Charlotte's POVPagkatapos niyang kumain ay umalis siya ng dining at pumunta sa labas ng bahay. Nakasilong naman siya kaya hindi siya mahahamugan. Umupo siya sa isang upuan. Dito na lang niya hihintayin si Elisse. Itatanong na lang niya kung ligtas bang nakauwi si Luis.Ano nga kaya ang problema ni Luis? Simula ng maging kaibigan niya ito ay ngayon lang ito uminom ng marami at siya pa ang tinawagan para sumundo. Baka may problema ito at hindi lang nila napansin dahil sa tahimik lang ito at madalang magsalita dahil puro libro ang kaharap.Napabuntong-hininga siya, at pumikit. Mukhang maaga siyang aantukin. Naisip din niya si Elijah. Galit ba ito sa kanya nang umalis ito sa dining? Concern lang naman siya sa kaibigan niya. Hindi naman siya susugod doon ng hindi siya nag-iisip.Hinawakan niya ang tiyan niya.Masyadong mainit ang ulo ng daddy mo. Daig pa niya ang naglilihi sa ugali niya kanina. Bigla na lang magagalit, at hindi man lang siya hinayang magpaliwanag dahil mas inuna nito ang
Charlotte's POV Naalimpungatan siya sa nalalasahan ng dila niya habang nakapikit pa rin ang mata niya. Naglalaway ang bibig niya at hindi niya mawari kung bakit, pero nang nakaramdam na siya na may ibig umahon galing sa tiyan niya ay ibig sabihin kailangan na niyang magising ng tuluyan dahil magsusuka na naman siya. Kahit medyo inaantok pa ang mga mata ay pinilit pa rin niyang makapunta ng banyo habang umaalalay sa pader.Pagpasok pa lang ay sa sink na agad siya yumuko at sumuka na puro laway lang naman ang lumalabas. Nakakapanghina ang ganito, parang pagod na pagod siya pagkatapos niyang sumuka ng laway lang.Tumayo siya ng tuwid at tumingin sa salamin. Hindi pa pala siya naghihilamos. Yumuko ulit siya at naghilamos ng mukha, mamaya na lang siya mag-toothbrush pagkatapos kumain ng umagahan.Lumabas siya ng banyo na hinang-hina, lumakad palapit ulit ng kama at nahiga. Narinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto."Charlotte, gising ka na diyan. Aalis na tayo after two hours." Ani Elija
Elijah's POV4:30 pm...Kanina pa siya sa labas ng kwarto nila ni Charlotte. Ilang beses na siyang kumatok para lumabas na ito dahil aalis na sila para makipag-meet sa ob-gyn nito na nirekomenda ng kanyang personal na doctor."Charlotte! Lumabas ka na diyan, baka ma-late tayo at hindi na natin maabutan yung doctor."Bumukas naman ang pinto. Seryosong lumabas lang si Charlotte, pero napakunot ang noo niya sa itsura ng mukha nito."Sandali."Huminto ito sa paglalakad pababa ng hagdan. Lumingon sa kanya na may pagtataka na makikita sa mukha."Bakit?"Unti-unti siyang lumapit at huminto nang isang dipa ng kamay sa pagitan nila."Ano 'yang nasa labi mo?"Hinawakan ni Charlotte ang labi. "Lipstick.""Saan galing?""Sa akin bakit?"Lumingon siya kay Elisse na mataas na naman ang isang kilay."Bakit mo siya binigyan ng pang kulay sa labi?""Why not? Para naman hindi siya maputla sa tuwing aalis siya ng bahay.""May natural na pula ang kulay ng labi niya, kaya hindi na niya kailangan 'yon." H
