Share

55 - Pat ll

Author: acire_berry
last update Last Updated: 2024-07-17 22:52:32

Tumaas naman ang isang kilay ni Elisse. "Mukha ba akong nagbibiro, Charlotte? Syempre, totoo'yon! Kaya nga ayoko ng maulit na ako ang kasama niya sa iisang kwarto. Ang mas malala, nanghahalik pa 'yan. Mabuti na lang noon may pagtitimpi pa ako, kung hindi baldado na 'yang si Elijah. Walang kilala pag nilalagnat."

Napangiwi naman siya. Nahihirapan na siya sa posisyon niya ngayon. Nakadapa na kasi siya sa katawan ni Elijah, at hindi puwede iyon dahil naiipit ang tiyan niya.

"Tulungan mo naman akong maka-alis dito kay Elijah. N-Naiipit yung tiyan ko!"

Agad namang lumapit sa kanya si Elisse. Sinubukan nitong tanggalin ang braso na nakapulupot sa kanya, pero mas hinigpitan pa ni Elijah ang pagkakayakap.

"Umayos ka, Elijah! Naiipit yung anak niyong dalawa!"

Nagulat na lang siya nang sinapok ni Elisse sa ulo si Elijah ng malakas. Napadilat tuloy ito na may galit ang mga mata.

"Ano ba?!!!"

"Pakawalan mo muna 'yang asawa mo. Nakita mong hirap na hirap na sa posisyon niya, hinihigpitan mo pa ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (24)
goodnovel comment avatar
Syrellie PH
sana po meron na ulit na update ms. A
goodnovel comment avatar
Leni Estelloso
next Po pls
goodnovel comment avatar
Syrellie PH
next po please ms. A sana magka update na miss ko na po ang story nyo po 1 week na ang last update nyo po sa story please po sana meron na
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   56 - Paghingi Ng Tawad

    Charlotte's POV Habang iniisip ang sinabi ni Elisse. May kamay na yumapos na naman sa kanya."Matulog ka na, Elijah. Gusto mo bang uminom ng gamot?"Umiling ito habang nakayakap sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya at sinubukan na alisin ang kamay nito sa bewang niya."Sorry."Napahigpit ang hawak niya sa braso ni Elijah. Saan ito nag-so-sorry? Sa ginawa nitong hindi pagsundo sa kanya ng maaga?"Aam kong nagtatampo ka sa ginawa ko noong kakain ka na ng almusal. Hindi ko rin naibigay ang baon mong pagkain para sa tanghalian."Napangiti naman siya. Okay na rin naman siya. Siguro ay kailangan lang masunod ang gusto niya dahil sa kaartehan niyang magbuntis."Okay na 'yon, Elijah. Pero sana sa susunod, sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin para hindi na umabot pa sa ganito ang nangyari."Tumingala ito sa kanya. Tumayo at tinitigan ang mukha niya, pero ilang saglit pa ay namimilog na naman ang nata niya dahil palapit ang mukha nito sa kanya.Hinarang ng kamay niya ang mukha nito

    Last Updated : 2024-07-26
  • Marry Him At The Age Of Eighteen   57 - Nawawala

    Charlotte's POVKanina pa siya gising, o tamang sabihin na parang hindi naman siya nakatulog dahil sa nararamdaman niya na hindi niya malaman kung ano. Gustuhin man niyang matulog ng dire-diretso, ayaw naman ng katawan niya. Makatulog man siya pero konti lang o ilang minuto lang. Hindi ata umabot ng isang oras ang haba ng tulog niya.Wala na si Elijah sa tabi niya, mukhang lumabas na ng kwarto at pumunta na ng dining. Okay na kaya ito at nakalabas na ng kwarto nila? Nagdesisyon siyang tumayo na, pero napapikit siya ng uminog ang paligid. Ano bang nangyayari?Pero dahil gusto na niyang lumabas ay pinilit niyang maglakad ng diretso kahit mabagal ang pag-usad ng paa niya hanggang sa makababa ng hagdan. Walang tao sa sala, kaya sa dining area na lang siya pumunta. Unang silip pa lang nakita na niya si Elisse na kumakain na, pero si Elijah ay nakahalukipkip lang ang mga braso habang pinapanood ang kapatid nito na mukhang inaasar si Elijah. May pagkain sa harap nito pero hindi nito ginagal

