Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nawalan ng malay. Naalimpungatan lamang ako nang may pumaspas sa aking mukha na malamig na hangin. Umungol ako at magrereklamo sana kung bakit hindi naisara ni Nana ang bintana nang bigla akong mahimasmasan. Agarang bumalikwas ako at namumutlang tinignan ang paligid ko. Nasa isang lumang kuwarto ako at ang mga gamit ay natatakpan ng mga puting tela. Pero sa tagal na hindi bumalik ang may-ari para linisin ay may mga alikabok na ang tela. May agiw din ang bawat sulok at may mga spider pa. Nalalanghap ko pa ang lumang amoy ng bahay.
Kung gabi lamang ngayon ay mas creepy pa ang buong kuwarto. Mas nakakatakot at baka mahihimatay pa muli ako. Dahil sa totoo lang ay kinakain na ako ng labis na takot sa sandaling ito.Nanginginig na agaran akong bumaba ng kama. Patakbong tinungo ko ang nakasarang pinto at binuksan ito. Hindi ko pinagkaabalahan tignan ang hitsura ng bahay at basta na lamang ako tumakbo sa mahabang pasilyo. Hindi ako baliw para mag-tour at humanga pa sa kagandahan ng mansion. Ang nasa isip ko ay ang makalabas at makaalis na ng bahay na 'to. Lalo pa at hindi ko alam kung sino ang nagbukas ng pinto kanina. Kung isang ligaw ba na kaluluwa o isang tao. Hindi ko na rin inisip pa kung paano ako nadala sa kuwartong kinagisnan ko. Sa dami ng kababalaghan na naranasan ko ay maiisip ko pang multo ang nagdala sa akin dito sa loob.Tagaktak na ang pawis ko nang bigla akong mapahinto sa aking pagliko. Dead end na kasi ang nasa harapan ko at isang lumang pinto na gawa sa nara ang nakikita ko. Nang tignan kong mabuti iyon ay wala akong maalala na nakita ko ito sa panaginip ko. Sa katunayan ay nagsisimula nang tanggapin ng utak ko na ang panaginip ko ay nangyayari na mismo sa aking realidad. Bakit ko pa ikakaila na panaginip lahat ng ito kung alam kong gising na gising ang diwa ko ngayon.I swallowed the lump in my throat. Dahan-dahang kumilos ako at nasa aktong pipihitin na ang lumang seradura nang nag-freeze ang kamay ko. Bigla akong kinilabutan at natakot. Paano kung biglang may multo akong makikita sa loob 'pag binuksan ko ang pintong 'to? Kung hindi naman ay baka masamang loob na ang nagtatago rito at gawan pa ako ng 'di maganda?Nakatayo lamang ako at nagdadalawang isip kung bubuksan ko ba ang pinto nang may biglang nagsalita sa aking likuran. Animo natuka ako ng ahas na napasigaw at napatalon ako sa gulat. Pakiramdam ko ang humiwalay na ang aking kaluluwa sa aking katawan. Napalingon ako sa nagsalita na inihahanda ang sarili ko na baka multo ang boses. Pero nagulat ako nang makita ko si Makisig na may hawak na bottle ng tubig."M-Makisig?" naninigurong bigkas ko sa pangalan ng binata at tumango naman ito. Animo naalis ang maraming tinik sa dibdib ko at napahinga ng malalim."Ako nga po, binibini. Nakita kitang nakahandusay sa harap ng gate nang dumating ako rito para tignan ang mansyon kaya binuhat na kita at dinala rito sa loob," paliwanag nito. Ibinigay nito ang tubig sa kaniya. Tinanggap niya iyon dahil ramdam niyang nauuhaw na talaga siya. Pagkatapos ay ibinalik niya rito ang bottle."P-Pero nakita kong—" Napahinto siya at hindi naituloy ang sinasabi. Naumid ang dila niya at parang na-stock ang katagang sasabihin sana niya sa kaniyang lalamunan."Ano po ang nakita mo?" Naghihintay ito na itutuloy ko ang sinasabi ko.Umiling ako at pilit na ngumiti. Kung sasabihin ko na kusang bumukas ang pinto kaya nahimatay ako ay hindi niya ako paniniwalaan. Baka sabihin pa na nababaliw na ako. Dahil minsan sa buhay ko ay may kaklase akong nagsabi nito sa akin. Iyon ay noong unang sinabi ko na may bangungot ako at tinatawag ako ng boses at parang sinundan ako sa realidad."Ang