BIGLANG hinapit na naman ni Greg si Zia at hindi napigilang dampian ng halik sa labi. Isang halik na libong boltahe ang naibigay kay Zia. Napapikit si Zia at dinama ang halik na iyon.Bumitaw si Greg kay Zia at nai swipe ang card doon. Bumukas ang pinto ng condo ni Greg. Pinagsalikop ni Greg ang kamay niya kay Zia saka sila pumasok sa loob."This is my humble home" masayang sabi ni Greg at iniupo si Zia sa sopa.Nagpalinga linga si Zeinab sa loob ng condo ni Greg. Maganda ang pintura nito halatang lalaki ang may ari. Kulay blue iyon at ang mga gamit sa loob ay modernong moderno. Wala pa siyang nakikitang mga ganoong klase ng nuebles. Mukhang mamahalin.Malaki ang loob niyon. Sa gilid ay kusina at isang banyo. May dalawang pinto pa na andoon."What do you think?" tanong ni Greg pagkatapos ieksamin ni Zia ang paligid."Maganda" maikling sagot ni Zia at inilibot ulit ang paningin sa kabuuan ng sala."If you want to stay here I will give you the spare card. Para puwede kang pumunta dito k
NAKAUWI na si Zia. Maigi na lang talaga ay tulog na ang Mama niya nang dumating siya. Hindi na din siya nakatulog sa kakaisip kay Greg. Nagpalitan na rin sila ng numero ng cellphone kanina bago siya bumababa ng sasakyan ng lalaki.Nagising siya na tanghali na at nadatnan ang Mama niyang kumakain na ng tanghalian. Umupo si Zia sa tabi ng Mama niya. At kumuha ng pagkain at inilagay sa plato niya."Anong oras kang nakauwi Zia?""Siguro po ala una na""Ikaw Zia ha, ayoko ng inuumaga ka na ng uwi""Sorry po Ma""Kailan ka mag aapply ng trabaho?" tanong ni Alicia."Baka po bukas na. Medyo masakit ang ulo ko" sagot ni Zia."Puyat ka, kasi kaya masakit ang ulo mo. Nag inom ka ba kagabi?""Hindi po Ma""Maigi kung gayon. Mas maganda na nagsabi ka na lang sa mga kapatid mo para matulungan ka nilang makakuha ng trabaho" ani Alicia."Gusto ko pong ako ang naghanap ng trabaho ko, Mama. Malaki na po ako" sagot ni Zia."Zia ang akin lang para hindi ka na mahirapan. Andiyan naman ang mga Ate mo. Sigu
NAGTITILI nang nagtitili si Carol. Biglang tinakpan ni Zia ng kanyang dalawang kamay sa tenga niya dahil sa sobrang lakas ng tili ni Carol. Parang nabasag ang eardrum niya sa lakas ng pagsigaw nito."Hoy! Ano ka ba? Baka marinig ka nina Tita" saway na sabi ni Zia sa kaibigan at hinila na si Carol para para maupo na nagtatalon ng talon din.Zia heaved a sigh. And roll her eyes."Wow Zia ang swerte mo. Ang gwapo ni Greg tapos nagsabi pa siya na liligawan ka niya. Anong feeling?" usisang tanong ni Carol. Mukhang mas excited pa ito sa kanya.Natigilan si Zia. Ano nga bang naramdaman niya? They kissed already and her heart beats so fast. Electricity flow to her body every time Greg gently touch her."Masaya at nakakakilig kapag kasama ko siya. Masarap palang masabihan ka ng isang lalaki na maganda ka. Alam ko marami ang nagsasabi niyon sa akin. Pero nuong nanggaling kay Greg, masyadong pumasok at tumagos sa puso ko" mahabang sagot ni Zia.Aaminin na niya na ganoong ang nararamadaman niya k
