"GOOD morning, my Princess" masayang bungad na bati ni Zia kay Gia.Ngumiti ito sa kanya at yumakap ng mahigpit."Good morning, Mama" magiliw na bati din ni Gia. Saka punong puno ng pagmamahal na hinalikan nito sa pisngi ang ina."Come on baby, samahan na kita sa banyo" aya na wika ni Zia.Bumangon na si Gia. At hinawakan ni Zia ang anak sa isang kamay nito para pumunta sa banyo.Araw ng Sabado ngayon at wala namang pasok ang anak sa eskwelahan. Kaya hinahayaan niya itong gumising ng hindi maaga kapag weekend o walang pasok sa eskwelahan.Pababa na ng hagdan ang mag ina. Lumawak ang mga ngiti ni Gia nang makita ang kanyang Tita Carol kasama ang anak nitong si Cassy.Binitiwan ni Gia ang kamay ng ina at tumakbo palapit sa kaibigan na si Cassy. Magbestfriend ang mga anak nina Zia at Carol. Kagaya nila ay na mgbestfriend din."Gia, be careful!" saway ni Zia sa anak na tumatakbo palapit sa kaibigan nito."I will, Mama" nangumiting sumagot si Gia sa ina na hindi tinatapunan ng tingin ang k
Read more