init kasi pagdating ko rito kaya nahimatay ako," pagsisinungaling ko na lang."Ganun ba? Maglilibot ka pa ba rito? Kasi uuwi na ako," turan nito at sumulyap sa pintong nasa likod ko. Pero walang kuryusidad sa mata nito na parang nakapasok na siya sa loob 'nun.Gusto kong sabihin na uuwi na rin ako pero nangibabaw ang kuryusidad ko. Maliwanag pa naman sa labas kaya kahit natatakot ako ay kaya ko pa naman. Kung tama si Nana na may dahilan ang bangungot ko ay tatagan ko na ang loob ko. Ang mansion ang nasa panaginip ko kaya baka dito ko rin makikita ang sagot sa mga tanong ko. Baka 'pag na-explore ko ang bahay ay makakakita ako ng senyalis na magtatapos sa bangungot ko. Kung gusto kong matahimik na ako at bumalik sa normal ang buhay ko ay kailangan kong kainin ang lahat ng takot ko. Ayaw kong isipin ng magulang ko na kahit nagbakasyon ako rito at bumalik ako ay nagpapapansin pa rin ako sa kanila."M-Mauuna ka nang umuwi at maglilibot ako rito," wika ko."Sige, mag-ingat ka," saad nito at tumalikod. Naglakad na ito palayo at nang mawala siya paningin ko ay bigla akong napatapik sa aking noo. Nakalimutan kong tanungin sa kan'ya kung paano niya nabuksan ang pinto.Huminga ako ng malalim at hinarap muli ang pinto. Kinain ko ang lahat ng takot at binuksan ang pinto. Pikit matang pumasok ako at hinayaang nakabukas ang pinto. Binuksan ko ang isa kong mata at sumilip at nang makitang normal pa ang loob ng kuwarto ay binuksan ko na rin ang isa kong mata.Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng kuwarto at nakita ko na natatakpan din ng puting tela ang lahat ng kagamitan dito. Walang nakakatakot akong nakita rito kaya nakahinga ako ng maluwag. Naagaw ng pansin ko ang lumang bedside table na nalaglag ang telang nakatakip doon. Lumapit ako roon at pinadaanan ng aking daliri ang kahoy at nang tignan ko ang daliri ko ay maitim iyon. Pagkatapos ay hinawakan ko ang handle ng drawer at natanto ko na hindi naka-lock ito. Binuksan ko ito at tinignan ang mga laman. Maya lamang ay biglang natutok ang mata ko sa isang lumang album na nasa may ilalim ng mga lumang papel.Kinuha ko ito pinagpag dahil puno ito ng mga agiw. Hinipan ko pa at napaubo ako. Naupo ako sa kama at binuklat ang album. Ang unang litrato ay kumukupas na pero mahuhulaan ko na isang babae ang nasa larawan. Nang buklatin ko ang sumunod na pahina ay ganun din, kupas na rin ang litrato at hindi ko na mabibistahan ang mukha ng taong nasa litrato. Hanggang sa ang huling picture ay hindi ko makita ang mukha ng mga larawan. Ngunit nahuhulaan ko na ang album ay litrato ng isang buong pamilya.Muli kong tinignan ang drawer at kinuha ang isa pang album na mas makapal sa unang tinignan ko. Pagbukas ko sa unang pahina ay napatuwid ako ng upo. Hindi pala ito isang album kundi mga sketches. Pero dahil sa kalumaan ay nabura na ang ibang parte ng mga drawings at ang iba ay napunit. Pero maingat na tinignan ko pa rin iyon.Hindi tao ang sketches kundi mga tanawin. Mukhang lapis lang ang ginamit na pangguhit dito. Ang isang pahina ay may sign pa ng nag-drawing pero hindi ko mabasa. Napangiti ako dahil kahit kupas na ang guhit ay makikita ko pa rin na maganda ang ito. Kung sana ay hindi nabura ang ibang parte ay baka mas maganda pa ang mga ito.Naengganyo akong tignan ang mga drawings at nakalimutan ko pa ang takot nang biglang kumidlat kasabay ng pagbuhos ng ulan at pagkulimlim ng buong paligid. Nataranta ako at mabilis na ibinalik ang album at sketch pad sa drawer. Sa pagmamadali ko na makalabas ay 'di ko sinasadyang nahila ang puting tela na nagtatakip sa isang bagay malapit sa pinto. Napaungol pa ako sa inis.Unti-unting naalis ang tela at ang gayon na lamang ang