ITINIGIL ni Greg ang kanyang sasakyan sa parking lot ng isang mamahaling restaurant. Saka binalingan si Zia nang nakangiti.Akma na sana bubuksan ni Zia ang pinto ng kotse ni Greg nang pigilan ito ng binata."Just wait here" pigil ni Greg kay Zia. Napatigil naman si Zia at hindi na nagbalak na lumabas ng kotse ni Greg.Lumabas si Greg ng kotse niya at umikot sa kotse niya papunta sa puwesto niya at pinagbuksan ang dalaga. Nakangiting inilahad ni Greg ang kamay niya kay Zia. Tinanggap naman iyon ng dalaga at saka lumabas ng kotse ni Greg.Hawak kamay silang papunta sa loob ng restaurant."Good afternoon Sir, Ma'am" bati ng waiter na nasa pintuan.Tumango ng ulo si Greg dito."Any reservation, Sir?" tanong ng waiter."Yes, for Greg San Diego" sagot ng binata."This way Sir" at iginiya ng waiter sila Greg at Zia sa table na ipinaserved ni Greg kanina bago pumunta sa restaurant.Inalalayan ni Greg na makaupo si Zia saka ito umupo sa upuang kaharap ni Zia.Ibinigay ng waiter ang menu kina
DINALA ni Greg si Zia sa condo niya. Nagpaubaya naman si Zia dito dahil mahal niya si Greg."I love you, Zia" sabi ni Greg."Mahal din kita" sagot ni Zia.Siniil ng halik ni Greg si Zia. Mapusok at mukhang nagmamadali. Tinugon ito ni Zia. Hanggang sa naging marahan na ang paghalik ni Greg sa mga labi ni Zia.Ipinasok ni Greg ang dila sa loob ng bibig ni Zia. At ginalugad ang loob niyon. Kumawala ang ungol bibig ni Zia. Nakapikit ito ng mga mata.Huminto sa paghalik si Greg at pinagdikit ang mga noo nila ni Zia. Pareho silang naghahabol ng paghinga."Do you trust me?" tanong ni Greg.Tumango lang ng ulo si Zia.Kinabig ulit ni Greg si Zia at siniil ulit ng halik si Zia. Naglakbay na ang kamay ni Greg sa katawan ni Zia. Hanggang sa bumababa ang halik nito sa leeg ng dalaga.Nagdulot ng halo halong pakiramdam ang mga halik na iyon ni Greg sa leeg ni Zia. Kiliti dahil sa sensasyon. At dumaloy ang kuryente sa kanyang katawan. Lunod na lunod na siya sa mga halik na iyon pa lamang ni Greg.H
NAGISING si Zia na masakit ang katawan. Gusto sana niyang bumangon pero hindi niya kaya. Napapadaing siya sa tuwing gagalaw.Kinapa niya Zia ang katabi. Pero wala na doon si Greg."Good afternoon, Baby" masayang bati ni Greg kay Zia habang dala dala ang tray ng pagkain."Afternoon? Anong oras na?" mga sunod sunod na tanong ni Zia. At biglang napaupo.Napadaing na naman ito sa sakit."Already 1 o'clock in the afternoon" sagot ni Greg."Ikaw kasi eh. Tingnan mo ang sakit sakit. Tapos hindi pa ako nakauwi sa bahay" naiiyak na sabi ni Zia."Lagot ako nito" kinakabahang wika ni Zia."Dont worry, Baby. Alam ko na pagod ka at masakit pa ang katawan mo kaya hindi muna kita ginising" saad ni Greg."Magagalit si Mama. Hindi ako umuwi" napatampal si Zia sa, sariling noo."I'm sorry, Baby. Hindi kasi kita puwedeng payagan na umuwi ng ganyan" ani Greg."Uuwi na ako!" sabi ni Zia at ibaba na sana ang paa sa kama ng sumakit na naman ang gitna niya. Napaiyak na naman ito sa sakit."Buhatin na kita, B
"TITA,, si Carol po?" bungad na tanong ni Zia sa ina ni Carol nang pagbuksan siya ng pinto. Nagpapa palit palit lang ito ng tingin sa kanya at kay Greg na nasa tabi niya."Zia, pumasok na muna kayo. At tatawagin ko lang si Carol" sagot ng Mama ni Carol at sumunod naman sina Zia at Greg papasok sa loob ng bahay nina Carol.Sabay na naupong magkatabi ang dalawa. Nanginginig si Zia sa nerbiyos nang napansin ni Greg. Kaya hinawakan nito ang kamay ng dalaga at pinisil iyon. Alam naman niya kung bakit kinakabahan si Zia. At naiintindihan niya kung bakit."Baby, relax. Andito lang ako sa tabi mo" wika ni Greg. At ngumiti sa dalaga.Bumaling ng tingin si Zia kay Greg. Tumango ng ulo dito.Ilan sandali pa at lumalapit na si Carol sa kanilang dalawa. Nakataas ang kilay nito at mukhang galit."Carol" tawag ni Zia sa kaibigan habang papalapit na lumalakad ito sa kanila"Zia, hindi mo ba alam na panay ang tawag ni Tita Alicia sa akin kagabi. Nag aalala ang Mama mo dahil hindi ka umuwi kagabi. Saan
