Semua Bab Marry Him At The Age Of Eighteen: Bab 51 - Bab 60

70 Bab

51 - Pqgtatapat Ni Luis

Charlotte's POVKinabukasan...Dinilat niya ang mata niya agad nang nagising siya, lumingon siya sa tabi niya, pero hindi nagusot ang parte kung saan dapat humiga si Elijah. Ibig sabihin hindi talaga ito nagising para lumipat man lang sa tabi niya.Bumangon siya at nag-inat ng may pag-iingat. Pagtingin niya sa orasan ay alas-singko pa lang ng umaga. Ang start ng klase nila ngayong araw ay alas-otso, pero maghahanda na rin siya para hindi naman ma-late si Elijah sa kumpanya nito. Naglinis lang siya ng katawan, saka diretso bihis na ng uniform. Malamig ang tubig kaya hindi na niya sinubukan pang maligo, wala rin namang heater ang banyo. Malaking abala pa kung magpapakulo pa siya ng tubig gamit ang takure.Humarap siya sa salamin. Kinapa niya ang tiyan niya, curious siya sa itsura ng tiyan niya pag lumubo na, pero sa ngayon parang normal pa rin naman. Nagsalubong ang kilay niya nang makita ang mata niyang namumugto. Parang kinagat ng ipis ang mata niya sa kapal ng maga.Lumabas siya ng b
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-05
Baca selengkapnya

52 - Pagbisita Sa Mansion

Charlotte's POV Bahagyang bumuka ang labi niya sa sinabi ni Luis. Sa lahat ng kaibigan niya, si Luis ang pinaka-close niya dahil sa pagtutok nito sa pag-aaral. Wala itong ginawa kung hindi mag-aral lang, hindi katulad ng iba niyang kaibigan na may panahon pa para mag-party. Oo, nagulat siya. Hindi niya inaasahan iyon mula kay Luis. Sa ilang taon na pagkaka-ibigan nila. Hindi siya nakaramdam o napansin na may pagtingin na pala ito para sa kanya."L-Luis."Maliit naman itong ngumiti. Ang maliit na kahoy na pinaglalaruan niya kanina ay kinuha nito at tiningnan. "Hindi ka naniniwala, for sure. Pero totoo iyon Charlotte. Since first year college wala akong naging girlfriend, alam mo 'yon. Kahit crush sa iba, wala rin kayong nalalaman dahil nasa tabi ko lang siya. Naging torpe ako oo, dahil takot akong sabihin sayo. Mas nauna kong naisip na baka kung sakali na sinabi ko ng mas maaga ay baka lumayo ka at hindi na ako panasinin pa, pero sadyang hindi ko na kaya pang itago, Charlotte. Sinabi
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-06
Baca selengkapnya

53 - Pag-aalala Ni Elijah

Elijah's POV Inis niyang initsa ang phone niya sa passenger seat. Kanina pa niya tinatawagan ang phone ni Charlotte, pero walang sumasagot, kahit isang beses hindi man lang nito sinubukang sagutin ang tawag niya. Lumingon siya sa likuran ng kotse. Nakalimutan niya ang hinanda niyang pagkain para sa tanghalian ni Charlotte. Siguradong nagtatampo na iyon sa kanya.Mabilis niyang hininto ang kotse niya sa tapat ng university ni Charlotte. Halos wala ng estudyante na nagkalat sa paligid, tanging mga utilities na naka-uniform na lang ang nakikita niya. Inikot niya ang katawan niya para makita si Charlotte, pero walang naka-unifrom na babae sa paligid. Tumawid siya sa kabilang kalsada, sa mga tindahan at canteen. Nagtanong-tanong siya kung may naghintay bang estudyante doon na babae, pero ang mga sagot lang ng mga ito ay wala.Bigo siyang lumabas sa huling tindahan na pinasukan niya. Napangiwi siya sa gulat dahil sa biglaang pagkulog. Madilim na ang langit, mga ilang minuto na lang babagsa
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-12
Baca selengkapnya

