Hindi alam ni Clary kung anong klaseng isla sila, Spratly pa rin naman pero ang sa loob kasi ng Spratly iba't-ibang isla ang naroon at hawak iyon lahat ni Knox. Iyon nga lang hindi niya alam kung anong klaseng isla itong pinagdalhan sa kaniya. Halatang maliit lang, mabato, may mga niyog, ngunit may malaking bahay, hindi ito mansion, malaking bahay lang na kompleto sa gamit. May mga puno rin ng kahoy pero mga iilan lamang. Kung may mga mapakinabangan dito sa isla iyon ay ang mga pangingisda. Hindi niya inasahan na may mga tao ring nakatira dito. May mga magkakapamilya rin dito ngunit ayon kay Barth ang mga magkakapamilya rito ay mga pamilya ng mga tauhan ni Knox. Napaka-preska ng simoy ng hangin, amoy dagat. May mga mabundok din na bahagi pero hindi gaano kataas. Umalis si Knox kasama ni Darwin gamit ang private jet, isa rin sa mga isla sa Spratly ang private landing strips nito. Kaya ang naiwan sa kaniya ay si Barth at mga tauhan ni Knox. May mga babae rin, dalagita at binatilyo n
"Sino nagbigay ng Chico?!" sigaw pa ni Knox na mas nag-pagitla pa sa lahat. Himas-himas niya ang tiyan niya at inabot ang baso ng tubig na binigay sa kaniya ng isa sa mga babae na takot na takot rin. Siniko niya sa braso si Knox at uminom ng tubig. Inulit pa nito ang tanong at mas malakas pa, "Ulit! Sino ang nagbigay ng Chico?!" Pati siya kinakabahan sa ginagawa nito. Saktong pagbalik niya ng baso, humakbang paabante ang babaeng umiiyak na. "A-Ako po." Bumaling ang mga nanlilisik na mga mata ni Knox rito. "Ikaw..." he groaned. "Anong nilagay mo sa Chico?" Napanganga siya sa tanong nito. Awtomatiko umiling ang babae. Hinila niya ang braso nito pabigla. "Hoy anong—" "W-Wala po boss. Preska po ang Chico, b-bagong pitas po," nanginginig na umiiyak na sagot nito. Tinuloy niya ang balak niyang sabihin. "Anong pinagsasabi mo diyan? Anong nilagay?" "Malay ba natin, may mga taong ayaw sa pamamalakad ko rito kaya balak kang saktan," anito. Napaawang siya sa baluktot nitong rason, k
Kung may nakilala man si Clary ng taong sobrang segurista si Knox na iyon. Ultimo pagkuha niya ng urine sample, gusto pa talaga nitong sumama sa loob ng banyo. Ngayon nagtutulakan sila ng pintuan ng CR. Tinutulak niya ito pasara, tinutulak naman nito pabukas. "Hindi kita dadayain, ano ba!" sigaw niya rito. "Mahal nga ang tiwala ko, diba? Buksan mo ito, kapag ikaw madulas diyan!"Hindi naman basa ang sahig ng banyo pero kung mapuwersahan nito ang pagtulak ng pintuan, matutumba siya. "Kaya nga huwag ka na pumasok. Sobrang awkward iyang gusto mo!""Walang awkward sa mag-asawa!""Hindi pa ako nakapirma ng marriage contract kaya hindi pa tayo mag-asawa—ah! Ano ba, Knox!" tili niya nang lumaki ang pagbukas nito ng pinto. Agad itong pumasok at wala na siyang nagawa. Padabog siyang naghawi ng buhok at sinamaan ito ng tingin. Sinara nito ang pinto at inutusan siya. "Ngayon, ihi!""Ayoko," pagmatigas niya. Sino ba naman kasi ang tängä na iihi siyang nanonood ito at makikita nito kung paano
Giliw na giliw si Knox habang pinagmamasdan si Clary na pinipirmahan ang marriage contract. Simpleng masamang tingin lang ang ipinukol nito sa kaniya at pumirma agad. Pagkatapos, hinagis nito ang papel papunta sa kaniya kaya palutang-lutang ito sa hangin at bago ito lumapat sa sahig kinuha na niya ito sa ere. Binato rin nito sa kaniya ang ballpen at nasalo rin niya. "Ayos iyan, kinasal ako na walang wedding gown."Tumaas ang sulok ng labi niya. "Atleast ako ang nakauna sa'yo, ako rin ang napangasawa mo, ako ang tatay ng anak mo. Malinis ka pa rin." Huminga ito nang malalim at nagpaikot ng mga mata. "Whatever." Tumayo ito. "Nagugutom ako at masarap kumain ng inihaw na isda—Rellenong bangus." Napangiti siya at nagagalak na ibigay ang gusto nito. "Dara!" tawag niya sa kusinera sa bahay nilang iyon. "Po?" sagot nito sa kusina at lumabas din agad. "May ipag-uutos ka po ba, boss?""Gustong kumain ng asawa ko ng Rellenong bangus. Magluto ka ng masarap," aniya. "Sige po, boss," anito at