PAUWI na si Zia kasama niya si Carol. Dahil kailangan niya ang tulong ni Carol para ipaliwanag sa Mama ni Zia kung bakit hindi siya nakauwi kagabi. Alam niyang mali ang magsinungaling. Kaya nakokonsensya si Zia sa idadahilan sa Mama niya mamaya.Kinakabahan na siya sa sasabihin ng Mama niya. Napa istrikto pati nito sa kanilang dalawang magkapatid. Pero ang kapatid niya si Zeinab ay may asawa na. Kaya siya na lamang ang natitira na nasa poder ng Mama Alicia niya.Nakarating na sila sa bahay nila Zia. Binuksan ni Zia ang gate at pumasok na silang dalawa.Huminga muna ng malalim si Zia bago pinihit papasok ang seradura na pinto at pumasok sa loob.Nadatnan niya ang Mama niya na nakaupo sa sala. Mukhang naghihintay ito sa kanya. Base sa mukha nitong nakatingin kay Zia.Nilapitan ni Zia ang Mama niya at nagmano."Bakit hindi ka nakauwi kagabi, Zia?" tanong ni Alicia sa anak anakaan.Napatingin si Zia kay Carol. Tingin na humimihingi ng saklolo sa kaibigan."Ah Mama, nag overnight po ako ki
"CAN we talk?" untag ni Ria kay Zia. Hinarang si Zia ni Ria nang papunta siya sa canteen. Nauna na si Carol doon at hinihintay lang siya.Matiim na tiningnan ni Zia si Ria. "Tungkol saan?""I just want to make things clear. Karapatan mo namang malaman ang lahat. Since nainvolved ka na sa aming dalawa ni Greg. Let's go to the coffee shop there" turo ni Ria sa coffee shop na katapat na building ng MDC. Pumayag na din si Zia. Dahil sa pakiusap nito sa kanya."Inform ko lang ang friend ko na hindi ako sasabay sa kanya maglunch" ani Zia. Hindi na niya hinintay na sumagot sa kanya si Ria at kinuha ang phone niya sa bulsa nang skirt niya. Saka nagtipa nang mensahe para kay Carol.Nauna ng pumunta si Ria sa coffee shop at sumunod na lamang si Zia. Ayaw niya sanang maglihim kay Greg. Pero kailangan bang malaman ni Greg ang magiging usapan nila ni Ria?Napansin ni Zia na nakaupo si Ria sa pinakadulo ng coffee shop. May maliit na table at dalawang upuan. Humihigop na si Ria nang kape sa tasa. Um
KUMAKAIN na sila. Panay ang sulyap ni Greg kay Zia. Tahimik lang itong kumakain at hindi kumikibo. Nitapunan nang tingin ay hindi nito ginagawa."Baby, any problem? Ang tahimik mo. Hindi ako sanay na hindi mo ako kinikibo" Greg asked. Napatigil si Zia sa pagsubo ng pagkain at inilapag ang kutsara sa plato niya."Iniisip ko lang. Paano na kaya ako kapag naisip ng parents mo na ipakasal ka kay Ria? Hindi nawawala ang takot ko, Greg. Kahit piiltin ko ang sarili ko na kalimutan na lang ang mga nangyari kanina. Sa restaurant, sa mall. Pabalik balik, eh. Ang sakit" nanubig na ang mga mata ni Zia. Napaiwas ng tingin kay Greg at pinunasan ang mga luha.Greg reached Zia hands. Mahigpit na kapit. "Baby, remember this. I love you so much" madiing sabi ni Greg. Kahit anong mangyari, basta ipangako mo lang na hindi ka bibitaw. Dahil hindi kita bibitawan. Kahit magsama sama pa sila Mommy, Tita Bettina at si Ria. Hindi kita iiwan. Kahit si Ria pa ang gusto nila for me. Sa puso ko ikaw lang ang mahal
