Home / Paranormal / Ang Lalaki Sa Salamin / Kabanata 6. Cecily's POV

Share

Kabanata 6. Cecily's POV

Author: Ced Emil
last update Last Updated: 2023-08-09 08:42:30

'Hindi ako makahinga!' Sigaw ng utak ko nang lalo pa akong hinila ng malakas na daloy ng tubig. May mga tubig na ang pumasok sa ilong at taynga ko kaya lalo akong nataranta. Hindi ko alam kung bakit bigla akong narito sa ilog gayong natutulog lang ako sa kuwarto ko. Pagmulat ko nalang ng mata ko ay nasa gitna na ako ng ilog. Sinubukan kong kumawag pero kahit anong gawin ko ay lalo akong nahihila pailalim.

Parang may kamay na nakahawak sa aking paa dahil hindi ko ito maigalaw ng maayos. Pakiramdam ko rin ay namamanhid ang mga kamay ko.

Bakit biglang ganito ang panaginip ko? Hindi man ito katulad ng dati na nasa isang lumang bahay ako. Pero parang pinapatay naman ako dahil sa nilulunod ako ng panaginip ko sa tubig. Alam kong binabangungot ako pero bakit kahit anong gawin ko ay hindi ako magising? Parang isang mundo na ang subconscious mind ko sa tuwing nananaginip ako. Animo may sarili akong mundo rito dahil parang realidad lahat ang nangyayari sa akin. Pati na ang takot ko ay tinutupok hanggang sa aking mga buto.

'Ayaw ko pa ang mamatay!' umiiyak na tili ng utak ko. At feeling ko ay kahit panaginip ito ay nawawalan na ako ng ulirat. Pinikit ko ang aking mata at hinayaan nang tangayin ako ng tubig.

Nang akala ko ay mawawalan na ako ng pag-asa. May dalawang braso ang agad na pumaikot sa aking baywang at hilahin ako pataas. Pagkaahon ng ulo ko sa tubig ay humugot agad ako ng napakalalim na hininga. Para akong namatay na nabuhay muli. Naibsan na rin ang takot at kaba ko kaninang hindi ako makaahon.

Ngunit tumindig yata lahat ng balahibo ko sa katawan nang bumulong sa aking taynga ang pamilyar na tinig. Ang boses na palagi kong naririnig sa aking bangungot.

"Huwag kang pumunta sa ilog!"

Humahangos na bumalikwas ako at napahawak sa aking dibdib. Ibang-iba ang panaginip ko ngayon kaysa sa mga nakaraan na halos mamatay na ako sa takot. Bigla kong naisip ang sinabi ng lalaki sa panaginip ko bago ako gumising.

Pero anong ibig niyang sabihin na hindi ako pupunta sa ilog? Ngayon lang siya dumalaw sa panaginip ko na parang binibigyan ako ng babala.

Mabilis na umiling-iling ako para iwaksi iyon sa utak ko. Wala naman akong planong pumunta sa ilog. Isa pa ay baka parte lang na naman iyon ng bangungot ko.

Pero bigla kong naalala ang sinabi ni tiya kahapon. Pinanlamigan ako dahil bakit alam nito ang tungkol doon? Isa ba talaga siyang ligaw na kaluluwa at ako ang nagustuhan niyang sundan?

Mahinang sinampal ko ang sarili ko. "Panaginip lang iyon!" bulong ko at huminga ng malalim para kalmahin ang sarili ko.

Bumaba na ako ng kama at inilihis ang kurtina. Maliwanag na sa labas at sumisikat na ang araw. Ngayon ay medyo late na akong gumising pero wala akong balak na i-postpone ang plano kong pagpunta sa lumang mansyon. Mas lumakas yata ang kuryusidad ko tungkol sa mansion na iyon. At hindi ko alam kung bakit.

Kinuha ko ang tuwalya at pamalit ko bago bumaba. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa banyo sa labas. Agad akong naghubad at sumalok ng tubig gamit ang maliit na tabo. Nang ibuhos ko ang tubig sa ulo ko ay napasigaw ako sa lamig. Animo nagising lahat ng himaymay ko sa katawan dahil sa malamig na tubig.

