Home / Romance / Marry Him At The Age Of Eighteen / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Marry Him At The Age Of Eighteen: Chapter 41 - Chapter 50

70 Chapters

41 - SPG!!

Venus POVInisang lagok lang niya ang alak na nasa baso, saka marahas na pinatong ulit 'yon sa lamesa. Narito siya ngayon sa isang bar para uminom ng alak, dahil ilang araw na niyang hindi nakikita si Elijah. Hindi na rin siya makapasok sa kumpanya nito dahil ban daw siya doon sa hindi niya malaman na dahilan."Easy lang sa pag-inom. Hindi ka isang prinsesa na may darating na prinsipe para iuwi ka sa bahay mo," saad ng kaibigan niyang si Sandra."Hayaan mo ako, mainit ang ulo ko ngayon.""Bakit ba kasi?"Nagsalin siya ng alak sa baso niya at ininom muna 'yon bago sagutin ang tanong ng kaibigan niya, "Si Elijah kasi.""Ano?""Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Ban pa ako sa kumpanya niya, hindi ako pinapapasok ng mga guards kahit anong pilit ko.""Tsk. Kulit mo kasi, sinabi naman niyang ayaw na niya 'di ba? Pag-ayaw na, huwag mo ng ipilit!"Nanlisik ang mga mata niyang habang pinapaikot ang baso na may laman na alak at yelo."Ayoko. Matagal na kaming magkaibigan at ang ginagawa na
last updateLast Updated : 2024-04-29
Read more

42 - Biglaang Pagbisita

Elisse POVHabang pababa siya ng hagdan, napansin niya na may babae na nakatayo sa sala, hindi naman si Charlotte 'yon dahil kabisado niya ang pigura, at isa pa, wala pa siyang naririnig na ugong ng kotse na pumasok sa loob ng bakuran kaya nagtaka siya kung sino, pero nang nag-side view ang babae ay doon napakunot ang noo niya dahil kilalang-kilala niya kung sino ang babae.Magkaharap na sila ngayon habang siya ay nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay."Walang party dito. Sa itsura mo mukhang galing ka pang bar."Tumaas din ang kilay nito, at maarteng tumingin sa kanya. "None of your business. Nasaan si Elijah?" Luminga-linga ito sa paligid."Wala rito si Elijah, excuse me rin, dahil may pakialam ako sa business mo dahil dito ka pumunta.""Bahay 'to ni Elijah, puwede akong pumunta rito anytime I want."Napangisi siya. "May permiso ka ba sa may-ari? As far as I know, hindi naman sinabi ni Elijah ang bahay na ito sayo, so paano no nalaman? Nag-hire ka ng expert para matunton ang ba
last updateLast Updated : 2024-04-29
Read more

43 - Lipat Bahay

Charlotte's POV Kanina pa siya nakaupo sa lumang upuan sa isang maliit na kwarto rito sa likod ng bahay ni Elijah. Parang storage room na puro panglinis sa labas ng bahay. Nagtaka nga siya kung bakit pinapunta siya rito ni Elijah no'ng una, pero nagbigay naman ito ng dahilan sa kanya. Ang kotse pala sa labas na hindi familiar sa kanya ay isa sa tauhan nito sa kumpanya, kaya kailangan niyang magtago. Napatampal siya sa binti niya nang may isang lamok ang dumapo, maraming lamok dito sa labas.Tumayo siya at sumilip sa labas. Wala pa siyang nakikita na papunta rito para sabihan siya na pumasok na ng bahay. Ang tagal ata nung tauhan ni Elijah sa loob?Uupo sana ulit siya, pero biglang bumukas ang pinto. Lumingon siya at nakitang si Elijah iyon na may pawis pang pumatak sa gilid ng pisngi nito.Kumunot ang noo niya. "Ayos ka lang ba? Tumakbo ka ba papunta rito?"Umiling naman ito sa kanya saka lumapit. "Sorry kung natagalan."Maliit naman siyang ngumiti. "Ayos lang naman." Tumitig ito sa
last updateLast Updated : 2024-05-11
Read more

44 - Multo Sa Nilipatan?