"MAHAL na mahal din kita" madamdaming sagot ni Zia. Pinunasan ni Greg ang mga luha ni Zia. Pagkatapos ay hinila niya ang dalaga papunta sa sasakyan niya.Pinagmamasdan ni Zia si Greg habang ito ang mga mata ng binata ay tutok sa daan. Napalingon si Greg at nagbawi bigla ng tingin si Zia. Napangiti si Greg."Baby, It's okay. Wala naman pumipigil sayo na titigan ako. Kaya lang baka mabangga tayo. Natutunaw na kasi ako sa mga titig mo" birong sabi ni Greg.Umismid naman si Zia. At napairap. "Napakahangin! Hindi ikaw ang tinititigan ko" tanggi ni Zia. Natawa naman ng mahina si Greg.Huminto ang sasakyan ni Greg sa tapat ng building kung saan ang kanyang condo. Tinanggal niya ang seatbelt niya. Pati na din ang seatbelt ni Zia. Nagtatakang tumingin si Zia sa kanya."Akala ko ba ihahatid mo ako sa bahay" turan ni Zia."Baby, puwede bang dito na muna tayo. Gusto pa kitang masolo. Ihahatid din kita maya-maya" tugon ni Greg sa kanya. Tumango na lang ng ulo si Zia. Naunang lumabas si Greg ng sas
BUMALIK na silang magkaibigan sa kompanya. Nawalan na din ng gana si Zia na kumain. Kahit anong pilit na kalimutan ang mga nakita ay hindi niya magawa. Nasasaktan man. Pero anong magagawa niya?Bestfriend ni Greg si Rhea. Mas matagal silang nagsama kesa sa kanya. At kilalang kilala nila ang isat isa."Huwag mo munang isipin yun. Mas maganda na kausapin mo ang boyfriend mo. Tanungin mo siya. Kung ayaw mo naman itanong ang mga nakita mo. Eh di alisin mo na lang diyan sa isip mo. Kahit na masakit" litanya ni Carol.Malungkot na tumingin si Zia kay Carol. Namumula na ang mga mata niya. Nagbabadya ang luha na kanina pa niya gusto ilabas."Hoy. Huwag ka naman ganyan. Pati ako ay nahahawa na sayo" alo ni Carol at niyakap na lamang si Zia.Iniharap ni Carol ang kaibigan niya sa kanya."Carol, ayaw kong masaktan. Pero anong gagawin ko? Mahal ko si Greg. May nangyari na din sa amin" sabi ni Zia habang panay ang tulo ng luha niya."Alam ko. Kaya nga siguraduhin mo. Kung sino ka talaga kay Sir Gr
HINATID ni Greg si Zia sa bahay nila. Pasulyap sulyao siya sa dalaga na tahimik na nakaupo.Malapit na sila sa bahay ng dalaga. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya iniimik nito.Napabuga ng malalim na buntong hininga si Greg. At inihinto ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada."Baby, please. Kausapin mo naman ako. What I will do to prove to you, na ikaw ang mahal ko. Huwag mo naman akong ignorin ng ganito" pagmamakaawa ni Greg kay Zia. Alam niyang masama ang loob ni Zia sa kanya.Napatingin si Zia kay Greg."Wala ka naman kailangan na patunayan sa akin. Naiinis lang ako at nasasaktan dahil sa sinabi ng Mommy ni Ria" sagot ni Zia."Natatakot ako, Greg. Sobra akong natatakot ngayon. Kasi mahal na mahal kita" umiiyak na dagdag ni Zia."I love you too, so much. Kaya ialis mo na sa isip mo ang takot. Hindi kita iiwan. I will always beside you. Hindi ako aalis sayo. I promise" ani Greg at niyakap si Zia na panay ang iyak.Nakauwi na si Zia at nakahiga na sa kanyang kama.Hindi mawal
PresentCebuNATULALA si Greg nang makita si Zia kasama ng mag asawang Camus. Pati ang batang babae na katabi ni Mrs. Rita ay napatingin din siyang pinagmamasdan maigi ito. Pakiramdam niya kilala niya ito.Pero napalingon siya sa babaeng nakakapit sa braso niya na may matamis na ngiting nakapaskil sa mukha nito.Bigla niyang tinanggal ang kamay ni Dion na nakahawak sa kanya at muling tumingin kay Zia."Dion, kaibigan siya ni Zia, si Carol at ang anak nitong si Cassy" pakilala ni Mrs. Camus kina Carol.Tumango ng ulo si Carol at binalingan ang katabi na si Zia."Umupo na kayong dalawa" utos ni Mr. Carter sa anak at kay Greg.Naghila ng dalawang upuan si Greg para sa kanilang dalawa ni Dion. At umupo si Dion sa katabi ng Daddy niya. Habang si Greg ay katabi ng anak ni Carol na si Cassy. Halos katapat ni Zia si Greg.Kaya halos iwasan nitong tumingin sa kabilang side dahil magtatama ang mga tingin nila ni Greg. Ayaw niyang ipakita na apektado pa din siya sa presensiya ng binata."Mom, Da
