Home / Romance / Love and Betrayal / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Love and Betrayal : Chapter 21 - Chapter 30

70 Chapters

LAB— 20

Nakayakap ako kay Jacob nang magising ako kinaumagahan. Alas-sais pa lang ay bumangon na ako upang maghilamos at toothbrush, ngunit bumalik ulit ako sa higaan dahil gusto ko pang mayakap ang aking asawa. Niyakap naman niya ako pabalik. Mukhang gising na siya, dahil hinahaplos niya ang aking likod. "Goodmorning," bati ko sa kaniya. "Morning..." His bedroom voice is so sexy. "Maaga ako ngayon papasok," sabi niya. "Mag-breakfast na muna tayo.""Ah... Sige." Ngayon lang naman kami magsasabay na kumain ng breakfast kaya pagbigyan ko na, kahit na twelve pa sana ako kakain mamaya. Sabay kaming bumangon at lumabas ng kuwarto. Nagulat pa kami ni Jacob nang makita namin si Cora na lumabas sa silid ni Jacob. "Cora!""Oh!" Pupungas-pungas itong lumapit sa amin. "Bakit ka sa kuwarto ni Jacob natulog?" "Huh?" Napatingin siya sa pintuan na pinanggalingan niya. Napakurap siya. "Lasing na lasing ako, hindi ko alam. Akala ko iyong isang guestroom iyon. Sira ang shower sa room ko kaya naghanap
Read more

LAB— 21

Nag-gym ako dahil iniisip ko na busy si Jacob kaya baka late na naman siyang uuwi. Pero pagdating ko ng bahay, nadatnan ko siyang naghihintay sa akin sa may sala. "Hi, kanina ka pa nakauwi?" tanong ko sa kaniya. Mukhang naiinip na siya. Ibig sabihin hinihintay niya ako. "Yes. Akala ko maaga kang uuwi.""Nanggaling pa kasi ako sa gym.""Saan ka nag-g-gym?" "Sa mall.""May gym naman tayo dito." What does he mean? Pinagbabawalan ba niya akong mag-gym sa labas? "Kasama ko si Awi, iyong isa sa empleyado ko kaya...""Babae?""Oo, babae. Bakit?" Bakit ang dami niyang tanong? Nakatitig lang siya sa akin ng ilang segundo. Kinikilig tuloy ako kaya napaiwas na lang ako ng tingin. "Nagseselos ako," sabi niya na kinabigla ko. "Ano? Pakiulit nga?" Parang mali ata ang narinig ko. Sumimangot siya bago muling nagsalita. "I'm jealous." Napatawa ako. Para akong matutunaw. Legit ang saya na nararamdaman ko ngayon. "Bakit ka naman nagseselo? Wala ka naman dapat pagselosan.""Baka kasi mamaya may
Read more

LAB— 22

Pagkatapos ko sa clinic, sumunod ako kay Jacob. Nauna na siya sa bahay ni Daddy. Mag-uusap siguro sila about sa business. May bakas pa ng laser ang aking mukha pero ayos lang 'to. Masasanay na lang si Jacob sa akin kalaunan. Total, para sa pagpapaganda ko din naman 'to. "Ano'ng nangyari sa mukha mo?" nakangiwing tanong ni Cora pagdating ko. "Nagpa-laser ako.""Para saan naman iyan? Baka nagsasayang ka lang ng pera." Heto na naman siya. Ganito na talaga siya kahit noon pa. "Mga six sessions pa siguro bago makita ang magandang result. Sina Daddy pala?""Nandoon sa garden, nagkakape sila."Sumunod na ako sa garden. "Daddy!" Tumatawang niyakap ako ni Daddy. "Kumusta na ang unica hija ko? Lumiit ka yata."Tumawa ako. "Yes, Dad.""Pumusyaw ka din. Nagiging kamukha mo na ang mommy mo." Hinaplos niya ang buhok ko dahil hindi niya puwedeng haplusin ang aking pisngi na nakasanayan na niyang gawin. "I miss you, Daddy.""Na-miss din kita, Anak.""Sorry at busy ako palagi, hindi ako nakakapu
Read more

