LOVE IN DECIET / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng GENUINE LOVE IN DECIET : Kabanata 31 - Kabanata 40

186 Kabanata

Chapter 31: ASSASSIN'S CLUTCHES

Mulagat ang mga mata ni Clary na nakatitig sa mga mata ng taong umatake sa kaniya. Nakatalukbong ang hood nito sa ulo. May takip ang mukha nito at mga mata lang nito ang makikita. Pero ang mga matang iyon ay familiar sa kaniya at naging dahilan iyon ng pagtibok nang malakas ng puso niya. Katakot-takot ang aura nito ngayon, dahil tila bihasa ito sa assasin na galawan, idagdag pa ang suot nitong itim na cloak. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa dahil may tape ang bibig niya. May ginamit itong bagay, tila lock-hook na ni-lock nito sa coil na nasa katawan niya at sa tagiliran nito. Sunod na ginawa nito, ay hinawakan siya nito sa baywang, at mas lalong naging familiar ang mga higpit ng braso nito sa katawan niya. Isang assasin ang lalaking ito, halata sa mga bagay na ginagamit nito ngayon. Snake chain, maliit lang pero halatang matibay. Mula sa relo nito, lumabas ang tila wire din, halatang matibay at saka lang niya narealize na bukas ang pintuan papuntang balcony dahil nang lum
Magbasa pa

Chapter 32: BEYOND FALSE BELIEFS

"Basag ba perfume bottle, bukas ang glass door..." Art trailed off, inulit lang ang sinabi ni Viana. Hindi naman intensyon ni Viana na abalahin ang ibang tao sa problema niya ngunit tumawag itong si Art at sinabing gustong makausap si Clary. Kaya napilitan narin siyang sabihin rito ang totoo. Dahil sa impormasyon na nakuha nito mula sa kanya, pumunta ito mismo sa mansion niya. "Iyon ang nakita ko sa kwarto niya at ayon sa mga bantay isang lalaking naka-itim ang nakita nilang kinuha si Clary. Nakatapis lang ng tuwalya ang kaibigan ko, nag-aalala ako baka kung ano ang gawin ng taong iyon sa kaniya," depressed niyang sabi, tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha sa kaniyang mga mata. Dulot rin iyon ng mga negatibong pangyayari na naglalaro sa isipan niya kay Clary. Natatakot siya na baka isa sa mga iyon ay maging totoo. Masyado ng marami ang pinagdaanan ni Clary, nahirapan na ito, tapos dumagdag pa ang lalaking iyon. Para tuloy sinumpa ang kaibigan niyang humarap sa mga ganitong klaseng
Magbasa pa

Chapter 33: BEHIND THE VEIL

"Hindi kasi tunay na kapatid ni Clary sila Jasper and Ruby kaya kahit isang parte ng mga Alliarez walang iniwan sa kanila. Akala kasi ni Jasper mabibigyan rin sila, kasi sabay-sabay silang lumaki ni Clary, pero noong mawala ang daddy nila, na kay Clary lahat ng yaman. Kaya naisipan nilang kuntiyabahin ako, mahal ko si Ruby noon kaya pumayag ako," salaysay ni Tristan, habang nakaupo sa upuan na nakatali. Inuto ito ni Cassandra, paglabas ni Tristan noon sa Luminara Gala night venue, binihag ito ni Cassandra at ngayon ay ini-interview niya ito sa loob ng abandonadong silid. Tinali niya ito sa upuan, at pilit na pinapaamin. Hindi naman siya nahirapan na paaminin ito, dahil dere-deretso ang salaysay nito, hindi pa nga niya nasasaktan. Humarap rin siya rito na walang takip ang mukha kaya alam na nito ngayon na kambal siya ni Clary. "Pero..." Tristan trailed off. "Habang tumatagal ang relasyon namin ni Clary, nahuhulog na rin ako." Napairap siya sa sinabi nito pero hinayaan niya rin itong
Magbasa pa