NAKARATING na sila sa bahay nila Greg. Hindi iyon simpleng bahay lang na may tatlong kuwarto sa loob. Kundi isang mansyon. Nakakalula ang laki niyon sa mga mata ni Zia.Ang garden na sobrang laki na halos mas malaki pa sa kinatatayuang lupa ng bahay nila.Binuksan ng guard ang gate at naipark ni Greg ang sasakyan sa harap ng mansyon nila.Namamangha si Zia sa mga nakikita sa buong lugar ng mansyon nina Greg. Lumapit ang isang guard at kinuha ang susi ng kotse ni Greg para ipark ang sasakyan nito sa garahe.Pagkababa nila ng sasakyan ni Greg ay hinapit na agad siya sa beywang ni Greg at iginiya papasok sa loob ng mansyon.Kinakabahan si Zia at namamawis ang mga kamay. Napansin ni Greg ang pag tahimik ni Zia."Baby, I know you're nervous. Just relax, mababait na tao ang parents ko. At hindi ko naman hahayaan na may masabi silang hindi maganda sayo" pamapalakas ng lobo na sabi ni Greg.Napahinto si Zia sa paglalakad."Huwag mong gagawin iyon, Greg. Mga magulang mo pa din sila kaya igalan
KINAKABAHAN si Zia sa magiging reaksiyon ng Mama niya kapag ipinakilala niya si Greg na boyfriend niya.Istrikto pa naman ang Mama niya pagdating sa kanya. Lalo na at nag iisa na lamang siyang kasama nito sa bahay nila. Dahil sa may kanya kanya ng mga pamilya ang mga kapatid niya."Mama, andito na po ako" tawag ni Zia sa Mama niya.Napag isip isip ni Zia na huwag na munang ipaalam o ipakilala sa Mama niya ang boyfriend niyang si Greg. Kaya pinadiretso na ni Zia si Greg para umuwi sa kanila. Babalik naman ito para sunduin siya mamaya. Dahil sa may family dinner ito sa kanila at isasama siya ni Greg para ipakikilala sa parents ng binata.Maghahanda na lang siya para sa pagpunta niya sa bahay nina Greg. Kinakabahan din siya na makilala ang parents ni Greg. Hindi miya alam kung magugustuhan siya ng mga magulang ng binata."Zia, magpalit ka na nang damit mo at nang makakain na tayo" utos ni Alicia sa anak anakan."Mama, pupunta po ako kina Carol mamaya. Niyaya po kasi ako ng parents niya d
SINAMAHAN ni Amy si Zia papunta sa HR department. Habang naglalakad sila papasok sa kuwartong iyon ay kita niya ang mga mapanuring tingin ng mga taong naroroon."Hello guys! This is Zia our new employee here. Everyone please be good to Zia and ayaw ko na makakarinig ng hindi maganda tungkol kay Miss Zia" pakilala ni Amy kay Zia sa mga kasamahan nito.Nagtaka naman ang mga taong naroon sa sinabi ni Amy. Saka nagbulungan ang ibang mga naroron."Amy, huwag ka namang ganyan sa kanila. Baka sabihin nila kaya ako nakapasok dito dahil sa palakasan" mahinang saway ni Zia kay Amy pero sapat na marinig ni Amy."Miss Zia, ako ang mananagot kay Sir Greg kapag may nangyari sayo dito or may sinabing ka ng hindi magaganda ng mga kasama natin dito sa department niyo. Saka malalaman din naman nilang lahat na ikaw ang girlfriend ni Sir Greg" mga paliwanag ni Amy kay Zia."Huwag mong alalahanin ang Boss mo. Ako na ang bahala doon. Kaya relax ka lang" nakangiting wika ni Zia."Mas kilala ko sila Miss Zia