"Nana, nakalimutan kong sabihin na ipag-init mo ako ng tubig!!" sigaw ko pero itinuloy ko pa rin ang pagliligo. 'Pag ibinubuhos ko ang malamig na tubig sa katawan ko ay napapasigaw ako. Dahil nanginginig na ako sa lamig ay hindi ako nagtagal. Mabilisan aking naligo at agad nagpalit ng damit. Hindi ko na talaga kaya pa ang lamig dahil pati yata pisngi ng puwet ko ay namamanhid na sa lamig.

Nang lumabas ako ng banyo ay namataan ko si Tiya na tumatawa habang nagpapakain ng alaga nitong manok. Sumimangot ako at nagmartsa palapit sa kaniya. Kahit bata pa ako nang huli kaming nagkita ni tiya ay hindi ko nakakalimutan na mapagbiro rin ito.

"Tiya, naman! Bakit 'di niyo po ako tinawag kanina nang pumasok ako ng banyo?" nakalabing hayag ko nang makalapit ako sa kaniya. Bumahin ako ng tatlong beses nang biglang umihip ang hangin. "Ang lamig!" bulalas ko pa.

Naluluha na ito dahil sa kakatawa. "Aba'y noong lumabas na ako, eh, narinig ko na ang pagsigaw mo sa banyo. Kaya alangan naman na tatawagin pa kita."

Lumabi ako at pumasok na sa loob. Nakita ko rin si Nana na tumatawa habang nagtitimpla ng kape ko.

"Sino ba ang nagsabi na dumeretso ka sa banyo, anak? May isang kalderong tubig akong pinakulo diyan na dapat sana ay pampaligo mo," paninisi niya sa'kin.

Ngumuso lang ako at naupo. "Nakalimutan ko po!"

Agad akong humigop sa kape at napahugot ng malalim na hininga nang pumasok sa lalamunan ko ang ang mainit na kape. Nedyo uminit na rin ang aking pakiramdam at nawala ang pangangatal ng aking labi.

"Saan ka ba papasyal ngayong araw? Ang sabi ni Consuelo ay gusto mo raw pumunta sa ilog?" usisa ni Nana sa akin.

"Hindi po, Nana, maglalakad na lang ulit ako riyan sa kalsada," pagsisinungaling ko. Ayaw kong ipaalam sa kanila na ang totoong pupuntahan ko ay ang mansyon sa dulo ng mabatong kalsada. Ang sabi nila ay luma na iyon. Magaganda ang istilo ng mga bahay noon at gusto ko iyong tignan.

"Mag-iingat ka kung ganun. Dalhin mo ito at para 'pag nauhaw at nagutom ka ay may kakainin ka." Inilapag nito ang maliit na basket sa mesa. May bote ng tubig at lunchbox doon.

"Salamat po, Nana," malambing na wika ko at inubos na ang kape ko. Humalik pa ako sa kan'yang pisngi bago binitbit ang basket at lumabas ng bahay. "Tiya, papasyal na muna uli ako!" malakas na paalam ko kay Tiya na kumaway sa akin.

Maliksi akong naglalakad habang sinusuri ang bawat puno sa dinadaanan kong kalsada. Ang iba ay nagsisimula nang mamunga at ang iba ay namumulaklak pa lang. Pero ang natural na bangong hatid ng mga 'yon ay nagbibigay ng kapanatagan sa buong kaluluwa ko. Hindi katulad sa syudad na mapapaubo pa ako dahil sa mga usok ng sasakyan kapag gusto kong maglakad sa sidewalk.

Nakakaaliw pa na tignan ang mga nagliliparan ibon sa taas. Ang mga huni ng ibang insekto ay mas nakaka-engganyong pakinggan kaysa ang sigaw at tsismis ng mga tao.

"This place is heaven!" may kalakasang bulalas ko.

Nang nasa may mabatong daan na ako papunta sa lumang mansyon ay hindi ko na sinubukan na pumitas ng bulaklak ng rosas. Dere-deretso lang akong naglakad. Hindi ko alam kung may isang oras na akong naglalakad nang mamataan ko ang isang luma at kinakalawang na arko. Wala iyong gate na parang welcome na talaga ang mga taong gustong pumasok sa lupain ng mga Nuevas.

