Home / Paranormal / Ang Lalaki Sa Salamin / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Ang Lalaki Sa Salamin: Chapter 1 - Chapter 10

44 Chapters

Kabanata 1. Cecily's POV

Pakiramdam ko ay naabot ko na ang langit sa sarap na aking nararamdaman. Pabiling-biling ang ulo ko sa aking unan habang may ungol na lumalabas sa aking lalamunan. Mahigpit ang kapit ko sa kobre kama habang nakapikit. Gusto kong imulat ang aking mata upang tignan ang taong nasa ibabaw ko at humahalik sa aking dibdib pero kahit titigan ko ng maigi ang lalaki ay hindi ko makita ang kaniyang mukha. Ang lalaking nasa pagitan ng nakabuka kong paa ay umiindayog kahit hindi naman niya ako tuluyang inaangkin. Nangunyapit ako sa batok ng estrangherong lalaki na kahit mukha ay hindi ko alam kung ano ang hitsura.Nasa isang kuwarto kami pero napaka-plain at walang kahit anong muwebles o portraits na naka-display. The room was extremely boring. Ngunit hindi ito ang nasa atensyon ko kundi sa lalaki na malakas na umuungol.Ikinawit ko ang aking nanginginig na dalawang binti sa baywang ng lalaki. Humalinghing ako at iginalaw din ang aking balakang para salubungin ang pag-indayog niya."Oh!" I groane
last updateLast Updated : 2023-08-03
Read more

Kabanata 2. Cecily's POV

Namumugto ang aking mata nang tignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Halata rin sa mukha ko na kulang ako sa tulog. Pero hindi ako puwedeng matulog ngayong umaga dahil may final exam kami ngayong week at magsisimula ngayong araw. Ito ang huling exam namin ngayon bago ang bakasyon at sa suaunod na pasukan ay grade 12 na ako. Sa katunayan ay simula junior high school ay ako na ang top one sa klase at hindi naging hadlang ang bangungot ko upang bumaba ako sa rank. Ngunit nang matuntong ko ang grade 11 at tumindi na ang mga panaginip ko ay nagsimulang bumaba ang mga grado ko.Hindi na ako makapag-concentrate at pinipilit ko na lamang na manatili kahit sa rank three man lang. Idagdag pa na parang walang pakialam ang magulang ko kung nakakapasa ba ako o hindi. They provide everything I need, money, gadgets, except for their love and affection. I always longed for their attention. Pero dalaga na ako ay hindi ko man lang naranasan. Busy sila sa trabaho at wala silang time sa akin. Palagi pa
last updateLast Updated : 2023-08-03
Read more

Kabanata 3. Cecily's POV

Kumakain kami ngayon ng tanghalian at tahimik lang ako. Randam ko ang tensyon sa hapag dahil sa palaging sumusulyap ang aking mama sa akin. Ang aking ama naman ay animo wala itong pakialam sa kanila dahil tahimik lang din itong kumakain.Nang hindi na makapagpigil ang aking ina ay ibinaba na nito ang kutsara at tumingin sa akin. Kita ang disappointment sa mata nito kaya naman nagyuko na lang ako ng aking ulo. Ayaw kong salubungin ang mata niya dahil mas lalo lamang akong makakaramdam ng sakit at hinagpis. Dahil sa mata niya ay wala akong makitang pagmamahal doon."Ano na naman ba ang ginawa mo at sinabi ng kasambahay natin na nagbasag ka ng salamin? If you're trying to seek attention then go to the plaza and play dead. Araw-araw mo na kaming binibigyan mg kunsumisyon!" galit na sita niya sa'kin. Mariing kinagat ko ang aking mga labi para pigilan ang mapaiyak. Dapat ay immune na ako sa mga lumalabas sa bibig niya pero nasasaktan pa rin ako sa tuwing inuulit niya iyon.Hindi rin ako sum
last updateLast Updated : 2023-08-03
Read more

