The EngagementMalalim na ang gabi at nagkakasayahan na ang lahat. Masayang masaya din si Julieanne pati na ang kapatid niyang si Jane. Pero si Alicia ay hindi na mangiti at tahimik lang ito na nakaupo at pinagmamasdan ang mga anak.Maya maya pa ay pumunta si Juan Miguel sa gitna at kinuha ang mikropono."I know all of us are happy because a young lady Julieanne Alcantara is turning to be a beautiful woman. I always pray that God will grant all your dreams and wishes" panimulang sabi ni Juan Miguel."Julieanne come here beside me and you my Apo," tawag nito sa dalawa. Doon na kinabahan si Alicia. Hindi niya alam ang maramdaman ng anak kapag narinig iyon mula kay Juan Miguel."Gusto kong ipamalita sa inyong lahat ang nalalapit na kasal ng aking apo na si John Smith Samson at si Julieanne Alcantara," dugtong na sabi ni Juan Miguel. Lahat ay nagulat pati na din si Julieanne.Nanlaki ang mga mata ni Julieanne at nabigla sa sinabi ng matandang Samson."Kami, ikakasal ni John?" naguguluhang
KINABUKASAN ay laman ng lahat ng tabloid at balita ang announcement ng nalalapit na pagpapakasal nina Julieanne at John Smith Alcantara. Marami ang nagulat ang nagtataas ng kilay. May iba naman na iniisip pera lang ang habol ng dalaga kay John. Lalo't kilalang kilala ito na apo ng isang bilyonaryo. 'Di magtatagal ay ipapasa rito ang kayamanan ng Lolo nito."Daddy, do you see the news? John is getting married, Dad! Please do anything to stop it. I want John for me not other woman!" malakas na sigaw ni Claire habang nasa mesa. Ang bilis naman na ipapakasal si John sa iba. Hindi pa naging maganda anf huling pag uusap nila.Claire got insane over John. Hindi nito matanggap na bigla na siyang hindi kinausap ni John. Ang masama nito ay pinutol na ng binata ang kung ano mang namagitan sa kanila. At labis na ikinalungkot iyon ng anak na si Claire.Lubos siyang nasasaktan para sa kanyang anak. Hindi niya alam pano ito mababawasan man lang. Nagdesisyon ang matandang Samson na ipakasal ang apo n
Ang PamamanhikanIT'S Sunday, kagaya ng napag usapan ay umuwi muna ang mag iina sa kubo nila sa bukid. Unang araw nila Julieanne, Jane at Alicia sa kubo nila pagkatapos ng ilang buwang pagtira sa mansyon ni Juan Miguel. Kagabi pa sila na andoon at doon sila nagpalipas ng gabi.Ang ganda ng sikat ng araw mula sa malaking palayan na dating sinasaka ng Papa ni Julieanne. Ang sarap pakinggan ng mga ibong humuhuni at ang lilim sa ilalim ng mga puno na pahingahan nila Jane at Julieanne nuon.Ang sarap balikan noong mga araw na masaya pa silang buong pamilya. Kompleto at kasama ang Papa niya.Mamayang gabi pupunta ang mga Samson para pormal na hingin ang kamay ni Julieanne sa Mama niya. Walang pagsidlan ang saya sa mukha ni Julieanne na iniisip ang mangyayari mamayang gabi."Ate, mag almusal na tayo. Kanina ka pa diyan nakangiti sa may bintana. Anong meron?" may panunuksong tanong ni Jane.Tumayo naman at nilapitan ni Julieanne ang kapatid sa mesa. Umupo siya sa tabi ng kapatid at kumuha ng