Nang malapitan ko 'yon ay tininingala ko at binasa ang nakasulat. Ang iba ay 'di ko na maintindihan tanging ang Nuevas Villa na lamang. Ang mga ibon ay nagsiliparan dahil sa pagsulpot ko.

"Malayo pa kaya ako sa mansyon?" napapaisip na tanong ko sa sarili ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad at humihinto ng ilang minuto para magpahinga bago magpatuloy. Napsngalahati ko na rin ang baon kong tubig at nag-aalala ako na baka ubos na ito ay hindi pa ako nakakarating sa mansion.

Siguro ay may tatlumpong minuto pa akong naglalakad nang makita ko ang kinakawalang na bakal na gate. May kadena man iyon ay matagal na nasira kaya puwede pa rin akong makapasok.

Nakahinga ako ng maluwag dahil nakarating na rin ako sa wakas. Bago ko itulak ang mataas na gate ay muling uminom muna ako ng tubig.

Lumangitngit ang lumang gate at lumikha ito ng malakas na ingay. Natakot ako na makakuha ito ng atensyon.

Kaya inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid at baka may taong makakakita sa akin. Nang masigurong wala akong maramdaman na presensya ng ibang tao ay lakas loob na itinulak ko ang gate. Pumasok ako at excited na tinignan ang mansion.

Napatda ako at naitulos sa aking kinatatayuan. Ang hawak kong basket ay nahulog at naitapon ang mga laman. Lahat ng excitement na meron ako ay lumipad na yata sa kalawakan. Nanginig ako at parang natuka ako ng ahas dahil sa pagkaputla.

Ang front door ng mansyon ay kaparehong-kapareho ng mansyon sa panaginip ko. Ang istilo ng bahay, ang patay na puno sa kanang bahagi ng bahay. Ganun din ang katahimikan ng paligid na parang binabalot ng mysterio. Ang lumang binatana na gawa sa smoke glass at ang lumang chimney na tinubuan na ng mga lumot.

Hindi ako makagalaw at kahit tinig ay walang lumalabas sa aking bibig. Nakatayo lamang ako rito at nagigitlang nakatingin sa mansyon. Hindi ako makahinga at sumisikip ang dibdib ko.

No! Hindi totoo ang nakikita ko ngayon! Isang kabaliwan na ang mansyon sa panaginip ko ay ito at nasa harapan ko ngayon. Hindi totoo ang nakikita ko! Imahinasyon ko lang ang lahat ng ito, di ba?

Biglang umihip ng malakas na hangin at tumili ako nang lumikha ng ingay ang pagsara ng gate. Namumutla akong napalingon doon at akmang bubuksan muli nang mag-freeze ang kamay ko sa ere. Nanlambot ang tuhod ko at muntik na mapaupo pero tinatagan ko pa rin.

Naulit kasi ang nasa bangungot ko. At iyon ay ang isang malalim na buntong-hininga na parang nasa likod ko lang iyon.

Katulad sa aking panaginip ay nakakapanindig balahibo iyon. At hindi ko alam kung nasa realidad pa ba ako o sa bangungot ko. Hindi ko na matukoy kung alin ang totoo.

Unti-unti akong humarap sa front door ng mansyon at gayon na lamang ang sindak ko nang makita ang unti-unting pagbukas ng pinto. Bago ko pa makita kung sino ang nagbukas ng pinto ay nahimatay na ako sa takot.