LAB— 23

Huli na ang lahat nang dumating ang mga bumbero. Hindi nila nailigtas si Daddy. Nanghihina ako nang ilabas nila ang katawan ni Daddy na wala ng buhay. Hindi ito totoo. Panaginip lang ang lahat ng 'to. Kinakausap ako ng mga maid, pero parang wala na akong naririnig. Nahihilo ako. Umiikot ang paligid. Pakiramdam ko nabibingi din ako. Gulat na gulat din si Manang, kaya halos hindi ito makausap. Dinala na ng mga rumespondeng rescue team sa hospital. Walang nasugatan o nasaktan sa kanila.Tumulong ang assistant ni Daddy sa pag-aayos ng kaniyang funeral. His body was cremated dahil iyon daw ang wish niya sabi ng kaniyang assistant. Dumagsa ang mga bisita sa kaniyang lamay. Madami ang lumalapit sa akin pero nakatulala lang ako. I was broken into pieces. Hindi makapagsalita at para na rin ako mababaliw. I wasn't ready for this. Hindi ko matanggap. Kung alam ko lang, sana sa mansyon na lang kami tumira ni Jacob. I should have spent more time with him. Ang Daddy ko na walang ibang ginawa k
Read more

LAB— 24

Ang tunog ng payapang alon sa dagat ang nagisnan ng babaeng ilang araw nang walang malay. Mayroon itong malalim na sugat sa mukha at mga sugat sa kaniyang katawan. Nang magbukas ang kaniyang mga mata ay isang matandang babae ang una niyang nakita. Nagmamadali namang tinawag ng matandang babae ang nurse nang makita na may malay na ang pasyente. "Nurse, gising na po siya!"Pumasok ang isang babae na nakasuot ng scrub suit. Nakatitig lang ng diretso ang babae sa matanda at sa nurse na lumapit. "Magandang tanghali, kumusta ang pakiramdam mo?" magiliw na tanong ng nurse, bago nito kinuha ang kaniyang blood pressure. Ch-in-eck din niya ang body temperature nito. "M-Masakit ang m-mukha ko..." Kinapa ng babae ang kaniyang mukha at nakapa niya ang gasa roon. Nagtaka pa siya kung bakit siya may sugat roon. "Ma-Masakit din ang ulo ko." Kumurap-kurap ito bago nilibot ang tingin sa buong paligid. Malawak at maaliwalas ang silid. Bukas ang pintuan sa may terasa. Ang puting kurtina ay sumasab
Read more

LAB— 25

Mukhang nagulat si Ziyad sa katanungan ni Precious. Mula sa pagkabigla ay naging malamlam ang kaniyang mga mata. Lumapit siya ng bahagya sa dalaga, nang hindi tinatanggal ang mga mata rito. Nananantya ang kaniyang mga tingin. Nagtagal ito ng ilang minuto bago siya sumagot. "We love each other," namamaos na sagot niya. Mariin siyang tinitigan ng dalaga. Iyong titig na animoy hinuhulaan at binabasa niya ang isipan ng lalake. She don't know. And she doesn't want to believe what she is seeing now. Ziyad looks serious. At para bang ang sinabi nito ay totoo.She can see love in his eyes. The love in his gaze made Precious heart's melt. Nagkaroon siya ng kakaibang pakiramdam. Umiikot ang kaniyang tiyan at ang kaniyang dibdib, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kalabog nito. Ganito ba talaga ang lalake? At ganito din ba ang reaksyon niya lagi? "Why?" tanong ni Ziyad. Kamuntik na niyang makalimutan na nasa loob pa din pala ng kuwarto si Ziyad. "Ang dami ko kasing hindi
Read more

LAB— 26

Aayain sana ni Ziyad na maglakad sa tabing dagat ang dalaga pero natutulog na ito. Hinayaan na lang muna niya ang dalaga, dahil nag-re-recover pa lang ito sa nangyari sa kaniya. Pinagmasdan niya ito ng ilang minuto. Pinag-aaralan ang bawat sulok ng kaniyang mukha, bago siya tumayo at naglakad papuntang balcony. Tinanaw niya ang dagat na nasa harapan. Ang payapang expression ay muli na namang napalitan ng mabagsik na anyo. Mahigit tatlong linggo na din ang nakalipas nang tumawag ang mag-asawang caretaker sa kaniya. Sinabi nito na may babae silang napulot sa may dalampasigan. Sugatan at walang malay. Mukhang nagpalutang-lutang ang katawan nito hanggang sa mapadpad ito sa isla na kinaroroonan ng kanilang mansyon. Sasabihin sana niya sa mag-asawa na itawag ito sa pulis pero sakto namang nakita niya ang palabas sa telebisyon na nasa harapan niya. Nasa headlines ng balita ang nangyaring pagsabob ng isang yacht. At nang makita niya ang pangalan ng biktima ay malakas siyang kinutuban. H
Read more