Charlotte's POV Ngumiti lang siya kay Elisse at hindi na sumagot pa. Nagmamadali na rin naman si Elijah dahil gabi na raw at kailangan na rin nilang maka-punta roon para tuluyang makapag-pahinga.Nakarating na sila sa sinasabing bahay ni Elijah. Hindi ito malaki, puwede na para sa dalawa kung titingnan sa labas, pero hindi niya alam kung ano ang itsura ng loob dahil nasa labas pa sila, baka mas maluwang kung makikita niya."Here's the key. Buksan mo aqg main door, bubuhatin ko lang ang mga maleta. Mauna ka na ring pumasok sa loob."Kinuha niya ang susi at lumapit sa pinto ng bahay. Nang nawala na ang lock ng pinto ay dahan-dahan niya itong tinulak at kinapa ang switch ng ilaw sa gilid. Umikot ang mata niya sa loob. Tama nga ang hinala niya na pang dalawang tao lang ang puwedeng tumira rito, kaysa doon sa mansion ni Elijah na malaki at kahit Ilan pa ang katulong nito ay maluwang pa. "Nagustuhan mo ba?" Lumingon siya kay Elijah habang binababa nito ang maleta sa isang gilid. "Maliit l
last updateLast Updated : 2024-05-17
Read more

45 - Gulat Sa Halik

Charlotte POVNapakunot ang noo niya nang may bagay na humahaplos sa kanyang pisngi. Unti-unti siyang dumilat, at si Honey agad ang bumungad sa kanya. Nakaupo ito sa dibdib niya habang ang buntot nito na gumagalaw ay umaabot sa pisngi niya, kaya pala gumagalaw, buntot pala nito.Tumingin siya sa balcony na nakahawi na ang kurtina. Umaga na pala, parang nagtulug-tulugan lang siya kagabi, nagtuloy-toy na pala. Tumingin siya kay Honey na hindi pa rin umaalis sa ibabaw niya."Nasaan ang amo mo? Hindi ka ata nakasunod sa kanya?"Hindi siya nito pinansin. Nakatingin lang ito sa itaas, dahil may butiki. Napangiti siya ng maliit. Bumangon siya, kasama na si Honey. Binuhat niya ito na parang baby. Wala si Elijah sa kwarto, kaya bababa na siya para tingnan kung nandoon ba ito. Inaantok pa siya habang naglalakad pababa, pero napatigil rin nang nakasalubong niya si Elijah na may dalang pagkain."Gising ka na pala."Tumingin siya sa hawak nito. "Sa taas ka kakain?"Tumingin muna ito sa hawak bago
last updateLast Updated : 2024-05-24
Read more

46 - Pagkikita ni Elijah at Luis

Charlotte's POV Binuksan niya na ang pinto ng kotse at handa na sanang bumaba, nang pigilan siya ni Elijah sa kabilang kamay. Lumingon siya at nagtaka."Bakit?""May nakalimutan ako kanina." May kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito isang maliit na bagay. Hindi niya alam kung ano dahil natatabingan ng daliri ni Elijah. "Here, inumin mo 'to. Hindi ka puwedeng mag-skip ng pag-inom ng vitamins mo."Nilahad ni Elijah ang kamay. Gamot niya nga ang nasa palad nito. Mabuti pa ito, naaalala ang gamot na kailangan niyang inumin. Kinuha niya iyon at ininom, meron naman siyang tubig kaya okay lang na inumin niya na bago pa siya pumasok sa classroom."Salamat sa paulit-ulit na paalala."Maliit namang ngumiti si Elijah. "Sige na pumasok ka na sa klase mo. Anong oras nga pala kita susunduin?""Mga bandang alas-singko siguro, busy kasi kami ngayong buwan na ito kaya may times na late na kaming palabasin."Tumango naman si Elijah. "Okay. Babalik ako before five o'clock."Napangiti naman siya. "Ingat
last updateLast Updated : 2024-05-29
Read more

47 - Siya Na Nga Ba?

Elijah's POV Napakunot ang noo niya sa sinabi ng lalaking kaibigan ni Charlotte. "Excuse me. I'm here already, no need to tell her that."Tumingin ito sa kanya ng may kaangasan. Iba rin ang bata na ito, matapang sa nakakatanda."Sorry pero may karapatan naman akong sabihin ang gusto ko."Napatiim-bagang siya. "Aalis na kami." Tumingin siya kay Charlotte. "Halika na."Tila nagdadalawang isip pa si Charlotte. Papalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa."Charlotte," may diin niyang tawag."A... sige Luis bukas mo na lang sabihin ang gusto mong sabihin sa akin. Nagmamadali rin kasi kami."Tumingin siya muli sa kaibigan ni Charlotte na si Luis. Ano ang dapat sabihin ng lalaki na 'to kay Charlotte? Tungkol kaya noong isang gabi na tumawag ito para puntahan siya ni Charlotte."Okay sige. Bukas, promise mo 'yan."Ngumiti naman si Charlotte at tumingin sa kanya. "Tara na."Lumapit ito sa kanya at tumabi. Tiningnan niya pa ng isang beses si Luis bago tumalikod at naunang lumakad."T-Teka! Hin
last updateLast Updated : 2024-06-07
Read more

48 - Selos?