Charlotte's POVNang muli silang pumasok sa isa pang kwarto para sa check-up sa kanya, nanghina naman ang tuhod niya sa kaba. Daig pa niya ang isasalang sa operation, kahit check-up lang naman ang gagawin sa kanya.Ngumiti ang doctor, habang naglalagay ng gloves sa kamay. "Nerbiyosa ata ang asawa mo, Mr.?""Elijah."Tinapik nito ang kulay brown na higaan. "Higa ka na dito."Hinawakan niya ang kamay ni Elijah. Napakunot ang noo nito na tumingin sa kanya.Napabuntong-hininga ito. "Doc, pakisabi naman kung ano ang gagawin sa kanya. Baka bigla na lang siyang mawalan ng malay dahil sa takot."Napangiti naman ng malaki ang doctor. "Titingnan ko lang kung meron nga bang baby na naglalangoy sa tiyan mo. Mas masaya sana kung maririnig mo na ang heartbeat ng baby mo, pero hindi pa sa ngayon. Ilang weeks pa bago natin marinig 'yon.""Sumunod ka na lang Charlotte, para makauwi na rin tayo kaagad."Lumakad siya at umupo sa higaan. Dahan-dahan siyang humiga at ang doctor na ang nagtaas ng damit niy
Charlotte's POVMuli siyang tumingin sa kuya niya na hindi na sila tinapunan pa ng tingin ni Elijah."Mag-dinner muna ba tayo, o sasabihin niyo na ang gusto niyong sabihin na mag-asawa?" panimulang saad ng mommy niya.Ngumiti naman siya at hinawakan ang kutsara. "Kain muna tayo Mom, mas maigi na tapos na tayong kumain bago ko sabihin, baka kasi nawalan kayo ng gana."Nagsalubong ang kilay ng magulang niya. "Bakit naman kami mawawalan ng gana? Kahit ano pa 'yan ay okay lang sa amin anak." Ani ng kanyang mommy."Doon na lang tayo mag-usap sa living room, pagkatapos nating kumain," na sabi na lang niya."Okay."Nagsimula silang kumain habang nag-uusap ang magulang niya na bahagyang mahina at sila lang na dalawa ang nakakarinig ng malinaw. Habang sila namang tatlo ay tahimik lang na kumakain. Kahit isang salita wala siyang narinig mula sa kuya niya, pokus lang ito sa pagkain hanggang sa matapos ito.Lumipas ang ilang minuto na lahat sila ay tapos na sa pagkain, kaya pumunta na rin kaagad
Venus POVInisang lagok lang niya ang alak na nasa baso, saka marahas na pinatong ulit 'yon sa lamesa. Narito siya ngayon sa isang bar para uminom ng alak, dahil ilang araw na niyang hindi nakikita si Elijah. Hindi na rin siya makapasok sa kumpanya nito dahil ban daw siya doon sa hindi niya malaman na dahilan."Easy lang sa pag-inom. Hindi ka isang prinsesa na may darating na prinsipe para iuwi ka sa bahay mo," saad ng kaibigan niyang si Sandra."Hayaan mo ako, mainit ang ulo ko ngayon.""Bakit ba kasi?"Nagsalin siya ng alak sa baso niya at ininom muna 'yon bago sagutin ang tanong ng kaibigan niya, "Si Elijah kasi.""Ano?""Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Ban pa ako sa kumpanya niya, hindi ako pinapapasok ng mga guards kahit anong pilit ko.""Tsk. Kulit mo kasi, sinabi naman niyang ayaw na niya 'di ba? Pag-ayaw na, huwag mo ng ipilit!"Nanlisik ang mga mata niyang habang pinapaikot ang baso na may laman na alak at yelo."Ayoko. Matagal na kaming magkaibigan at ang ginagawa na
Elisse POVHabang pababa siya ng hagdan, napansin niya na may babae na nakatayo sa sala, hindi naman si Charlotte 'yon dahil kabisado niya ang pigura, at isa pa, wala pa siyang naririnig na ugong ng kotse na pumasok sa loob ng bakuran kaya nagtaka siya kung sino, pero nang nag-side view ang babae ay doon napakunot ang noo niya dahil kilalang-kilala niya kung sino ang babae.Magkaharap na sila ngayon habang siya ay nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay."Walang party dito. Sa itsura mo mukhang galing ka pang bar."Tumaas din ang kilay nito, at maarteng tumingin sa kanya. "None of your business. Nasaan si Elijah?" Luminga-linga ito sa paligid."Wala rito si Elijah, excuse me rin, dahil may pakialam ako sa business mo dahil dito ka pumunta.""Bahay 'to ni Elijah, puwede akong pumunta rito anytime I want."Napangisi siya. "May permiso ka ba sa may-ari? As far as I know, hindi naman sinabi ni Elijah ang bahay na ito sayo, so paano no nalaman? Nag-hire ka ng expert para matunton ang ba