54 - Lagnat

Charlotte's POV Yumakap siya sa unan ng mahigpit. Malamig sa loob ng kwarto, napalakas ata ang aircon. Mabuti na lang at may unan na bahagyang mainit. Tama, parang... napadilat siya, ang bumungad sa kanya ay ang mukha ni Elijah habang nakapikit ang mata. Malapit din ang mukha nito sa mukha niya kaya damang-dama niya ang init ng paghinga nito.Paanong napunta rito si Elijah? Panaginip ba 'to?Lumingon siya sa paligid. Narito pa rin naman siya sa kwarto nila ni Elijah sa mansion. Ibig sabihin natagpuan siya nito.Tumitig muna siya sa mukha ni Elijah, bago nagdesisyon na tumayo. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya, kaya kailangan niyang lumayo. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni Elijah sa tiyan niya, nakayakap kasi ito. Umupo siya at handa ng alisin ang kumot sa katawan nang bigla siyang bumalik sa pagkakahiga."Saan ka pupunta?" mahinang tanong ni Elijah habang nakapikit ang mga mata.Hindi siya agad nakapagsalita. Nagulat siya sa biglaang paghila sa kanya.Niy
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-17
Baca selengkapnya

55 - Pat ll

Tumaas naman ang isang kilay ni Elisse. "Mukha ba akong nagbibiro, Charlotte? Syempre, totoo'yon! Kaya nga ayoko ng maulit na ako ang kasama niya sa iisang kwarto. Ang mas malala, nanghahalik pa 'yan. Mabuti na lang noon may pagtitimpi pa ako, kung hindi baldado na 'yang si Elijah. Walang kilala pag nilalagnat."Napangiwi naman siya. Nahihirapan na siya sa posisyon niya ngayon. Nakadapa na kasi siya sa katawan ni Elijah, at hindi puwede iyon dahil naiipit ang tiyan niya."Tulungan mo naman akong maka-alis dito kay Elijah. N-Naiipit yung tiyan ko!"Agad namang lumapit sa kanya si Elisse. Sinubukan nitong tanggalin ang braso na nakapulupot sa kanya, pero mas hinigpitan pa ni Elijah ang pagkakayakap."Umayos ka, Elijah! Naiipit yung anak niyong dalawa!"Nagulat na lang siya nang sinapok ni Elisse sa ulo si Elijah ng malakas. Napadilat tuloy ito na may galit ang mga mata."Ano ba?!!!""Pakawalan mo muna 'yang asawa mo. Nakita mong hirap na hirap na sa posisyon niya, hinihigpitan mo pa ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-17
Baca selengkapnya

56 - Paghingi Ng Tawad

Charlotte's POV Habang iniisip ang sinabi ni Elisse. May kamay na yumapos na naman sa kanya."Matulog ka na, Elijah. Gusto mo bang uminom ng gamot?"Umiling ito habang nakayakap sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya at sinubukan na alisin ang kamay nito sa bewang niya."Sorry."Napahigpit ang hawak niya sa braso ni Elijah. Saan ito nag-so-sorry? Sa ginawa nitong hindi pagsundo sa kanya ng maaga?"Aam kong nagtatampo ka sa ginawa ko noong kakain ka na ng almusal. Hindi ko rin naibigay ang baon mong pagkain para sa tanghalian."Napangiti naman siya. Okay na rin naman siya. Siguro ay kailangan lang masunod ang gusto niya dahil sa kaartehan niyang magbuntis."Okay na 'yon, Elijah. Pero sana sa susunod, sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin para hindi na umabot pa sa ganito ang nangyari."Tumingala ito sa kanya. Tumayo at tinitigan ang mukha niya, pero ilang saglit pa ay namimilog na naman ang nata niya dahil palapit ang mukha nito sa kanya.Hinarang ng kamay niya ang mukha nito
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-26
Baca selengkapnya

57 - Nawawala

Charlotte's POVKanina pa siya gising, o tamang sabihin na parang hindi naman siya nakatulog dahil sa nararamdaman niya na hindi niya malaman kung ano. Gustuhin man niyang matulog ng dire-diretso, ayaw naman ng katawan niya. Makatulog man siya pero konti lang o ilang minuto lang. Hindi ata umabot ng isang oras ang haba ng tulog niya.Wala na si Elijah sa tabi niya, mukhang lumabas na ng kwarto at pumunta na ng dining. Okay na kaya ito at nakalabas na ng kwarto nila? Nagdesisyon siyang tumayo na, pero napapikit siya ng uminog ang paligid. Ano bang nangyayari?Pero dahil gusto na niyang lumabas ay pinilit niyang maglakad ng diretso kahit mabagal ang pag-usad ng paa niya hanggang sa makababa ng hagdan. Walang tao sa sala, kaya sa dining area na lang siya pumunta. Unang silip pa lang nakita na niya si Elisse na kumakain na, pero si Elijah ay nakahalukipkip lang ang mga braso habang pinapanood ang kapatid nito na mukhang inaasar si Elijah. May pagkain sa harap nito pero hindi nito ginagal
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-07-30
Baca selengkapnya

