All Chapters of The Disguised Maid In The Wolf's Den : Chapter 51 - Chapter 60

98 Chapters

Chapter 51 – Foreplay

Nagtungo sa likod ng mansyon si Agnes, sa may hardin. Doon ay merong gazebo at doon siya nagtungo para nagmukmok. Inilabas niya ang inis na nararamdaman para sa amo. "Hump! Ganyan ka ba talaga? Hindi mo man lang ako tinanong, basta mo na lang ako inakusahan ng kung anu-ano kahit wala naman akong ginagawa.'Nang pahirin niya ang mga namumuong luha ay nahawakan niya ang sariling mukha. Tumayo siya at nagtungo sa maid's quarters. Dahan-dahan siyang pumasok dahil natutulog na ang lahat pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang makeup kit box at muling lumabas.Nagbalik siya sa hardin, sa may gazebo at sinimulang tanggalin ang makapal niyang make-up. Nang matanggal na ay pinuri-puri ni Agnes ang orihinal na hitsura habang pinagmamasdan ito sa hawak niyang salamin. "Athena" sambit niya. Ito ang naging karakter niya at naging bansag sa kanya nang sumali siya at manalo sa costume contest na kanyang sinalihan noong highschool.Hinawakan niya ang kanyang mukha. Naisip niya: 'Iinsultuhin pa k
Read more

Chapter 52 – (Mature Content)

Sa kabila ng maayos na takbo ng AC at sa kabila ng malamig na temperatura sa loob ng cloak room ay pinagpawisan pa rin si Agnes. Tila balisa ito sa kanilang gagawin ngayong gabi Kanina ay nakiusap siya na kung maaari ay huwag na lang nila itong gawin, ngunit sa banta ni Aeros na hindi nito ibibigay ang kanyang ipinangako ay napilitang sumunod si Agnes. "Stand up here..... Faster." Namamaos na wika ng binata. Tila hindi na siya makapag hintay na maisakatuparan na ang kanyang maalab na pagnanasa, ngunit katulad ng kanyang napagplanuhang gawin, kailangan niya munang magdahan-dahan at maghintay. Nang makita ang tila pag-aalangan kay Agnes ay tinulungan n'ya itong pumusisyon sa isang bakal na poste. Pulang-pula ang mukha ng dalaga dahil wala na ito ni isang saplot at lantad na lantad ang katawan nito sa harapan ng binata. Nang maiposas na ang dalawang kamay at dalawang paa ay pinagmasdan ni Aeros ang kabuuan ng katawan ng dalaga. "So beautiful..." Papuri niya na lalong nagpa-pula s
Read more

Chapter 53 – Hunch

Pinakatitigan ni Esmeralda ang hawak. "P-p@nty ito a! paanong...." Laking pagtataka niya. "Kanino kaya ito?" Lumikot ang kanyang isipan, iisa lang ang naiisip niya; ang naturang panloob ay posibleng pag-aari ng isa sa mga katulong. Lumabas siya ng silid dala ang kapirasong tela.Nang dumating si aeros medyo madilim ang mukha nito pagbaba ng sasakyan, palatandaan na hindi naging maganda ang araw nito sa labas. Nangingilag tuloy si Lilibeth na siyang nagbukas ng gate para dito.Nang subukan niyang mag-transfer ng 35 million sa account na ibinigay sa kanya ni Agnes ay nabigo siya. Nang kuwestiyunin niya ang bangko ay nalaman niyang unauthorized siya sa paglalabas ng ganu'ng kalaking halaga kahit nanggaling pa iyon sa sarili n'yang pera.Nalalaman niyang ang responsable sa nangyari ay walang iba kundi ang kanyang tiyuhin na si Fredericko dahil ito ang kumukontrol sa lahat ng assets nila at pera ng kumpanya.Pagdating ng mansyon ay tinawag ito ni Esmeralda na noo'y nagpapa-araw sa pa
Read more

