Home / Paranormal / Ang Lalaki Sa Salamin / Chapter 13. Cecily's POV

Share

Chapter 13. Cecily's POV

Author: Ced Emil
last update Huling Na-update: 2023-09-12 13:04:37

Tinignan ko ang aking daliri at kumurap ng ilang beses bago sinubukan na hawakan muli ang salamin. Sa pagkagulat ko ay katulad kanina na pumasok ang kamay ko 'dun. Inulit ko ito ng maraming beses at ganun pa rin. Maang na tinignan ko si Leonides na nakakunot noo sa'kin. Nagtatanong ang mata nito kung ano ang ginagawa ko.

"M-My hand just passed through the mirror! Y-You're trying to pull me!" umaatras na bulalas ko. I raised my vigilance and squinted my eyes. Para 'pag nakita ko na gagawa siya ng hakbang ay makakatakbo agad ako.

"Wala akong ginagawa-"

Bago ko pa matapos na marinig ang sinasabi nito ay parang may puwersang humila sa akin. Hintakot na sumigaw ako at naghanap ng makakapitan pero walang maabot ang mga kamay ko. Nagsisigaw ako ng tulong pero nahila pa rin ako. I close my eyes in despair as I let myself drag inside the mirror.

"You f*cking demon!" I yelled in horror.

The next second I opened my eyes, I was standing in the middle of the road. The air is humid and cold. It was
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 14. Cecily's POV

    Nang magmulat muli ako ng mata ay hindi agad ako bumangon at nakahiga lang ako. Nakatulala lang ako sa ceiling at hindi pa rin nag-sink in sa ulo ko kung nasaan ako. Pero nang marinig ko ang katok ay bumalikwas ako ng bangon at napatingin sa pinangalingan ng ingay. Nang makita ko si si Leonides sa loob ng salamin ay saka ko naalala ang mga kaganapan kagabi. Nagsalubong ang kilay ko at inilibot ang tingin ko sa silid bago bumalik sa binata.Naalala ko na nahiga ako sa kama niya 'nung nasa salamin ako pero bakit bigla ay narito na ako sa totoong mundo ko? Paano ako nakalabas habang tulog ako? Bakit 'di ko naramdaman?Iwinagayway ni Leonides ang kamay na may hawak ng cellphone. Bumaba ako ng kama at lumapit sa salamin. Sinubukan kong ipasok ang kamay ko pero nasaktan ang daliri ko dahil tumama ito sa matigas na salamin."Bakit?" puno ng kalituhang sambit ko. "Kagabi lang ay- anong nangyayari?""Hindi ko rin alam. Naengganyo ako sa paglalaro at nang lingunin kita ay wala ka na sa kama per

    Huling Na-update : 2023-09-13
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 15. Cecily's POV

    Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng lollipop at binuksan bago isinubo. Kahit napakanatural ang kilos ko ay alam kong nahihiya pa rin ako. Kung matuklasan lang nito na ang nasa isip ko ay ang ginagawa namin sa panaginip ko noon ay baka bibiruin pa niya ako. Nang tignan ko siya ay nakatingin siya sa isa pang hawak kong lollipop at may eagerness sa mata nito. It was as if he also wants to taste it."Wait till I enter your world and I'll let you taste it," saad ko.Wala akong narinig na salita mula sa kan'ya. But I shivered abruptly when I felt a cold wind swept through my earlobe. It was as if a hand had just touched it. I locked my eyes to the man in the mirror who's not doing any moves. He's just staring at me deeply.The candy in my mouth was crushed loudly. Nanerbiyos ako sa paraan ng tingin niya na parang hinuhubaran niya ako. Parang tumatagos ang tingin niya sa suot kong damit at nakikita niya ang katawan ko."You— what are you looking at?" kinakabahang asik ko sa kaniya. To mask m

    Huling Na-update : 2023-09-14
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 16. Cecily's POV

    Hindi ko tinanong kung ano ang mangyayari sa manika pagkatapos niyang itali at iligpit iyon nang bumalik siya. Ni hindi ko alam kung saan niya dinala ang kawawang manika. Nang yakagin niya ako papunta sa kuwarto niya ay agad akong tumayo at binitbit ang bag. Katulad kagabi ay naroon ang mga basag na salamin at sirang manika. Ngunit hindi na sinubukan ng mga iyon na hawakan ako. I was still afraid of it so I grabbed Leonides' hand and followed him. As we entered the room I glanced back at the hallway and was terrified to see the broken doll earlier. Maayos na uli ang katawan nito pero ang luha nitong dugo ay natuyo na sa pisngi nito.I instantly pushed myself inside the room and closed it with a bang. I also locked it and inhaled sharply. Bakit pa ba ako nakaramdam ng awa sa demonyong manika kung kaya niyang makawala sa tali at muling ayusin ang kan'yang katawan?"Ugh! Damn it! That scared me to death!" I muttered under my heavy breath. I pressed my hand through my chest, trying to cal