SA ngayon doon muna tumira ang mag iina, sa kubo nila. Dahil sa pamahiin na hindi dapat na magkita ang dalawang taong malapit ng ikasal. Kaya kahit labag sa loob ni John ay pumayag na rin siya."Pare, problemado ka ata ngayon?" tanong ni William sa kaibigan na tungga ng tungga ng iniinom na alak."It's been two weeks I didn't see Julieanne. Para na akong mababaliw sa pagkamiss sa kanya," sagot ni John. Naiinis siya sa idea na kailangang hindi sila magkita ni Julieanne bago ang kasal. Millenial na, hindi na uso ang mga pamahiin. Lintek na pamahiin na 'yan!"Ang OA mo, Mr. John Smith Samson. Akala ko tuloy, kung ano na. Hayaan mo na pagkatapos nito, eh, habang buhay mo ng kasama si Julieanne," nakangiting wika ni William. Tinamaan talaga anf kaibigan niya sa dalaga. Hindi rin niya masisisi ito. Maganda na at mabait pa ang dalaga."Hindi, kasi limang buwan lang kami magsasama," nawika ni John."What do you mean na limang buwan?" naguguluhang tanong ni William."I suggest to Julieanne to
NAITAKDA ang kasal nila Julieanne at John Smith sa takot ni Juan Miguel na harangin ito ng mga Santiago. Kaya ginawa nila itong sekreto at hindi pinaalam sa publiko. Kailangan din nilang isipin ang kaligtasan ng mga Alcantara dahil sa banta ni Conrado."Anak, tandaan mo ang pag aasawa ay hindi kanin isusubo, kapag napaso ka ay iluluwa mo," payo ni Alicia sa anak na si Julieanne. Nasa simbahan na sila at hinihintay na lang ang hudyat ng wedding coordinator.Pumailang lang ang wedding song na pinili ni John sa buong simbahan.Nang bumukas ang puting tela ay iniluwa niyon si Julieanne. Suot ang kanyang trahe de boda na siya mismo ang pumili. It's a simple crepe wedding gown with V-neckline. Naglalakad siya hawak ang kanyang all white round bouqet of white roses. Ang church wedding na dapat sana ay naging beach wedding."This is it! Ang araw na hinihintay ko na maging akin lamang si Julieanne. She is everything to me. The only woman that my heart beat. Ang unang babaeng minahal ko kahit n
KAGABI nangyari na nagpaubaya sa kanya si Julieanne. Katunayan ang mantsa sa bed sheet na hinihigaan nilang dalawa. Hindi maalis alis ang ngiti sa mga labi ni John habang pinagmamasdan si Julieanne na mahimbing na natutulog. Hinahaplos ni John ang pisngi ni Julieanne. Saka kinintalan ng isang pinong halik sa pisngi nito.Umaga na sila nakatulog kaya alam niyang pagod na pagod si Julieanne. Bumangon na si John at nagtapis ng tuwal na ginamit ni Julieanne kagabi. Dire diretso siya sa kusina para ipagluto ng aalmusal ang mahal na asawa.Pakanta kanta pa ito at nagsasayaw habang nagluluto. Masaya siya na ipinagkaloob ni Julieanne ang sarili sa kanya. Kaya ngayon siya naman ang pagsisilbihan ni John.Nasilaw si Julieanne mula sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kuwarto nilang mag asawa. Dali dali siyang bumangon sa pagkakahiga at umupo. Naramdaman ang sakit mula sa ginawa nila kagabi ng maraming beses. At napakagat labi siya ng maalala iyon."Nakakainis ka talaga," umiiyak na sabi
NAKABALIK na ng Manila ang bagong kasal na sina Julieanne at John. Masaya ang naging honeymoon nila. At sobrang sweet ni John sa asawa nito. Sinulit nila ang limang araw na magkasama sa resort. Halos hindi hinihiwalayan ang asawa.Sa condo ni John iniuwi ang asawa. Dahil may trabaho rin ito at malapit lang ang opisina niya sa condo. Naging masaya ang mga unang mga linggo ng pagsasama ng mag asawa. Wala na sigurong mahihiling pa si Julieanne dahil sa pagkakaroon ng asawang sweet at thoughful.Isang buwan na ang pagsasama nila. Nasa bahay lang si Julieanne at hindi na muling pumasok sa eskwelahan. Kaya naman daw siyang buhayin ni John kaya pumayag na siyang sa bahay na lang siya at asikasuhin ang kanyang asawa."Drinking alone?" tanong ng isang babae na lumapit kay John.Tinignan lang ito ni John ng matalim saka ipinakita ang singsing sa daliri. Kita ang gulat sa mga mata ng babae."I'm married! Now go!" galit na taboy ni John sa babae. Inis naman na umalis ang babae."Kumusta ang newly
