Home / Romance / Marry Him At The Age Of Eighteen / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng Marry Him At The Age Of Eighteen: Kabanata 31 - Kabanata 40

70 Kabanata

31 Ang Balak Ni Elijah

Elijah's POVNakaupo siya sa harap ng kanyang table habang kagat-kagat ang takip ng ballpen. May binabasa siyang papeles para sa materials na gagamitin sa kanyang jewelry design na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makuha-kuha ang gusto niyang itsura.Habang nakasandal at nakatitig sa folder niyang hawak may biglang nagbukas ng pinto ng kanyang opisina."Hi, Elijah!!" Masayang-masayang lumapit sa kanya si Venus, pero pinahinto niya ito gamit ang kamay. "Bakit?" Tila naguluhan pa ito sa ginawa niya."Anong ginagawa mo dito?""Dinadalaw ka at kakamustahin na rin. May masama ba doon?"Binaba niya ang folder at tumingin sa mukha ni Venus. "Hindi ba't hindi naman tayo okay noong nakaraan dahil sa tantrums mo?"Ngumiti naman ito at lumapit sa kanya. "I'm okay now. Mainit lang talaga ang ulo ko no'n.""Pero seriously, we need to stop this.""Hindi na ako magseselos. Kahit sino pa 'yon basta walang more than friends.""No. Ayoko na Venus. Mas mabuting ilaan mo na lang ang oras mo sa iba."
last updateHuling Na-update : 2024-03-23
Magbasa pa

32 Paglilihi Na Nga Ba?

Elijah's POVNakita niya si Charlotte na tulog na habang kasama nito si manang sa kwarto."O narito ka na pala.""Nakatulog na pala siya."Napangiti naman si Manang. "Hays pag talaga buntis, masandal lang tulog. Halos wala pa namang 30 minutes nang huli akong tumawag sayo.""Hayaan na lang ho natin na matulog siya. Nasaan ho pala si Elisse?"Hindi kasi niya nakita ang kapatid sa loob ng bahay. Dapat narito 'yon sa kwarto dahil dakilang pakialamera ang kapatid biya."Umalis rin, hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi. Labas muna ako sandali. Ikaw muna rito, baka pag gising niya ay hanapin kaagad niya.""Sige ho."Lumabas si manang at siya naman ay naupo sa paanan ng kama habang nakatitig kay Charlotte. Paano ito makakapasok sa eskwelahan kung ganito ito lagi? Panigurado aantukin at tatamarin ito.Tumayo siya at pumunta ng cabinet para kumuha ng damit at magpalit. Masyado pang maaga para umuwi talaga pero kailangan para kay Charlotte.Nang nakapagpalit na siya ng damit sa banyo at lumab
last updateHuling Na-update : 2024-03-23
Magbasa pa

33 Saan Ka Pupunta?

Elijah's POVPumasok siya sa loob ng kwarto at sinilip si Charlotte sa higaan. Nakaupo lang ito at nakatulala. Nang bigla itong tumingin sa kanya.Maliit siyang ngumiti. "Are...you—""Hindi!"Napapikit siya sa lakas ng sagot nito sa kanya. Parang sobrang malala naman ang ginawa nilang dalawa ni Elisse. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Gustong humakbang ng paa niya para lumapit at umupo sa tabi nito, pero napapa-atras din siya dahil sa itsura ni Charlotte na galit na galit."About sa itlog—""Ano?! Sasabihin mo rin na hindi masarap yung gusto kong kainin? Kung ayaw niyo nung gusto ko, huwag niyo na sanang iparinig sa akin!!"Tinakpan ng dalawang kamay nito ang mukha habang umiiyak. Napabuntong-hininga naman siya sa inakto nito, kaya lumapit na siya at umupo sa tabi ni Charlotte."Hindi naman sinasadya ni Elisse na masabi 'yon.""Alam ko, pero masakit sa akin!"Tumingin siya kay Charlotte na umiyak pa rin. Basang-basa na nga ang palad nito. Halata sa siwang ng daliri dahil basa na
last updateHuling Na-update : 2024-03-27
Magbasa pa

