MEC-MEC “Mark, nandito ka pala. Hindi ka man lang nagsabi sa amin.” sabi ni mommy kay Kuya. “Sorry, mom.” “It’s okay, anak. Sasabay ka ba sa amin pabalik sa Pilipinas?” “I’ll stay here po muna dito, mom.” “Mas mabuti na samahan mo na lang muna dito ang kapatid mo.” Saad naman ni mommy. “Baka may trabaho ka sa Pinas, kuya.” Sabi ko sa kanya. Pero sa loob loob ko ay gusto ko siyang kasama dito. “Ilang days lang ako dito. Uuwi rin ako. Parang ayaw mo yata na nandito ako.” Pabiro na sabi niya sa akin. “Syempre gusto ko.” Sabi ko kay kuya. Nagtawanan naman sila mommy. Alam naman nila kung gaano kami ka-close na dalawa ni kuya. Hindi na ako pumasok sa trabaho ko dahil ihahatid namin sila sa airport. At mamayang gabi ay may party pa na magaganap. Nahihiya naman ako na hindi ako pupunta. “Anak, tumawag ka sa amin lagi. Please, kahit once a week lang.” Malambing na sabi sa akin ni mommy. “I’m sorry, mom. Promise tatawag na po ako lagi.” Sabi ko sa kanya. “Okay, basta tumawag ka. Mag
Last Updated : 2024-03-14 Read more