Kabanata 4. Cecily's POV

Isang linggo pagkatapos ng exam namin at inanunsiyo ng guro na bakasyon na namin ay agad ipinaayos ni Mama ang mga gamit ko. Hindi naman labag sa aking kalooban ang pagpunta ko sa probinsya ni Lolo. Masaya pa nga ako dahil doon ay makaka-relax ako. Iniisip ko rin na baka 'pag pumunta ako run ay tigilan na ako ng bangungot ko. Kung malayo siguro ako sa kabihasnan at tumira sa mas tahimik na lugar ay hindi na ako masusundan pa ng boses. Kaya naman may ngiti sa labing inilagay ko sa may kalakihang maleta ang mga personal kong gamit. Pati na rin ang laptop ko ay dinala ko. Marami na akong na-download na series kaya may pagkakaabalahan din ako roon. Kung tatamarin akong lumabas ay magkukulong ako sa kuwarto at manonood.Ang sabi ni Mama doon muna ako hanggang sa magsisimula na muli ang klase. Meaning, dalawang buwan ako sa probinsya. Siguro naman ay mapapasyalan ko ang buong probinsya hindi katulad noong dumalaw kami na apat na araw lang kami roon.May matandang katiwala ang bahay ni Lolo
last updateLast Updated : 2023-08-03
Read more

Kabanata 5. Cecily's POV

Fresh na fresh ang pakiramdam ko dahil naging mahimbing ang tulog ko. Gusto kong magpasalamat na naisipan ng aking Mama na magbakasyon ako rito. Wala pa akong isang araw dito ay relaxed agad ang utak at katawan ko. Ang dark circles sa ilalim ng mata ko na itinatago ko sa pamamagitan ng concealer ay wala na. Kumikislap din ang aking mata na hindi katulad noong palagi akong binabangungot na nangangalumata at walang kabuhay-buhay. Palagi pa akong inaantok pero dahil natatakot ako na matulog ay pilit kong dinidilat ang aking mata. Ngunit sa tuwina ay hinihila pa rin ako sa kadiliman ng aking panaginip.Pero ngayon ay hindi ako natakot matulog dahil ito at hindi ako dinalaw ng panaginip ko. Nagtuloy-tuloy ang tulog ko hanggang umaga at kusa akong nagising sa tilaok ng manok. Pakiramdam ko nga ay wala akong napanaginipan dahil wala akong maalala. Kaya naman humihimig pa ako na bumaba ng hagdan at napapangiti. Maliksing tumalon pa ako mula sa huling baitang ng hagdan. Kung may makakakita lam
last updateLast Updated : 2023-08-08
Read more

Kabanata 6. Cecily's POV

'Hindi ako makahinga!' Sigaw ng utak ko nang lalo pa akong hinila ng malakas na daloy ng tubig. May mga tubig na ang pumasok sa ilong at taynga ko kaya lalo akong nataranta. Hindi ko alam kung bakit bigla akong narito sa ilog gayong natutulog lang ako sa kuwarto ko. Pagmulat ko nalang ng mata ko ay nasa gitna na ako ng ilog. Sinubukan kong kumawag pero kahit anong gawin ko ay lalo akong nahihila pailalim.Parang may kamay na nakahawak sa aking paa dahil hindi ko ito maigalaw ng maayos. Pakiramdam ko rin ay namamanhid ang mga kamay ko.Bakit biglang ganito ang panaginip ko? Hindi man ito katulad ng dati na nasa isang lumang bahay ako. Pero parang pinapatay naman ako dahil sa nilulunod ako ng panaginip ko sa tubig. Alam kong binabangungot ako pero bakit kahit anong gawin ko ay hindi ako magising? Parang isang mundo na ang subconscious mind ko sa tuwing nananaginip ako. Animo may sarili akong mundo rito dahil parang realidad lahat ang nangyayari sa akin. Pati na ang takot ko ay tinutupok
last updateLast Updated : 2023-08-09
Read more

Kabanata 7. Cecily's POV

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nawalan ng malay. Naalimpungatan lamang ako nang may pumaspas sa aking mukha na malamig na hangin. Umungol ako at magrereklamo sana kung bakit hindi naisara ni Nana ang bintana nang bigla akong mahimasmasan. Agarang bumalikwas ako at namumutlang tinignan ang paligid ko. Nasa isang lumang kuwarto ako at ang mga gamit ay natatakpan ng mga puting tela. Pero sa tagal na hindi bumalik ang may-ari para linisin ay may mga alikabok na ang tela. May agiw din ang bawat sulok at may mga spider pa. Nalalanghap ko pa ang lumang amoy ng bahay.Kung gabi lamang ngayon ay mas creepy pa ang buong kuwarto. Mas nakakatakot at baka mahihimatay pa muli ako. Dahil sa totoo lang ay kinakain na ako ng labis na takot sa sandaling ito.Nanginginig na agaran akong bumaba ng kama. Patakbong tinungo ko ang nakasarang pinto at binuksan ito. Hindi ko pinagkaabalahan tignan ang hitsura ng bahay at basta na lamang ako tumakbo sa mahabang pasilyo. Hindi ako baliw para mag-to
last updateLast Updated : 2023-08-10
Read more