58 - Hindi Magandang Balita

Pumikit siya at humawak sa kumot na nasa gilid niya. "N-Nahihilo ako." "What?! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Dumilat siya at tumingin kay Elijah. Isang dangkal lang ang pagitan ng mukha nilang dalawa. "Kasalanan mo 'to! Bakit mo ako hinalikan habang may sakit ka?! Baka nahawa ako sa virus mo sa katawan!!" Nagsalubong naman ang kilay nito. "Anong sinasabi mo?" Namilog ang mata niya. Huwag nitong sabihin na hindi alam ni Elijah ang pinaggagawa nito kagabi. "Hindi mo natatandaan? Parang baliw ka kagabi!" Umiling ito na may pagtataka sa mukha. Napaawang naman ang labi niya sa itsura nito. "Sabihin mong nag-jo-joke ka lang na hindi mo alam!" "Hindi ko talaga alam ang nangyari kagabi." Napakagat siya sa labi. Posible ba 'yon, ang makalimutan ang lahat ng ginagawa pag okay na at hindi na mataas ang lagnat? "Pero kaya mo naman ba ang hilo na nararamdaman mo? Gusto mo bang pumunta ng ospital? Sasabihin ko kay Elisse na pumunta tayo roon, ngayon din." Umiling siya. Mawawala r
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-08-04
Baca selengkapnya

59 - Bodyguard

Natigilan siya sa sinabi ni Elijah. Hindi naman siguro nito sinasadyang lumabas sa bibig iyon?Nilayo siya ni Elijah at pinakatitigan ang kanyang mukha. "Oras na siguro para malaman ng lahat, Charlotte. Po-protektahan kita, anuman ang mangyari."Mabilis siyang umiling. "Hindi, Elijah. Kailangan kong maka-graduate na hindi nila nalalaman na kasal na ako."Batid niya ang nagpakitang emosyon sa mukha ni Elijah, at iyon ay lungkot."Takot ka pa rin ba sa sasabihin ng iba?""Hindi. Mas takot ako na baka kumalat 'yon at maka-apekto sayo."Kumunot ang noo nito. "Anong ibig mong sabihin?""'Di ba, yung special na babae."Napapikit si Elijah at napahilot ng sintido. "Bakit naiisip mo pa rin 'yon hanggang ngayon?"Natameme siya. Oras na rin ba para sabihin ang nararamdaman niya na alam niyang hindi pang-ordinaryo. Ang hirap umamin sa taong ang hirap basahin."Ano? Bakit Charlotte?"Umiwas siya ng tingin. "H-Hindi ko alam," na sambit na lang niya. Hindi pa ito ang tamang panahon."Tsk. Wala kang
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-08-07
Baca selengkapnya

60 - Mahal Na Nga Niya

Charlotte's POVLumapit si Elisse sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Wala ito sa kama, nakaupo ito sa upuan na nakatabi sa higaan."Ano ba ang pag-uusapan natin?"Humalukipkip ito at sumandal. Nakanguso pa ito habang nakatingin sa kanya."May napapansin ako sa inyo nitong mga nakaraan na araw, kahit pa hindi ko kayo nakikita."Napangiwi siya. Paano 'yon, kahit hindi sila nakikita?"Huwag kang ngumuwi diyan, Charlotte! Yung third eye ko isinilid ko sa bag mo para malaman kung ano ba ang trato niyo sa isa't-isa habang hindi ko kayo nakikita ng personal."Ang weird talaga nitong si Elisse. "By the way, mabalik tayo sa napapansin ko. Okay na kayo, mahal mo na ba siya?"Nanlaki ang mata niya. Walang pasikot-sikot, tinanong talaga siya agad ng ganun. Hindi tuloy siya agad napasagot."Tsk...tsk...mahirap 'yan. Ilabas mo 'yan Charlotte,dahil sobrang nakakasama sa katawan ang may kinikimkim. Nakakasakit pa ng ulo sa tuwing may balak ka ng sabihin na hindi naman natutuloy dahil urong-sulong ka
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-08-15
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234567
DMCA.com Protection Status