LUMIPAS ang dalawang buwan at unti-unti nang naghihina si Jose. Nangangayayat na ito at hindi na kayang tumayo. Nakahiga na lang ito sa higaang kawayan sa kuwarto nilang mag-asawa.
"Juan Miguel, malapit na akong mawala dito sa mundo," nanghihina na sabi ni Jose."Huwag kang magsalita ng ganyan, kaibigan. Mabubuhay ka pa ng maraming taon kasama, ang pamilya mo," naging magkaibigan sila pagkatapos ng aksidente ni Juan Miguel sa daan."Tanggap ko na, kaibigan. Mawawala na ako, ang ikinatatakot ko lang ay ang pamilya ko. Maaga ko silang mauulila," malungkot itong tumunghay sa kaibigang si Juan Miguel. Bumangon si Jose sa pagkakahiga at umupo. Hinawakan naman ni Juan Miguel ang kamay ng kaibigan."Huwag kang mag alala sa pamilya mo. Ako na ang bahala sa kanila. May pangako ako sayo noon at tutuparin ko iyon dahil napakalaki ng utang na loob ko sayo," ani Juan Miguel."Wala kang utang na loob sa akin. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin kapag may nangangailangan ng tulong ko," saad ni Jose."Kailangan mo ang tulong ko ngayon. Kaya handa ako na tulungan ka gaya nga ng ginawa mo para sa akin," sagot ni Juan Miguel."Alicia," tawag ni Jose sa asawa.Sumilip at pumasok sa loob ng kuwarto ang asawa ni Jose saka umupo sa tabi ng asawa."Mama, gusto ko sana na sumama kayo kay Juan Miguel kapag nawala na ako," malungkot na sabi ni Jose."Papa, huwag ka naman magsalita nang ganyan. Makakasama ka pa namin ng mga bata. Huwag kang sumuko. Mahal na mahal ka namin," naiiyak na sabi ni Alicia."Mahal na mahal ko rin kayo. Si Juan Miguel ang bahala sa inyo ng mga bata," saad ni Jose."Nakakahiya kay Senyor. Okay naman kami dito sa kubo. Magtatrabaho ako para sa mga anak natin," saka ginagap ang mga kamay ng asawa."Alicia, huwag ko na akong tawaging Senyor. Alam mo naman na matalik kong kaibigan si Jose. Saka huwag kang mag-alala hindi ko kaya pababayaan ng mga anak mo," sabi ni Juan Miguel na nakatingin sa kaibigan."Papa!" tawag ni Julieanne sa ama na nasa likod si Jane. Pareho silang umiiyak at humuhikbi. Naririnig nila ang pinag-uusapan ng mga magulang kasama ang kaibigan ng ama."Hali kayo mga anak," utos na sabi ni Jose at ibinuka ang mga braso para salubingin ng yakap ang mga anak.Awang-awa si Juan Miguel sa pamilya ni Jose. Ang matalik niyang kaibigan ay napakabait. Ito ang nagligtas sa kanya ng minsang muntik ng mahulog sa bangin ang kaniyang simasakyan na kotse. Sinuong ni Jose ang panganib para lang maikiligtas siya sa kamatayan.Tumakbo ang magkapatid na nilapitan ang kanilang ama. Saka niyakap ng mahigpit ang kanilang ama. Nakiyakap na rin si Alicia sa kanyang mag ama.Tumulo ang luha ni Jose sa mga mata. Ipinikit niya ang mga mata saka bumulong."Mahal na mahal ko kayo," biglang lumaylay ang mga kamay ni Jose. Nararamdaman iyon ni Alicia kaya kumalas sa pagkakayakap sa kanyang mag ama.Pinagmasdan ni Alicia ang mukha ng asawa. Hinaplos niya ang mukha nito saka hinalikan ito sa noo. Humagulhol na siya ng iyak. Wala na ang asawa niya. Iniwan na nito sila ng mga anak niya.Napaluha na rin si Juan Miguel na nakaupo pa rin. Mapalad ang pamilya nito na nagkaroon sila ng katulad ni Jose na iniisip pa rin ang kapakanan ng pamilya nito kahit sa huling sandali ng kanyang buhay.Apat na araw na naiburol si Jose sa lobb ng kanilang kubo. Si Juan Miguel ang sumagot sa lahat ng gastos para mabigyan ng maayos na libing ang kaibigan.Kasalukyang inaayos na ng mag iina ang mga gamit nila. Ngayon kasi sila susunduin para dalhin sa mansyon ni Juan Miguel. Doon na sila maninirahan. Nakakahiya man pero iyon ang gusto