    Last Updated : 2024-07-30
  • Marry Him At The Age Of Eighteen   58 - Hindi Magandang Balita

    Pumikit siya at humawak sa kumot na nasa gilid niya. "N-Nahihilo ako." "What?! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Dumilat siya at tumingin kay Elijah. Isang dangkal lang ang pagitan ng mukha nilang dalawa. "Kasalanan mo 'to! Bakit mo ako hinalikan habang may sakit ka?! Baka nahawa ako sa virus mo sa katawan!!" Nagsalubong naman ang kilay nito. "Anong sinasabi mo?" Namilog ang mata niya. Huwag nitong sabihin na hindi alam ni Elijah ang pinaggagawa nito kagabi. "Hindi mo natatandaan? Parang baliw ka kagabi!" Umiling ito na may pagtataka sa mukha. Napaawang naman ang labi niya sa itsura nito. "Sabihin mong nag-jo-joke ka lang na hindi mo alam!" "Hindi ko talaga alam ang nangyari kagabi." Napakagat siya sa labi. Posible ba 'yon, ang makalimutan ang lahat ng ginagawa pag okay na at hindi na mataas ang lagnat? "Pero kaya mo naman ba ang hilo na nararamdaman mo? Gusto mo bang pumunta ng ospital? Sasabihin ko kay Elisse na pumunta tayo roon, ngayon din." Umiling siya. Mawawala r

    Last Updated : 2024-08-04
  • Marry Him At The Age Of Eighteen   59 - Bodyguard

    Natigilan siya sa sinabi ni Elijah. Hindi naman siguro nito sinasadyang lumabas sa bibig iyon?Nilayo siya ni Elijah at pinakatitigan ang kanyang mukha. "Oras na siguro para malaman ng lahat, Charlotte. Po-protektahan kita, anuman ang mangyari."Mabilis siyang umiling. "Hindi, Elijah. Kailangan kong maka-graduate na hindi nila nalalaman na kasal na ako."Batid niya ang nagpakitang emosyon sa mukha ni Elijah, at iyon ay lungkot."Takot ka pa rin ba sa sasabihin ng iba?""Hindi. Mas takot ako na baka kumalat 'yon at maka-apekto sayo."Kumunot ang noo nito. "Anong ibig mong sabihin?""'Di ba, yung special na babae."Napapikit si Elijah at napahilot ng sintido. "Bakit naiisip mo pa rin 'yon hanggang ngayon?"Natameme siya. Oras na rin ba para sabihin ang nararamdaman niya na alam niyang hindi pang-ordinaryo. Ang hirap umamin sa taong ang hirap basahin."Ano? Bakit Charlotte?"Umiwas siya ng tingin. "H-Hindi ko alam," na sambit na lang niya. Hindi pa ito ang tamang panahon."Tsk. Wala kang

    Last Updated : 2024-08-07
  • Marry Him At The Age Of Eighteen   60 - Mahal Na Nga Niya

    Charlotte's POVLumapit si Elisse sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Wala ito sa kama, nakaupo ito sa upuan na nakatabi sa higaan."Ano ba ang pag-uusapan natin?"Humalukipkip ito at sumandal. Nakanguso pa ito habang nakatingin sa kanya."May napapansin ako sa inyo nitong mga nakaraan na araw, kahit pa hindi ko kayo nakikita."Napangiwi siya. Paano 'yon, kahit hindi sila nakikita?"Huwag kang ngumuwi diyan, Charlotte! Yung third eye ko isinilid ko sa bag mo para malaman kung ano ba ang trato niyo sa isa't-isa habang hindi ko kayo nakikita ng personal."Ang weird talaga nitong si Elisse. "By the way, mabalik tayo sa napapansin ko. Okay na kayo, mahal mo na ba siya?"Nanlaki ang mata niya. Walang pasikot-sikot, tinanong talaga siya agad ng ganun. Hindi tuloy siya agad napasagot."Tsk...tsk...mahirap 'yan. Ilabas mo 'yan Charlotte,dahil sobrang nakakasama sa katawan ang may kinikimkim. Nakakasakit pa ng ulo sa tuwing may balak ka ng sabihin na hindi naman natutuloy dahil urong-sulong ka