Kabanata 8. Cecily's POV

Napasalampak ako ng upo sa lapag dahil hindi nakayanang suportahan ng tuhod ko ang katawan ko. Gusto kong sumigaw pero parang nalulon ko ang dila ko. Halos lumuwa na rin ang mata ko habang nakatingin sa salamin. Na sa halip na ang repleksyon ko ang makikita ko ay ang shadow na hindi pa rin naging anyong tao. Pero mabibistahan ko pa rin na isang nilalang iyon sa hugis at hitsura 'nun. Gumagalaw ang anino at ramdam ko na nakamasid din siya sa akin. Parang tinutupok ako ng malalim na titig nito.Magkaganun pa man ay tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil tumatagos hanggang sa kaluluwa ko ang matiim niyang tingin. At pati yata dulo ng buhok ko ay nanginginig na rin dahil sa takot na aking nararamdaman. Parang pinag-aaralan ako ng anino na nasa loob ng salamin at 'di ko mawari kung ano ba ang totoong motibo niya. Isa pa ay wala akong maramdaman killing intent sa paraan ng kaniyang tingin. Hindi na siya muling kumikilos sa loob ng salamin. Sa katunayan ay kahit nasindak ako sa kamay
last updateLast Updated : 2023-08-22
Read more

Kabanata 9. Cecily's POV

Nasa isang lugar ako na hindi pamilyar sa'kin. Ang malala pa ay bakit walang hangin akong maramdaman? Napakatahimik at kahit gabi na ay wala akong maririnig na huni ng mga kulisap o insecto. Nang ilibot ko ang aking tingin ay napasinghap ako. Kaya pala wala akong ma-sense na presensya ng mga living creatures ay dahil very barren ang lugar. It was lifeless and bleak. Ang mga dahon at puno ay natuyo na.Maraming katanungan ang agad pumasok sa isip ko. Anong nangyari sa lugar na 'to? At bakit pakiramdam ko ay napakapamilyar sa'kin? Nagsimula akong maglakad habang hindi makapaniwalang tinignan ang bitak-bitak na daan.Hanggang sa may isang pamilyar na bahay akong nakita. Ito ang bahay ni Lolo dito sa probinsya. "W-What the hell is going on?" tanong ko at lumapit sa bahay pero pagbukas ko ng pinto ay napatutop ako sa aking bibig. Umalingasaw ang masangsang at nabubulok na bagay sa loob. Gusto kong sumuka pero walang lumalabas sa bibig ko.Tutop ang ilong at bibig ay pumasok ako. Hinanap ko
last updateLast Updated : 2023-08-28
Read more

Kabanata 10. Cecily's POV

Hindi ko alam pero sa oras na 'to ay parang biglang nawala ang takot ko at nagawa kong suntukin pa ang salamin. Lahat ng galit at pagkayamot ko mula ng magkaroon ako ng bangungot dahil sa lalaki ay ibinuhos ko rito. Minura ko pa nga ang salamin ng paulit-ulit. Kahit anong paghampas ko sa salamin ay hindi na muling nag-appear si Leonides. Na parang wala siyang pakialam sa outburst ko. Sa dami ng kasalanan ng demonyong ito ay parang wala itong pakialam. Namumula na nga ang kamay ko pero hindi pa rin nagparamdam ang binata. Naiinis na lumabas ako ng kuwarto at bumaba. Kinuha ko ang isa pang antique na vase na nakita ko at muli akong umakyat. Ito ang malakas na inihampas ko sa salamin at ito pa ang nabasag sa halip na ang salamin. Dumaing ako at nabitawan ang basag na vase dahil nasugatan ang daliri ko. Mabilis na tinignan ko ito at ngumiwi. May kalakihan ang hiwa nito at maraming dugo. Kung ako iyong taong takot sa dugo ay siguradong nahimatay na ako pagkakita rito. Mabuti na lamang at h
last updateLast Updated : 2023-09-02
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status