ng namayapang asawa."Ma, bakit kailangan po nating umalis dito sa ating kubo? Andito po ang lahat ng alaala ni Papa," tanong ni Julieanne. Naiiyak na naman siyang naalala ang ama."Iyon ang bilin ng iyon Papa. Huwag kayong mag alala dahil mabait naman si Senyor," sagot ni Alicia."Pero, Mama," tatanggi sana si Jane. Nang may kumatok sa labas ng bahay nila. Tumayo si Alicia at tiningnan kung sino ang taong nasa labas."Ipinasusundo na po kayo ni Senyor," anang lalaki sa labas ng bahay nila."Sige po. Mauna na po kayo sa sasakyan at susunod po kami ng mga anak ko," sagot ni Alicia. Tumango lang ang lalaki at tumalikod na para pumunta sa sasakyan."Mga anak, handa na ba kayo?" tanong ni Alicia. Naikinalingon ng dalawang anak niya."Opo, Mama," magalang na sagot ni Julieanne."Kung wala na kayong nakalimutan ay hali kayo. Naghihintay na ang driver sa atin sa loob ng sasakyan," dagdag pa ni Alicia.Tumayo ang magkapatid bitbit ang kani kanilang mga damit na nasa loob ng itim na plastic. Si Alicia naman ay dala dala ang kanyang bayong na laman ang konti niyang mga damit.Sinulyapan ni Julieanne ang kanilang kubo sa huling sandali. Ang alaala ng kaniyang Ama. Ang mabait at mapag mahal na Papa niya. Mamimiss niya ito ng sobra. May namuong luha sa kanyang mga mata saka tumalikod sa kubo nila.Pinagmamasdan ni Julieanne ang malaking gate ng malaking mansyon ng kaibigan ng Papa niya. Namangha siya sa nakikita na ganda ng lugar. Ngayon lang siya nakakita ng ganito sa buong buhay niya. Napakayaman talaga ng Senyor. At napakabait pa kayaga ng Papa niya."Mama, rito po ba tayo titira?' tanong ni Jane sa ina."Oo, mga anak. Kaya huwag kayong gagawa ng ikakagalit ng Senyor sa atin," sabi ni Alicia sa mga anak."Opo, Mama," sagot ng dalawang anak nito.Lumabas na ng sasakyan ang mag iina. Saka iginiya ng driver na pumasok sa loob ng malaking bahay."Pumasok na po kayo sa loob. Naghihintay po ang Senyor sa sala," sabi ng Driver. Tumango ng ulo si Alicia at nagpasalamat dito sa paghatid sa kanila.Nagpalinga-linga sina Jane at Julieanne. At sobrang napaawang ang mga labi sa magarbong nakikita sa labas pa lang ng bahay ni Juan Miguel.Pumasok na ang mag-iina sa loob ng mansyon at nakitang papalapit sa kanila ang Senyor."Magandang umaga po, Senyor," magalang na bati ni Alicia at yumukod ng kaunti biglang paggalang."Alicia, di ba sinabi ko na sa iyo na huwag mo na akong tawaging Senyor. Sobra mo naman akong pinapatanda niyan," natatawang biro ni Juan Miguel na ikinangiti ng mag ina.May katandaan na rin ito sa edad na sisenta singko. Matikas pa rin ang pangangatawan nito kahit may edad na, matangkad rin ito at matangos ang ilong. Kitang-kita na magandang lalaki ito noong kapanahunan niya."Halina kayo at mag almusal na tayo. Mamaya ay ihahatid kayo ni Manang Ester sa mga kuwarto niyo," dagdag nito.Ngumiti si Alicia at saka tumango ng ulo. Tumalikod na si Juan Miguel at naglakad papunta ng kusina. Sumunod lang ang mag ina sa matandang lalaki.Humahanga ang dalawang magkapatid sa mga nakikita sa loob ng mansyon ni Juan Miguel. Sobrang maganda ang mga nuebles at mga kagamitan nito sa loob ng mansyon. Nahihiya tuloy sila na tumira sa ganito kagarang tahanan.Nang makarating sila sa kusina ay bumungad ang napakaraming pagkain. Aakalain mong may fiesta sa dami ng nakahanda at masasarap na pagkain."Maupo na kayo. Huwag kayong mahihiya. Ituring niyo na inyo ang lahat ng ito," sabi ng mabait na Senyor. Sumunod naman ang mag ina at umupo."Maraming salamat Sen-- ah Juan Miguel," saad ni Alicia na nahihiya sa kagandahan ng loob ng matanda at sa