Share

Chapter 31

Author: RIDA Writes
last update Huling Na-update: 2024-08-16 15:09:57

"HALIKA, Matt. Ipapakilala kita sa anak natin" aya ni Zeinab kay Matt. She extends her hands to Matt. Nakatingin lang si Matt sa kamay na iyon ni Zeinab. At napadako ang tingin niya sa mukha ni Zeinab. Matamis itong nakangiti sa kanya.

Nanginginig na kinuha ni Matt ang kamay ng asawa. Nakangiti pa din si Zeinab sa kanya na mukhang wala na ang sakit na naidulot niya sa kanya. Nakatitig si Matt sa mukha ni Zeinab nang bigla siyang hinila nito papasok sa isang kuwarto.

Nagpatangay si Matt sa asawa at napahawak ang isang kamay sa sarilimg dibdib. Mabilis ang tibok ng puso niya. Parang hinihingal na sa animo'y tumakbo ng napakalayo.

Binitawan ni Zeinab ang kamay ni Matt at nilapitan ang anak na kalong kalong ni Vina. Nakangiting kinuha niya si Maze kay Vina at hinagkan pa ang pisngi ng tatlong buwan pa lamang na anak.

Naiharap ni Zeinab ang anak kay Matt. Natigilan si Matt na nakatitig sa dalawang tao na nasa harapan niya. Hindi siya makapaniwalang nagbunga talaga ang pagmamahalan nila ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Secret Love   Epilgoue

    MASAYANG nagsama sama ang magkakapatid sa Quezon sa kaarawan ng kanilang ina. Buo ang pamilya nina Julieanne at John kasama ang kambal nila at ang bunsong anak nila na lalaki. Seven years old na sina Jillian at Jellian habang ang bunsong si Jj ay tatlong taong gulang na.Sina Jane at William ay dalawa na ang anak. Ang panganay nilang si Will Jan na anim na taon na ngayon at ang bunsong si Jean ay apat na taon na. Masayang tinutulungan ni Jane ang ina sa pag aayos ng lamesa.Nang dumating ang mag asawang sina Zeinab at Matt kasama si Maze na one year old na ngayon. Buntis si Zeinab ulit at limang buwan na ang tiyan."Mama" tawag ni Zeinab sa Mama Alicia niya."Anak, buti nakapunta kayo" masayang sabi ni Alicia at niyakap ang anak. Nagmano naman sa kanya si Matt habang hawak ang kamay ng anak na si Maze."Ito na ba si Maze. Wow, apo ang pogi mo naman" masayang masaya na sabi ni Alicia at hinalikan sa pisngi ang apong si Maze."Ma, happy birthday po" bati ni Zeinab at inabot sa ina ang m

    Huling Na-update : 2024-08-17
  • The Billionaire's Secret Love   The Billionaire Mistress : Chapter 1

    "GOOD morning, my Princess" masayang bungad na bati ni Zia kay Gia.Ngumiti ito sa kanya at yumakap ng mahigpit."Good morning, Mama" magiliw na bati din ni Gia. Saka punong puno ng pagmamahal na hinalikan nito sa pisngi ang ina."Come on baby, samahan na kita sa banyo" aya na wika ni Zia.Bumangon na si Gia. At hinawakan ni Zia ang anak sa isang kamay nito para pumunta sa banyo.Araw ng Sabado ngayon at wala namang pasok ang anak sa eskwelahan. Kaya hinahayaan niya itong gumising ng hindi maaga kapag weekend o walang pasok sa eskwelahan.Pababa na ng hagdan ang mag ina. Lumawak ang mga ngiti ni Gia nang makita ang kanyang Tita Carol kasama ang anak nitong si Cassy.Binitiwan ni Gia ang kamay ng ina at tumakbo palapit sa kaibigan na si Cassy. Magbestfriend ang mga anak nina Zia at Carol. Kagaya nila ay na mgbestfriend din."Gia, be careful!" saway ni Zia sa anak na tumatakbo palapit sa kaibigan nito."I will, Mama" nangumiting sumagot si Gia sa ina na hindi tinatapunan ng tingin ang k