Related chapters

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 7. Cecily's POV

    Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nawalan ng malay. Naalimpungatan lamang ako nang may pumaspas sa aking mukha na malamig na hangin. Umungol ako at magrereklamo sana kung bakit hindi naisara ni Nana ang bintana nang bigla akong mahimasmasan. Agarang bumalikwas ako at namumutlang tinignan ang paligid ko. Nasa isang lumang kuwarto ako at ang mga gamit ay natatakpan ng mga puting tela. Pero sa tagal na hindi bumalik ang may-ari para linisin ay may mga alikabok na ang tela. May agiw din ang bawat sulok at may mga spider pa. Nalalanghap ko pa ang lumang amoy ng bahay.Kung gabi lamang ngayon ay mas creepy pa ang buong kuwarto. Mas nakakatakot at baka mahihimatay pa muli ako. Dahil sa totoo lang ay kinakain na ako ng labis na takot sa sandaling ito.Nanginginig na agaran akong bumaba ng kama. Patakbong tinungo ko ang nakasarang pinto at binuksan ito. Hindi ko pinagkaabalahan tignan ang hitsura ng bahay at basta na lamang ako tumakbo sa mahabang pasilyo. Hindi ako baliw para mag-to

    Last Updated : 2023-08-10
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 8. Cecily's POV

    Napasalampak ako ng upo sa lapag dahil hindi nakayanang suportahan ng tuhod ko ang katawan ko. Gusto kong sumigaw pero parang nalulon ko ang dila ko. Halos lumuwa na rin ang mata ko habang nakatingin sa salamin. Na sa halip na ang repleksyon ko ang makikita ko ay ang shadow na hindi pa rin naging anyong tao. Pero mabibistahan ko pa rin na isang nilalang iyon sa hugis at hitsura 'nun. Gumagalaw ang anino at ramdam ko na nakamasid din siya sa akin. Parang tinutupok ako ng malalim na titig nito.Magkaganun pa man ay tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil tumatagos hanggang sa kaluluwa ko ang matiim niyang tingin. At pati yata dulo ng buhok ko ay nanginginig na rin dahil sa takot na aking nararamdaman. Parang pinag-aaralan ako ng anino na nasa loob ng salamin at 'di ko mawari kung ano ba ang totoong motibo niya. Isa pa ay wala akong maramdaman killing intent sa paraan ng kaniyang tingin. Hindi na siya muling kumikilos sa loob ng salamin. Sa katunayan ay kahit nasindak ako sa kamay

    Last Updated : 2023-08-22
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 9. Cecily's POV

    Nasa isang lugar ako na hindi pamilyar sa'kin. Ang malala pa ay bakit walang hangin akong maramdaman? Napakatahimik at kahit gabi na ay wala akong maririnig na huni ng mga kulisap o insecto. Nang ilibot ko ang aking tingin ay napasinghap ako. Kaya pala wala akong ma-sense na presensya ng mga living creatures ay dahil very barren ang lugar. It was lifeless and bleak. Ang mga dahon at puno ay natuyo na.Maraming katanungan ang agad pumasok sa isip ko. Anong nangyari sa lugar na 'to? At bakit pakiramdam ko ay napakapamilyar sa'kin? Nagsimula akong maglakad habang hindi makapaniwalang tinignan ang bitak-bitak na daan.Hanggang sa may isang pamilyar na bahay akong nakita. Ito ang bahay ni Lolo dito sa probinsya. "W-What the hell is going on?" tanong ko at lumapit sa bahay pero pagbukas ko ng pinto ay napatutop ako sa aking bibig. Umalingasaw ang masangsang at nabubulok na bagay sa loob. Gusto kong sumuka pero walang lumalabas sa bibig ko.Tutop ang ilong at bibig ay pumasok ako. Hinanap ko

    Last Updated : 2023-08-28
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 10. Cecily's POV

    Hindi ko alam pero sa oras na 'to ay parang biglang nawala ang takot ko at nagawa kong suntukin pa ang salamin. Lahat ng galit at pagkayamot ko mula ng magkaroon ako ng bangungot dahil sa lalaki ay ibinuhos ko rito. Minura ko pa nga ang salamin ng paulit-ulit. Kahit anong paghampas ko sa salamin ay hindi na muling nag-appear si Leonides. Na parang wala siyang pakialam sa outburst ko. Sa dami ng kasalanan ng demonyong ito ay parang wala itong pakialam. Namumula na nga ang kamay ko pero hindi pa rin nagparamdam ang binata. Naiinis na lumabas ako ng kuwarto at bumaba. Kinuha ko ang isa pang antique na vase na nakita ko at muli akong umakyat. Ito ang malakas na inihampas ko sa salamin at ito pa ang nabasag sa halip na ang salamin. Dumaing ako at nabitawan ang basag na vase dahil nasugatan ang daliri ko. Mabilis na tinignan ko ito at ngumiwi. May kalakihan ang hiwa nito at maraming dugo. Kung ako iyong taong takot sa dugo ay siguradong nahimatay na ako pagkakita rito. Mabuti na lamang at h