ipinakitang magandang pagtanggap sa kanilang mag ina.Pagkatapos kumain ay inihatid sila ng mayordoma ni Juan Miguel sa kani kanilang kuwarto. Ang magkapatid ay hindi hinayaang magkahiwalay ng kuwarto kaya sa isang kuwarto lang silang dalawa.Si Jane Alcantara ay isang kinse anyos na dalagita. Mahaba ang buhok at may kayumanggi na kulay. Maganda ito at matalinong bata. Dahil naging valedictorian ito noong Elementary at ngayon ay nasa High School na.Napakasimple naman ni Julieanne sa edad na labing pito. Nasa kolehiyo na ito at kumukuha ng kursong Education. Si Julieanne ang klase ng babae na hindi na kailangang mag magmake up para lang gumanda. Sobrang maganda ito kahit na katulad ni Jane na kayumanggi din ang kulay ng bakat nito. Kaya marami ang mga umaaligid na mga kabinataan sa lugar nila.LAGING naiispatan na laging magkasama sina Claire at John. Laman sila ng mga diyaryo at news sa telebisyon. Ilang buwan na rin ang relasyon nila, hindi nga lang alam kung matatawag nga ba na relationship as girlfriend and boyfriend sila dahil kay John na ayaw magpatali sa babae."John, kayo na ba ng anak ni Senator Santiago?" tanong ni Lucas sa anak nang umuwi ito sa mansyon nila. May sariling condo si John at doon din siya madalas umuuwi.Claire is just someone who he can release his pent-up desires with when he's feeling the intensity of his passions, and there is nothing special or profound between them. Their connection is purely physical, devoid of deeper emotional involvement or attachment."You know me Dad. Hindi ang klase ni Claire ang itatali ako sa isang relasyon," may uyam na sagot ni John sa ama."I'm warning you, John. Claire is not an ordinary woman. Alam mo na anak siya ng isang kilalang pulitiko. Baka sa ginagawa mo eh mapapahamak ka," banta ni Lucas."I know what I'm
BUMABABA ng hagdan si Julieanne. Nahuli siya ng baba dahil sa marami pang ginawa sa loob ng kuwarto nilang magkapatid. No, the real reason is ayaw niyang makita ang pagmumukha ng lalaki na 'yon. Naalibadbaran siya at inis na inis sa binata.Dahan-dahan siyang bumababa at pinakikiramdaman kung nasa dining pa rin sila kumakain. Ayaw niyang magkrus ang landas nila kaya nagpahuli na siya kumain. Busog pa naman siya sa kinain niya kanina sa canteen ng University."Julieanne, bakit ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay sayo sa hapag," bungad na tanong ni ni Alicia na ikinagulat ni Julieanne.Nanlaki ang mga mata na hindi pa pala sila nagsisimulang kumain."Halika na. Anak, di ba turo ko na masamang pinaghihintay ang grasya," aya at sabi pa ni Alicia."Sorry po, mama," nahihiyang sagot ni Julieanne sa ina. Hila-hila siya ng kanyang mama papunta sa dining area. Yumuko na lang siya para hindi niya makitang lalaking nakasagutan niya kanina."Maupo na kayo," aya ni Juan Miguel sa mag-ina nang
LUMABAS si Julieanne ng bahay at nagpahangin sa hardin. Ang ganda ng liwanag na nagmumula sa buwan at ang mga bituin sa langit ay kumikinang. Ang masarap na simoy na malamig sa pakiramdam ni Julieanne.Umupo siya sa swing at nagsimulang iugoy ito ng dahan dahan. Naalala niya ang kanyang Papa. Ilang buwan na noong sila ay iniwan nito. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang mga nangyari. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata saka tumingin sa langit ng may shooting star na gumuhit sa kadiliman ng langit."They said, na kapag humiling ka raw sa wishing stars ay magkakatotoo," sabi ng baritong boses na nasa likuran niya.Pinahid ni Julieanne ang mga luha sa kanyang mga mata dahil baka asarin siya ulit ng lalaking iyon na kahit hindi niya lingunin ay kilala na niya kung sino iyon."Naniniwala ka ba r'on?" tanong ni Julieanne dito na hindi tumitingin. Ngayon lang niya ito nakausap ng matino."Minsan," maikling sagot nito saka umupo sa katabing swing ni Julieanne."There are wishes that