Charlotte's POV Kanina pa siya nakaupo sa lumang upuan sa isang maliit na kwarto rito sa likod ng bahay ni Elijah. Parang storage room na puro panglinis sa labas ng bahay. Nagtaka nga siya kung bakit pinapunta siya rito ni Elijah no'ng una, pero nagbigay naman ito ng dahilan sa kanya. Ang kotse pala sa labas na hindi familiar sa kanya ay isa sa tauhan nito sa kumpanya, kaya kailangan niyang magtago. Napatampal siya sa binti niya nang may isang lamok ang dumapo, maraming lamok dito sa labas.Tumayo siya at sumilip sa labas. Wala pa siyang nakikita na papunta rito para sabihan siya na pumasok na ng bahay. Ang tagal ata nung tauhan ni Elijah sa loob?Uupo sana ulit siya, pero biglang bumukas ang pinto. Lumingon siya at nakitang si Elijah iyon na may pawis pang pumatak sa gilid ng pisngi nito.Kumunot ang noo niya. "Ayos ka lang ba? Tumakbo ka ba papunta rito?"Umiling naman ito sa kanya saka lumapit. "Sorry kung natagalan."Maliit naman siyang ngumiti. "Ayos lang naman." Tumitig ito sa
Tumalikod si Elijah sa kanyang kapatid para itago ang dahan-dahan na umaagos na luha sa kanyang pisngi. Ilang araw siyang parang lutang, walang gustong gawin kung hindi uminom. Hindi rin siya makapag-isip ng tama o mag plano dahil si Charlotte lang ang tumatakbo sa isip niya araw-araw. Wala siyang alam kung okay lang ba ito, nahihirapan ba sa pagbubuntis, o nakakagalaw pa ba ng normal. Sa sitwasyon niya ngayon, alak ang kakampi niya dahil kahit paano ay nawawala ang sakit sa kanyang puso. "Huling pagkakataon, Elijah. Sa oras na nasayang pa ang pagkakataon mo ngayon, wala ka ng magagawa kung hindi mag-move on. Kakalimutan mo si Charlotte at ang mga anak mo, babalik ka sa dati na walang iniisip kung hindi ang kumpanya, at walang kasal na naganap. Naiintindihan mo—" "O-Oo. Sapat na sa akin ang narinig ko mula sayo kanina. Magpapatuloy ako hanggang sa makulong sa bilangguan si Venus." Maliit na napangiti si Elisse, dahil sa wakas mukhang natauhan na ang kanyang kapatid. "Magaling kun
Sa awa sa kapatid, lumabas siya ng kwarto at may kinuha sa kwarto niya para ibigay kay Charlotte. Nang pumasok muli siya sa kwarto ni Charlotte ay dinig niya na ang pag-iyak nito. "Huwag ka ng makulit dahil hindi talaga puwede ang gusto mo Charlotte, pero habang hindi mo pa makausap si Elijah may regalo ako sayo." Sumilip ang mukha ni Charlotte sa unan na nakalagay sa mukha nito. Ngumiti naman si Christian at may tinaas na damit. "Sinabi sa akin ni Elijah na gustong-gusto mo ang amoy niya, kaya pinakuha niya ang gamit na niyang damit. Alam kong hindi masyadong malinis ito, pero kung ito ang makakapawi diyan sa pangungulila mo kay Elijah, payag na akong ilapit mo sa katawan mo ito." Kahit basa ang paligid ng mata ni Charlotte ay makikita pa rin ang galak sa mata nito nang malaman na kay Elijah ang damit na hawak ni Christian. Tinaas niya agad ang kamay niya para iabot iyon ng kanyang kuya, at nang mahawakan at ilapit niya sa ilong niya ang damit ay mas lalo siyang naiyak dahil sa