    Last Updated : 2023-09-02
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 11. Cecily's POV

    Para pigilan ang sariling makatulog ay inilabas ko ang laptop ko at naisipang manood. Ngayon ay may silbi na ang mga na-download ko tungkol sa mga archeologist na nakahanap ng mummified na nilalang. Plano ko na huwag matulog ng buong gabi dahil natatakot na dalawin muli ni Leonides. Umabot na hanggang sa space ang takot ko pagkatapos ng nangyari kanina. After I went out of control with my body I felt like I had been shot in my head. I almost jumped out of my skin in fright when I was snapped out of my trance. Ang sinubukan akong akitin pagkatapos na makita ko ang taong anyo niya ay obvious na gusto na niyang hilahin ako sa loob ng salamin. Kung hindi dahil sa kidlat ay baka hindi na ako nakauwi rito. Baka maglalaho na lamang akong parang bula sa mundong ito. At kahit pa hanapin nila ako ay hindi nila matutuklasan kung ano ang nangyari sa akin.Kung maglalaro sa utak ko ang senaryo na makukulong ako sa loob ng salamin at hindi makalabas ay nangangaligkig ako sa takot. Lahat ng balahibo

    Last Updated : 2023-09-04
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 12. Cecily's POV

    This afternoon I was just sitting idly in the living room. Wala akong maisip na puwede kong gawin at nababato na ako. I wriggled my feet in boredom as I sighed constantly. Gusto man na manood muli ay masakit at pagod na ang mata ko. 'Pag ipipilit kong magbabad sa harap ng laptop ay baka sasakit pa ang ulo ko. Ito pa naman ang pinaka-ayaw sa lahat. Hindi ko kayang tiisin kung ang ulo ko ang masakit.Tinatamad na nahiga ako sa sofa at tagos ang tingin ko sa ceiling. Nagdedebati ang utak at puso ko kung lalabas na lang ba ako o hindi. Maganda naman ang panahon ngayon. Hindi ako lalayo at pupunta sa mansyon. Kahit sa malapit sa ilog lang. Naalala ko na binalaan ako ni Leonides na huwag pumunta 'run at nakuryos ako.Muli akong naupo at isinuot ang tsinelas. Ibinalabal ko lang ang shawl sa balikat ko at lumabas ng bahay. Nang makalabas ako ng hanggang baywang na gate ay isinara ko rin. Buo ang loob ko na pumunta pa rin sa ilog sapagkat wala akong tiwala sa sinabi ni Leonides sa akin sa akin

    Last Updated : 2023-09-09
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Chapter 13. Cecily's POV

    Tinignan ko ang aking daliri at kumurap ng ilang beses bago sinubukan na hawakan muli ang salamin. Sa pagkagulat ko ay katulad kanina na pumasok ang kamay ko 'dun. Inulit ko ito ng maraming beses at ganun pa rin. Maang na tinignan ko si Leonides na nakakunot noo sa'kin. Nagtatanong ang mata nito kung ano ang ginagawa ko."M-My hand just passed through the mirror! Y-You're trying to pull me!" umaatras na bulalas ko. I raised my vigilance and squinted my eyes. Para 'pag nakita ko na gagawa siya ng hakbang ay makakatakbo agad ako."Wala akong ginagawa-"Bago ko pa matapos na marinig ang sinasabi nito ay parang may puwersang humila sa akin. Hintakot na sumigaw ako at naghanap ng makakapitan pero walang maabot ang mga kamay ko. Nagsisigaw ako ng tulong pero nahila pa rin ako. I close my eyes in despair as I let myself drag inside the mirror."You f*cking demon!" I yelled in horror.The next second I opened my eyes, I was standing in the middle of the road. The air is humid and cold. It was

    Last Updated : 2023-09-12
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 14. Cecily's POV