Chapter 54 – Unexpected Interrogation

Nanigas na lamang si Agnes sa kanyang kinatatayuan at hindi makasagot. Tila umurong ang kanyang dila at hindi na makapagsalita. Nag-iba siya ng tingin dahil hindi na ito makatingin sa matanda. Ngunit dahil dito ay lalo lamang lumaki ang pagdududa ni Esmeralda at tila nakatitiyak na ito sa kanyang hinala."Tinatanong kita, sa iyo ba ito, bakit hindi ka makasagot?!" Sigaw ng donya.Umiling-iling si Agnes ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iwas ng tingin. "H-hindi po... sa kin 'y-yan... D-donya esmie." Utal-utal niyang sagot na nagpakulo lang sa dugo ng matanda. Sinunggaban nito ang dalaga at iniharap ito sa kanya. "Ang akala ko pa naman ay matino ka, umamin ka nga.... anong pinaplano mo sa apo ko, sinadya mo bang mamasukan dito bilang oportunista kagaya ng sinabi sa kin noon ni Cindy?! Ano, magsalita ka!""Donya esmie, sandali!" Lumapit sa dalawa si Ms. Mildred at inilayo si Agnes na noo'y nagsisimula nang mataranta at umiyak. Nang tawagin ni Esmeralda ang dalaga ay nagduda ito ka
Read more

Chapter 55 – Threat

"Ate Dina, ano bang nangyayari, bakit parang ang seryoso nila ser Aeros at donya esmie doon sa sala?" Tanong ni Becca habang pasilip-silip sa malaking living room."Hindi ko rin alam e. Basta sinabihan lang ako ni Ms. Mildred na sabihan kayo na huwag munang pakalat-kalat, dito daw muna tayong lahat sa kusina."Maya-maya ay diri-diretsong pumasok si Lilibeth, galing ito sa pagdidilig ng halaman at pagba-brush ng semento sa labas. "Anong nangyayari sa inyo diyan bakit parang mga nanunubok kayo?" Nagulat na lang ito nang biglang siyang pagtulungang hilahin ng mga kasama."Saan ka nagdaan?" Tanong ni Preciosa."Sa sala. Doon naman talaga dadaan kapag galing sa labas diba? Bakit n'yo tinatanong?" Pagtataka at sagot ni Lilibeth."Anong napansin mo nung dumadaan ka doon? May narinig ka ba sa mga pinag-uusapan nila?" Urirat ni Lucy.Nag-isip saglit si Lilibeth. "Um, wala naman. Hindi rin ako sigurado kung ano ang pinag-uusapan nila e, pero nakita kong parang galit si donya esmie. Sa
Read more

Chapter 56 – Dismayed

Nang matapos nang kumain ang lahat pati ang mga katulong ng hapunan ay lumabas na rin si Agnes mula sa maid's quarter dahil nagugutom na rin ito. "Hay, salamat at lumabas na rin ang feeling señorita!" Parinig ni Lucy na hindi naman pinansin ni Agnes. Nilagpasan nito ang dalaga ngunit bahagya niya itong binangga sa balikat. Pinandilatan ni Dina ang iba nang tangkain ng mga ito na lapitan si Agnes, nalalaman niya kung ano ang balak gawin ng mga ito. Payapang nakapaghapunan ang dalaga, ngunit nang matapos siyang kumain ay hindi na nakatiis ang mga katulong. Matapos maghugas ng kanyang pinagkainan ay agad siyang pinaikutan ng mga ito. "Agnes, magsabi ka ng totoo...... May namamagitan ba sa inyo ni ser Aeros?" Nang marinig iyon ay napaatras ang dalaga. Tila may trauma ito sa katanungang ito. Nang mapansin ni Dina na tila may pagbabago kay Agnes at nang makitang parang nanigas ito ay inawat n'ya ang mga kasama. "Tama na yan! Maawa nga kayo kay Agnes, alam n'yo namang may pinagdaanan s'y
Read more

Chapter 57 – Out Of Jelousy

"I don't expect anything from you, except, huwag kang magsilbing sakit ng ulo ng apo ko o kahit sino sa amin, am I clear?" Bumaling si Esmeralda kay Agnes na noo'y nakayuko at tahimik lang na nakatayo sa isang tabi. "Agnes..." Tawag niya. Ang magkasalubong na mga kilay nito ay biglang naghiwalay at magiliw itong lumapit sa dalaga. Kinuha niya ang bisig nito at niyakap. "Halika, samahan mo ko sa garden. Samahan mo kong i-check yung mga cactus ko doon kung na-aalagaan ba sila nang maayos ni Raul." Nang walang naging reaksyon ang dalaga at nang makitang tulala lang ito ay tinawag ito ng donya. "Agnes?"Saka lang ito naalimpungatan at namalayan na lang na nasa tabi na niya ang among babae. "Um, donya esmie.... a-ano po yun?"Nagtawa ang matanda. "Ano ka ba. Kanina pa kita kinakausap, ngayon mo lang ako napansin?"Napakamot ng kaniyang ulo si Agnes at iwinaksi ang hindi magandang nararamdaman. "P-pasensya na po, may iniisip lang po ako."Habang papalayo ang dalawa ang pinagmasdan ito
Read more