    Huling Na-update : 2024-08-17
  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 2

    PAGKADATING niya sa mesa niya ay naabutan niya may nakapatong na bouqet of red roses. Nagpalinga linga siya kung may tao sa paligid na nagdala niyon. Pero walang tao.Kinuha niya iyon at inamoy amoy. Nagtataka siya na araw araw siyang nakakatanggap ng flowers every morning tuwing papasok sa opisina.To: ZiaI missed you everyday!A sweet smile on your face make me love you so much!From: S.D.Ang initial na iyon ang ipinagtataka niya. Napakalayo na niya sa Manila at hindi alam ni Greg kung nasaan siya ngayon. Kaya malabong si Greg ang nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak. Mga nasa isipan ni Zia.Inilapag niya ang bag niya sa gilid at kinuha ang vase sa katabing table niya na maliit. Dinala niya ang vase na iyon sa C.R. at pinalitan ng tubig. Pagkabalik sa mesa niya ay kinuha niya ang bulaklak at inilagay sa vase. Saka niya iyon inilagay sa gilid niya na mesa.Nagtatrabho ngayon si Zia sa isang kompanya na nag iimport at nag eexport ng mga native bags and apparel. Sekretarya siya ng CE

    Huling Na-update : 2024-08-17
  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 3

    "MAMA!" malakas na tawag ni Gia sa ina na nagtatakbong lumapit dito. Niyakap naman ito ng mahigit ni Zia."Apo, puwede bang payakap din ako" nakangiting pakiusap ng Ginang na si Rita."Lola, siyempre naman po" masiglang sagot nito at yumakap sa itinuturing nitong Lola. Hinalikan ng Ginang ang bata sa buhok nito."Lolo" baling din nitong tawag sa asawa ni Mrs. Camus.Pagkatapos yakapin ang Ginang ay ang asawa naman nitong si Mr. Carter ang niyakap ng anak ni Zia. Masayang tinitingnan ni Zia ang anak at ang dalawang taong para na niyang mga magulang.Magiliw ang dalawang matanda sa anak ni Zia at masyadong napalapit kay Gia. Simula nang makarating siya sa Cebu ay ito na ang tumulong sa kanya. Lalo na nuong ipinagbubuntis pa niya si Gia.Kaya siguro malaki ang inggit ni Dion sa kanya. Dahil nasa anak ni Zia ang atensyon ng mga magulang nito.Dahil sa dalawang matanda na Camus ay unti unti niyang nakakalimutan ang mga mga masasakit na pinagdaanan niya nuon na ayaw na niyang balikan ulit.

    Huling Na-update : 2024-08-17
  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 4

    BIGLANG sumagi sa kanyang isipan ang mga alala nila ni Greg. Masaya silang nagmamahalan. Hindi niya lang matanggap na ginawa siyang isang kabit ni Greg.Mahal na mahal niya ang lalaki kaya siya na ang lumayo dito para tuluyan nang magkahiwalay sila. Hanggat kasama niya si Greg ay hindi siya matatahimik. Inuusig na siya nang konsensiya niya dahil sa mga pagtataksil nila sa asawa nito.Napansin ni Carol ang pananahimik nang kaibigan. Ang dalawang bata ay kasama ng mag asawa na naglalaro sa Funhouse sa loob ng mall."Natahimik ka. Anong iniisip mo?" tanong ni Carol."Naiisip ko lang si Greg. Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang may anak kami?""Zia, kalimutan mo na si Greg. Hangang ngayon sinasaktan mo pa din ang sarili mo dahil hanggang ngayon mahal mo pa din si Greg"Tumulo ang masaganang luha ni Zia sa kanyang mga mata. Hindi niya ikakaila na mahal pa din niya si Greg. Kahit na lumipas pa limang taon. Hindi siya nawawala sa puso niya."Carol, kung puwede lang na hindi na tumib

    Huling Na-update : 2024-08-17
  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 5

    KATATAPOS lang ng graduation ni Zia sa kolehiyo at kasalukuyan silang nagdiriwang sa bar ng Kuya William niya. Kasama ang mga kaibigan at mga naging kaklase. Nagkakasayahan at nag iinom na silang lahat."Hey Zia, kanina pa nakatingin sayo ang lalaki na iyon" turo ng tingin nito sa lalaking nakaupo sa katapat ng table nila.Napatingin din si Zia sa gawi ng lalaking iyon. At nakita ang malagkit na tingin nito sa kanya na kahit madilim ang paligid ay naaaninag naman ito na walang kakurap kurap ang tingin sa kanya."Hayaan mo siyang manawa tumingin sa akin" natatawang sabi ni Zia sa kaibigan. Saka tumayo siya at inaya ang kaibigan na sumayaw."Lets dance, Carol. Halika samahan mo ako" aya nito sa kaibigan at napapasayaw na sa harap ng kaibigan niyang si Carol.Hinila nito si Carol at pumunta na sila sa dance floor para magsayaw. Naging maharot ang kanta at sige pa din sa pag sayaw si Zia. Naramdaman ni Zia na may tao sa likod niya habang siya ay nagsasayaw. Tumatama ang likod niya sa taon

    Huling Na-update : 2024-08-17
  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 6

    BIGLANG hinapit na naman ni Greg si Zia at hindi napigilang dampian ng halik sa labi. Isang halik na libong boltahe ang naibigay kay Zia. Napapikit si Zia at dinama ang halik na iyon.Bumitaw si Greg kay Zia at nai swipe ang card doon. Bumukas ang pinto ng condo ni Greg. Pinagsalikop ni Greg ang kamay niya kay Zia saka sila pumasok sa loob."This is my humble home" masayang sabi ni Greg at iniupo si Zia sa sopa.Nagpalinga linga si Zeinab sa loob ng condo ni Greg. Maganda ang pintura nito halatang lalaki ang may ari. Kulay blue iyon at ang mga gamit sa loob ay modernong moderno. Wala pa siyang nakikitang mga ganoong klase ng nuebles. Mukhang mamahalin.Malaki ang loob niyon. Sa gilid ay kusina at isang banyo. May dalawang pinto pa na andoon."What do you think?" tanong ni Greg pagkatapos ieksamin ni Zia ang paligid."Maganda" maikling sagot ni Zia at inilibot ulit ang paningin sa kabuuan ng sala."If you want to stay here I will give you the spare card. Para puwede kang pumunta dito k

    Huling Na-update : 2024-08-17
  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 7

    NAKAUWI na si Zia. Maigi na lang talaga ay tulog na ang Mama niya nang dumating siya. Hindi na din siya nakatulog sa kakaisip kay Greg. Nagpalitan na rin sila ng numero ng cellphone kanina bago siya bumababa ng sasakyan ng lalaki.Nagising siya na tanghali na at nadatnan ang Mama niyang kumakain na ng tanghalian. Umupo si Zia sa tabi ng Mama niya. At kumuha ng pagkain at inilagay sa plato niya."Anong oras kang nakauwi Zia?""Siguro po ala una na""Ikaw Zia ha, ayoko ng inuumaga ka na ng uwi""Sorry po Ma""Kailan ka mag aapply ng trabaho?" tanong ni Alicia."Baka po bukas na. Medyo masakit ang ulo ko" sagot ni Zia."Puyat ka, kasi kaya masakit ang ulo mo. Nag inom ka ba kagabi?""Hindi po Ma""Maigi kung gayon. Mas maganda na nagsabi ka na lang sa mga kapatid mo para matulungan ka nilang makakuha ng trabaho" ani Alicia."Gusto ko pong ako ang naghanap ng trabaho ko, Mama. Malaki na po ako" sagot ni Zia."Zia ang akin lang para hindi ka na mahirapan. Andiyan naman ang mga Ate mo. Sigu

