"Ah, kasi..." Nagkamot ako ng batok at kung saan-saan ko na din binaling ang tingin ko. Natutuwa naman siyang nakatingin sa akin, kaya mas lalo pang nag-init ang aking pisngi. What was I thinking? Bakit ko sinabi iyon? Well, tinatanong mo pa! Siya lang naman ang iniisip mo, sagot ng aking utak. "Ano... Ah..." Hinaplos ko ang aking pisngi. Ngumuso ako at tumikhim. "Kasi, di ba may share ka sa kompanya ko?" There! God! Buti na lang at nakapag-isip pa ako ng palusot! Tumango-tango naman siya pero may ngiti pa din sa kaniyang mga labi. "Okay. Pero hapon na. It's past working hours already."Tumango naman ako. "Kaya nga. Late ka ng dumating. Kaluluwas mo lang?"Nang masigurado na wala akong nakalimutan, sinukbit ko na ang aking bag at binitbit ko ang aking totebag. "After lunch ako dumating."Ah, pumunta siya sa kompanya niya o may ibang kinita? Which is which? Hmmm. Bahala na nga siya. "May iba ka pa bang lakad?" tanong niya na inilingan ko. "Wala naman na. Bakit?""I wanted to
Bakit kasi hindi na lang siya ang una kong nakilala? Hindi iyong dadating siya kung kailan hindi na ako buo. Nagpunas ako ng luha. Ngumiti ako bago tinanaw ang city lights. Ganoon din ang ginawa ni Ziyad sa mga luha na nasa magkabilang gilid ng kaniyang mga mata. "Am I worth it? Bakit hindi ka na lang humanap ng iba? Iyong di hamak na—""Wala ng mas hihigit pa sa'yo, Precious. Dahil kung meron, wala ako dito. Bata pa lang tayo, gusto na kita." He sighed and then smiled. "Hindi kita kailanman nakalimutan. Hanggang sa magkaasawa ka, gusto pa din kita. So tell me if it isn't love."Nakagat ko ang aking labi. Nalulunod ako sa mga sinasabi niya. I can feel his sincerity and it's making my heart melt. "Pero paano iyan? Hindi na ako si Precious. Iba na ang mukha ko. Hindi—""Ikaw pa din si Precious. Walang nagbago sa pagtingin ko sa'yo kahit nag-iba ka na ng mukha. Umalis ako na ikaw pa din ang nasa puso ko, at bumalik ako na ikaw pa din ang laman nito." Tinuro niya ang kaniyang dibdib.
May emergency daw sa work ni Ziyad kaya hindi na niya ako nasundo pa sa penthouse. Ayos lang naman iyon dahil may sarili naman akong driver. At saka magsisimba din kasi ako. I spent one hour praying. I was asking for guidance from Him. And also I asked Him for signs. Ten am na ako nakarating sa opisina. Hindi ako kumain para lang matapos ang nakatambak na papeles sa aking mesa. Hanggang sa natapos ko ang lahat around 3 pm pero wala pa ding message si Ziyad. Sobrang busy ba niya? Napatulala ako at napa-overthink. Hindi naman siguro niya ako i-g-ghost, no? Sabi niya mahal niya ako. Pero hindi naman ganoon si Ziyad. Ngumiti ako. Hindi siya ganoon. Kumain na muna ako bago bumalik ulit sa work. Hanggang sa sumapit ang five pm, pero hindi na talaga nag-message si Ziyad. Siguro may problema sa company. Nag-out ako ng work at nagpunta ulit ng simbahan. Naalala ko kasi bigla iyong dasal ko kaninang umaga. I'm asking signs. At hindi nagparamdam si Ziyad sa maghapon. So, is this the s
It was too sudden and too soon but it doesn't feels wrong. Everything feels right. I love him and he loves me dearly too. Nakatingin ako sa singsing na suot ko habang yakap naman ako ni Ziyad at hinahalik-halikan ang aking balikat. "Para sa akin ba talaga ang singsing na 'to?" nagdududang tanong ko, making him chuckle. "Of course. Ikaw lang naman ang babaeng gusto ko, mahal ko at handa akong pakasalan at makasama habang buhay."Napabungisngis ako. "Kailan mo 'to binili?" "Bago ako bumalik ng Pinas. Umaasa ako na mahuhulog ka na sa akin." Tumawa ako dahil sa galak. Tapos halos ayaw niya akong pansinin noon. Akala ko bumalik lang siya para ipamukha sa akin na siya lang naman ang lalakeng sinayang ko. Nilingon ko siya at hinalikan. "I love you, Ziyad. At oo nga pala, paano kung hindi ako tanggap ng mga magulang mo?" Baka mamaya kausapin niya ako para sabihin na layuan ko ang anak niya. "Bakit naman hindi?" Kumunot ang kaniyang noo. "Mula pa nang nine years old ako, alam na nilang m