    Last Updated : 2024-08-15
  • Marry Him At The Age Of Eighteen   61 - Muling Pagpaparamdam

    Elijah's POV Sumilip siya sa bintana ng second floor. Nakita niyang naroon pa rin ang kotse na kanina pa sa kanya nakasunod simula ng umalis siya sa mansion. Nabatid niya kung sino ang may-ari ng kotse, si Venus. Hindi na sana niya papansinin pa iyon noong una ,pero hanggang sa nakarating siya rito sa bahay ay nakasunod pa rin ito. Nakita niya lang kung sino nang nasinagan ang mukha ni Venus mula sa loob ng kotse nang may dumaan na isang sasakyan. Mabuti na lang at hindi nito sinubukan na pumasok sa mansion. Muli niyang hinawi ang kurtina para sumilip muli at tingnan kung naroon pa ba ang kotse ni Venus, pero hangga't hindi siguro nito nakikitang lumabas siya ulit ng bahay ay hindi ito aalis doon. Biglang umilaw ang screen ng telepono niya. Sinilip niya kung sino ang tumatawag, si Venus. Hindi niya sinagot iyon para tantanan na siya nito at umalis. Pinatay na rin pala niya ang ilaw dito sa itaas para maisip ni Venus na dito na siya matutulog at hindi na babalik pa ng mansion ngayo

    Last Updated : 2024-08-24
  • Marry Him At The Age Of Eighteen   62 - Pagbabalik sa Magulang

    Kinabukasan... Nagising si Elijah na wala na si Charlotte sa tabi niya. Nakatulog pala siya habang nakatitig kay Charlotte kagabi. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Bumangon siya at umalis sa kama. Nasa ibaba na siguro si Charlotte at nag-aalmusal na. Habang bumababa siya ng hagdan ang mata niya ay kung saan-saan tumitingin sa ibaba, baka makita niya doon si Charlotte, pero baka nasa dining area na nga ito. Pumasok siya sa dining at natigilan dahil walang tao sa loob kahit pagkain ay wala rin sa lamesa. Nagtataka siyang tumingin sa orasan na nasa sala. Alas-diyes na pala, pero bakit wala rito si Charlotte sa loob? Napakunot ang noo niya nang may marinig na ugong ng sasakyan. Dali-dali siyang tumingin sa labas. Hinihintay niyang may bumaba sa sasakyan, at nagsalubong agad ang kilay niya nang makita si Elisse na kasama si Charlotte na lumabas ng bahay ng hindi sa kanya nagpapa-alam. "Elisse!!" May diin na sigaw niya para marinig agad nito. Lumingon naman ito at ngumit

    Last Updated : 2024-09-11
  • Marry Him At The Age Of Eighteen   63- Lapnos Na Mukha

    Elijah's POVPagkalipas ng tatlong araw... Nasa isang stylist siya ngayon para kuhanin ang damit na susuotin niya mamaya sa party ni Shaira. Nasa bahay na ng magulang nito si Charlotte kaya kampante na siyang umalis ng mansion. Hindi sana siya dadalo ngayon dahil tinatamad siya, pero naisip rin niya na madalang din niyang makita si Shaira kaya pagbibigyan niya ito. "May gagawin lang akong adjust dito sa tuxedo mo. Medyo maluwag sa gawing pulso." "Sandali lang ba 'yon?" "Yes ilang minuto lang, syempre. Alam kong mamaya na ang party na dadaluhan mo."Ngumiti siya. "Thank you." "No problem basta ikaw. Ang maganda sana kung may kasama ka ring partner sa party na 'yon. Wala pa ba?" Napangiti lamang siya dahil meron naman talaga. Hindi pa lang alam ng mga tao na malapit sa kanya. "Soon. I guess." "Noted 'yan, basta ako pa rin ang stylist mo." "Sure."Hinubad niya muli ang tuxedo niya at binigay sa kanyang stylist. Umupo siya sa isang tabi para hintayin ang tatahiin nito, pagkatapos