Walang pang-itaas, kasalukuyang nakaharap si Tristan sa salamin, naroon ang bakas ng mga sugat na binigay sa kaniya ng kapatid ni Clary. Okay na siya, nakalabas na siya ng hospital, at ang usapan nila ng babaeng iyon, doon siya kakapit. Mas maiging kakampi siya sa mas malakas, para sa buhay niya at para kay Clary na bumalik sa kaniya. Nararamdaman na niyang nagdududa sa kaniya si Jasper, at hindi na siya pwedeng umasa sa proteksyon ni Ruby. Nawawala ang pagmamahal niya sa babae, nahihirapan siyang pakisamahan ito minsan. Ngunit nakita niyang labis itong nag-aalala, katulad sa ngayon na isa-isa nitong nilalagyan ng ointment ang mga peklat niya. Maalaga ito sa balat niya noon pa, at higit na nasaktan nito nang makita ang sitwasyon niya. Nasa katawan pa niya ang sulat, peklat rin iyon na ginawa ng babaeng assasin sa kaniya. "Okay na, baka mabagot si kuya roon, magalit pa iyon mamaya," anito at sinuotan siya ng damit. Nagpatianod lang siya sa gusto ng mga ito. Sabay silang bumaba ni R
"Kapag may nagtapon ng basura sa dagat pinäpäpätay mo, totoo ba?" animo'y nananaway na tanong ni Clary sa asawa. Kasalukuyan silang nasa yate at sinusuutan siya nito ng fins sa mga paa. "Oo," sagot naman nito na walang pag-alinlangan na para bang walang konsensiya. "Para magtanda sila, bawal magtapon ng basura sa dagat, rule na hindi kayang gawin ng mga pinoy," paliwanag pa nito. "Para magtanda sila? Paano nga magtanda kung pâtây na? Nasaan ang chance?" Simamaan niya ito ng tingin. "Kaya nga walang may gumagawa kasi walang chance. Wala sa bokabularyo ko ang second chance, mamimihasa ang mga tao rito kapag i-tolerate ko iyon," paliwanag na naman nito. May punto rin naman, brutal nga lang. Ginalaw-galaw niya ang paa niyang may suot na fins. Nagpatong ito ng braso sa tuhod habang naka-upo pero hindi lapat sa sahig ng yate ang pwet. "Hindi mo madidisiplina ang sarili mo kung wala kang kinakatakutan. Disiplinado lahat ng tao rito dahil buhay nila ang kapalit kapag nagkamali." "Paano
Kumabog nang malakas ang dibdib niya nang marinig ang pangalan ni Walter. Napababa siya ng mga braso at hinarap ang lalaki. Agad na nagtanong si Knox, "Paano nangyari iyon?" "Ayon kila Dylan, ang CEO ng Azara Gems ang target sana pero sinalo ni Boss Walter ang bala." Nawindang siya sa sagot nito. Gumuhit sa buong sistema niya ang takot. Maging si Knox nagulat sa narinig. Namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata, nanginginig ang kamay niyang napahawak sa bibig niya. "Si Viana?" bangit ni Knox."Nasa hospital ngayon si Boss Walter, critical. Ang problema lang ngayon boss ay ang Woltz-01, kapag wala siya, mahirap iyon," ani pa ng tao niya. Rumagasa na ang mga luha niyang napabulong, "V-Viana..."Sumenyas si Knox rito na umalis. Tumalima rin ang lalaki. "Bakit si Viana?" bulong na tanong ni Knox, nagtataka.Hinawakan niya ito sa braso. "Umuwi na tayo, kailangan ako ni Viana, p-paano kung mapahamak siya?" Umiling siyang umiiyak rito. "Knox, hindi pwedeng napahamak si Viana." Para pumaya
"Inasahan ko nang abangan niyo ako dito," kalmadong sabi niya, at binalingan ito ng tingin, nakatutok ang tulis ng hair stick nito sa kaniya. Natulala lang si Viana sa kanila, panigurado natatakot na ito sa maaring mangyari sa kanila. Parang nalito pa ito kung ano ang gagawin. "Matalas pa rin ang pakiramdam mo hanggang ngayon," puna ni Cassandra. Binawi nito ang talim ng hair stick at binaba ang kamay. Pinakawalan rin niya ito. "At malinis ka pa rin kumilos, inubos mo pa ang mga tao ko," aniya at matigas na ang pang-huling linya. Nakasuot pa rin ito ng black cloak katulad ni Caitlin noon. May veil ito sa mukha, at kumikilos ito sa harap ni Viana. Ibig sabihin itong si Viana may alam na tungkol sa mga Chen. Ano kaya ang dahilan ng mga ito kung bakit ayos lang na pagkatiwalaan si Viana? "Tulog lang sila, after 10 minutes magigising din. Sinigurado ko lang na walang tängäng kikilos para protektahan ka dahil masisira lang ang pag-uusap natin," anito. Tumaas ang sulok ng labi niya. N
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg
Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl
Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si
Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal