KINABUKASAN, maaga pa handa na si Zia para pumunta kina Carol. Bitbit niya ang kanyang folder laman ang mga credential niya."Ma, alis po muna ako. Maghahanap po kami ng trabaho ni Carol ngayon" paalam nitong sabi sa Mama Alicia niya."Anak, iyong paalala ko lagi, ha" bilin na wika ni Alicia kay Zia."Opo, Ma. Hindi ko po kakalimutan" sagot ni Zia na nakangiti sa Mama niya."Mag iingat ka" bilin pa ni Alicia.Tumango ng ulo si Zia at pumunta na ng pinto para umalis. At papunta na sa bahay nina Carol.Napagkasunduan nilang magkaibigan na hintayin siya sa labas ng bahay nina Carol para diretso na silang dalawa sakay ng taxi lulan ni Zia."Zia, sana matanggap tayo" turan ni Carol."Matatanggap tayo doon. Siyempre maganda naman ang credential natin sa University. Kahit pa wala tayong experience" saad ni Zia."Sana nga"Huminto ang taxi na lulan sila sa tapat ng MDC building. Bumaba na ang magkaibigan at luminga linga sa buong paligid."Ang taas pala ng building ng kompanya MDC" punang sab
Magbasa pa