Four days, hindi pa rin nakabalik si Knox sa isla. Nangungulila na masyado si Clary, nasasaktan at umiiyak nang palihim. Malungkot niyang hinawakan ang inaabot na juice ni Dara. Mapait itong ngumiti sa kaniya at nagtanong, "May gusto ka bang kainin, Ma'am?" Umiling siya bilang sagot. Minsan nalilito siya sa nararamdaman niya. May mga pagkain siyang ayaw, may mga pagkain siyang gusto pero pagkatapos kumain sinusuka niya lahat. Lagi siyang inaantok, nahihilo, tila wala nang katapusan. Uminom lang siya ng juice at huminga lang ng malalim si Dara. Maya-maya nagtanong siya, "Pangit ba ako?""Ano ma'am?" parang nätätängä namang tanong ng katulong. "Ay hindi ma'am, ang ganda-ganda mo nga eh.""Mahirap ba ako mahalin?" tanong pa niya. Gusto na niyang humugot talaga. "Maraming nagmamahal sa'yo dito, Ma'am." Ngumiti ito sa kaniya nang napakatamis tila ba may goal na pagaanin ang loob niya. "Yong boss mo hindi ako mahal," nagdadrama niyang sabi. Natawa naman ito at tumabi sa kaniya. "Akala
Read more