    Last Updated : 2024-09-13

Latest chapter

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   74 - Lumpiang Corned Beef

    Tumalikod si Elijah sa kanyang kapatid para itago ang dahan-dahan na umaagos na luha sa kanyang pisngi. Ilang araw siyang parang lutang, walang gustong gawin kung hindi uminom. Hindi rin siya makapag-isip ng tama o mag plano dahil si Charlotte lang ang tumatakbo sa isip niya araw-araw. Wala siyang alam kung okay lang ba ito, nahihirapan ba sa pagbubuntis, o nakakagalaw pa ba ng normal. Sa sitwasyon niya ngayon, alak ang kakampi niya dahil kahit paano ay nawawala ang sakit sa kanyang puso. "Huling pagkakataon, Elijah. Sa oras na nasayang pa ang pagkakataon mo ngayon, wala ka ng magagawa kung hindi mag-move on. Kakalimutan mo si Charlotte at ang mga anak mo, babalik ka sa dati na walang iniisip kung hindi ang kumpanya, at walang kasal na naganap. Naiintindihan mo—" "O-Oo. Sapat na sa akin ang narinig ko mula sayo kanina. Magpapatuloy ako hanggang sa makulong sa bilangguan si Venus." Maliit na napangiti si Elisse, dahil sa wakas mukhang natauhan na ang kanyang kapatid. "Magaling kun

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   73 - Pagkainip

    Sa awa sa kapatid, lumabas siya ng kwarto at may kinuha sa kwarto niya para ibigay kay Charlotte. Nang pumasok muli siya sa kwarto ni Charlotte ay dinig niya na ang pag-iyak nito. "Huwag ka ng makulit dahil hindi talaga puwede ang gusto mo Charlotte, pero habang hindi mo pa makausap si Elijah may regalo ako sayo." Sumilip ang mukha ni Charlotte sa unan na nakalagay sa mukha nito. Ngumiti naman si Christian at may tinaas na damit. "Sinabi sa akin ni Elijah na gustong-gusto mo ang amoy niya, kaya pinakuha niya ang gamit na niyang damit. Alam kong hindi masyadong malinis ito, pero kung ito ang makakapawi diyan sa pangungulila mo kay Elijah, payag na akong ilapit mo sa katawan mo ito." Kahit basa ang paligid ng mata ni Charlotte ay makikita pa rin ang galak sa mata nito nang malaman na kay Elijah ang damit na hawak ni Christian. Tinaas niya agad ang kamay niya para iabot iyon ng kanyang kuya, at nang mahawakan at ilapit niya sa ilong niya ang damit ay mas lalo siyang naiyak dahil sa

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   72 - Nilalaman Ng Sulat

    Huminga ng malalim si Christian bago lumapit sa higaan ni Charlotte. Tumingin siya sa kanilang ina. "Iwan niyo muna kami sandali, Ma." Nagtaka naman ang ina ng dalawa. "May sasabihin ka ba sa kapatid mo? Kung meron, dito na lang din kami para marinig namin ng daddy mo." Umiling si Christian. "Si Charlotte na lang muna ang kailangan kong makausap at makarinig ng sasabihin ko. Huwag kayong mag-alala, hindi naman makakasama sa kanya ang mga sasabihin ko." Nag-aalinlangan man ang mag-asawa ay umalis ang mga ito sa kwarto at naiwan si Christian na nakaupo na sa tabi ng kama ni Charlotte. "K-Kuya si Elijah nagpunta na ba siya rito?" Puno ng pagka-asam ang pagkakatanong ni Charlotte. Hindi sumagot si Christian, tahimik lang nitong nilapag ang puting sobre sa ibabaw ng kumot ni Charlotte. "Ano 'to?" tanong ni Charlotte habang kinukuha ang sobre. "Sulat mula kay Elijah." Nagsalubong ang kilay ni Charlotte habang nakatitig sa sobre na mukhang dikit na dikit ang bukasan. "B-Bakit magp