Huminga ng malalim si Christian bago lumapit sa higaan ni Charlotte. Tumingin siya sa kanilang ina. "Iwan niyo muna kami sandali, Ma." Nagtaka naman ang ina ng dalawa. "May sasabihin ka ba sa kapatid mo? Kung meron, dito na lang din kami para marinig namin ng daddy mo." Umiling si Christian. "Si Charlotte na lang muna ang kailangan kong makausap at makarinig ng sasabihin ko. Huwag kayong mag-alala, hindi naman makakasama sa kanya ang mga sasabihin ko." Nag-aalinlangan man ang mag-asawa ay umalis ang mga ito sa kwarto at naiwan si Christian na nakaupo na sa tabi ng kama ni Charlotte. "K-Kuya si Elijah nagpunta na ba siya rito?" Puno ng pagka-asam ang pagkakatanong ni Charlotte. Hindi sumagot si Christian, tahimik lang nitong nilapag ang puting sobre sa ibabaw ng kumot ni Charlotte. "Ano 'to?" tanong ni Charlotte habang kinukuha ang sobre. "Sulat mula kay Elijah." Nagsalubong ang kilay ni Charlotte habang nakatitig sa sobre na mukhang dikit na dikit ang bukasan. "B-Bakit magp
Nang tuluyan na makalabas si Christian ay huminto siya sa tapat ng pinto habang nakalagay ang dalawang kamay sa bewang. Sa itsura niya ay tila nag-iisip na siya ng mas mabigat na dahilan para paniwalain si Charlotte tungkol kung nasaan nga ba si Elijah. Lumakad si Christian paalis sa tapat ng pinto hanggang sa mapadpad siya s a billing station kung saan may lalaking nurse na nagsusulat. Tinitigan niya ang hand writing nito ng matagal bago tuluyang umalis ng ospital. Samantala, sa oras na iyon ay gising na si Elijah, pero nakadilat nga ang kanyang mata ngunit nakatulala lang sa kisame at may pagkakataon na hindi na ito kumukurap. Pumasok si Elisse na bihis na bihis at mukhang aalis, napakunot ang noo niya nang nadatnan si Elijah na hindi pa bumabangon sa kama nito. "Wala ka bang balak bumangon diyan, Elijah?" Bumuntong-hininga lang si Elijah at tumalikod ng higa kay Elisse. Napataas naman ang kilay ni Elisse sa ginawa ni Elijah. "Akala ko pa naman sisimulan mo ng gumawa ng paraan
Umupo si Elijah isang dipa malayo sa kanyang kapatid. Halatang sa itsura ng mukha nito ay malungkot siya dahil sa napagkasunduan nila ni Christian. "Hoy ano ng sabi ni Christian?! Nakita mo ba si Charlotte? Nakausap mo ba siya? Nasabi mo ba ang totoong nangyari kaya hindi ka agad nakapunta ng ospital?" Napahilot na lang si Elijah sa sintido niya dahil sa sunod-sunod na tanong ni Elisse. Ang lahat naman ng tanong nito ay hindi ang sagot. "Hindi," maikling sagot ni Elijah. Napakunot ang noo ni Elisse. "Tulog ba siya ng pumunta ka doon? Dapat hinintay mo na lang na magising at hindi ka muna umuwi rito." Malalim na napabuntong-hininga si Elijah. Sumandal siya sa sandalan ng sofa at tumitig sa kawalan. "Pinagbawalan na ako ni Christian na makita si Charlotte." Unti-unting namilog ang mata ni Elisse at bahagyang lumapit ng upo kay Elijah. "Ano't bakit daw?!" "Batid na niya ang nangyayari. Akala ko ay wala siyang malalaman, pero nakalimutan ko atang matalino ang tao na 'yon, lalo n
Lumakad ng ilang hakbang si Christian palapit sa kanya. Sa hindi malamang dahilan umatras naman siya ng isang hakbang. Napansin iyon ni Christian kaya hindi ito nagpatuloy na maglakad. "Natatakot ka ba? Dapat hindi ka na natatakot sa dami mong kasalanan, Elijah." "P-Please, Christian. Hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan 'yan!" sigaw niya. "Kelan pa Elijah ang tamang oras?! Pag patay na ang mag-iina mo!!" Halata na rin sa paghinga ni Christian ang galit na kinikimkim lang nito, pero anumang oras ay malapit na rin itong sumabog sa galit. "Kailangan na nating pag-usapan ngayon at bigyan ng solusyon ang problema mo. Magkakaroon tayo ng kasunduan, Elijah." Kumunot ang noo niya. "K-Kasunduan? Anong kasunduan ang sinasabi mo?" "Tutal may problema ka pang dapat ayusin sa pagitan niyong dalawa ni Venus. Nagdesisyon akong hindi ka na muling magpapakita pa kay Charlotte— hanggang isilang niya ang anak niyong dalawa." Lalong nagsalubong ang kilay niya, hindi puwede 'yon. "Hindi ak
