CLARISSA “Tita Elma?” napatingin ako kay Punn nang magising ito. Agad ko siyang pinuntahan ngunit agad siyang lumayo sa akin. “Tita Elma, where are you? Nasaan si papa?” Parang winawasak ang puso ko habang nakatingin sa anak kong nilalayuan ako. “Tita Elma?” “Punn, nandito si tita,” lumabas si Elma galing kusina. Nandito kami sa lumang bahay ng papa ni Elma. Nandito kami sa Baluarte. “Tita, nasaan po si papa?” Yumuko si Elma para magpantay sila ni Punn. Nag-iwas ako nang tingin. Nasasaktan ako na ayaw na sa akin ng anak ko. “Papa is busy Punn pero nandito naman si mama mo e,” Tumingin si Elma sa akin na nag-aalala. “Tita, gusto ko po kay papa,” “Miss mo na si papa?” Inosenteng tumango ang anak ko. “Don’t worry anak, mamaya uuwi si papa.. Ngyaon, bakit hindi ka nalang muna makipag-usap kay mama?” Umiling si Punn. “Wala akong mama, tita,” Tumulo ang luha ko sa sinabi ng anak ko. Right, sa harapan niya, itinanggi ko siyang anak ko siya kay dad. Sinabi ko sa harapan ni Punn n
Huling Na-update : 2023-12-08 Magbasa pa