Home / Romance / Love and Betrayal / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Love and Betrayal : Chapter 51 - Chapter 60

70 Chapters

LAB— 50

Ziyad wanted to ask her about her plans about Jacob. Hindi niya mabasa ang nasa isip ng babae. O mas tamang sabihin na natatakot siya na baka tanggapin niya ito sa kabila ng mga nagawa nitong masasakit sa kaniya. He knew that she will never be happy if she will accept her again. She will be miserable again. Kahit ibang lalake na lang diyan, basta hindi lang si Jacob, kaya pa niyang tanggapin. Kasama nilang kumain ng dinner si Awi pero maging ang babae ay tahimik lang at nakikipagparamdaman sa kanilang dalawa. Palipat-lipat ito ng tingin sa kabilang dalawa pagkatapos ay magsusubo, may multo ng ngiti habang ngumunguya. Tumikhim ito nang hindi din siya nakatiis. "In-inform niyo na ang media tungkol sa pagbabalik mo?"Nagawa na ni Ziyad at lalabas iyon mamayang madaling araw, pero hinintay niyang si Precious ang sumagot. She just nod her head. Kunot ang noo at tila malalim ang iniisip habang kumakain. Napakamot na lang ng ulo si Awi, dahil napakatahimik ng dalawa. After dinner, umino
Read more

LAB— 51

Bago pa makalabas ng silid si Jacob ay biglang dumating si Cora. Sumisigaw ito at nagwawala. "Jacob, tanga ka ba?! At inuwi mo pa talaga si Jade dito!" sigaw nito na dinig sa buong kabahayan. Nagpunas ng mukha si Jacob upang tuyuin ang kaniyang mga luha. Si Precious naman ay napabuntong hininga na lamang. Ayaw niyang makita si Cora, pero talaga namang ang kapal ng mukha ng babae dahil nagpunta pa talaga dito. Sana kaya niyang magpigil, dahil baka masakal niya ito. At sumugod pa talaga dito! "Jacob!" Hinihingal pa ang babae nang makapasok sa silid. Matalas ang tingin na pinukol niya kay Jacob, bago nilipat kay Precious ang mas matalim na tingin. Nakatayo lang ito habang hawak pa din ang picture frame. "What are you doing here, Cora?" tanong ni Jacob sa babae. "Nagpunta ako dito para pigilan ka sa plano mo!"Mukhang hindi pa din na-r-realize ng babae na siya si Precious. Tumalikod si Precious at muling tinanaw ang garden mula sa bintana. Naalala niya ang kaniyang ama. Nang bata s
Read more

LAB— 52

Kahit alam niyang desidido ng makipaghiwalay sa kaniya si Precious, Jacob still tried to pursue her. He'd send her flowers and chocolates but Precious didn't receive any of it. Dahil nalaman ng mga magulang niya ang tungkol kay Precious, nagsabi ang mga ito na gusto nilang makausap ang babae, pero sinabi niya ang sitwasyon sa mga 'to. Naiintindihan naman ng Mommy ni Jacob ang pasya ni Precious. Babae siya at hindi din siya isang martir kaya alam niyang tama lang ang ginagawa ng kaniyang manugang. She was sad but what can she do? Pinalaki naman niya ng maayos ang anak, hindi siya nagkulang sa pangaral dito ngunit sadyang mapaglaro ito sa babae. Sawa na siyang manermon kaya iniwan na lang niya ang anak niyang maluha-luha habang nagkukuwento. Naaawa at naiinis siya dito. Kasalanan din naman ng kaniyang anak kung bakit miserable siya ngayon. Hindi na pumapasok sa trabaho si Jacob. Habang lumilipas ang mga araw, ay pabigat naman nang pabigat ang dala-dala niya sa kaniyang dibdib. Ar
Read more