LUMIPAS ang dalawang linggo mas napapadalas ang pag uwi ni John ng lasing at gabing gabi na rin. Hindi na rin sila nakakapag usap na dalawa dahil sa umaga naman ay maagang maaga ito umaalis papasok sa kanyang kompanya. Pakiramdam ni Julieanne nagbabago na ang asawa. At parang iniiwasan siya nito. 'Di niya rin alam kung ano ang nagawa niya.Kahit ganoon ay ginagawa pa rin ni Julieanne ang kanyang tungkulin bilang asawa kay John. Lahat na yata ay ginagawa nito para sa asawa. Ngayon kumakain na naman siyang mag isa dahil hindi niya alam kung anong oras uuwi si John."Isipin mo na lang Julieanne na may kasunduan kayo. Maghihiwalay kayo pagkatapos ng apat na buwan pa," pilit na pinaintindi ni Julieanne sa sarili ang mga bagay na iyon. Napaiyak siya sa isiping malapit na silang maghiwalay ni John."Mahal ko na siya," umiiyak pa rin na amin niyq sa sarili.Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si John. Pinunasan naman agad ni Julieanne ang mga luha niya ng makitang papalapit na ang asaw
"CAN we talk?" untag ni Ria kay Zia. Hinarang si Zia ni Ria nang papunta siya sa canteen. Nauna na si Carol doon at hinihintay lang siya.Matiim na tiningnan ni Zia si Ria. "Tungkol saan?""I just want to make things clear. Karapatan mo namang malaman ang lahat. Since nainvolved ka na sa aming dalawa ni Greg. Let's go to the coffee shop there" turo ni Ria sa coffee shop na katapat na building ng MDC. Pumayag na din si Zia. Dahil sa pakiusap nito sa kanya."Inform ko lang ang friend ko na hindi ako sasabay sa kanya maglunch" ani Zia. Hindi na niya hinintay na sumagot sa kanya si Ria at kinuha ang phone niya sa bulsa nang skirt niya. Saka nagtipa nang mensahe para kay Carol.Nauna ng pumunta si Ria sa coffee shop at sumunod na lamang si Zia. Ayaw niya sanang maglihim kay Greg. Pero kailangan bang malaman ni Greg ang magiging usapan nila ni Ria?Napansin ni Zia na nakaupo si Ria sa pinakadulo ng coffee shop. May maliit na table at dalawang upuan. Humihigop na si Ria nang kape sa tasa. Um
KUMAKAIN na sila. Panay ang sulyap ni Greg kay Zia. Tahimik lang itong kumakain at hindi kumikibo. Nitapunan nang tingin ay hindi nito ginagawa."Baby, any problem? Ang tahimik mo. Hindi ako sanay na hindi mo ako kinikibo" Greg asked. Napatigil si Zia sa pagsubo ng pagkain at inilapag ang kutsara sa plato niya."Iniisip ko lang. Paano na kaya ako kapag naisip ng parents mo na ipakasal ka kay Ria? Hindi nawawala ang takot ko, Greg. Kahit piiltin ko ang sarili ko na kalimutan na lang ang mga nangyari kanina. Sa restaurant, sa mall. Pabalik balik, eh. Ang sakit" nanubig na ang mga mata ni Zia. Napaiwas ng tingin kay Greg at pinunasan ang mga luha.Greg reached Zia hands. Mahigpit na kapit. "Baby, remember this. I love you so much" madiing sabi ni Greg. Kahit anong mangyari, basta ipangako mo lang na hindi ka bibitaw. Dahil hindi kita bibitawan. Kahit magsama sama pa sila Mommy, Tita Bettina at si Ria. Hindi kita iiwan. Kahit si Ria pa ang gusto nila for me. Sa puso ko ikaw lang ang mahal
