Home / Romance / The Billionaire's Secret Love / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of The Billionaire's Secret Love: Chapter 31 - Chapter 40

97 Chapters

Chapter 31

NAKARATING na sila ng Quezon at sinalubong ni Juan Miguel ng yakap ang apong si John. Hindi niya inaasahan ang pagbisita nito. Nagulat pa siya na kasama ang dating asawa— si Julieanne."Hijo, salamat naman at dinalaw mo ako rito sa Quezon," masayang niyakap ni Juan Miguel ang apo. Saka malungkot na binalingan si Julieanne. "Julieanne, patawarin mo ako. Hindi ko alam ang mga nangyari at wala akong nagawa sa desisyon ng aking apo. Alam kong hindi ako patatawarin ng Papa mo at nahihiya ako sa Mama mo, " hingi ng paumanhin ni Juan Miguel habang hawak ang dalawang kamay ni Julieanne. Mamula mula ang mata na nagbabadya ng pumatak ang luha. Siya ang unang nalungkot noong nalaman na naghiwalay na ang mga ito. Ang gusto niya sana ay maging masaya ang pagsasama nila. Ayaw na niyang manisi, kung sinong mali. Dahil si John naman ang nagkamali.Ang inosenteng si Julieanne, nasira ang pagktao noong ipakasal niya ito sa kanyang apo. Hanggang ngayon ay 'di niya makalimutan. Kaya malaki ang naging gal
Read more

Chapter 32

NAKABALIK nang Manila sila John at Julieanne. Nagpaiwan na muna sa Quezon ang Mama ni Julieanne para maasikaso pansamantala ang bukid. Maghahanap ito ng magsasaka at caretaker ng bukid. Kasama nitong naiwan ang magkapatid na sina Zeinab at Zia.Nakatulog na ang kambal at tig isa sina John at Julieanne na binantayan ang kambal. Sa ayos nila ay 'di nakitaan sila ng masamang nakaraan. Hindi rin naman mapagtanim ng sama ng loob ang dalaga. Kahit na nagalit ito'y madali pa rin napatawad si John."Mukhang napagod sila sa paglalaro sa bukid. Ngayon lang kasi sila nakakita ng palayan at maraming puno," natatawang sabi ni Julieanne kay John.Nakatitig lang si John sa mukha ni Julieanne. Habang tumatagal na tinitingnan niya ito ay lalong gumaganda sa paningin niya. Para siyang bumalik sa pagka-teenager. Pero nakakabit pa rin sa kanya ang mga nagawa niya rito.Napansin ni Julieanne ang pagtahimik ni John kaya nilingon niya ito. Nagtama ang mga tingin nila kaya siya na ang unang nagbawi.Dumirets
Read more

Chapter 33

HALOS gumuho ang mundo ni Julieanne nang marinig niya iyon mula sa doktor. Hindi puwedeng may masamang mangyari sa anak niya. Hindi puwede na may mawala sa kambal. 'Di niya kakayanin na mangyari 'yon."Ate, anong plano mo?" tanong ni Jane. Habang nakatingin sa pamangkin na natutulog sa higaan nito. Si Jellian ay kasama ni Zia. Nakabalik na ng Manila ang magkapatid pero ang Mama nila ay naiwan pa sa Quezon para tapusin ang ilang ipinatrabaho nito sa bukid."Sa totoo lang hindi ko alam. Iniisip ko pa lang na maysakit ang anak ko natutulala na ako. Kumakapit na lang ako kay Jellian," umiiyak na sagot niya sa kapatid. Pinunanasan niya ang luha niya. Ang dami niyang takot para sa kanyang mga anak.Hindi niya akalain na maysakit ang anak dahil malusog siya pwera na lang sa madali siyang mapagod at namumutla. Ang akala niya ay maayos ang mga anak niya. Kung hindi pa dahil sa test para sa bone marrow ay 'di niya malalaman na mayroon palang iniindang sakit ang anak. Para tuloy siyang nakakaram
Read more