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   71 - Sobre

    Nang tuluyan na makalabas si Christian ay huminto siya sa tapat ng pinto habang nakalagay ang dalawang kamay sa bewang. Sa itsura niya ay tila nag-iisip na siya ng mas mabigat na dahilan para paniwalain si Charlotte tungkol kung nasaan nga ba si Elijah. Lumakad si Christian paalis sa tapat ng pinto hanggang sa mapadpad siya s a billing station kung saan may lalaking nurse na nagsusulat. Tinitigan niya ang hand writing nito ng matagal bago tuluyang umalis ng ospital. Samantala, sa oras na iyon ay gising na si Elijah, pero nakadilat nga ang kanyang mata ngunit nakatulala lang sa kisame at may pagkakataon na hindi na ito kumukurap. Pumasok si Elisse na bihis na bihis at mukhang aalis, napakunot ang noo niya nang nadatnan si Elijah na hindi pa bumabangon sa kama nito. "Wala ka bang balak bumangon diyan, Elijah?" Bumuntong-hininga lang si Elijah at tumalikod ng higa kay Elisse. Napataas naman ang kilay ni Elisse sa ginawa ni Elijah. "Akala ko pa naman sisimulan mo ng gumawa ng paraan

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   70 - Ang Dapat Gawin Ni Elijah

    Umupo si Elijah isang dipa malayo sa kanyang kapatid. Halatang sa itsura ng mukha nito ay malungkot siya dahil sa napagkasunduan nila ni Christian. "Hoy ano ng sabi ni Christian?! Nakita mo ba si Charlotte? Nakausap mo ba siya? Nasabi mo ba ang totoong nangyari kaya hindi ka agad nakapunta ng ospital?" Napahilot na lang si Elijah sa sintido niya dahil sa sunod-sunod na tanong ni Elisse. Ang lahat naman ng tanong nito ay hindi ang sagot. "Hindi," maikling sagot ni Elijah. Napakunot ang noo ni Elisse. "Tulog ba siya ng pumunta ka doon? Dapat hinintay mo na lang na magising at hindi ka muna umuwi rito." Malalim na napabuntong-hininga si Elijah. Sumandal siya sa sandalan ng sofa at tumitig sa kawalan. "Pinagbawalan na ako ni Christian na makita si Charlotte." Unti-unting namilog ang mata ni Elisse at bahagyang lumapit ng upo kay Elijah. "Ano't bakit daw?!" "Batid na niya ang nangyayari. Akala ko ay wala siyang malalaman, pero nakalimutan ko atang matalino ang tao na 'yon, lalo n

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   69 - Part II Kondisyon

    Lumakad ng ilang hakbang si Christian palapit sa kanya. Sa hindi malamang dahilan umatras naman siya ng isang hakbang. Napansin iyon ni Christian kaya hindi ito nagpatuloy na maglakad. "Natatakot ka ba? Dapat hindi ka na natatakot sa dami mong kasalanan, Elijah." "P-Please, Christian. Hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan 'yan!" sigaw niya. "Kelan pa Elijah ang tamang oras?! Pag patay na ang mag-iina mo!!" Halata na rin sa paghinga ni Christian ang galit na kinikimkim lang nito, pero anumang oras ay malapit na rin itong sumabog sa galit. "Kailangan na nating pag-usapan ngayon at bigyan ng solusyon ang problema mo. Magkakaroon tayo ng kasunduan, Elijah." Kumunot ang noo niya. "K-Kasunduan? Anong kasunduan ang sinasabi mo?" "Tutal may problema ka pang dapat ayusin sa pagitan niyong dalawa ni Venus. Nagdesisyon akong hindi ka na muling magpapakita pa kay Charlotte— hanggang isilang niya ang anak niyong dalawa." Lalong nagsalubong ang kilay niya, hindi puwede 'yon. "Hindi ak