"MAHAL na mahal din kita" madamdaming sagot ni Zia. Pinunasan ni Greg ang mga luha ni Zia. Pagkatapos ay hinila niya ang dalaga papunta sa sasakyan niya.Pinagmamasdan ni Zia si Greg habang ito ang mga mata ng binata ay tutok sa daan. Napalingon si Greg at nagbawi bigla ng tingin si Zia. Napangiti si Greg."Baby, It's okay. Wala naman pumipigil sayo na titigan ako. Kaya lang baka mabangga tayo. Natutunaw na kasi ako sa mga titig mo" birong sabi ni Greg.Umismid naman si Zia. At napairap. "Napakahangin! Hindi ikaw ang tinititigan ko" tanggi ni Zia. Natawa naman ng mahina si Greg.Huminto ang sasakyan ni Greg sa tapat ng building kung saan ang kanyang condo. Tinanggal niya ang seatbelt niya. Pati na din ang seatbelt ni Zia. Nagtatakang tumingin si Zia sa kanya."Akala ko ba ihahatid mo ako sa bahay" turan ni Zia."Baby, puwede bang dito na muna tayo. Gusto pa kitang masolo. Ihahatid din kita maya-maya" tugon ni Greg sa kanya. Tumango na lang ng ulo si Zia. Naunang lumabas si Greg ng sas
BUMALIK na silang magkaibigan sa kompanya. Nawalan na din ng gana si Zia na kumain. Kahit anong pilit na kalimutan ang mga nakita ay hindi niya magawa. Nasasaktan man. Pero anong magagawa niya?Bestfriend ni Greg si Rhea. Mas matagal silang nagsama kesa sa kanya. At kilalang kilala nila ang isat isa."Huwag mo munang isipin yun. Mas maganda na kausapin mo ang boyfriend mo. Tanungin mo siya. Kung ayaw mo naman itanong ang mga nakita mo. Eh di alisin mo na lang diyan sa isip mo. Kahit na masakit" litanya ni Carol.Malungkot na tumingin si Zia kay Carol. Namumula na ang mga mata niya. Nagbabadya ang luha na kanina pa niya gusto ilabas."Hoy. Huwag ka naman ganyan. Pati ako ay nahahawa na sayo" alo ni Carol at niyakap na lamang si Zia.Iniharap ni Carol ang kaibigan niya sa kanya."Carol, ayaw kong masaktan. Pero anong gagawin ko? Mahal ko si Greg. May nangyari na din sa amin" sabi ni Zia habang panay ang tulo ng luha niya."Alam ko. Kaya nga siguraduhin mo. Kung sino ka talaga kay Sir Gr
HINATID ni Greg si Zia sa bahay nila. Pasulyap sulyao siya sa dalaga na tahimik na nakaupo.Malapit na sila sa bahay ng dalaga. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya iniimik nito.Napabuga ng malalim na buntong hininga si Greg. At inihinto ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada."Baby, please. Kausapin mo naman ako. What I will do to prove to you, na ikaw ang mahal ko. Huwag mo naman akong ignorin ng ganito" pagmamakaawa ni Greg kay Zia. Alam niyang masama ang loob ni Zia sa kanya.Napatingin si Zia kay Greg."Wala ka naman kailangan na patunayan sa akin. Naiinis lang ako at nasasaktan dahil sa sinabi ng Mommy ni Ria" sagot ni Zia."Natatakot ako, Greg. Sobra akong natatakot ngayon. Kasi mahal na mahal kita" umiiyak na dagdag ni Zia."I love you too, so much. Kaya ialis mo na sa isip mo ang takot. Hindi kita iiwan. I will always beside you. Hindi ako aalis sayo. I promise" ani Greg at niyakap si Zia na panay ang iyak.Nakauwi na si Zia at nakahiga na sa kanyang kama.Hindi mawal
PresentCebuNATULALA si Greg nang makita si Zia kasama ng mag asawang Camus. Pati ang batang babae na katabi ni Mrs. Rita ay napatingin din siyang pinagmamasdan maigi ito. Pakiramdam niya kilala niya ito.Pero napalingon siya sa babaeng nakakapit sa braso niya na may matamis na ngiting nakapaskil sa mukha nito.Bigla niyang tinanggal ang kamay ni Dion na nakahawak sa kanya at muling tumingin kay Zia."Dion, kaibigan siya ni Zia, si Carol at ang anak nitong si Cassy" pakilala ni Mrs. Camus kina Carol.Tumango ng ulo si Carol at binalingan ang katabi na si Zia."Umupo na kayong dalawa" utos ni Mr. Carter sa anak at kay Greg.Naghila ng dalawang upuan si Greg para sa kanilang dalawa ni Dion. At umupo si Dion sa katabi ng Daddy niya. Habang si Greg ay katabi ng anak ni Carol na si Cassy. Halos katapat ni Zia si Greg.Kaya halos iwasan nitong tumingin sa kabilang side dahil magtatama ang mga tingin nila ni Greg. Ayaw niyang ipakita na apektado pa din siya sa presensiya ng binata."Mom, Da