Chapter 34

DUMALAW ang mag ina kay Clay dahil bukas ay lilipad na ito patungong Amerika para ipagamot doon ni Claire. Sinabi ni John sa kanya ang lahat. Ayaw niyang sisihin ang dating asawa sa nangyayari sa kanya. Para na lamang sa mgs bata ay sana maging maayos ang lahat."Clay, magpagaling ka, ha. Saka palagi kang makikinig sa mommy mo," nakangiting bilin ni Julieanne habang hawak ang kamay ng bata."Kuya Clay, aalis ka na raw? Iiwan mo na ba kami ni Jillian?" singit na tanong ni Jellian na umiiyak na."No, baby sister. Hindi ko kayo iiwanan ni Jillian. Aalis lang ako para magpagamot at kapag magaling na si Kuya. Babalik ako para ako ang gumamot kay Jillian," sagot ni Clay na namumula na ang mga mata. Nagbabadya ng tumulo ang luha niya dahil sa mga paghikbi ni Jellian.Mami-miss niya ang mga kapatid niya. Kahit sandali lang silang nagsama sama ay minahal na rin niya ang mga ito. Alam niya na hindi niya tunay na kapatid and kambal, pero para sa kanya ay kapatid niya ang mga ito."Promise 'yan,
Read more

Chapter 35

NAKAALIS na si Clay ng bansa. Habang si John ay kinausap ang doktor ng anak. He needs to do all that can cure Jillian. Para sa pamilya nila ni Julieanne. He can't afford to lose someone in his life again.Kasama ni John sina kambal at ipinasyal niya sa theme park. Masayang masaya ang dalawang bata. Hindi halata na maysakit ang isa sa kanila. Pinagtitingnan sila ng mga tao sa park dahil namumukhaan nila si John. Wala naman iyon sa kanya dahil ang importante ay ang mga anak."Tatay, gusto ko pong sumakay sa merry go a round," request ni Jellian. Napatingin si John kay Jillian."Do you want also, baby?" tanong ni John kay Jillian. Umiling ng ulo si Jillian at humawak sa kamay ng ama. Medyo ilap pa rin ito sa ibang tao pero medyo bumubuti na ng kaunti ang kalusugan nito."Okay," sagot ni John saka hinawakan niya sa isang kamay si Jellian. Saka iginiya ang dalawa sa booth para bumili ng ticket para kay Jellian.Tuwang tuwa si Jellian habang sakay ng kabayo. May inutusan siyang tumingin sa
Read more

Chapter 36

ISANG taon na ang nagdaan, sinabi ni Claire na maayos na si Clay at recovering mula sa operasyon. Naisagawa na rin ang bone marrow transplant dito at successful ang operation. Maayos din ang relasyon nito sa kanyang tunay na ama. Natanggap na rin nito na si Ferdinand talaga ang daddy nito.While Jillian is getting better na rin. Sinabi ng doktor nito na ayos na ang heart ni Jillian. Thank you sa Diyos at sa mga doktor nito. Nabunutan ng tinkk si John na maayos na ang lagay ng dalawang anak.Halos araw araw dinadalaw ni John ang mga anak sa bahay ni Julieanne."Tatay, puwede ka po ba na r'to na lang tumira?" request ni Jillian sa ama. Nagbago na rin ang ugali nito. Naging madaldal at masigla na."Marami pa kasing work si Tatay," paliwanag na sagot ni John na ayaw niyang sumama ang loob ng anak. Kagagaling lang ng anak at baka mapano pa ito kung magtatampo ito."Kung gusto niyo isasama ko kayo sa bahay kong papayag ang Nanay niyo," nakangiting sabi ni John na nakatingin kay Julieanne."
Read more

Chapter 37

MULA 'nong huling gabi na nagkausap sila ni Julieanne ay ipinangako niyang gagawin ang lahat para maging handa na siya na makuha muli ang kanyang mag ina. Nangako naman na maghihintay si Julieanne sa kanya. Iyon ang pinahahangawakan niya. At tutupad siya sa pangako niya sa ina ng mga anak niya.Alam niyang mahal pa rin siya ni Julieanne kaya hindi niya bibiguin ito muli. Hindi na ito makakaranas ang mga pasakit sa piling niya na ginawa niya nion. Ang gusto niya ay bumawi kay Julieanne at sa mga anak nila. At gagawin niya ang lahat para sa kanyang mag ina. Papalitan niya ng saya ang lahat ng sakit na idinulot niya.Tinawagan niya si Claire para ipaalam ang pagsasagawa ng kanilang annualment sa lalong madaling panahon. Alam niyang ito rin ang gusto nitong mangyari para sa lalaking mahal. Kailangan din niyang umuwi ng Pilipinas para ma-finalize ito sa korte.Ngayon nga ay pabalik na sila ng Pilipinas kasama si Clay at ang ama ni Clay. Excited na rin si John na makita si Clay, ang anak na
Read more