"ANONG magandang nangyari sa pagstay mo sa Quezon sa loob ng isang linggo?" usisa ni William sa kaibigan. Ininom muna ni John ang nasa baso nitong alak.Parang nagbago ang kaibigan niya. The way he smiles and he look very serious. Hindi ito ang dating si John na walang babaeng kasama ngayong gabi na pumunta sa bar niya."Wala naman, bukod doon sa nakilala kong fiancee ko at ang pamilya niya," walang emosyon na sagot ni John habang nakatingin sa baso niya.Nagulat si William sa narinig."Woah! You're getting married? 'Di mo ata nabanggit sa 'kin na ikakasal ka na pala. At sino naman ang malas na babaeng 'yon?" nangingiting tanong ni William. Alam niyang, John don't like the idea of getting married or be in arrange marriage. Malas lang talaga ng babaeng pakakasalan ng kaibigan niya.Nangiti si John sa tinuran ng kaibigan niya."Apparently yes! And Lolo Juan wants me to marry the daughter of his best friend. The savior who saved my grandfather's life," may tuyang sabi ni John.A simple g
LUMIPAS ang ilang buwan at hindi na muna nagparamdam si John sa kanyang Lolo. It's been five month 'nong huli silang magkita. Hindi nito alam ang mga plano ng Lolo niya sa kanya pero sigururado itong ipakasal siya kay Julieanne."John, do you talk to your fiancee?" out of curiousity na tinanong ni Lucas ito sa anak habang kumakain sila ng tanghalian.Ito ang unang beses na magkasabay silang kumain na mag ama. Pareho kasi silang busy sa pagpapatakbo ng kani kanilang kompanya.Malihim masyado si John pagdating sa sariling buhay niya at sa mga gusto nitong gawin. And Lucas give freedom to John para ihandle ang sariling buhay. He trust John, kahit pa may mga ugali ang anak na ayaw niya."Yeah, Dad. But she is not aware na ikakasal kami.""Hindi pa rin ba sinasabi ni Papa?"John nodded and heaved a sigh."Wala naman akong alam sa plano ni Lolo. Ang alam ko lang ay magpapakasal kami ng anak ng bestfriend niya.""Okay. Nagulat din ako sa plano niya. I dont know that Papa believes in arrange
THE DEBUT PARTYPINAGMAMASDAN ni Alicia ang anak mula sa pintuan ng kuwarto nito. Ang laki na ng pinagbago ng anak niya sa pisikal na anyo. Napakaganda nito, lalo na ngayon na naayusan siya.Julieanne is now turning into a lady and a precious jewel. She is wearing a blush pink gown that emphasizes her curves. She is the most beautiful birthday celebrant tonight.Nilapitan niya ito saka hinawakan sa magkabilang balikat. Nakaupo ito at inaayusan pa din ng make up artist niya. Umalis naman sandali ang make up artist ng dalaga nang makita siyang papalapit para bigyan sila ng moment na mag ina."Anak, masaya ako na nakukuha mo ang mga bagay na hindi namin kayang ibigay sa inyo ng Papa niyo," nangingilid ang mga luha na saad ni Alicia kay Julieanne. "Ako at si Papa mo ay walang ibang hinangad kundi ang mapabuti kayo na mga anak namin. Binusog namin kayo ng pagmamahal kahit na wala tayong yaman. Sa mga magagandang nakukuha mo ngayon patuloy mo pa din naiapak ang mga paa mo. Huwag kang lumimo