LAB— 53

Precious woke up with the same pain that she's been feeling for how many months now. Bumangon siya at ilang sandali na napatulala. She prayed and then write her thoughts on her journal that Ziyad gave to her. Sabi ni Ziyad baka makatulong daw ito sa kaniyang healing. Nandito pa din siya sa penthouse ng lalake. Plano sana niyang mag-rent ng ibang unit, habang pinapalinis pa lang niya ang mga properties ng kaniyang ama, pero sabi ng lalake na dumito na lang muna siya habang hindi pa siya umaalis. Kasabay niyang kumain ng agahan ang lalake at kasalo din niya ito sa hapunan. Ayaw sana niya dahil baka mas lalo lang madagdagan ang kaniyang iniisip, dahil alam niyang pag-alis ng lalake, makakaramdam siya ng lungkot. Ilang buwan na silang magkasama kaya maninibago talaga siya kapag umalis na ang lalake. He's always been there for her lalo sa mga panahon na lugmok siya at walang-wala. Hulog ito ng langit."Oo nga pala," sambit niya nang may maalala siya. "Iyong bayad sa—" Mabilis na umi
Read more

LAB— 54

Hawak ko ang aking noo habang papasok ako ng aking opisina. Galing ako sa lunch meeting kasama ang investor. May binubuo kasi kaming bagong project. Medyo madugo ang proseso kaya na-stress ako. Tinataas ko lang ang isang kamay ko sa mga empleyado na bumabati sa akin ngayon. Hindi ako ngumingiti dahil hindi na iyon kusang gumuguhit sa aking mga labi. Pagdating ko sa aking opisina, nadatnan ko pa ang tambak na mga papeles. Parang gusto ko tuloy iyong inaalok na bakasyon ni Awi sa akin. Kaso, hindi ko naman puwedeng pabayaan ang mga negosyo namin. Uminom ako ng tubig bago ko sinimulan ang trabaho. At kung kailan mag-alas tres naman ay dumating si Awi. "Bakit nakasimangot ka?" tanong ko sa aking kaibigan. Ang ganda-ganda ng ayos niya pero bad mood siya. "Hindi ko bet iyong lalake," nakangiwi niyang sagot. Galing siya sa isang blind date. Pinipilit pa nga niya akong sumama, pero sinabi ko na lang na madami akong trabaho. Which is true! Nagtaas ako ng kilay. "Masyado sigurong mataas
Read more

LAB— 55

Agad na akong nagpalit ng damit pagdating ko ng villa. Mabuti na lang at may nilagay siyang pajama sa mga damit ko. Halos mga sexy na damit kasi ang in-empake niya. Pagkahiga ko ay sakto namang dumating si Awi. Nakangisi siya ngunit walang sinasabi. Hindi ko alam kung bakit siya sumunod agad. At saka lumapit ba siya kay Ziyad? Pinansin ba siya ng lalake? Nagpalit na din siya ng damit at tinabihan na ako sa malaking kama. Akala ko matutulog na siya dahil pumikit na siya, pero bigla siyang humarap sa akin. Nakatitig sa akin ng seryoso bago nagsalita. "What are you feeling right now?" tanong niya. I was expecting this. Siya pa! May pagka-tsismosa siya, e. "Inaantok," sagot ko naman, kahit na alam ko kung para saan ang tanong niya. "Ano'ng nararamdaman mo kanina nang makita mo si Ziyad?""Ang layo saka madilim kaya hindi ko naman siya gaano nakita."Pumalatak siya at umiling-iling. "Ano nga?" Seryoso kong tiningnan ang aking kaibigan. Tingin ko naman walang malisya sa tanong niya.
Read more

LAB— 56

Maaga kaming kumain ng dinner ni Awi. Alas sais pa lang ay nag-order na kami. Dito na lang din kami sa villa kumain ni Awi ng hapunan. Pagkatapos kumain, nagpalit na kami ng damit. Sasalubungin namin ang sunset at mag-s-swimming na din kami. Nagsuot ako ng black one piece swimsuit. Kamuntik pa itong mapunit dahil nag-agawan kami ni Awi. Sa kaniya kasi ito. Paano, puro two piece ang nilagay niya sa maleta ko. Kaya nang makita ko 'to sa maleta niya, dali-dali kong kinuha. Ayaw kong mag-two piece ngayon. Naglatag na muna kami ng blanket sa may dalampasigan. We waited for few minutes for the sun to set. We took some pictures before taking a dip. Madami pa ding tao na naliligo kaya hindi gaanong nakakatakot. Hindi din mainit kaya mas nag-enjoy kami ni Awi sa paglangoy. Hanggang sa mapagod kami, kaya inaya ko siyang magpahinga muna. Pagkaupo namin ay sakto naman ang pagdating ni Ziyad. Ang laki ng ngiti ni Awi. Kung hindi ko lang alam ang mga tipo niya sa lalake, iisipin ko na tal
Read more