    Huling Na-update : 2024-08-18

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 24

    "CAN we talk?" untag ni Ria kay Zia. Hinarang si Zia ni Ria nang papunta siya sa canteen. Nauna na si Carol doon at hinihintay lang siya.Matiim na tiningnan ni Zia si Ria. "Tungkol saan?""I just want to make things clear. Karapatan mo namang malaman ang lahat. Since nainvolved ka na sa aming dalawa ni Greg. Let's go to the coffee shop there" turo ni Ria sa coffee shop na katapat na building ng MDC. Pumayag na din si Zia. Dahil sa pakiusap nito sa kanya."Inform ko lang ang friend ko na hindi ako sasabay sa kanya maglunch" ani Zia. Hindi na niya hinintay na sumagot sa kanya si Ria at kinuha ang phone niya sa bulsa nang skirt niya. Saka nagtipa nang mensahe para kay Carol.Nauna ng pumunta si Ria sa coffee shop at sumunod na lamang si Zia. Ayaw niya sanang maglihim kay Greg. Pero kailangan bang malaman ni Greg ang magiging usapan nila ni Ria?Napansin ni Zia na nakaupo si Ria sa pinakadulo ng coffee shop. May maliit na table at dalawang upuan. Humihigop na si Ria nang kape sa tasa. Um

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 23

    KUMAKAIN na sila. Panay ang sulyap ni Greg kay Zia. Tahimik lang itong kumakain at hindi kumikibo. Nitapunan nang tingin ay hindi nito ginagawa."Baby, any problem? Ang tahimik mo. Hindi ako sanay na hindi mo ako kinikibo" Greg asked. Napatigil si Zia sa pagsubo ng pagkain at inilapag ang kutsara sa plato niya."Iniisip ko lang. Paano na kaya ako kapag naisip ng parents mo na ipakasal ka kay Ria? Hindi nawawala ang takot ko, Greg. Kahit piiltin ko ang sarili ko na kalimutan na lang ang mga nangyari kanina. Sa restaurant, sa mall. Pabalik balik, eh. Ang sakit" nanubig na ang mga mata ni Zia. Napaiwas ng tingin kay Greg at pinunasan ang mga luha.Greg reached Zia hands. Mahigpit na kapit. "Baby, remember this. I love you so much" madiing sabi ni Greg. Kahit anong mangyari, basta ipangako mo lang na hindi ka bibitaw. Dahil hindi kita bibitawan. Kahit magsama sama pa sila Mommy, Tita Bettina at si Ria. Hindi kita iiwan. Kahit si Ria pa ang gusto nila for me. Sa puso ko ikaw lang ang mahal

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 22

    "MAHAL na mahal din kita" madamdaming sagot ni Zia. Pinunasan ni Greg ang mga luha ni Zia. Pagkatapos ay hinila niya ang dalaga papunta sa sasakyan niya.Pinagmamasdan ni Zia si Greg habang ito ang mga mata ng binata ay tutok sa daan. Napalingon si Greg at nagbawi bigla ng tingin si Zia. Napangiti si Greg."Baby, It's okay. Wala naman pumipigil sayo na titigan ako. Kaya lang baka mabangga tayo. Natutunaw na kasi ako sa mga titig mo" birong sabi ni Greg.Umismid naman si Zia. At napairap. "Napakahangin! Hindi ikaw ang tinititigan ko" tanggi ni Zia. Natawa naman ng mahina si Greg.Huminto ang sasakyan ni Greg sa tapat ng building kung saan ang kanyang condo. Tinanggal niya ang seatbelt niya. Pati na din ang seatbelt ni Zia. Nagtatakang tumingin si Zia sa kanya."Akala ko ba ihahatid mo ako sa bahay" turan ni Zia."Baby, puwede bang dito na muna tayo. Gusto pa kitang masolo. Ihahatid din kita maya-maya" tugon ni Greg sa kanya. Tumango na lang ng ulo si Zia. Naunang lumabas si Greg ng sas