The EngagementMalalim na ang gabi at nagkakasayahan na ang lahat. Masayang masaya din si Julieanne pati na ang kapatid niyang si Jane. Pero si Alicia ay hindi na mangiti at tahimik lang ito na nakaupo at pinagmamasdan ang mga anak.Maya maya pa ay pumunta si Juan Miguel sa gitna at kinuha ang mikropono."I know all of us are happy because a young lady Julieanne Alcantara is turning to be a beautiful woman. I always pray that God will grant all your dreams and wishes" panimulang sabi ni Juan Miguel."Julieanne come here beside me and you my Apo," tawag nito sa dalawa. Doon na kinabahan si Alicia. Hindi niya alam ang maramdaman ng anak kapag narinig iyon mula kay Juan Miguel."Gusto kong ipamalita sa inyong lahat ang nalalapit na kasal ng aking apo na si John Smith Samson at si Julieanne Alcantara," dugtong na sabi ni Juan Miguel. Lahat ay nagulat pati na din si Julieanne.Nanlaki ang mga mata ni Julieanne at nabigla sa sinabi ng matandang Samson."Kami, ikakasal ni John?" naguguluhang
KINABUKASAN ay laman ng lahat ng tabloid at balita ang announcement ng nalalapit na pagpapakasal nina Julieanne at John Smith Alcantara. Marami ang nagulat ang nagtataas ng kilay. May iba naman na iniisip pera lang ang habol ng dalaga kay John. Lalo't kilalang kilala ito na apo ng isang bilyonaryo. 'Di magtatagal ay ipapasa rito ang kayamanan ng Lolo nito."Daddy, do you see the news? John is getting married, Dad! Please do anything to stop it. I want John for me not other woman!" malakas na sigaw ni Claire habang nasa mesa. Ang bilis naman na ipapakasal si John sa iba. Hindi pa naging maganda anf huling pag uusap nila.Claire got insane over John. Hindi nito matanggap na bigla na siyang hindi kinausap ni John. Ang masama nito ay pinutol na ng binata ang kung ano mang namagitan sa kanila. At labis na ikinalungkot iyon ng anak na si Claire.Lubos siyang nasasaktan para sa kanyang anak. Hindi niya alam pano ito mababawasan man lang. Nagdesisyon ang matandang Samson na ipakasal ang apo n
"CAN we talk?" untag ni Ria kay Zia. Hinarang si Zia ni Ria nang papunta siya sa canteen. Nauna na si Carol doon at hinihintay lang siya.Matiim na tiningnan ni Zia si Ria. "Tungkol saan?""I just want to make things clear. Karapatan mo namang malaman ang lahat. Since nainvolved ka na sa aming dalawa ni Greg. Let's go to the coffee shop there" turo ni Ria sa coffee shop na katapat na building ng MDC. Pumayag na din si Zia. Dahil sa pakiusap nito sa kanya."Inform ko lang ang friend ko na hindi ako sasabay sa kanya maglunch" ani Zia. Hindi na niya hinintay na sumagot sa kanya si Ria at kinuha ang phone niya sa bulsa nang skirt niya. Saka nagtipa nang mensahe para kay Carol.Nauna ng pumunta si Ria sa coffee shop at sumunod na lamang si Zia. Ayaw niya sanang maglihim kay Greg. Pero kailangan bang malaman ni Greg ang magiging usapan nila ni Ria?Napansin ni Zia na nakaupo si Ria sa pinakadulo ng coffee shop. May maliit na table at dalawang upuan. Humihigop na si Ria nang kape sa tasa. Um
KUMAKAIN na sila. Panay ang sulyap ni Greg kay Zia. Tahimik lang itong kumakain at hindi kumikibo. Nitapunan nang tingin ay hindi nito ginagawa."Baby, any problem? Ang tahimik mo. Hindi ako sanay na hindi mo ako kinikibo" Greg asked. Napatigil si Zia sa pagsubo ng pagkain at inilapag ang kutsara sa plato niya."Iniisip ko lang. Paano na kaya ako kapag naisip ng parents mo na ipakasal ka kay Ria? Hindi nawawala ang takot ko, Greg. Kahit piiltin ko ang sarili ko na kalimutan na lang ang mga nangyari kanina. Sa restaurant, sa mall. Pabalik balik, eh. Ang sakit" nanubig na ang mga mata ni Zia. Napaiwas ng tingin kay Greg at pinunasan ang mga luha.Greg reached Zia hands. Mahigpit na kapit. "Baby, remember this. I love you so much" madiing sabi ni Greg. Kahit anong mangyari, basta ipangako mo lang na hindi ka bibitaw. Dahil hindi kita bibitawan. Kahit magsama sama pa sila Mommy, Tita Bettina at si Ria. Hindi kita iiwan. Kahit si Ria pa ang gusto nila for me. Sa puso ko ikaw lang ang mahal