34 Saan Ka Pupunta? (PART II)

"Get together naman na ulit tayo. Ang tagal na nung huli, hindi na nasasayaran ng alak ang lalamunan ko."Napangisi siya. "May pera ka pambili ng mamahalin na alak. Bakit hindi ka na lang uminom sa hunted house mong bahay.""Tahimik lang 'tong bahay ko, hindi 'to hunted house!"Si Kiel, ang lalaking nakatira sa sobrang tahimik na bahay, kaya niya nasabing hunted house. Ang laki-laki ng bahay pero iisa lang naman ang nakatira, kahit maids wala. For sure meron ng kasama si Kiel na hindi nila nakikita sa loob ng bahay. Sabagay, matapang naman ang kaibigan niya."Hoy ano?! Hindi ka na nagsalita. Doon tayo sa bahay ni Christian."Bumuntong-hininga siya. Hindi pa siya handa na makaharap muli ito. Wala pa siyang lakas ng loob dahil sa ginawa niya sa kapatid nito na si Charlotte."Next time na lang.""Himala at umayaw ka ngayon. Dati naman ay ikaw pa ang nangunguna na pumunta doon.""Marami akong gagawin, kaya next time na lang.""Tsk. Sige na nga. May kwento sana ako sayo."Ang dakila niyang
last updateHuling Na-update : 2024-03-27
Magbasa pa

35 - Sino Nga Ba Ang Mas Matimbang?

Charlotte's POVNapahawak siya sa tiyan niya ng bigla itong kumulo. Mukhang gutom na ang baby sa loob ng kanyang tiyan. Napatulala siya, meron na nga pala siyang dapat pakainin, hindi na lang siya. Hindi na rin siya puwedeng hindi kumain sa tamang oras.Biglang pumasok ulit sa loob ng kwarto si Elijah, at huminto ito sa mismong tabi niya."Anong gusto mong kaninin?"Tumingin siya kay Elisse. "Ano bang meron?""Hindi ko alam kung ano ang niluto ng katulong, pero siguro punta na lang tayo doon at tingnan mo. Baka meron kang hindi gusto, makapagpaluto na lang ulit kung ayaw mo.""Sige."Umalalay siya sa kama, pero hinawakan na agad siya ni Elijah at inalalayan para tumayo. Pumasok sila sa kusina at tiningnan ang ulam. Okay naman, wala naman aiyang hindi gusto kaya hondi na magpaaluto pa ulit si Elijah."Punta na tayo sa dining." Sabay na silang dalawa ni Elijah na pumasok ng dining. Nadatnan nilang naroon na si Elisse at mukhang hinihintay na sila, meron na rin kasing nakahain pero hindi
last updateHuling Na-update : 2024-04-07
Magbasa pa

36 - Nag-aalala Lang Naman

Charlotte's POVPagkatapos niyang kumain ay umalis siya ng dining at pumunta sa labas ng bahay. Nakasilong naman siya kaya hindi siya mahahamugan. Umupo siya sa isang upuan. Dito na lang niya hihintayin si Elisse. Itatanong na lang niya kung ligtas bang nakauwi si Luis.Ano nga kaya ang problema ni Luis? Simula ng maging kaibigan niya ito ay ngayon lang ito uminom ng marami at siya pa ang tinawagan para sumundo. Baka may problema ito at hindi lang nila napansin dahil sa tahimik lang ito at madalang magsalita dahil puro libro ang kaharap.Napabuntong-hininga siya, at pumikit. Mukhang maaga siyang aantukin. Naisip din niya si Elijah. Galit ba ito sa kanya nang umalis ito sa dining? Concern lang naman siya sa kaibigan niya. Hindi naman siya susugod doon ng hindi siya nag-iisip.Hinawakan niya ang tiyan niya.Masyadong mainit ang ulo ng daddy mo. Daig pa niya ang naglilihi sa ugali niya kanina. Bigla na lang magagalit, at hindi man lang siya hinayang magpaliwanag dahil mas inuna nito ang
last updateHuling Na-update : 2024-04-10
Magbasa pa

37 - Morning Sickness

Charlotte's POV Naalimpungatan siya sa nalalasahan ng dila niya habang nakapikit pa rin ang mata niya. Naglalaway ang bibig niya at hindi niya mawari kung bakit, pero nang nakaramdam na siya na may ibig umahon galing sa tiyan niya ay ibig sabihin kailangan na niyang magising ng tuluyan dahil magsusuka na naman siya. Kahit medyo inaantok pa ang mga mata ay pinilit pa rin niyang makapunta ng banyo habang umaalalay sa pader.Pagpasok pa lang ay sa sink na agad siya yumuko at sumuka na puro laway lang naman ang lumalabas. Nakakapanghina ang ganito, parang pagod na pagod siya pagkatapos niyang sumuka ng laway lang.Tumayo siya ng tuwid at tumingin sa salamin. Hindi pa pala siya naghihilamos. Yumuko ulit siya at naghilamos ng mukha, mamaya na lang siya mag-toothbrush pagkatapos kumain ng umagahan.Lumabas siya ng banyo na hinang-hina, lumakad palapit ulit ng kama at nahiga. Narinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto."Charlotte, gising ka na diyan. Aalis na tayo after two hours." Ani Elija
last updateHuling Na-update : 2024-04-14
Magbasa pa