    Huling Na-update : 2023-09-14
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 17. Cecily's POV

    Because of embarrassment, I hid myself under the blanket and had no plans to get out. Kahit nang kalabitin niya ako upang samahan ko siyang pumili ng suaunod na panonoorin nito ay hindi ako tuminag. How could he tell me with a straight face that at the beginning of the movie my eyes were always locked on him? Kung alam lang kung paano makakalabas dito ay baka tumakbo na ako paalis dito. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos niyang ipamukha sa’kin na ito ang pinapanood ko at hindi ang palabas.Naririnig ko man ang ingay ng pinapanood niya ay hindi pa rin ako kumilos para alisin ang kumot. Hindi ko tuloy namalayan na dahil sa puwesto ko ay nakatulog na naman ako. Sa muli kong pagmullat ng mata ay labis ang panghihinayang ko nang sa kama sa mansyon ng Nuevas ako nakahiga. Gusto ko sanang alamin kung paano ako makakalabas dito pero ito at nakatulugan ko na naman.Ang naaalala ko kagabi ay hating gabi na ‘nung makapasok ako sa loob ng salamin. Ibig-sabihin ay sa ganung

    Huling Na-update : 2023-09-15
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 18. Cecily's POV

    Tahimik lamang na nakamasid ako kay Leon. Nasa harapan ako ng salamin habang ang binata ay nanonood sa laptop. Katulad kagabi ay patago na naman akong umalis nang tulog na si Tiya at Nana. Kung umaayon ba ang pagkakataon sa'kin dahil maagang natulog ang dalawa. Naiinip na nga ako kakahintay na gumabi na para pumunta ako rito.Hindi man ako kinakausap ng binata dahil nakatutok ang atensiyon niya sa pinapanood ay okay lang sa'kin. Kase sa totoo lang ay mas gusto ko siyang panoorin na tumawa at sumimangot 'pag may napanood itong hindi nito gusto sa palabas. Nasa magkabilang mundo man kaming dalawa sa oras na 'to ay animo magkasama pa rin kami. Isa pa ay 'pag sumapit na ang hating gabi, mapupuntahan ko na siya.Dapat ay matamlay ako ngayon dahil sa naging pag-uusap namin ni Mama ngunit pagkatapos kong masilayan ang binata pagpunta ko rito ay biglang sumigla ako. Parang nabura ang mga hinanakit na nasa puso ko dahil sa ngiti niya. Kung noon ay halos tumakbo na ako para magtago dahil sa tako

    Huling Na-update : 2023-09-15
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 19. Cecily's POV

    All the cells in my body are screaming of pain when I regain my consciousness. Nagsimula kong alalahanin ang nangyari sa'kin kagabi at napadaing ako. Kung may laban lamang ako ay sinunog ko na ang manika. It kept on scaring me since I entered the mirror. Hindi lang 'yon, pati sa bangungot ko ay siya ang palaging humahabol sa'kin. At ngayon nga ay ito na ang pinaka worst dahil nasaktan na ako ng pisikal. Nang hawakan ko ang ulo ko ay may benda sa aking noo at kumikirot pa. Ibinaba ko na ang aking kamay at huminga ng malalim.Napangiwi ako at sinubukan na bumangon nang may mga kamay na agad umalalay sa'kin. Pagtingin ko sa may-ari 'nun ay ang seryosong mukha ni Leon ang nakita ko. Mariing nakalapat ang labi nito na parang hindi maganda ang mood nito. Kumibot ang aking labi."Why did you get out last night?" hindi tumitingin sa'kin na tanong niya nang makaupo ako at makasandal sa headboard.Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya nanatiling tikom ang aking bibig. Nagbaba ako ng tingin

    Huling Na-update : 2023-09-15
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 20. Cecily's POV

