Home / Romance / Secretly in love with my brother / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Secretly in love with my brother : Chapter 81 - Chapter 90

120 Chapters

CHAPTER 30 MAB

MEC-MEC“Nagsisinungaling ka na naman sa akin.” sabi ko sa kanya.“Alam ko na mahirap paniwalaan pero ‘yon ang totoo, baby. Maniwala ka man o hindi pero totoo ang sinasabi ko.” nakangiti na sabi niya sa akin.“Tama na nga, ayaw ko ng marinig pa. Sinasabi mo na naman ‘yan dahil paglalaruan mo na naman ako.” sabi ko sa kanya.“Hindi kita pipilitin kung ayaw mo, baby. Pero isa lang ang sigurado ako hindi ka naging kabit.” sabi niya sa akin at walang pasabi akong hinalikan sa labi.“Ano ba?! Huwag mo nga akong halikan.” naiinis na sabi ko sa kanya.“Sorry, baby.” hingi niya ng paumanhin sa akin.“Umalis kana.” sabi ko sa kanya.“Sige, aalis na ako. Ayaw ko na dagdagan pa ang galit mo sa akin. Babalik ako dito, baby.” sabi niya.“Kahit ‘wag ka ng bumalik.” sabi ko at pumasok na ako sa loob ng bahay.Dumiretso ako sa silid ko at hindi na ako lumingon pa. Umupo ako sa kama ko. Naguguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. Kaya naman mabilis kong tinawagan ang daddy ko.
last updateLast Updated : 2024-04-11
Read more

CHAPTER 31 MAB

MARKAlam ko na galit siya akin. At tanggap ko na malamig ang pakikitungo niya sa akin. Pero hindi ko inaasahan na malalaman ko. She hid her pregnancy sa ‘kin. Ganoon siya ka galit sa akin. At nasaktan ako nang sumagot siya na may balak siyang itago ang bata sa akin. At isa ‘yon sa mga masasakit na salita na narinig ko.Wala akong pakialam kung lumuhod man ako sa harapan niya. Alam ko na hindi niya ako kayang patawarin pero ayaw ko na mawala sa akin ang anak ko. Sobrang saya ko. Masaya ako dahil sa wakas ay may dahilan pa ako para lumaban. Para makuha ulit siya. “Tumayo ka na d’yan at umalis ka na. Ngayon ay alam mo na ang tungkol sa anak mo. Hindi ko ipagkakait ang karapatan mo sa kanya. Ayaw ko lang na guluhin mo ang buhay ko.” sabi niya sa akin.“Thank you,” sabi ko sa kanya.“Lumabas kana,” utos niya sa akin.Hindi na ako kumontra pa. Lumabas ako sa silid niya. At malungkot na nakatingin sa akin si lola. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. Umiyak ako ng umiyak. “Ok
last updateLast Updated : 2024-04-11
Read more

CHAPTER 32 MAB

MEC-MECMaaga ulit akong gumising para maglakad. Gusto ko na itong gawin na daily routine ko. Ang sabi ni Tita Mireya ay maganda rin daw itong exercise. Kung noon ay bihira lang akong magpa-araw. Ngayon naman ay gusto ko na itong gawin palagi.“Apo, sasama ka ba sa akin mamaya?” tanong sa akin ni lola.“Saan po, lola?”“Sa bahay ni Mayor. May party kasi at imbitado ako.” sagot niya sa akin.“Sige po, lola.” saad ko sa kanya.“Sige, apo umalis kana baka mamaya ay sobrang init na sa labas.” sabi niya sa akin.“Sige po, alis na ako lola.” Habang palabas ako sa bahay ay biglang dumating si Mark. May dala na naman siyang bulaklak.“Good morning, baby.” bati niya sa akin habang nakangiti.“Bakit ka nandito? Wala kana bang hang-over?” tanong ko sa kanya.“Wala na,” sagot niya sa akin.“For you,” sabi niya sabay abot ng bulaklak.Nakatingin lang ako sa bulaklak na hawak niya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi?“Paki-lagay na lang sa loob.” sabi ko sa kanya at nilagpasan ko siya.“S
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