LAB— 27

Magaling na ang mga sugat ni Precious pero nag-iwan ang mga 'to ng mga peklat. Malakas na din siya kaya gusto na sana niyang umalis sila ng bansa ni Ziyad upang ipaayos ang kaniyang mukha ngunit kailangan daw munang ayusin ng lalake ang kanilang papers. Ang mga dokumento lalo na ang passport ng dalaga ay nawawala daw kaya naman hindi sila basta-basta makakaalis. Bumalik na din si Precious sa pag-wo-work out at kasama niya lagi si Ziyad. Kaya naman laging inspired ang dalaga. For a week, ramdam niya na malaki ang nabawasan sa kaniyang size. "I need to go to Singapore for 2 days, babe..." paalam sa kaniya ni Ziyad isang gabi pagkatapos nilang kumain. Naglalakad-lakad sila sa dalampasigan habang magkahawak ng kamay. Nanahimik ang dalaga. Masaya naman siya sa mansyon pero kapag umalis ang kaniyang asawa, naisip niya na malulungkot talaga siya. Ngayon pa lang na nagsabi ang binata ay nalulungkot na siya. "Babalik din ako agad, promise. Kung hindi lang ako kailangan doon, hindi talaga k
Read more

LAB— 28

Habang palapit nang palapit ang dalawa sa kanilang destinasyon patindi naman nang patindi ang kaba na nararamdaman ni Precious. Ang kaniyang kamay ay nakahawak sa kaniyang dibdib habang iniisip ang kalagayan ng kaniyang asawa. Binabagabag din siya dahil sa nagawa niyang malaking kasalanan sa kaniyang asawa. Hindi niya alam kung bakit ginawa iyon ni Ziyad sa kaniya. Basta ang alam lang niya ay masamang tao ang lalake. Sinamantala siya. Naluluha na naman siya. Ilang beses silang nagtalik ng lalake. Hindi lang isang beses. Hindi lang isang beses na pinagtaksilan niya si Jacob. Hinilot niya ang kaniyang ulo dahil sumasakit ito. Hindi niya matandaan kung ilang araw o linggo siyang nalayo sa kaniyang asawa. Baka nag-aalala na ito sa kaniya. Naalala niya ang mga masasayang alaala nila ng kaniyang asawa. Ang kanilang bakasyon sa ibang bansa at ang gabi doon sa yacht. Bakit ba ito sumabog? Ano'ng nangyari? Pero ang mahalaga ay nakaligtas siya at alam din niyang hindi napahamak ang kaniyan
Read more

LAB— 29

Pinagmasdan niyang maigi ang kaniyang mukha sa salamin. Halos hindi na niya makilala ang kaniyang sarili dahil ibang-iba na ngayon ang kaniyang itsura. Marahan niyang hinaplos ang kaniyang maliit na mukha. Ni bakas ng dati niyang mukha ay hindi na niya makita. Hindi na siya ito. Hindi na siya si Precious dahil si Precious ay patay na. Kumuyom ang kaniyang kamao. Anim na buwan na ang nakaraan pero ni isang detalye ng mga nangyari ay tandang-tanda pa niya. Huminga siya nang malalim. Pinakalma niya ang kaniyang sarili. Ilang buwan na din niyang sinasanay ang sarili. Hindi siya puwedeng magpadala sa galit at puot na nararamdaman niya. Oo galit siya, pero hindi siya puwedeng magpadalos-dalos. Hindi na siya iyong dati na puso lang ang pinapairal niya. Ngayon, utak na niya ang ginagamit niya. "Jade..." Sinulyapan niya si Ziyad. Kararating lang ng lalake galing sa trabaho. Tinupad ng lalake ang pangako niyang tulong. Dinala siya nito sa ibang bansa. Ginastusan ang kaniyang plastic surgery
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status