"MAHAL na mahal din kita" madamdaming sagot ni Zia. Pinunasan ni Greg ang mga luha ni Zia. Pagkatapos ay hinila niya ang dalaga papunta sa sasakyan niya.Pinagmamasdan ni Zia si Greg habang ito ang mga mata ng binata ay tutok sa daan. Napalingon si Greg at nagbawi bigla ng tingin si Zia. Napangiti si Greg."Baby, It's okay. Wala naman pumipigil sayo na titigan ako. Kaya lang baka mabangga tayo. Natutunaw na kasi ako sa mga titig mo" birong sabi ni Greg.Umismid naman si Zia. At napairap. "Napakahangin! Hindi ikaw ang tinititigan ko" tanggi ni Zia. Natawa naman ng mahina si Greg.Huminto ang sasakyan ni Greg sa tapat ng building kung saan ang kanyang condo. Tinanggal niya ang seatbelt niya. Pati na din ang seatbelt ni Zia. Nagtatakang tumingin si Zia sa kanya."Akala ko ba ihahatid mo ako sa bahay" turan ni Zia."Baby, puwede bang dito na muna tayo. Gusto pa kitang masolo. Ihahatid din kita maya-maya" tugon ni Greg sa kanya. Tumango na lang ng ulo si Zia. Naunang lumabas si Greg ng sas
BUMALIK na silang magkaibigan sa kompanya. Nawalan na din ng gana si Zia na kumain. Kahit anong pilit na kalimutan ang mga nakita ay hindi niya magawa. Nasasaktan man. Pero anong magagawa niya?Bestfriend ni Greg si Rhea. Mas matagal silang nagsama kesa sa kanya. At kilalang kilala nila ang isat isa."Huwag mo munang isipin yun. Mas maganda na kausapin mo ang boyfriend mo. Tanungin mo siya. Kung ayaw mo naman itanong ang mga nakita mo. Eh di alisin mo na lang diyan sa isip mo. Kahit na masakit" litanya ni Carol.Malungkot na tumingin si Zia kay Carol. Namumula na ang mga mata niya. Nagbabadya ang luha na kanina pa niya gusto ilabas."Hoy. Huwag ka naman ganyan. Pati ako ay nahahawa na sayo" alo ni Carol at niyakap na lamang si Zia.Iniharap ni Carol ang kaibigan niya sa kanya."Carol, ayaw kong masaktan. Pero anong gagawin ko? Mahal ko si Greg. May nangyari na din sa amin" sabi ni Zia habang panay ang tulo ng luha niya."Alam ko. Kaya nga siguraduhin mo. Kung sino ka talaga kay Sir Gr
HINATID ni Greg si Zia sa bahay nila. Pasulyap sulyao siya sa dalaga na tahimik na nakaupo.Malapit na sila sa bahay ng dalaga. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya iniimik nito.Napabuga ng malalim na buntong hininga si Greg. At inihinto ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada."Baby, please. Kausapin mo naman ako. What I will do to prove to you, na ikaw ang mahal ko. Huwag mo naman akong ignorin ng ganito" pagmamakaawa ni Greg kay Zia. Alam niyang masama ang loob ni Zia sa kanya.Napatingin si Zia kay Greg."Wala ka naman kailangan na patunayan sa akin. Naiinis lang ako at nasasaktan dahil sa sinabi ng Mommy ni Ria" sagot ni Zia."Natatakot ako, Greg. Sobra akong natatakot ngayon. Kasi mahal na mahal kita" umiiyak na dagdag ni Zia."I love you too, so much. Kaya ialis mo na sa isip mo ang takot. Hindi kita iiwan. I will always beside you. Hindi ako aalis sayo. I promise" ani Greg at niyakap si Zia na panay ang iyak.Nakauwi na si Zia at nakahiga na sa kanyang kama.Hindi mawal