Sa sobrang saya na nararamdaman ko hindi na matigil-tigil ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Pauwi na kami ngayon ni Ziyad sa kaniyang hotel. Kumuha siya ng tissue at siya na mismo ang nagpunas sa basa kong pisngi. "Tahan na," masuyo niyang sambit habang malamlam ang mga mata na nakatitig sa akin. Tumawa naman ako at muling umiyak. "Ikaw kasi, e. Bakit ba ang suwerte ko sa'yo? Ano bang nagawa ko at sobra mo akong mahalin?"Matamis siyang ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko at masuyong hinalik-halikan. "Hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang, isang beses lang akong magmamahal. Hindi ako nagbibiro nang sabihin ko sa'yo na tatanda akong binata." Tumawa ako. "Hindi ka tatandang binata. Tatanda ka kasama ako at ng mga magiging anak natin. Gusto ko ng madaming anak, Ziyad."He smirked and then grinned, and ended up with a chuckle. "Why are you laughing?""Nothing. I want more kids too."Kinagat ko ang aking labi. Ngayon na napunta doon ang topic, naisip ko kung ano ang puwed
Maaga daw kumakain ng agahan dito sa bahay nina Ziyad kaya maaga din akong bumangon. Naligo ako at nag-ayos. Sinuot ko ang bigay ng maid na isang Bronx and Banco na dress. Magaling talagang manamit ang Mommy niya. Mahilig din siya sa mga diamonds. Kahit nasa bahay lang ay nakasuot pa din siya ng jewelries. Hindi tulad ko na sobrang simple lang. Sabagay, si Daddy lang naman kasi ang mag-isang nagpalaki sa akin. Hindi din ako nakaranas ng glow up nang dalaga pa lang ako. Nang magkakilala kami ni Ziyad, sa kaniya lang ako nagsimulang mag-ayos ng husto. trinato niya ako na parang isang reyna. Nakaayos na ako nang magising si Ziyad. Nakangiti siyang yumakap sa akin at humalik. "Hmmm, ang bango naman at ang ganda ng asawa ko."Ang lapad tuloy ng ngiti ko. Ang ganda agad ng umaga ko dahil sa bolerong lalake na 'to. "Good morning, Ziyad.""Morning, baby. Hmmm..." Hinaplos niya ang aking bewang paakyat sa aking dibdib. Humagikgik ako na nauwi sa malakas na tawa. Patuloy naman siya sa paghim
"Why are you looking at me like that?" nagtataka ngunit may ngiti sa labi na tanong ni Ziyad. I giggled. "Nagkuwentuhan kami ng Mommy mo kanina. Pinakita niya sa akin iyong mga photo album mo. Pati iyong mga pictures ko mula elementary." Ngumuso ako. Nag-iinit pa ang pisngi ko dahil sa kilig. Mahina naman siyang tumawa. Binitawan niya saglit ang kaniyang celphone upang ituon ang buong atensyon sa akin. "Did you hire a private investigator? Kahit nang umalis ka na ng bansa, may mga kuha ka pa din kasi na mga pictures ko.""Yeah. Iyong scholar namin."Sumimangot ako. "Kawawa naman. Ginawa mo pang stalker ko.""Bayad naman siya. I'm sending him money monthly, in exchange for the pictures."Iiling-iling kong hinaplos ang guwapo niyang mukha. "Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Napapatanong ako kung bakit ako? Sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit ako?""Kasi naniniwala ako na nakatadhana talaga tayo sa isa't isa. Kaya hindi ako tumigil na mahalin ka kahit sa mga panahon
Simpleng kasal lang naman ang plano namin, pero hindi simpleng kasalan ang nangyari. Our wedding was held in Chateau de Chantilly. This venue holds only few weddings a year and I feel so lucky and thankful that my first wedding was held here. Mayayakap ko talaga ng mahigpit ang Mommy ni Ziyad mamaya. Nagsimula na akong magmartsa. At hindi ako mag-isa na maglalakad sa aisle na mayroong nagkalat na mga pale pink at puting mg flower petals. Ihahatid ako ng Daddy ni Ziyad sa altar. Siya mismo ang nag-offer sa akin kagabi. Emosyonal ako ngayon, dahil bukod sa wala na akong mga magulang at kamag-anak na saksi sa pagpapakasal ko, sobrang saya din ng puso ko. Dahil pagkatapos ng pinagdaanan ko at pagkatapos ng sakripisyo na ginawa ni Ziyad, here we are today, ready to commit to each other until death do us part. "My dearest, Ziyad. We've come a long way until we found our way back in each others arms. As I set foot here at the City of Love, I already made a promise to love you and serve y