Chapter 34: MISTAKES

"Congee!"Ang Congee ay Arroz Caldo ang tawag sa tagalog. Iyon ang dala-dala ni Gran papunta sa kanila na nakaharap na sa isang chabudai uri ng lamesang madalas ginagamit ng mga chinese. Mababa lang ito, at ang upuan naman ay halos nakasalampak lang sila sa sahig. Katulad ng inaasahan ni Caitlin, kinuha ni Cassandra ang pandak na kutsara at tiningnan kung may itlog bang nilagay si Gran. Mayroon itong isa at tiningnan pa ang isang mangkok, may-roon din. Gamit ang magkabilaang kamay na may mga kutsara inangat pa nito ang dalawang itlog upang tingnan kung alin ang mas malaki. Iyon ang kukunin nito, pero atat na siyang kumain. Lalo na't umaga, nangangailangan siya ng pampainit sa tiyan kaya kinuha na niya ang isa na mas malapit sa kaniya. "Hoy!" suway nito sa kaniya. Sinamaan niya ito ng tingin. "Parehong size lang to," katwiran naman niya. Napanguso na lang ito at kinuha na lang ang isang mangkok. Napahinga na lang ng malalim si Gran. "Dapat pala binumbahan ko muna ang mga itlog para
Magbasa pa

Chapter 35: PEOPLE UNDER HIS THUMB

Hindi alam ni Clary kung anong klaseng isla sila, Spratly pa rin naman pero ang sa loob kasi ng Spratly iba't-ibang isla ang naroon at hawak iyon lahat ni Knox. Iyon nga lang hindi niya alam kung anong klaseng isla itong pinagdalhan sa kaniya. Halatang maliit lang, mabato, may mga niyog, ngunit may malaking bahay, hindi ito mansion, malaking bahay lang na kompleto sa gamit. May mga puno rin ng kahoy pero mga iilan lamang. Kung may mga mapakinabangan dito sa isla iyon ay ang mga pangingisda. Hindi niya inasahan na may mga tao ring nakatira dito. May mga magkakapamilya rin dito ngunit ayon kay Barth ang mga magkakapamilya rito ay mga pamilya ng mga tauhan ni Knox. Napaka-preska ng simoy ng hangin, amoy dagat. May mga mabundok din na bahagi pero hindi gaano kataas. Umalis si Knox kasama ni Darwin gamit ang private jet, isa rin sa mga isla sa Spratly ang private landing strips nito. Kaya ang naiwan sa kaniya ay si Barth at mga tauhan ni Knox. May mga babae rin, dalagita at binatilyo n
Magbasa pa

Chapter 36: ISLAND ULTIMATUM

"Sino nagbigay ng Chico?!" sigaw pa ni Knox na mas nag-pagitla pa sa lahat. Himas-himas niya ang tiyan niya at inabot ang baso ng tubig na binigay sa kaniya ng isa sa mga babae na takot na takot rin. Siniko niya sa braso si Knox at uminom ng tubig. Inulit pa nito ang tanong at mas malakas pa, "Ulit! Sino ang nagbigay ng Chico?!" Pati siya kinakabahan sa ginagawa nito. Saktong pagbalik niya ng baso, humakbang paabante ang babaeng umiiyak na. "A-Ako po." Bumaling ang mga nanlilisik na mga mata ni Knox rito. "Ikaw..." he groaned. "Anong nilagay mo sa Chico?" Napanganga siya sa tanong nito. Awtomatiko umiling ang babae. Hinila niya ang braso nito pabigla. "Hoy anong—" "W-Wala po boss. Preska po ang Chico, b-bagong pitas po," nanginginig na umiiyak na sagot nito. Tinuloy niya ang balak niyang sabihin. "Anong pinagsasabi mo diyan? Anong nilagay?" "Malay ba natin, may mga taong ayaw sa pamamalakad ko rito kaya balak kang saktan," anito. Napaawang siya sa baluktot nitong rason, k
Magbasa pa

Chapter 37: PREGNANCY TEST

Kung may nakilala man si Clary ng taong sobrang segurista si Knox na iyon. Ultimo pagkuha niya ng urine sample, gusto pa talaga nitong sumama sa loob ng banyo. Ngayon nagtutulakan sila ng pintuan ng CR. Tinutulak niya ito pasara, tinutulak naman nito pabukas. "Hindi kita dadayain, ano ba!" sigaw niya rito. "Mahal nga ang tiwala ko, diba? Buksan mo ito, kapag ikaw madulas diyan!"Hindi naman basa ang sahig ng banyo pero kung mapuwersahan nito ang pagtulak ng pintuan, matutumba siya. "Kaya nga huwag ka na pumasok. Sobrang awkward iyang gusto mo!""Walang awkward sa mag-asawa!""Hindi pa ako nakapirma ng marriage contract kaya hindi pa tayo mag-asawa—ah! Ano ba, Knox!" tili niya nang lumaki ang pagbukas nito ng pinto. Agad itong pumasok at wala na siyang nagawa. Padabog siyang naghawi ng buhok at sinamaan ito ng tingin. Sinara nito ang pinto at inutusan siya. "Ngayon, ihi!""Ayoko," pagmatigas niya. Sino ba naman kasi ang tängä na iihi siyang nanonood ito at makikita nito kung paano
Magbasa pa

