LUMIPAS ang dalawang buwan at unti-unti nang naghihina si Jose. Nangangayayat na ito at hindi na kayang tumayo. Nakahiga na lang ito sa higaang kawayan sa kuwarto nilang mag-asawa."Juan Miguel, malapit na akong mawala dito sa mundo," nanghihina na sabi ni Jose."Huwag kang magsalita ng ganyan, kaibigan. Mabubuhay ka pa ng maraming taon kasama, ang pamilya mo," naging magkaibigan sila pagkatapos ng aksidente ni Juan Miguel sa daan."Tanggap ko na, kaibigan. Mawawala na ako, ang ikinatatakot ko lang ay ang pamilya ko. Maaga ko silang mauulila," malungkot itong tumunghay sa kaibigang si Juan Miguel. Bumangon si Jose sa pagkakahiga at umupo. Hinawakan naman ni Juan Miguel ang kamay ng kaibigan."Huwag kang mag alala sa pamilya mo. Ako na ang bahala sa kanila. May pangako ako sayo noon at tutuparin ko iyon dahil napakalaki ng utang na loob ko sayo," ani Juan Miguel."Wala kang utang na loob sa akin. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin kapag may nangangailangan ng tulong ko," saad ni Jose.
Huling Na-update : 2023-10-14 Magbasa pa