pagkagitla ko nang lumantad ang tinatakpan ng tela. Pinanlamigan ako at nanlalaki ang matang nakatitig ako sa bagay na nasa harapan ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko dahil sa gulat. Animo huminto rin sa pag-inog ang mundo ko at nahindik. Parang binudburan siya ng suka at asin dahil sa pagkaputla.Ang nasa harap ko ngayon ay isang lumang salamin na halos kasingtangkad ko. Kahit saang anggulo ay kapareho ito ng nasa panaginip ko. Ang mga carvings sa gilid ay pareho. Ganun din ang kalumaan na halatang noong sinaunabg panahon pa nila ginawa."H-How could this be?" mahinang bulalas ko at napatutop sa aking bibig.Biglang kumidlat muli ng malakas ay nag-flash ang salamin. Saka lamang ako nagising sa pagkakatulala at napaiktad palayo.The mirror formed a mist and then dissipate instantly as if nothing happened. But to my horror a shadow is slowly emerging inside of it. I wanted to run but as if the shadow had already predicted my next move.The shadow controlled me and I'm starting to panic. Gusto kong kontrolin ang sarili ko at gumalaw para ihakbang ang paa ko pero mas malakas ito.And then for the next moment I heard a very deep and familiar voice that made me trembled all over. Lahat ng mga buhok sa katawan ko ay tumayo na rin sa takot."Sa wakas ay abot kamay na kita, mahal ko!"Napasalampak ako ng upo sa lapag dahil hindi nakayanang suportahan ng tuhod ko ang katawan ko. Gusto kong sumigaw pero parang nalulon ko ang dila ko. Halos lumuwa na rin ang mata ko habang nakatingin sa salamin. Na sa halip na ang repleksyon ko ang makikita ko ay ang shadow na hindi pa rin naging anyong tao. Pero mabibistahan ko pa rin na isang nilalang iyon sa hugis at hitsura 'nun. Gumagalaw ang anino at ramdam ko na nakamasid din siya sa akin. Parang tinutupok ako ng malalim na titig nito.Magkaganun pa man ay tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil tumatagos hanggang sa kaluluwa ko ang matiim niyang tingin. At pati yata dulo ng buhok ko ay nanginginig na rin dahil sa takot na aking nararamdaman. Parang pinag-aaralan ako ng anino na nasa loob ng salamin at 'di ko mawari kung ano ba ang totoong motibo niya. Isa pa ay wala akong maramdaman killing intent sa paraan ng kaniyang tingin. Hindi na siya muling kumikilos sa loob ng salamin. Sa katunayan ay kahit nasindak ako sa kamay
Nasa isang lugar ako na hindi pamilyar sa'kin. Ang malala pa ay bakit walang hangin akong maramdaman? Napakatahimik at kahit gabi na ay wala akong maririnig na huni ng mga kulisap o insecto. Nang ilibot ko ang aking tingin ay napasinghap ako. Kaya pala wala akong ma-sense na presensya ng mga living creatures ay dahil very barren ang lugar. It was lifeless and bleak. Ang mga dahon at puno ay natuyo na.Maraming katanungan ang agad pumasok sa isip ko. Anong nangyari sa lugar na 'to? At bakit pakiramdam ko ay napakapamilyar sa'kin? Nagsimula akong maglakad habang hindi makapaniwalang tinignan ang bitak-bitak na daan.Hanggang sa may isang pamilyar na bahay akong nakita. Ito ang bahay ni Lolo dito sa probinsya. "W-What the hell is going on?" tanong ko at lumapit sa bahay pero pagbukas ko ng pinto ay napatutop ako sa aking bibig. Umalingasaw ang masangsang at nabubulok na bagay sa loob. Gusto kong sumuka pero walang lumalabas sa bibig ko.Tutop ang ilong at bibig ay pumasok ako. Hinanap ko