    Nang magmulat muli ako ng mata ay hindi agad ako bumangon at nakahiga lang ako. Nakatulala lang ako sa ceiling at hindi pa rin nag-sink in sa ulo ko kung nasaan ako. Pero nang marinig ko ang katok ay bumalikwas ako ng bangon at napatingin sa pinangalingan ng ingay. Nang makita ko si si Leonides sa loob ng salamin ay saka ko naalala ang mga kaganapan kagabi. Nagsalubong ang kilay ko at inilibot ang tingin ko sa silid bago bumalik sa binata.Naalala ko na nahiga ako sa kama niya 'nung nasa salamin ako pero bakit bigla ay narito na ako sa totoong mundo ko? Paano ako nakalabas habang tulog ako? Bakit 'di ko naramdaman?Iwinagayway ni Leonides ang kamay na may hawak ng cellphone. Bumaba ako ng kama at lumapit sa salamin. Sinubukan kong ipasok ang kamay ko pero nasaktan ang daliri ko dahil tumama ito sa matigas na salamin."Bakit?" puno ng kalituhang sambit ko. "Kagabi lang ay- anong nangyayari?""Hindi ko rin alam. Naengganyo ako sa paglalaro at nang lingunin kita ay wala ka na sa kama per

    Last Updated : 2023-09-13

Latest chapter

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Extra 2. Cecily's POV - Wakas

    We had a solemn expression on our face as we stood in front of our grandparents' tombstone. Magkatabi nga talaga ang dalawang libingan at may litratong nakalagay sa lapida nila. Sa paglipas ng panahon ay luma na ang mga larawan pero mabibistahan pa rin ang wangis nila. Saka ko natanto na halos magkamukha sina Don Isagani at Leonides. Mas mestiso lamang ang Don at mas obvious ang pagiging lahing kastila nito.Kami lamang na dalawa ni Leonides ang pumarito. At tahimik na nagsindi ng kandila. Habang nakatitig ako sa libingan ni Lola Amalia ay naalala ko ang sinabi ni Papa.'Ang ritwal na ginawa ni Tita Amalia ay sagrado at bawal. She used her blood and soul so she can't redeem herself. Her soul scattered and she has no chance to be born again. I feel pity for her. Kung sana ay kinompronta at kinausap niya si Don Isagani at ang kaibigan niyang si Senya, siguro ay hindi siya nabalot ng matinding pagkapoot. Hindi sana umabot iyon sa ganito. Huwag mong tularan ang mali na nagawa niya, Cecily

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Extra 1. Cecily's POV

    Pagsapit ng sabado ay sumama ang magulang ko at si Nana pabalik sa probinsya. Ayon kay Papa, pagkalipas ng maraming taon ay magagawa na rin daw niyang bumalik sa lugar kung saan siya isinilang. Nang pumanaw kasi si Lolo noon ay bumalik agad kami pagkatapos ng burol. Iyon pala ay may tinatakbuhan si Papa. Pero ngayon na tapos na ang sumpa ay nawala na raw ang malaking bato na nakadagan sa dibdib niya ng maraming taon.Sa mansyon ng Nuevas kami dumeretso at hindi sa bahay ni Lolo. Naghihintay na ang pamilya ni Leonides sa harap ng mansyon nang makarating kami roon. Kinakain ako ng hiya nang mamataan ko sila pagpasok ng sasakyan sa bakuran. Ni hindi ko namalayan na kinukurot ko na pala ang binti ni Leonides. Hindi naman siya nagrereklamo pero hinuli niya ang kamay ko at marahang pinisil.Bakas sa mukha ko ang kaba nang tumingin ako sa kaniya kaya ngumiti siya at masuyong hinaplos ang pisngi ko."Are you nervous?"Tumango ako at sumilip sa bintana. "I'm afraid they won't like me and will