NAKARATING na sila sa bahay nila Greg. Hindi iyon simpleng bahay lang na may tatlong kuwarto sa loob. Kundi isang mansyon. Nakakalula ang laki niyon sa mga mata ni Zia.Ang garden na sobrang laki na halos mas malaki pa sa kinatatayuang lupa ng bahay nila.Binuksan ng guard ang gate at naipark ni Greg ang sasakyan sa harap ng mansyon nila.Namamangha si Zia sa mga nakikita sa buong lugar ng mansyon nina Greg. Lumapit ang isang guard at kinuha ang susi ng kotse ni Greg para ipark ang sasakyan nito sa garahe.Pagkababa nila ng sasakyan ni Greg ay hinapit na agad siya sa beywang ni Greg at iginiya papasok sa loob ng mansyon.Kinakabahan si Zia at namamawis ang mga kamay. Napansin ni Greg ang pag tahimik ni Zia."Baby, I know you're nervous. Just relax, mababait na tao ang parents ko. At hindi ko naman hahayaan na may masabi silang hindi maganda sayo" pamapalakas ng lobo na sabi ni Greg.Napahinto si Zia sa paglalakad."Huwag mong gagawin iyon, Greg. Mga magulang mo pa din sila kaya igalan
KINAKABAHAN si Zia sa magiging reaksiyon ng Mama niya kapag ipinakilala niya si Greg na boyfriend niya.Istrikto pa naman ang Mama niya pagdating sa kanya. Lalo na at nag iisa na lamang siyang kasama nito sa bahay nila. Dahil sa may kanya kanya ng mga pamilya ang mga kapatid niya."Mama, andito na po ako" tawag ni Zia sa Mama niya.Napag isip isip ni Zia na huwag na munang ipaalam o ipakilala sa Mama niya ang boyfriend niyang si Greg. Kaya pinadiretso na ni Zia si Greg para umuwi sa kanila. Babalik naman ito para sunduin siya mamaya. Dahil sa may family dinner ito sa kanila at isasama siya ni Greg para ipakikilala sa parents ng binata.Maghahanda na lang siya para sa pagpunta niya sa bahay nina Greg. Kinakabahan din siya na makilala ang parents ni Greg. Hindi miya alam kung magugustuhan siya ng mga magulang ng binata."Zia, magpalit ka na nang damit mo at nang makakain na tayo" utos ni Alicia sa anak anakan."Mama, pupunta po ako kina Carol mamaya. Niyaya po kasi ako ng parents niya d
SINAMAHAN ni Amy si Zia papunta sa HR department. Habang naglalakad sila papasok sa kuwartong iyon ay kita niya ang mga mapanuring tingin ng mga taong naroroon."Hello guys! This is Zia our new employee here. Everyone please be good to Zia and ayaw ko na makakarinig ng hindi maganda tungkol kay Miss Zia" pakilala ni Amy kay Zia sa mga kasamahan nito.Nagtaka naman ang mga taong naroon sa sinabi ni Amy. Saka nagbulungan ang ibang mga naroron."Amy, huwag ka namang ganyan sa kanila. Baka sabihin nila kaya ako nakapasok dito dahil sa palakasan" mahinang saway ni Zia kay Amy pero sapat na marinig ni Amy."Miss Zia, ako ang mananagot kay Sir Greg kapag may nangyari sayo dito or may sinabing ka ng hindi magaganda ng mga kasama natin dito sa department niyo. Saka malalaman din naman nilang lahat na ikaw ang girlfriend ni Sir Greg" mga paliwanag ni Amy kay Zia."Huwag mong alalahanin ang Boss mo. Ako na ang bahala doon. Kaya relax ka lang" nakangiting wika ni Zia."Mas kilala ko sila Miss Zia