Hindi ko alam pero sa oras na 'to ay parang biglang nawala ang takot ko at nagawa kong suntukin pa ang salamin. Lahat ng galit at pagkayamot ko mula ng magkaroon ako ng bangungot dahil sa lalaki ay ibinuhos ko rito. Minura ko pa nga ang salamin ng paulit-ulit. Kahit anong paghampas ko sa salamin ay hindi na muling nag-appear si Leonides. Na parang wala siyang pakialam sa outburst ko. Sa dami ng kasalanan ng demonyong ito ay parang wala itong pakialam. Namumula na nga ang kamay ko pero hindi pa rin nagparamdam ang binata. Naiinis na lumabas ako ng kuwarto at bumaba. Kinuha ko ang isa pang antique na vase na nakita ko at muli akong umakyat. Ito ang malakas na inihampas ko sa salamin at ito pa ang nabasag sa halip na ang salamin. Dumaing ako at nabitawan ang basag na vase dahil nasugatan ang daliri ko. Mabilis na tinignan ko ito at ngumiwi. May kalakihan ang hiwa nito at maraming dugo. Kung ako iyong taong takot sa dugo ay siguradong nahimatay na ako pagkakita rito. Mabuti na lamang at h
Para pigilan ang sariling makatulog ay inilabas ko ang laptop ko at naisipang manood. Ngayon ay may silbi na ang mga na-download ko tungkol sa mga archeologist na nakahanap ng mummified na nilalang. Plano ko na huwag matulog ng buong gabi dahil natatakot na dalawin muli ni Leonides. Umabot na hanggang sa space ang takot ko pagkatapos ng nangyari kanina. After I went out of control with my body I felt like I had been shot in my head. I almost jumped out of my skin in fright when I was snapped out of my trance. Ang sinubukan akong akitin pagkatapos na makita ko ang taong anyo niya ay obvious na gusto na niyang hilahin ako sa loob ng salamin. Kung hindi dahil sa kidlat ay baka hindi na ako nakauwi rito. Baka maglalaho na lamang akong parang bula sa mundong ito. At kahit pa hanapin nila ako ay hindi nila matutuklasan kung ano ang nangyari sa akin.Kung maglalaro sa utak ko ang senaryo na makukulong ako sa loob ng salamin at hindi makalabas ay nangangaligkig ako sa takot. Lahat ng balahibo
This afternoon I was just sitting idly in the living room. Wala akong maisip na puwede kong gawin at nababato na ako. I wriggled my feet in boredom as I sighed constantly. Gusto man na manood muli ay masakit at pagod na ang mata ko. 'Pag ipipilit kong magbabad sa harap ng laptop ay baka sasakit pa ang ulo ko. Ito pa naman ang pinaka-ayaw sa lahat. Hindi ko kayang tiisin kung ang ulo ko ang masakit.Tinatamad na nahiga ako sa sofa at tagos ang tingin ko sa ceiling. Nagdedebati ang utak at puso ko kung lalabas na lang ba ako o hindi. Maganda naman ang panahon ngayon. Hindi ako lalayo at pupunta sa mansyon. Kahit sa malapit sa ilog lang. Naalala ko na binalaan ako ni Leonides na huwag pumunta 'run at nakuryos ako.Muli akong naupo at isinuot ang tsinelas. Ibinalabal ko lang ang shawl sa balikat ko at lumabas ng bahay. Nang makalabas ako ng hanggang baywang na gate ay isinara ko rin. Buo ang loob ko na pumunta pa rin sa ilog sapagkat wala akong tiwala sa sinabi ni Leonides sa akin sa akin
Tinignan ko ang aking daliri at kumurap ng ilang beses bago sinubukan na hawakan muli ang salamin. Sa pagkagulat ko ay katulad kanina na pumasok ang kamay ko 'dun. Inulit ko ito ng maraming beses at ganun pa rin. Maang na tinignan ko si Leonides na nakakunot noo sa'kin. Nagtatanong ang mata nito kung ano ang ginagawa ko."M-My hand just passed through the mirror! Y-You're trying to pull me!" umaatras na bulalas ko. I raised my vigilance and squinted my eyes. Para 'pag nakita ko na gagawa siya ng hakbang ay makakatakbo agad ako."Wala akong ginagawa-"Bago ko pa matapos na marinig ang sinasabi nito ay parang may puwersang humila sa akin. Hintakot na sumigaw ako at naghanap ng makakapitan pero walang maabot ang mga kamay ko. Nagsisigaw ako ng tulong pero nahila pa rin ako. I close my eyes in despair as I let myself drag inside the mirror."You f*cking demon!" I yelled in horror.The next second I opened my eyes, I was standing in the middle of the road. The air is humid and cold. It was