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 42. Cecily's POV

    Si Nana na galing sa kusina ay narinig ang lahat ng kuwento ni Leonides kaya nang lumapit siya sa amin ay panay ang paglaglag ng luha sa kaniyang mata. Kaya naman muli siyang niyakap ng huli at sinabing okay na ang lahat. Na bumalik na siya at hindi na biglang maglalaho muli. Hindi ko na ring napigilan ang aking sarili at yumakap sa kanila.Ang sabi ni Leonides ay nagpaalam ito sa pamilya na hahanapin niya ako rito kaya sa isang hotel muna ito nakatira. Pero nang marinig ko iyon ay agad na nagpahatid kami sa driver sa hotel para mag-check out at kunin ang mga gamit niya at dito na lang siya rito sa bahay. Nakiusap ako na hanggang sa sabado muna siya rito bago ko siya sasamahan na umuwi sa probinsya at makilala ko na rin ang kaniyang pamilya.Naikuwento na rin daw niya ang mga nangyari sa kaniya sa nakalipas na taon at binanggit niya ako sa kanila. They want to meet me at magpasalamat na rin daw na napalaya ko siya.Pagkatapos naming makuha ang bagahe niya ay bumalik kami sa bahay. Naa

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 41. Cecily's POV

    Ang mga naipon na lungkot at pagka-miss ko sa binata ay sabay na bumuhos at inignora ko ang mga tao sa paligid namin. Ni hindi ko tinawag ang pangalan niya at tumakbo ako sabay patalon na sumakay sa kaniyang likod. Nagulat man si Leonides ay napahawak naman sa aking binti at maingat na inalalayan ako upang bumaba sa kaniyang likod.Dahan-dahan siyang humarap at nang magtama ang mata namin ay umiiyak na tumawa ako sabay yakap ng mahigpit sa kaniya. Parang lumiwanag ang buong paligid ko na isang buwan na walang kalatoy-latoy. Bawat himaymay ng aking katawan ay nagsusumigaw ng kaligayahan ngayong muli kong nasilayan ang mukha niya. Hindi ko man maipaliwanag kung bakit bigla siyang sumulpot dito ay gusto ko pa ring magdiwang.May mga bulungan akong narinig kaya agad akong humiwalay sa kaniya at hinila siya paalis. Pumara ako ng taxi at sumakay kami. Ni hindi ko pinansin ang natatarantang tawag ni Tyra sa akin.Nang tumatakbo na ang sinakyan namin ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 40. Cecily's POV

    Kulang ang salitang sakit upang ilarawan ang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa basag na salamin. Nanginginig ang buong katawan ko at gulong-gulo ang utak ko. Gusto kong magsisigaw at magwala pero parang may bikig sa aking lalamunan at walang tinig na lumalabas. Animo tumigil na sa pag-inog ang mundo ko.Akala ko ay may kaunting oras pa kami na magkasama pero hindi ko inaasahan na agad na mapuputol ang sumpa 'pag binigay ko na ang sarili ko sa kaniya.I feel so weak and empty. And my heart was numb. Everything was like a dream just like in the past. Ngunit alam ko na lahat ng 'to ay reyalidad at hindi bangungot lang. Ang kinakatakot ko na mawala si Leonides ay nangyari na.Lumuhod ako at hindi alintana kung matusok man ako sa maliliit na basag ng salamin. Unti-unting nagkakaroon ng ingay ang aking pag-iyak hanggang sa humahagulgol na ako. Kipkip ko ang aking dibdib na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng binata. At mas lalo lang nanikip ang puso ko ng wala akong narinig na t

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 39. Cecily's POV

    Napamulagat ako at biglang uminit ang aking pisngi. Lahat ng eksenang nangyari sa amin sa salamin ay nag-play sa utak ko at parang gusto kong matunaw sa hiya. Napasulyap pa ako kay Leonides na nasa salamin at nakamasid sa nangyayari rito.Nagkatinginan kaming dalawa at parang nagkahiyaan kami na mabilis ding nagbawi.Napatingin muli ako kay Darlin na hinaharangan si Amalia sa tuwing gusto niya akong sugurin. Para silang nagpapatentiro na dalawa."Gusto ko na ring magpahinga at makalaya sa sumpang 'to kaya gusto kitang tulungan, Cecily. Ilang taon na akong nagdurusa at pagod na akong makipaghabulan at makipagtaguan kay Amalia. Tutulungan kitang makapasok muli sa salamin —""P-Pero may nangyari na sa aming dalawa!" bulalas ko."Iyon ba ang aktwal mong katawan? Hindi ba at kaluluwa ka lamang nang makulong ka rin sa loob? Kaya ang naging kinalabasan ay nabuhay ang paboritong bulaklak ni Amalia na rosas at nagkaroon din ng buhay ang mundo sa salamin pero hindi naputol ang sumpa," paliwanag