Chapter 38: ABOUT DREADBLOOD

Giliw na giliw si Knox habang pinagmamasdan si Clary na pinipirmahan ang marriage contract. Simpleng masamang tingin lang ang ipinukol nito sa kaniya at pumirma agad. Pagkatapos, hinagis nito ang papel papunta sa kaniya kaya palutang-lutang ito sa hangin at bago ito lumapat sa sahig kinuha na niya ito sa ere. Binato rin nito sa kaniya ang ballpen at nasalo rin niya. "Ayos iyan, kinasal ako na walang wedding gown."Tumaas ang sulok ng labi niya. "Atleast ako ang nakauna sa'yo, ako rin ang napangasawa mo, ako ang tatay ng anak mo. Malinis ka pa rin." Huminga ito nang malalim at nagpaikot ng mga mata. "Whatever." Tumayo ito. "Nagugutom ako at masarap kumain ng inihaw na isda—Rellenong bangus." Napangiti siya at nagagalak na ibigay ang gusto nito. "Dara!" tawag niya sa kusinera sa bahay nilang iyon. "Po?" sagot nito sa kusina at lumabas din agad. "May ipag-uutos ka po ba, boss?""Gustong kumain ng asawa ko ng Rellenong bangus. Magluto ka ng masarap," aniya. "Sige po, boss," anito at
Magbasa pa

Chapter 39: THE BULLET'S TARGET

Walang pang-itaas, kasalukuyang nakaharap si Tristan sa salamin, naroon ang bakas ng mga sugat na binigay sa kaniya ng kapatid ni Clary. Okay na siya, nakalabas na siya ng hospital, at ang usapan nila ng babaeng iyon, doon siya kakapit. Mas maiging kakampi siya sa mas malakas, para sa buhay niya at para kay Clary na bumalik sa kaniya. Nararamdaman na niyang nagdududa sa kaniya si Jasper, at hindi na siya pwedeng umasa sa proteksyon ni Ruby. Nawawala ang pagmamahal niya sa babae, nahihirapan siyang pakisamahan ito minsan. Ngunit nakita niyang labis itong nag-aalala, katulad sa ngayon na isa-isa nitong nilalagyan ng ointment ang mga peklat niya. Maalaga ito sa balat niya noon pa, at higit na nasaktan nito nang makita ang sitwasyon niya. Nasa katawan pa niya ang sulat, peklat rin iyon na ginawa ng babaeng assasin sa kaniya. "Okay na, baka mabagot si kuya roon, magalit pa iyon mamaya," anito at sinuotan siya ng damit. Nagpatianod lang siya sa gusto ng mga ito. Sabay silang bumaba ni R
Magbasa pa

Chapter 40: DREADBLOOD LIVELIHOOD

"Kapag may nagtapon ng basura sa dagat pinäpäpätay mo, totoo ba?" animo'y nananaway na tanong ni Clary sa asawa. Kasalukuyan silang nasa yate at sinusuutan siya nito ng fins sa mga paa. "Oo," sagot naman nito na walang pag-alinlangan na para bang walang konsensiya. "Para magtanda sila, bawal magtapon ng basura sa dagat, rule na hindi kayang gawin ng mga pinoy," paliwanag pa nito. "Para magtanda sila? Paano nga magtanda kung pâtây na? Nasaan ang chance?" Simamaan niya ito ng tingin. "Kaya nga walang may gumagawa kasi walang chance. Wala sa bokabularyo ko ang second chance, mamimihasa ang mga tao rito kapag i-tolerate ko iyon," paliwanag na naman nito. May punto rin naman, brutal nga lang. Ginalaw-galaw niya ang paa niyang may suot na fins. Nagpatong ito ng braso sa tuhod habang naka-upo pero hindi lapat sa sahig ng yate ang pwet. "Hindi mo madidisiplina ang sarili mo kung wala kang kinakatakutan. Disiplinado lahat ng tao rito dahil buhay nila ang kapalit kapag nagkamali." "Paano
Magbasa pa
PREV
123456
...
19
DMCA.com Protection Status