PresentCebuNATULALA si Greg nang makita si Zia kasama ng mag asawang Camus. Pati ang batang babae na katabi ni Mrs. Rita ay napatingin din siyang pinagmamasdan maigi ito. Pakiramdam niya kilala niya ito.Pero napalingon siya sa babaeng nakakapit sa braso niya na may matamis na ngiting nakapaskil sa mukha nito.Bigla niyang tinanggal ang kamay ni Dion na nakahawak sa kanya at muling tumingin kay Zia."Dion, kaibigan siya ni Zia, si Carol at ang anak nitong si Cassy" pakilala ni Mrs. Camus kina Carol.Tumango ng ulo si Carol at binalingan ang katabi na si Zia."Umupo na kayong dalawa" utos ni Mr. Carter sa anak at kay Greg.Naghila ng dalawang upuan si Greg para sa kanilang dalawa ni Dion. At umupo si Dion sa katabi ng Daddy niya. Habang si Greg ay katabi ng anak ni Carol na si Cassy. Halos katapat ni Zia si Greg.Kaya halos iwasan nitong tumingin sa kabilang side dahil magtatama ang mga tingin nila ni Greg. Ayaw niyang ipakita na apektado pa din siya sa presensiya ng binata."Mom, Da
NAKARATING na sila sa bahay nila Greg. Hindi iyon simpleng bahay lang na may tatlong kuwarto sa loob. Kundi isang mansyon. Nakakalula ang laki niyon sa mga mata ni Zia.Ang garden na sobrang laki na halos mas malaki pa sa kinatatayuang lupa ng bahay nila.Binuksan ng guard ang gate at naipark ni Greg ang sasakyan sa harap ng mansyon nila.Namamangha si Zia sa mga nakikita sa buong lugar ng mansyon nina Greg. Lumapit ang isang guard at kinuha ang susi ng kotse ni Greg para ipark ang sasakyan nito sa garahe.Pagkababa nila ng sasakyan ni Greg ay hinapit na agad siya sa beywang ni Greg at iginiya papasok sa loob ng mansyon.Kinakabahan si Zia at namamawis ang mga kamay. Napansin ni Greg ang pag tahimik ni Zia."Baby, I know you're nervous. Just relax, mababait na tao ang parents ko. At hindi ko naman hahayaan na may masabi silang hindi maganda sayo" pamapalakas ng lobo na sabi ni Greg.Napahinto si Zia sa paglalakad."Huwag mong gagawin iyon, Greg. Mga magulang mo pa din sila kaya igalan
KINAKABAHAN si Zia sa magiging reaksiyon ng Mama niya kapag ipinakilala niya si Greg na boyfriend niya.Istrikto pa naman ang Mama niya pagdating sa kanya. Lalo na at nag iisa na lamang siyang kasama nito sa bahay nila. Dahil sa may kanya kanya ng mga pamilya ang mga kapatid niya."Mama, andito na po ako" tawag ni Zia sa Mama niya.Napag isip isip ni Zia na huwag na munang ipaalam o ipakilala sa Mama niya ang boyfriend niyang si Greg. Kaya pinadiretso na ni Zia si Greg para umuwi sa kanila. Babalik naman ito para sunduin siya mamaya. Dahil sa may family dinner ito sa kanila at isasama siya ni Greg para ipakikilala sa parents ng binata.Maghahanda na lang siya para sa pagpunta niya sa bahay nina Greg. Kinakabahan din siya na makilala ang parents ni Greg. Hindi miya alam kung magugustuhan siya ng mga magulang ng binata."Zia, magpalit ka na nang damit mo at nang makakain na tayo" utos ni Alicia sa anak anakan."Mama, pupunta po ako kina Carol mamaya. Niyaya po kasi ako ng parents niya d
SINAMAHAN ni Amy si Zia papunta sa HR department. Habang naglalakad sila papasok sa kuwartong iyon ay kita niya ang mga mapanuring tingin ng mga taong naroroon."Hello guys! This is Zia our new employee here. Everyone please be good to Zia and ayaw ko na makakarinig ng hindi maganda tungkol kay Miss Zia" pakilala ni Amy kay Zia sa mga kasamahan nito.Nagtaka naman ang mga taong naroon sa sinabi ni Amy. Saka nagbulungan ang ibang mga naroron."Amy, huwag ka namang ganyan sa kanila. Baka sabihin nila kaya ako nakapasok dito dahil sa palakasan" mahinang saway ni Zia kay Amy pero sapat na marinig ni Amy."Miss Zia, ako ang mananagot kay Sir Greg kapag may nangyari sayo dito or may sinabing ka ng hindi magaganda ng mga kasama natin dito sa department niyo. Saka malalaman din naman nilang lahat na ikaw ang girlfriend ni Sir Greg" mga paliwanag ni Amy kay Zia."Huwag mong alalahanin ang Boss mo. Ako na ang bahala doon. Kaya relax ka lang" nakangiting wika ni Zia."Mas kilala ko sila Miss Zia