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 38. Cecily's POV

    Nag-aatubli akong kumatok sa pinto. Papagabi pa lamang ay lumarga na ako papunta rito sa mansyon. Nagdisisyon ako noong isang gabi na kausapin si Leonides bago ko ipagpapatuloy ang paghahanap ng mga lumang gamit ni Lolo kung may naitabi siyang diary ng kaniyang kapatid. Ngunit nang nasa harap na ako ng pinto ay parang gusto ko nang umatras.Animo may mga kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib ko. Makakaya ko bang sabihin sa binata na Lola ko si Amalia? At paano ako magsisimula na ipagtapat sa kaniya ang natuklasan ko?Malalim akong napahinga at nagyuko ng ulo. Nilalakasan ko ang aking loob bago ako kumatok. Subalit napaiktad ako at napaatras nang biglang bumukas ang pinto. Parang gusto kong kumaripas ng takbo para takasan ang napupuntong pagkikita namin pero pinigilan ko ang aking sarili.My knees trembled when I was about to enter. I can't face him right now!'No, you have to talk to him!' a small voice in my head urged me. I shook my head vigorously.I'm afraid! Kung makikita ko sa

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 37. Leonides' POV

    Nakatayo ako sa harap ng salamin at nakatingin sa kabilang mundo. Hinihintay ko na dumating si Cecily ngunit gumabi na ay hindi siya sumulpot. Walang ekspresyon ang mukha ko pero sa kalooban ko ay nasasaktan ako. Excited pa naman ako na sabihin sa kaniya na biglang bumalik ang nakaraan ko.Kaninang umaga na pagkaalis niya ay narinig ko na naman ang hagikgik ni Amalia. Kahit alam ko na sasaktan na naman niya ako ay binuksan ko pa rin ang pinto. Hindi nito inaasahan na lalabas ako kaya hindi niya naitago ang kaniyang mukha. Animo naitulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang wangis niya. Parang si Cecily ang nasa harap ko kung hindi lang siya isang kaluluwa lang.Nang magtama ang mata namin ay natulala ako. Isa-isang bumalik sa akin ang nakaraan ko. Simula noong bata pa ako at nagsimulang bangungotin. Noong madalas akong binabangungot ay hindi ko ma-decipher ang panaginip sa reyalidad. Minsan kahit gising ako ay ang alam ko nananaginip pa rin ako. Kahit nasa eskwelahan ako ay ganun

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 36. Cecily's POV

    "W-Wala ka po bang maalala na nabanggit niya b-bago niya isagawa ang ritwal?" may kalakip na pag-asa sa tonong tanong ko."Wala siyang nasabi sa akin— teka mahilig siyang magsulat noon sa papel. Maghalughog ka sa bahay ng lolo mo kung may naitago siya na lumang gamit ng iyong abuela," suhestiyon nito."M-Maraming salamat po!"Nang pauwi na kami ay pinoproseso ko ang lahat ng nalaman ko ngayon. Parang gusto kong sumigaw at umiyak na bakit kami pa na inosente sa maling pag-iibigan nila ang nagdurusa. Bakit hindi na lamang ang lalaking nanakit sa kaniya ang pinarusahan niya?At si Leonides, simula pa lang na paslit siya ay pinahirapan siya ng kaniyang bangungot. Inagaw sa kaniya ang mamuhay ng normal. Sumaya man siya ay panandalian lamang o mas tamang sabihin na nilinlang siya ng isa pang panaginip. At pagkatapos na sumaya ay muli na naman siyang masasadlak sa isang mas malalim na kalungkutan kung saan wala na siyang chance pa na makatakas doon.I halted and wiped my face. Hindi ko napan

DMCA.com Protection Status