Nang magmulat muli ako ng mata ay hindi agad ako bumangon at nakahiga lang ako. Nakatulala lang ako sa ceiling at hindi pa rin nag-sink in sa ulo ko kung nasaan ako. Pero nang marinig ko ang katok ay bumalikwas ako ng bangon at napatingin sa pinangalingan ng ingay. Nang makita ko si si Leonides sa loob ng salamin ay saka ko naalala ang mga kaganapan kagabi. Nagsalubong ang kilay ko at inilibot ang tingin ko sa silid bago bumalik sa binata.Naalala ko na nahiga ako sa kama niya 'nung nasa salamin ako pero bakit bigla ay narito na ako sa totoong mundo ko? Paano ako nakalabas habang tulog ako? Bakit 'di ko naramdaman?Iwinagayway ni Leonides ang kamay na may hawak ng cellphone. Bumaba ako ng kama at lumapit sa salamin. Sinubukan kong ipasok ang kamay ko pero nasaktan ang daliri ko dahil tumama ito sa matigas na salamin."Bakit?" puno ng kalituhang sambit ko. "Kagabi lang ay- anong nangyayari?""Hindi ko rin alam. Naengganyo ako sa paglalaro at nang lingunin kita ay wala ka na sa kama per
Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng lollipop at binuksan bago isinubo. Kahit napakanatural ang kilos ko ay alam kong nahihiya pa rin ako. Kung matuklasan lang nito na ang nasa isip ko ay ang ginagawa namin sa panaginip ko noon ay baka bibiruin pa niya ako. Nang tignan ko siya ay nakatingin siya sa isa pang hawak kong lollipop at may eagerness sa mata nito. It was as if he also wants to taste it."Wait till I enter your world and I'll let you taste it," saad ko.Wala akong narinig na salita mula sa kan'ya. But I shivered abruptly when I felt a cold wind swept through my earlobe. It was as if a hand had just touched it. I locked my eyes to the man in the mirror who's not doing any moves. He's just staring at me deeply.The candy in my mouth was crushed loudly. Nanerbiyos ako sa paraan ng tingin niya na parang hinuhubaran niya ako. Parang tumatagos ang tingin niya sa suot kong damit at nakikita niya ang katawan ko."You— what are you looking at?" kinakabahang asik ko sa kaniya. To mask m
We had a solemn expression on our face as we stood in front of our grandparents' tombstone. Magkatabi nga talaga ang dalawang libingan at may litratong nakalagay sa lapida nila. Sa paglipas ng panahon ay luma na ang mga larawan pero mabibistahan pa rin ang wangis nila. Saka ko natanto na halos magkamukha sina Don Isagani at Leonides. Mas mestiso lamang ang Don at mas obvious ang pagiging lahing kastila nito.Kami lamang na dalawa ni Leonides ang pumarito. At tahimik na nagsindi ng kandila. Habang nakatitig ako sa libingan ni Lola Amalia ay naalala ko ang sinabi ni Papa.'Ang ritwal na ginawa ni Tita Amalia ay sagrado at bawal. She used her blood and soul so she can't redeem herself. Her soul scattered and she has no chance to be born again. I feel pity for her. Kung sana ay kinompronta at kinausap niya si Don Isagani at ang kaibigan niyang si Senya, siguro ay hindi siya nabalot ng matinding pagkapoot. Hindi sana umabot iyon sa ganito. Huwag mong tularan ang mali na nagawa niya, Cecily
Pagsapit ng sabado ay sumama ang magulang ko at si Nana pabalik sa probinsya. Ayon kay Papa, pagkalipas ng maraming taon ay magagawa na rin daw niyang bumalik sa lugar kung saan siya isinilang. Nang pumanaw kasi si Lolo noon ay bumalik agad kami pagkatapos ng burol. Iyon pala ay may tinatakbuhan si Papa. Pero ngayon na tapos na ang sumpa ay nawala na raw ang malaking bato na nakadagan sa dibdib niya ng maraming taon.Sa mansyon ng Nuevas kami dumeretso at hindi sa bahay ni Lolo. Naghihintay na ang pamilya ni Leonides sa harap ng mansyon nang makarating kami roon. Kinakain ako ng hiya nang mamataan ko sila pagpasok ng sasakyan sa bakuran. Ni hindi ko namalayan na kinukurot ko na pala ang binti ni Leonides. Hindi naman siya nagrereklamo pero hinuli niya ang kamay ko at marahang pinisil.Bakas sa mukha ko ang kaba nang tumingin ako sa kaniya kaya ngumiti siya at masuyong hinaplos ang pisngi ko."Are you nervous?"Tumango ako at sumilip sa bintana. "I'm afraid they won't like me and will