Chapter 58 – Distant

"Anong ginagawa mo? Tigilan mo yan!" Pumalag at nanlaban si Agnes. Kung kanina ay plano niya ito bago umakyat sa kuwarto ng guwapong amo, ngayon ay hindi na matapos siyang mainis dito. Nawalan na rin siya ng gana para dito."Stop pretending! I know you came for this. Kung hindi, hindi ka siguro maliligo muna at magpapabango bago umakyat dito sa kuwarto ko, hindi ba?" Iginawi ni Agnes ang ulo sa gilid. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo."Nagtawa ang binata. Naaaliw ito sa pagpapanggap ng dalaga. "Fine, sinabi mo e." At itinuloy niya ang pagpunit sa damit nito. Nang muli siyang pigilan ng dalaga; "Don't worry, I'll buy you a new one." Sa pagkakataong ito ay hindi na tumutol si Agnes........."Agnes, ayos ka lang? Mukhang antok na antok ka a." Bati ni Dina habang naghihiwa ng bawang na gagamitin para sa sinangag.Isinara ni Agnes ang bibig mula sa pagkakahikab. "Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi e, nanaginip kasi ako nang masama." Gustong hangaan ng dalaga ang sarili sa
Read more

Chapter 59 – Feelingera

Hindi mapakali si Aeros,excited ito dahil ito na ang kanyang pinakahihintay. "A-anong balita? Ano ang natuklasan mo?" Maya-maya ang excited na mukha nito ay unti-unting napalitan ng pagkadismaya. "Ano?..... b-bakit ganu'n?" Matapos pa ang ilang sandali ng pakikipag-usap ay ibinaba na nito ang kanyang telepono. Bumuntong-hininga ito at naupo sa gilid ng kanyang kama. Nahimas niya ang sariling noo.Ayon as private investigator na kanyang inupahan, ang agnes na kanyang natagpuan ay isang Dela Fuentes na naninirahan sa isang may-kayang komunidad dahil sa isang villa ito nakatira, kapareha ng Agnes na katulong nila sa mansyon at bukod sa kaparehong pangalan, magkapareho rin ang mga ito ng apelyido. Iisa lang ang ibig sabihin nito, na iisa lang ang Agnes na kanyang ipinahahanap at ang pangit na Agnes na katulong nila sa mansyon.Ngunit lubos na nagtataka si Aeros kung paano iyon mangyayari gayong malinaw sa kanya na magkaibang tao ang dalawa na nagkataong magkapareho lang ng pangalan. Kaila
Read more

Chapter 60 – Screwed Up

"Bingi ka ba? Hindi mo narinig ang sinabi ko? Uulitin ko pa ba? O sige, makinig kang mabuti ha, paki linis na rin ang tenga mo." Ani Cindy habang nilalaro-laro ang dulo ng kulot niyang buhok. "Katulad ng narinig mo kay lola esmie, darating ang araw na magpapakasal kami ni aeros at siyempre, dito niya ako ititira..." Ngumiti ito na tila nangangarap nang gising.Naikuyom ni Agnes ang kamao nang marinig iyon bagaman napanatili niya ang normal niyang ekspresyon. Ayaw niyang ipakita sa babaeng kaharap na naapektuhan siyang sa sinabi nito."O ano, ba't hindi ka na makapagsalita diyan? Baka may gusto kang sabihin like, best wishes, good luck, I'm so happy for you.... Ano na?" Aniya habang binabangga-bangga ang balikat ni Agnes na animo'y nang-iinis ito.Nagtimpi ang dalaga at hindi pinatulan ang provocation ng babae, ngunit nakaisip ito ng pambawi dito. "Teka, huwag mong sabihing nanggaling ka sa tulog, nananaginip ka pa yata e."Tumigil si Cindy at nangunot ang kilay nito. "Ano?" Tanong
Read more
PREV
1
...
45678
...
10
DMCA.com Protection Status