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 21

    BUMALIK na silang magkaibigan sa kompanya. Nawalan na din ng gana si Zia na kumain. Kahit anong pilit na kalimutan ang mga nakita ay hindi niya magawa. Nasasaktan man. Pero anong magagawa niya?Bestfriend ni Greg si Rhea. Mas matagal silang nagsama kesa sa kanya. At kilalang kilala nila ang isat isa."Huwag mo munang isipin yun. Mas maganda na kausapin mo ang boyfriend mo. Tanungin mo siya. Kung ayaw mo naman itanong ang mga nakita mo. Eh di alisin mo na lang diyan sa isip mo. Kahit na masakit" litanya ni Carol.Malungkot na tumingin si Zia kay Carol. Namumula na ang mga mata niya. Nagbabadya ang luha na kanina pa niya gusto ilabas."Hoy. Huwag ka naman ganyan. Pati ako ay nahahawa na sayo" alo ni Carol at niyakap na lamang si Zia.Iniharap ni Carol ang kaibigan niya sa kanya."Carol, ayaw kong masaktan. Pero anong gagawin ko? Mahal ko si Greg. May nangyari na din sa amin" sabi ni Zia habang panay ang tulo ng luha niya."Alam ko. Kaya nga siguraduhin mo. Kung sino ka talaga kay Sir Gr

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 20

    HINATID ni Greg si Zia sa bahay nila. Pasulyap sulyao siya sa dalaga na tahimik na nakaupo.Malapit na sila sa bahay ng dalaga. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya iniimik nito.Napabuga ng malalim na buntong hininga si Greg. At inihinto ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada."Baby, please. Kausapin mo naman ako. What I will do to prove to you, na ikaw ang mahal ko. Huwag mo naman akong ignorin ng ganito" pagmamakaawa ni Greg kay Zia. Alam niyang masama ang loob ni Zia sa kanya.Napatingin si Zia kay Greg."Wala ka naman kailangan na patunayan sa akin. Naiinis lang ako at nasasaktan dahil sa sinabi ng Mommy ni Ria" sagot ni Zia."Natatakot ako, Greg. Sobra akong natatakot ngayon. Kasi mahal na mahal kita" umiiyak na dagdag ni Zia."I love you too, so much. Kaya ialis mo na sa isip mo ang takot. Hindi kita iiwan. I will always beside you. Hindi ako aalis sayo. I promise" ani Greg at niyakap si Zia na panay ang iyak.Nakauwi na si Zia at nakahiga na sa kanyang kama.Hindi mawal

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 19

    PresentCebuNATULALA si Greg nang makita si Zia kasama ng mag asawang Camus. Pati ang batang babae na katabi ni Mrs. Rita ay napatingin din siyang pinagmamasdan maigi ito. Pakiramdam niya kilala niya ito.Pero napalingon siya sa babaeng nakakapit sa braso niya na may matamis na ngiting nakapaskil sa mukha nito.Bigla niyang tinanggal ang kamay ni Dion na nakahawak sa kanya at muling tumingin kay Zia."Dion, kaibigan siya ni Zia, si Carol at ang anak nitong si Cassy" pakilala ni Mrs. Camus kina Carol.Tumango ng ulo si Carol at binalingan ang katabi na si Zia."Umupo na kayong dalawa" utos ni Mr. Carter sa anak at kay Greg.Naghila ng dalawang upuan si Greg para sa kanilang dalawa ni Dion. At umupo si Dion sa katabi ng Daddy niya. Habang si Greg ay katabi ng anak ni Carol na si Cassy. Halos katapat ni Zia si Greg.Kaya halos iwasan nitong tumingin sa kabilang side dahil magtatama ang mga tingin nila ni Greg. Ayaw niyang ipakita na apektado pa din siya sa presensiya ng binata."Mom, Da