Chapter 38

"NANAY!" tawag ni Jellian sa kanyang ina. Naglalaro sila ng habulan ni Jillian at ng kanyang Tita Zia at Zeinab. Nasa bukid sila kasama ang Lola Alicia nila.Ngumiti at kumaway ng kamay si Julieanne kina kambal. Masayang naglalaro ang dalawang anak.Ilang araw na silang nasa Quezon ang mag ina. Gusto sana ni Julieanne na huwag isipin ang mga sinabi sa kanya ni John. Ayaw niyang umasa na babalikan silang mag ina ni John. Nagpasya siyang sundan ang ina sa Quezon para makalimutan kahit saglit ang dating asawa."Tumawag na ba si John?" tanong ni Alicia sa anak. Napansin lang niyang hibdi niya naririnig na tumawag ang ama ng kaniyang mga apo."Hindi pa po," malungkot na sagot niya. Simula noong pumunta sila ng Quezon ay wala nang natanggap na balita pa si Julieanne kay John. Mukhang may iba na itong pinagkakaabalahan sa Manila."Aba, eh, kailan niya dadalawin ang mga bata?" tanong ulit ni Alicia.Madalas na nga magtanong ang kambal tungkol sa kanilang ama. Walang maisagot si Julieanne sa k
Read more

Chapter 39

MASAYANG nag aagahan silang lahat. Masaya si Julieanne na kompleto sila ngayon dito sa Quezon. Noong unang punta nila tito ay hindi kasama ang mag asawa."Ate, bili tayo ng damit mamaya sa mall," aya ni Jane kay Julieanne."Ate Jane, puwede ba akong sumama?" tanong ni Zeinab. Natigilan si Jane."Hindi puwede. Kayo ni Zia ang bantay sa kambal," sagot ni Jane. Napasimangot naman si Zeinab."Jane, isama na natin sila. Puwede naman na isama rin sina kambal," wika ni Julieanne."Ate, hindi nga puwede tayo lang dalawa ang magshoshopping. Masama raw tanggihan ang buntis," pananakot pa ni Jane sa kapatid. Kinabigla ni Julieanne ang sinabi ng kanyang kapatid. "Wala naman ganyanan. Sige na nga," pagpayag na rin niya."Next time kayo naman ni Zia ang kasama ko magshopping. Ako na ang bahala sa inyo," baling nitong sabi kay Zeinab."Talaga, Ate?" masayang tanong ni Zeinab."Oo, basta ingatan niyo sina kambal," sabi naman ni Julieanne."Oo naman, Ate Julieanne. Mahal na mahal kaya namin itong sin
Read more

Chapter 40

EPILOUGEGINANAP ang kasal nina Julieanne at John sa simbahan. Ngayon ay muli sikang naikasal sa simbahan. Saksi ang lahat kasama rin sina Claire at Clay pati na ang asawa nito sa nakasaksi sa kasal nila.Masayang masaya sila John at Julieanne. Maging ang kambal sa pag iisang dibdib ng kanilang mga magulang. Isa na silang isang buong pamilya. Hindi na matitibag at kahit na anong pagsubok pa ang dumating ay haharapin nilang magkasama.Ngayon, masayang nagsasama silang buong pamilya sa ipinatayong bahay ni John. Natupad din ang pangarap niyang itira ang kanyang mag ina sa bahay niya. Kaya doble doble ang saya na nararamdaman niya."Are you happy, my wife?" tanong ni John sa asawa. Katatapos lang nilang magniig at masayang masaya si John. Tatlong buwan ng nakalipas ang kanilang kasal sa simbahan."Oo naman, asawa ko," masayang sagot ni Julieanne. Niyakap siya at hinalikan ni John sa pisngi."Puwede bang isa pang round?" request ng nakangising si John."Hindi ka ba nagsasawa?" nakangiting
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status