Si Nana na galing sa kusina ay narinig ang lahat ng kuwento ni Leonides kaya nang lumapit siya sa amin ay panay ang paglaglag ng luha sa kaniyang mata. Kaya naman muli siyang niyakap ng huli at sinabing okay na ang lahat. Na bumalik na siya at hindi na biglang maglalaho muli. Hindi ko na ring napigilan ang aking sarili at yumakap sa kanila.Ang sabi ni Leonides ay nagpaalam ito sa pamilya na hahanapin niya ako rito kaya sa isang hotel muna ito nakatira. Pero nang marinig ko iyon ay agad na nagpahatid kami sa driver sa hotel para mag-check out at kunin ang mga gamit niya at dito na lang siya rito sa bahay. Nakiusap ako na hanggang sa sabado muna siya rito bago ko siya sasamahan na umuwi sa probinsya at makilala ko na rin ang kaniyang pamilya.Naikuwento na rin daw niya ang mga nangyari sa kaniya sa nakalipas na taon at binanggit niya ako sa kanila. They want to meet me at magpasalamat na rin daw na napalaya ko siya.Pagkatapos naming makuha ang bagahe niya ay bumalik kami sa bahay. Naa
Ang mga naipon na lungkot at pagka-miss ko sa binata ay sabay na bumuhos at inignora ko ang mga tao sa paligid namin. Ni hindi ko tinawag ang pangalan niya at tumakbo ako sabay patalon na sumakay sa kaniyang likod. Nagulat man si Leonides ay napahawak naman sa aking binti at maingat na inalalayan ako upang bumaba sa kaniyang likod.Dahan-dahan siyang humarap at nang magtama ang mata namin ay umiiyak na tumawa ako sabay yakap ng mahigpit sa kaniya. Parang lumiwanag ang buong paligid ko na isang buwan na walang kalatoy-latoy. Bawat himaymay ng aking katawan ay nagsusumigaw ng kaligayahan ngayong muli kong nasilayan ang mukha niya. Hindi ko man maipaliwanag kung bakit bigla siyang sumulpot dito ay gusto ko pa ring magdiwang.May mga bulungan akong narinig kaya agad akong humiwalay sa kaniya at hinila siya paalis. Pumara ako ng taxi at sumakay kami. Ni hindi ko pinansin ang natatarantang tawag ni Tyra sa akin.Nang tumatakbo na ang sinakyan namin ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko
Kulang ang salitang sakit upang ilarawan ang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa basag na salamin. Nanginginig ang buong katawan ko at gulong-gulo ang utak ko. Gusto kong magsisigaw at magwala pero parang may bikig sa aking lalamunan at walang tinig na lumalabas. Animo tumigil na sa pag-inog ang mundo ko.Akala ko ay may kaunting oras pa kami na magkasama pero hindi ko inaasahan na agad na mapuputol ang sumpa 'pag binigay ko na ang sarili ko sa kaniya.I feel so weak and empty. And my heart was numb. Everything was like a dream just like in the past. Ngunit alam ko na lahat ng 'to ay reyalidad at hindi bangungot lang. Ang kinakatakot ko na mawala si Leonides ay nangyari na.Lumuhod ako at hindi alintana kung matusok man ako sa maliliit na basag ng salamin. Unti-unting nagkakaroon ng ingay ang aking pag-iyak hanggang sa humahagulgol na ako. Kipkip ko ang aking dibdib na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng binata. At mas lalo lang nanikip ang puso ko ng wala akong narinig na t