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 18

    NAKARATING na sila sa bahay nila Greg. Hindi iyon simpleng bahay lang na may tatlong kuwarto sa loob. Kundi isang mansyon. Nakakalula ang laki niyon sa mga mata ni Zia.Ang garden na sobrang laki na halos mas malaki pa sa kinatatayuang lupa ng bahay nila.Binuksan ng guard ang gate at naipark ni Greg ang sasakyan sa harap ng mansyon nila.Namamangha si Zia sa mga nakikita sa buong lugar ng mansyon nina Greg. Lumapit ang isang guard at kinuha ang susi ng kotse ni Greg para ipark ang sasakyan nito sa garahe.Pagkababa nila ng sasakyan ni Greg ay hinapit na agad siya sa beywang ni Greg at iginiya papasok sa loob ng mansyon.Kinakabahan si Zia at namamawis ang mga kamay. Napansin ni Greg ang pag tahimik ni Zia."Baby, I know you're nervous. Just relax, mababait na tao ang parents ko. At hindi ko naman hahayaan na may masabi silang hindi maganda sayo" pamapalakas ng lobo na sabi ni Greg.Napahinto si Zia sa paglalakad."Huwag mong gagawin iyon, Greg. Mga magulang mo pa din sila kaya igalan

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 17

    KINAKABAHAN si Zia sa magiging reaksiyon ng Mama niya kapag ipinakilala niya si Greg na boyfriend niya.Istrikto pa naman ang Mama niya pagdating sa kanya. Lalo na at nag iisa na lamang siyang kasama nito sa bahay nila. Dahil sa may kanya kanya ng mga pamilya ang mga kapatid niya."Mama, andito na po ako" tawag ni Zia sa Mama niya.Napag isip isip ni Zia na huwag na munang ipaalam o ipakilala sa Mama niya ang boyfriend niyang si Greg. Kaya pinadiretso na ni Zia si Greg para umuwi sa kanila. Babalik naman ito para sunduin siya mamaya. Dahil sa may family dinner ito sa kanila at isasama siya ni Greg para ipakikilala sa parents ng binata.Maghahanda na lang siya para sa pagpunta niya sa bahay nina Greg. Kinakabahan din siya na makilala ang parents ni Greg. Hindi miya alam kung magugustuhan siya ng mga magulang ng binata."Zia, magpalit ka na nang damit mo at nang makakain na tayo" utos ni Alicia sa anak anakan."Mama, pupunta po ako kina Carol mamaya. Niyaya po kasi ako ng parents niya d

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 16

    SINAMAHAN ni Amy si Zia papunta sa HR department. Habang naglalakad sila papasok sa kuwartong iyon ay kita niya ang mga mapanuring tingin ng mga taong naroroon."Hello guys! This is Zia our new employee here. Everyone please be good to Zia and ayaw ko na makakarinig ng hindi maganda tungkol kay Miss Zia" pakilala ni Amy kay Zia sa mga kasamahan nito.Nagtaka naman ang mga taong naroon sa sinabi ni Amy. Saka nagbulungan ang ibang mga naroron."Amy, huwag ka namang ganyan sa kanila. Baka sabihin nila kaya ako nakapasok dito dahil sa palakasan" mahinang saway ni Zia kay Amy pero sapat na marinig ni Amy."Miss Zia, ako ang mananagot kay Sir Greg kapag may nangyari sayo dito or may sinabing ka ng hindi magaganda ng mga kasama natin dito sa department niyo. Saka malalaman din naman nilang lahat na ikaw ang girlfriend ni Sir Greg" mga paliwanag ni Amy kay Zia."Huwag mong alalahanin ang Boss mo. Ako na ang bahala doon. Kaya relax ka lang" nakangiting wika ni Zia."Mas kilala ko sila Miss Zia

DMCA.com Protection Status