38 - Check-up

Elijah's POV4:30 pm...Kanina pa siya sa labas ng kwarto nila ni Charlotte. Ilang beses na siyang kumatok para lumabas na ito dahil aalis na sila para makipag-meet sa ob-gyn nito na nirekomenda ng kanyang personal na doctor."Charlotte! Lumabas ka na diyan, baka ma-late tayo at hindi na natin maabutan yung doctor."Bumukas naman ang pinto. Seryosong lumabas lang si Charlotte, pero napakunot ang noo niya sa itsura ng mukha nito."Sandali."Huminto ito sa paglalakad pababa ng hagdan. Lumingon sa kanya na may pagtataka na makikita sa mukha."Bakit?"Unti-unti siyang lumapit at huminto nang isang dipa ng kamay sa pagitan nila."Ano 'yang nasa labi mo?"Hinawakan ni Charlotte ang labi. "Lipstick.""Saan galing?""Sa akin bakit?"Lumingon siya kay Elisse na mataas na naman ang isang kilay."Bakit mo siya binigyan ng pang kulay sa labi?""Why not? Para naman hindi siya maputla sa tuwing aalis siya ng bahay.""May natural na pula ang kulay ng labi niya, kaya hindi na niya kailangan 'yon." H
last updateHuling Na-update : 2024-04-18
Magbasa pa

39 - Twins?

Charlotte's POVNang muli silang pumasok sa isa pang kwarto para sa check-up sa kanya, nanghina naman ang tuhod niya sa kaba. Daig pa niya ang isasalang sa operation, kahit check-up lang naman ang gagawin sa kanya.Ngumiti ang doctor, habang naglalagay ng gloves sa kamay. "Nerbiyosa ata ang asawa mo, Mr.?""Elijah."Tinapik nito ang kulay brown na higaan. "Higa ka na dito."Hinawakan niya ang kamay ni Elijah. Napakunot ang noo nito na tumingin sa kanya.Napabuntong-hininga ito. "Doc, pakisabi naman kung ano ang gagawin sa kanya. Baka bigla na lang siyang mawalan ng malay dahil sa takot."Napangiti naman ng malaki ang doctor. "Titingnan ko lang kung meron nga bang baby na naglalangoy sa tiyan mo. Mas masaya sana kung maririnig mo na ang heartbeat ng baby mo, pero hindi pa sa ngayon. Ilang weeks pa bago natin marinig 'yon.""Sumunod ka na lang Charlotte, para makauwi na rin tayo kaagad."Lumakad siya at umupo sa higaan. Dahan-dahan siyang humiga at ang doctor na ang nagtaas ng damit niy
last updateHuling Na-update : 2024-04-23
Magbasa pa

40 - Pagtatapat

Charlotte's POVMuli siyang tumingin sa kuya niya na hindi na sila tinapunan pa ng tingin ni Elijah."Mag-dinner muna ba tayo, o sasabihin niyo na ang gusto niyong sabihin na mag-asawa?" panimulang saad ng mommy niya.Ngumiti naman siya at hinawakan ang kutsara. "Kain muna tayo Mom, mas maigi na tapos na tayong kumain bago ko sabihin, baka kasi nawalan kayo ng gana."Nagsalubong ang kilay ng magulang niya. "Bakit naman kami mawawalan ng gana? Kahit ano pa 'yan ay okay lang sa amin anak." Ani ng kanyang mommy."Doon na lang tayo mag-usap sa living room, pagkatapos nating kumain," na sabi na lang niya."Okay."Nagsimula silang kumain habang nag-uusap ang magulang niya na bahagyang mahina at sila lang na dalawa ang nakakarinig ng malinaw. Habang sila namang tatlo ay tahimik lang na kumakain. Kahit isang salita wala siyang narinig mula sa kuya niya, pokus lang ito sa pagkain hanggang sa matapos ito.Lumipas ang ilang minuto na lahat sila ay tapos na sa pagkain, kaya pumunta na rin kaagad
last updateHuling Na-update : 2024-04-27
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status