Nakarating siya sa ospital na sinabi ni Elisse. Walang pag-aatubiling inayos niya ang pagkaka-park ng kotse at saka tumakbo papasok ng ospital. Huminto siya sa isang nurse na makaksalubong niya na malapit lamang sa billing station. "E-Excuse me. Saang kwarto naka-admit si Charlotte?" Bahagyang may gulat sa mukha ng nurse pero pumasok naman ito kung saan nakalagay ang mga file records ng mga pasyente na naka-admit sa ospital. Matagal nitong tiningnan ang file bago nagtaas ng ulo at tinanong siya. "Ano pong apelyido? Dalawang Charlotte po ang naka-admit sa ospital na ito." Bubuka na sana ang bibig niya para sabihin ang kanyang apelyido, pero may pagdadalawang isip din siya dahil baka hindi iyon ang ginamit na apelyido ni Charlotte dahil tinatago nga nila ang kanilang pagiging mag-asawa at pagdadala nito ng kanyang apelyido. "Sir?" Umiling siya at sinabi ang kanyang apelyido, "W-Walton. Charlotte Walton." Napakunot ang noo ng nurse dahil siguro sa tagal niyang sumagot. Hindi
Elijah's POV "Makalabas kaya ako dito ng hindi ako nakikita ni Venus?" "Hindi." Nagsalubong ang kilay niya. "Anong hindi?" "Mahirap makalabas kahit mag-disguise ka pa. Halata masyado kung tatabunan ng mukha mo ang cap na dala ko, nasa bungad lang siya ng entrace nitong ospital doon sa gate." Napasandal naman siya sa kanyang upuan. Paano siya makaka-alis kung mabibisto rin pala siya? "Mas maganda ang plano ko. Nandito na siya in 1...2— nandiyan na pala siya." May pumasok na isang lalaki na nakasuot ng leather black jacket, maong pants, black leather shoes, lahat ng nasa katawan nito ay kulay itim. Diretso ito sa harap mismo ni Elisse. "Nakita mo ba siya sa labas?" tanong ni Elisse sa lalaki. "Yes. Gumagamit ba siya ng pinagbabawal na gamot kaya gusto mong makatakas sa kanya? Sa itsura ng babae na iyon ay hindi nalabong hindi gumagamit ng ganon." "Hindi. Sadyang may saltik lang ang babae na 'yon, malapit ng maaning kaya ganon ang itsura. Anyway, ipag-drive mo ang kapa
Elijah's POV Kanina pa niya inaayos ang kanyang cellphone habang nakaupo rito sa waiting area. Nabagsak ang kanyang cellphone habang nagmamadali siya kanina, dahil sa request ng doctor na kailangan niyang bihin sa labas ng ospital. Inalog at paulit-ulit na pinindot ang turn-on button sa gilid, pero hindi talaga magsindi ito. Sa asar ay muntik niya na ulit iyong ibato sa pader, pero napigilan niya at kumalma habang nakasandal sa pader. Bumuga siya ng hangin at muling sinubukan na buhayin ang phone niya. Kagat labi niyang diniinan ang power button, at nang makita niya na umilaw ang screen ng cellphone ay napasuntok talaga siya sa hangin, pero hindi nagtagal ay may tumatawag na sa cellphone ,si Elisse. Sinagot niya iyon at pinatong sa kanyang tenga, "Hello." "Thank God sinagot mo na!!" sigaw na saad ni Elisse mula sa kabilang linya. "Nasira ang telepono ko kanina, na-ayos lang ngayon. Bakit napatawag ka?" "Kung alam mo lang na kanina pa kita kokontak, muntik na akong mabaliw dito