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   68 - Ang Lihim Ni Elijah

    Nakarating siya sa ospital na sinabi ni Elisse. Walang pag-aatubiling inayos niya ang pagkaka-park ng kotse at saka tumakbo papasok ng ospital. Huminto siya sa isang nurse na makaksalubong niya na malapit lamang sa billing station. "E-Excuse me. Saang kwarto naka-admit si Charlotte?" Bahagyang may gulat sa mukha ng nurse pero pumasok naman ito kung saan nakalagay ang mga file records ng mga pasyente na naka-admit sa ospital. Matagal nitong tiningnan ang file bago nagtaas ng ulo at tinanong siya. "Ano pong apelyido? Dalawang Charlotte po ang naka-admit sa ospital na ito." Bubuka na sana ang bibig niya para sabihin ang kanyang apelyido, pero may pagdadalawang isip din siya dahil baka hindi iyon ang ginamit na apelyido ni Charlotte dahil tinatago nga nila ang kanilang pagiging mag-asawa at pagdadala nito ng kanyang apelyido. "Sir?" Umiling siya at sinabi ang kanyang apelyido, "W-Walton. Charlotte Walton." Napakunot ang noo ng nurse dahil siguro sa tagal niyang sumagot. Hindi

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   67 - Tagumpay Na Pagtakas

    Elijah's POV "Makalabas kaya ako dito ng hindi ako nakikita ni Venus?" "Hindi." Nagsalubong ang kilay niya. "Anong hindi?" "Mahirap makalabas kahit mag-disguise ka pa. Halata masyado kung tatabunan ng mukha mo ang cap na dala ko, nasa bungad lang siya ng entrace nitong ospital doon sa gate." Napasandal naman siya sa kanyang upuan. Paano siya makaka-alis kung mabibisto rin pala siya? "Mas maganda ang plano ko. Nandito na siya in 1...2— nandiyan na pala siya." May pumasok na isang lalaki na nakasuot ng leather black jacket, maong pants, black leather shoes, lahat ng nasa katawan nito ay kulay itim. Diretso ito sa harap mismo ni Elisse. "Nakita mo ba siya sa labas?" tanong ni Elisse sa lalaki. "Yes. Gumagamit ba siya ng pinagbabawal na gamot kaya gusto mong makatakas sa kanya? Sa itsura ng babae na iyon ay hindi nalabong hindi gumagamit ng ganon." "Hindi. Sadyang may saltik lang ang babae na 'yon, malapit ng maaning kaya ganon ang itsura. Anyway, ipag-drive mo ang kapa

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   66 - Ang Plano Ni Elijah

    Elijah's POV Kanina pa niya inaayos ang kanyang cellphone habang nakaupo rito sa waiting area. Nabagsak ang kanyang cellphone habang nagmamadali siya kanina, dahil sa request ng doctor na kailangan niyang bihin sa labas ng ospital. Inalog at paulit-ulit na pinindot ang turn-on button sa gilid, pero hindi talaga magsindi ito. Sa asar ay muntik niya na ulit iyong ibato sa pader, pero napigilan niya at kumalma habang nakasandal sa pader. Bumuga siya ng hangin at muling sinubukan na buhayin ang phone niya. Kagat labi niyang diniinan ang power button, at nang makita niya na umilaw ang screen ng cellphone ay napasuntok talaga siya sa hangin, pero hindi nagtagal ay may tumatawag na sa cellphone ,si Elisse. Sinagot niya iyon at pinatong sa kanyang tenga, "Hello." "Thank God sinagot mo na!!" sigaw na saad ni Elisse mula sa kabilang linya. "Nasira ang telepono ko kanina, na-ayos lang ngayon. Bakit napatawag ka?" "Kung alam mo lang na kanina pa kita kokontak, muntik na akong mabaliw dito

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status