LAB— 57

Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang light lang ng mood namin ngayon. Samantalang kahapon ay halos ayaw man lang nitong ngumiti o makipag-usap sa amin. What's gotten into him? Magana siyang kumakain habang panaka-nakang sumusulyap sa akin. Ipaghihimay ako ng pagkain at titingin kay Awi na kaina pa daldal nag daldal. Ayos na naman siya. Hindi na masungit at snobbera. "Alam mo, puwede mo naman yatang i-reschedule ang meeting mo bukas, e." Gulong-gulo na ako sa babaeng ito. Pero hindi, hindi ako magpapadala sa sinasabi niya. Umiling ako kaya bagsak ang balikat na sinulyapan niya si Ziyad. "Ayun, workaholic na kasi, e," bulong niya sa lalake na nasa tapat namin, pero narinig ko pa din naman. "It's okay. Luluwas din ako pagkatapos ng ilang araw," sagot ni Ziyad bago muling sumulyap sa akin. Tumango naman ako at pasimpleng nag-iwas ng tingin. Kahit panay ang sulyap niya sa akin, madami pa din akong nakain. "My treat," sabi ni Ziyad nang kunin namin ang bill. Hindi ito pumayag
Read more

LAB— 58

"Ah, kasi..." Nagkamot ako ng batok at kung saan-saan ko na din binaling ang tingin ko. Natutuwa naman siyang nakatingin sa akin, kaya mas lalo pang nag-init ang aking pisngi. What was I thinking? Bakit ko sinabi iyon? Well, tinatanong mo pa! Siya lang naman ang iniisip mo, sagot ng aking utak. "Ano... Ah..." Hinaplos ko ang aking pisngi. Ngumuso ako at tumikhim. "Kasi, di ba may share ka sa kompanya ko?" There! God! Buti na lang at nakapag-isip pa ako ng palusot! Tumango-tango naman siya pero may ngiti pa din sa kaniyang mga labi. "Okay. Pero hapon na. It's past working hours already."Tumango naman ako. "Kaya nga. Late ka ng dumating. Kaluluwas mo lang?"Nang masigurado na wala akong nakalimutan, sinukbit ko na ang aking bag at binitbit ko ang aking totebag. "After lunch ako dumating."Ah, pumunta siya sa kompanya niya o may ibang kinita? Which is which? Hmmm. Bahala na nga siya. "May iba ka pa bang lakad?" tanong niya na inilingan ko. "Wala naman na. Bakit?""I wanted to
Read more

LAB— 59

Bakit kasi hindi na lang siya ang una kong nakilala? Hindi iyong dadating siya kung kailan hindi na ako buo. Nagpunas ako ng luha. Ngumiti ako bago tinanaw ang city lights. Ganoon din ang ginawa ni Ziyad sa mga luha na nasa magkabilang gilid ng kaniyang mga mata. "Am I worth it? Bakit hindi ka na lang humanap ng iba? Iyong di hamak na—""Wala ng mas hihigit pa sa'yo, Precious. Dahil kung meron, wala ako dito. Bata pa lang tayo, gusto na kita." He sighed and then smiled. "Hindi kita kailanman nakalimutan. Hanggang sa magkaasawa ka, gusto pa din kita. So tell me if it isn't love."Nakagat ko ang aking labi. Nalulunod ako sa mga sinasabi niya. I can feel his sincerity and it's making my heart melt. "Pero paano iyan? Hindi na ako si Precious. Iba na ang mukha ko. Hindi—""Ikaw pa din si Precious. Walang nagbago sa pagtingin ko sa'yo kahit nag-iba ka na ng mukha. Umalis ako na ikaw pa din ang nasa puso ko, at bumalik ako na ikaw pa din ang laman nito." Tinuro niya ang kaniyang dibdib.
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status