Napamulagat ako at biglang uminit ang aking pisngi. Lahat ng eksenang nangyari sa amin sa salamin ay nag-play sa utak ko at parang gusto kong matunaw sa hiya. Napasulyap pa ako kay Leonides na nasa salamin at nakamasid sa nangyayari rito.Nagkatinginan kaming dalawa at parang nagkahiyaan kami na mabilis ding nagbawi.Napatingin muli ako kay Darlin na hinaharangan si Amalia sa tuwing gusto niya akong sugurin. Para silang nagpapatentiro na dalawa."Gusto ko na ring magpahinga at makalaya sa sumpang 'to kaya gusto kitang tulungan, Cecily. Ilang taon na akong nagdurusa at pagod na akong makipaghabulan at makipagtaguan kay Amalia. Tutulungan kitang makapasok muli sa salamin —""P-Pero may nangyari na sa aming dalawa!" bulalas ko."Iyon ba ang aktwal mong katawan? Hindi ba at kaluluwa ka lamang nang makulong ka rin sa loob? Kaya ang naging kinalabasan ay nabuhay ang paboritong bulaklak ni Amalia na rosas at nagkaroon din ng buhay ang mundo sa salamin pero hindi naputol ang sumpa," paliwanag
Nag-aatubli akong kumatok sa pinto. Papagabi pa lamang ay lumarga na ako papunta rito sa mansyon. Nagdisisyon ako noong isang gabi na kausapin si Leonides bago ko ipagpapatuloy ang paghahanap ng mga lumang gamit ni Lolo kung may naitabi siyang diary ng kaniyang kapatid. Ngunit nang nasa harap na ako ng pinto ay parang gusto ko nang umatras.Animo may mga kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib ko. Makakaya ko bang sabihin sa binata na Lola ko si Amalia? At paano ako magsisimula na ipagtapat sa kaniya ang natuklasan ko?Malalim akong napahinga at nagyuko ng ulo. Nilalakasan ko ang aking loob bago ako kumatok. Subalit napaiktad ako at napaatras nang biglang bumukas ang pinto. Parang gusto kong kumaripas ng takbo para takasan ang napupuntong pagkikita namin pero pinigilan ko ang aking sarili.My knees trembled when I was about to enter. I can't face him right now!'No, you have to talk to him!' a small voice in my head urged me. I shook my head vigorously.I'm afraid! Kung makikita ko sa
Nakatayo ako sa harap ng salamin at nakatingin sa kabilang mundo. Hinihintay ko na dumating si Cecily ngunit gumabi na ay hindi siya sumulpot. Walang ekspresyon ang mukha ko pero sa kalooban ko ay nasasaktan ako. Excited pa naman ako na sabihin sa kaniya na biglang bumalik ang nakaraan ko.Kaninang umaga na pagkaalis niya ay narinig ko na naman ang hagikgik ni Amalia. Kahit alam ko na sasaktan na naman niya ako ay binuksan ko pa rin ang pinto. Hindi nito inaasahan na lalabas ako kaya hindi niya naitago ang kaniyang mukha. Animo naitulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang wangis niya. Parang si Cecily ang nasa harap ko kung hindi lang siya isang kaluluwa lang.Nang magtama ang mata namin ay natulala ako. Isa-isang bumalik sa akin ang nakaraan ko. Simula noong bata pa ako at nagsimulang bangungotin. Noong madalas akong binabangungot ay hindi ko ma-decipher ang panaginip sa reyalidad. Minsan kahit gising ako ay ang alam ko nananaginip pa rin ako. Kahit nasa eskwelahan ako ay ganun
"W-Wala ka po bang maalala na nabanggit niya b-bago niya isagawa ang ritwal?" may kalakip na pag-asa sa tonong tanong ko."Wala siyang nasabi sa akin— teka mahilig siyang magsulat noon sa papel. Maghalughog ka sa bahay ng lolo mo kung may naitago siya na lumang gamit ng iyong abuela," suhestiyon nito."M-Maraming salamat po!"Nang pauwi na kami ay pinoproseso ko ang lahat ng nalaman ko ngayon. Parang gusto kong sumigaw at umiyak na bakit kami pa na inosente sa maling pag-iibigan nila ang nagdurusa. Bakit hindi na lamang ang lalaking nanakit sa kaniya ang pinarusahan niya?At si Leonides, simula pa lang na paslit siya ay pinahirapan siya ng kaniyang bangungot. Inagaw sa kaniya ang mamuhay ng normal. Sumaya man siya ay panandalian lamang o mas tamang sabihin na nilinlang siya ng isa pang panaginip. At pagkatapos na sumaya ay muli na naman siyang masasadlak sa isang mas malalim na kalungkutan kung saan wala na siyang chance pa na makatakas doon.I halted and wiped my face. Hindi ko napan