Charlotte's POV Ngumiti lang siya. Umalis na rin naman si Elijah at bumalik sa table nito kung nasaan si Shaira. Kanina habang naghihintay siya na dumating si Elijah ay nagulat siya nang may pumasok. Akala niya si Elijah na, ibang tao pala. Maganda si Shaira matangkad, at parang hindi nagkaroon ng peklat sa katawan. Kung paano ito manamit ay bagay na bagay din. Nagulat lang talaga siya dahil hindi naman si Shaira ang hinihintay niyang dumating.Tumingin muli siya sa dalawa. Busy na ulit si Elijah sa binabasa nito maging si Shaira, pero ang talagang tumatak sa isip niya ay ang pagtawag ni Shaira ng my love, kay Elijah. Ang akin lang naman ay kung bakit? Iyon na ba ang endearment ng mga babaeng kaibigan? Natigilan siya, at bahagyang kumunot ang noo. Hindi kaya si Shaira ang sinasabi ni Elisse na iniibig ni Elijah?Bigla na lang siyang natulala sa naisip. Kung si Shaira nga iyon. Paano na ang dinadala niyang baby? Ngayon na nagbalik na ang tunay na minamahal ni Elijah, magsasabi ba ito
last updateLast Updated : 2024-06-16
Read more

49 - Sino Nga Ba?

Charlotte's POVNapasandal siya sa pader. May nararamdaman siyang iba. Kailangan niyang pigilan iyon dahil hindi puwede, ayaw niya, at isa pa may kasalanan yung isa. Napasabunot na lang siya sa buhok niya. Bahagya siyang nagulat nang may kumatok sa pinto ng banyo."Charlotte, hindi ka pa ba tapos?! Kailangan ko ring gumamit ng banyo!"Rinig niyang sigaw ni Elijah sa labas. "Sandali lang!" Humarap muli siya sa salamin para ayusin ang sarili. Hindi puwedeng mapansin ni Elijah ang bahid ng luha sa kanyang pisngi. Tiyak na magtatanong ito hangga't sa malaman nito ang tunay na dahilan kung bakit. Ngumiti muna siya sa harap ng salamin bago binuksan ang pinto. Nakayuko siyang lumabas at nilagpasan na lang si Elijah na bahagyang natabig pa niya ang braso."Teka nga."Napalunok siya nang hawakan ni Elijah ang braso niya. "Kanina ka pa walang imik. Nagtatampo ka ba na ang tagal kong dumating sa pagbili ng ice cream mo?"Ngumiti siya, pero inasahan niya rin na hindi iyon ang magiging tanong
last updateLast Updated : 2024-06-20
Read more

50 - Bugso Ng Damdamin

Charlotte POVNang natapos siya sa pagkain, siya na rin ang nagligpit habang nasa itaas pa si Elijah. Hinugasan na rin niya ang pinggan at mga ginamit ni Elijah sa pagluluto, pagkatapos ay nagpunas lang siya ng kamay sa bimpo na nakasabit sa gilid ng refrigerator bago siya naglakad papunta sa itaas. Nagtataka siya dahil hindi na bumaba pa si Elijah.Pag tungtong niya ng huling baitang ng hagdan papunta sa itaas, nakita niya si Elijah na nakahiga at nakapikit.Pagod ba si Elijah o inaantok na?Lumapit siya at sinilip ang mukha nito. Nakalaylay ang dalawang paa habang nakahiga ang kalahati ng katawan sa kama."Elijah," tawag niya dito ng mahina, pero hindi rin nagising. "Umayos ka na ng higa para hindi ka mangawit." Tinulak niya ang braso nito para magising.Dumilat naman si Elijah sandali, pero pumikit din. "Hoy! Umayos ka na ng higa kung inaantok ka na talaga."Umupo naman ito na may inaantok na mata. Habang nakatayo at nakatingin kay Elijah ay hindi naman nito inalis ang pagkakatitig
last updateLast Updated : 2024-06-29
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status