CHAPTER 33 MAB

MEC-MECPinakalma ko ang sarili ko bago ako lumabas. At nang lumabas na ako ay wala na si Mark. Ang sabi ni lola ay umuwi na daw ito. Pero tapos na rin itong nagluto. Kami na lang ni lola ang kumain ng tanghalian. At habang kumakain kami ay pinupuri ni lola ang luto ni Mark. Hindi naman ako kumontra dahil tama naman siya. Masarap talagang magluto si Mark. Kaya nga gustong-gusto ko tuwing ipinagluluti niya ako.“Pero alam mo apo, ang swerte mo kay Mark. Dahil mabait at masipag na bata. At alam namin na nasa tamang tao ka.” sabi niya sa akin.“Ayaw mo mang aminin apo ko pero alam ko na mahal na mahal mo siya. Ayaw mo ba siyang bigyan ng chance? Alam ko na nagkamali siya pero alam ko rin na pinagsisihan na niya ito.” saad sa akin ni lola.“I need more time, lola.” ang tanging nasabi ko sa kanya.“Okay, apo. Just take your time.” Sabi niya sa akin.Ngumiti ako sa lola ko. Alam ko naman ang gusto nilang sabihin sa akin. Siya at si daddy ay walang pinagkaiba. Alam na alam namin ang love stor
last updateLast Updated : 2024-04-12
Read more

CHAPTER 34 MAB

MEC-MEC“We’re here,” sabi sa akin ni Mark nang tumigil kami sa isang bahay.“Dito ka nakatira?” tanong ko sa kanya.“Yeah, dito.” nakangiti na sagot niya sa akin.Inalalayan niya akong bumaba. Pagpasok namin sa loob ng bahay niya ay bumungad sa amin ang malinis at spacious na living room. Wala naman gaanong gamit dito sa bahay niya. Siguro dahil siya lang naman ang narito.“Gusto mo ba ng juice o water?” tanong niya sa akin.“Tubig na lang,” sagot ko sa kanya.“Okay, baby.” nakangiti na sabi niya at mabilis na pumasok sa may kusina. Ako naman ay umupo sa may couch niya. Paglabas niya mula sa kusina ay may dala siyang isang basong tubig. Binigay niya ito sa akin. Mabilis ko naman itong ininom. Nagulat ako dahil bigla na lang siyang bumaba sa paanan ko.“Masakit ba ang paa mo?” tanong niya sa akin.“Okay lang ako,” sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.“Okay, baby.” sabi niya sa akin at tumayo na para dalhin ang baso sa kusina.“Nagugutom ka ba? Hindi ka pa pala kumain?” tanong niya s
last updateLast Updated : 2024-04-14
Read more

CHAPTER 35 MAB

MEC-MECNang magising ako ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi ngumiti. Katabi ko kasi ngayon ang lalaking mahal ko. Hindi ko alam pero wala na ang galit ko sa kanya. Ganito ba talaga? Ganito ba kapag mahal mo? Alam ko na hindi rin naging madali sa kanya ang lahat. Alam ko na nahihirapan rin siya. Lalo na ng isuko niya ang pagiging Ventura niya para lang sa akin.“Good morning, baby.” nakangiti na bati niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.“Baby, nagugutom na ako.” sabi ko sa kanya pero nakatulala lang siya sa akin.“Baby?”“Say it again, please.” utos niya sa akin.“Say what?”“Baby,” sagot niya sa akin kaya naman napangiti ako.“I love you, baby.” sabi ko sa kanya.“Am I dreaming?” tanong niya sa akin.“No, you’re not.”“Para kasing hindi totoo. Hindi kana ba galit sa akin? Bati na ba tayong dalawa?”“Galit pa rin naman. Pero wala akong choice kasi ikaw ang pinaglilihian ko. Gustong-gusto ka ng anak mo.”sabi ko sa kanya pero pabiro lang naman. Kasi ang totoo ay wala na
last updateLast Updated : 2024-04-15
Read more

CHAPTER 36 MAB

MEC-MECNagsama kami ni Mark bilang mag-asawa kahit na hindi pa kami kasal. Wala namang problema sa akin dahil hindi naman kami nagmamadali. Ako ang naiiwan dito sa bahay habang siya ay pumapasok palagi sa trabaho niya sa company ng lolo niya. Tinutulungan niya kasi ito dahil pabagsak na ang company. Hindi naman ako naiinip dahil palagi naman siyang tumatawag sa akin. Minsan nga ay late na siyang pumapasok sa work niya dahil sa morning sickness ko. Ang buong akala ko ay nawala na pero after three days ay bumalik na naman ito ulit. Maselan ang amoy at panlasa ko na hindi ko alam kung ano ba ang kakainin ko na hindi ako masusuka.“Baby, hindi na muna ako papasok ngayon.” sabi niya sa akin.“Baby, okay lang ako. Don’t worry about me.” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko naman na hindi siya magtrabaho ng dahil lang sa akin.“No, baby. I’ll stay here,” sabi niya sa akin.“Alam ko na nag-aalala ka sa akin but I’m fine. Pero kung talagang ayaw mong pumasok ngayon ay ipagluto mo na lang ako.” naka
last updateLast Updated : 2024-04-18
Read more

CHAPTER 37 MAB

MEC-MEC“Baby, parte sila ng pagkatao mo. Pero kami ang pamilya mo. At mahal na mahal ka namin. Mahal ka namin ng baby natin. Hindi na mahalaga ang nakaraan dahil mas mahalaga ang kung ano ang mayroon tayo ngayon. Siguro nga siya ang ama mo pero malaki ang pagkakaiba niyong dalawa dahil ikaw. Mabuti ang puso mo, mabuting tao ka.” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Thank you, baby. Paano na lang ako kung wala ka?” sabi niya sa akin.“Ako ang dapat na nagtatanong sa ‘yo ng ganyan. Paano ako kung wala ka sa buhay ko? Alam ko na kung saan man ngayon ang daddy mo ay pinagsisihan na niya ang ginawa niya. Hayaan mo ang sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga ay wala kang ginagawa sa kanila. Let them judge you kasi hindi naman nila alam ang buong kwento. Mahal kita at mamahalin pa kita. Kami ni baby ang kasama mo.” sabi ko sa kanya.“I love you so much, baby. Bumalik na kaya tayo sa Manila?” tanong niya sa akin.“Okay lang ba sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.“Oo, I need to breathe. Hindi ko kayang dumit
last updateLast Updated : 2024-04-19
Read more

CHAPTER 38 MAB

MEC-MEC Nagstay ako sa office ni Mark. Nakatambay lang ako dito at hinihintay ko siya na matapos sa ginagawa niya. Nanonood na lang ako sa phone ko ng movies. Mas pinili ko ang rom-com. Ayaw ko ng drama kasi ayaw kong umiyak. Lately kasi ay mababaw lang talaga ang luha ko. Tuwang-tuwa ako sa pinapanood ko kaya naman bigla na lang akong tumatawa mag-isa. Tumagal rin yata ng dalawang oras ang pinapanood ko. Pagkatapos ay tumigil na ako. Kaya naman tumayo ako at naglakad-lakad dito sa loob nang office niya.“Baby, naiinip kana ba?” Tanong niya sa akin.“No, I’m not.” Mabilis na sagot ko sa kanya.“Tapusin ko lang ito para makauwi na tayo.” Malambing na sabi niya sa akin.Lumapit naman ako sa kanya. Tumayo ako sa likuran niya ang minasahe ko ang balikat niya.“Masakit ba ang balikat mo? Ang likod mo sumasakit din ba? O baka nangangalay?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.“Medyo, baby.” Sagot niya sa akin.“Masyado kang masipag baka lalo kang yumaman niyan.” Pabiro na sabi ko sa kanya.“
last updateLast Updated : 2024-04-21
Read more

CHAPTER 39 MAB

MEC-MECIsang magandang umaga ang bumungad sa akin. Ngayon ang araw ng kasal namin ni Mark. Civil wedding ito dahil napagkasunduan naman namin na after ko manganak ay magpapakasal kaming dalawa ulit sa simbahan.“Good morning, anak ko.” nakangiti na bati sa akin ni mommy.“Good morning, mommy.”“I’m so happy for the both of you.” sabi niya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.“Saan po si Mark?”“Kasama niya ang daddy mo.” sagot niya sa akin.“I’m so happy right now, mom. Ganito ba talaga ang feeling kapag ikakasal ka sa lalaking mahal mo?” masaya na tanong ko sa kanya.“Masaya ako na makita na nakangiti ka, anak ko. Kayong dalawa ni Mark ay mga anak ko. At masaya ako dahil kahit na ganito. Kahit na mali sa mata ng ibang tao ay masaya ako para sa inyo. Masaya ako dahil si Mark ang pinili mo. Ako ang nagpalaki sa kanya kaya alam ko na magiging mabuting asawa at ama siya sa pamilya niyo. Madaling maghugas pero hindi nila puwedeng husgahan ang puso na nagmamahal.” “We are lucky to have
last updateLast Updated : 2024-04-22
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status