    "My name is Leonides... Nuevas."Hindi nga ako nagkamali. Siya iyong binatilyo sa larawan na nakita ko sa album. Kahit kumupas iyon nahulaan kong isa siya sa pamilyang Nuevas na nagmamay-ari ng mansyon. Hindi ko naman ito naisip 'nung una pero nang makita ko ang mga tanawin na pininta niya ay nagkaroon ako ng sapantaha kung ano ang totoong identity ng binata.Pero sa tingin ko ay nakalimutan nito kung sino siya noong nabubuhay pa siya. Nakita ko kasi ang pagkalito na dumaan sa mukha niya."I knew it!"Ngumiti siya pero puno ng uncertainty ang mata niya. Parang hindi pa rin sigurado kung iyon nga ang apelyido niya. Napahawak pa kasi ito sa sentido at biglang nagsalubong ang kilay. Tapos ilang minuto lang muli itong napatango-tango."Yeah, that's my real name. Leonides Nuevas," Tinignan niya ako kaya nabura agad ang simpatya sa mukha ko at napalitan ng ngiti. "I'm so old that I forgot everything, even my name."Bigla akong natawa at pinasadahan siya ng tingin. Kahit saang anggulo tignan

    Huling Na-update : 2023-09-15
  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 21. Cecily's POV

    It was like the world inside the mirror bloomed dramatically after our first time together. Biglang nagkaroon ng buhay ang buong paligid ng mansyon. Pagkagising ko kasi kinaumagahan ay nagulat ako nang makita ang lively atmosphere ng mansyon. May naamoy pa ako na bango ng bulaklak kaya sinundan ko ang pinanggalingan 'nun. Animo itinulos ako sa kinatatayuan ko pagkakita sa hardin. Ang mga bulaklak na nakikita ko ay puro rosas at namumukadkad pa. The conspicuous things I instantly saw were the thorns and petals of the rose. The petals were crimson red like blood and the thorns were not the normal thorns of a rose.It was so fragrant that I seemed to be enchanted by it. Lumapit ako 'run at hinaplos ang bulaklak pero napapiksi ako nang matusok ako sa tinik. Isinubo ko ang aking daliri na hindi inaalis ang tingin ko sa bulaklak. Napakaganda kasing tignan ang kulay ng bulaklak.“What the hell is happening?” nalilitong usisa ni Leon na lumabas 'din galing sa loob. Iniwan ko kasi siya natutul

    Huling Na-update : 2023-09-16

Pinakabagong kabanata

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Extra 2. Cecily's POV - Wakas

    We had a solemn expression on our face as we stood in front of our grandparents' tombstone. Magkatabi nga talaga ang dalawang libingan at may litratong nakalagay sa lapida nila. Sa paglipas ng panahon ay luma na ang mga larawan pero mabibistahan pa rin ang wangis nila. Saka ko natanto na halos magkamukha sina Don Isagani at Leonides. Mas mestiso lamang ang Don at mas obvious ang pagiging lahing kastila nito.Kami lamang na dalawa ni Leonides ang pumarito. At tahimik na nagsindi ng kandila. Habang nakatitig ako sa libingan ni Lola Amalia ay naalala ko ang sinabi ni Papa.'Ang ritwal na ginawa ni Tita Amalia ay sagrado at bawal. She used her blood and soul so she can't redeem herself. Her soul scattered and she has no chance to be born again. I feel pity for her. Kung sana ay kinompronta at kinausap niya si Don Isagani at ang kaibigan niyang si Senya, siguro ay hindi siya nabalot ng matinding pagkapoot. Hindi sana umabot iyon sa ganito. Huwag mong tularan ang mali na nagawa niya, Cecily

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Extra 1. Cecily's POV

    Pagsapit ng sabado ay sumama ang magulang ko at si Nana pabalik sa probinsya. Ayon kay Papa, pagkalipas ng maraming taon ay magagawa na rin daw niyang bumalik sa lugar kung saan siya isinilang. Nang pumanaw kasi si Lolo noon ay bumalik agad kami pagkatapos ng burol. Iyon pala ay may tinatakbuhan si Papa. Pero ngayon na tapos na ang sumpa ay nawala na raw ang malaking bato na nakadagan sa dibdib niya ng maraming taon.Sa mansyon ng Nuevas kami dumeretso at hindi sa bahay ni Lolo. Naghihintay na ang pamilya ni Leonides sa harap ng mansyon nang makarating kami roon. Kinakain ako ng hiya nang mamataan ko sila pagpasok ng sasakyan sa bakuran. Ni hindi ko namalayan na kinukurot ko na pala ang binti ni Leonides. Hindi naman siya nagrereklamo pero hinuli niya ang kamay ko at marahang pinisil.Bakas sa mukha ko ang kaba nang tumingin ako sa kaniya kaya ngumiti siya at masuyong hinaplos ang pisngi ko."Are you nervous?"Tumango ako at sumilip sa bintana. "I'm afraid they won't like me and will

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 42. Cecily's POV

    Si Nana na galing sa kusina ay narinig ang lahat ng kuwento ni Leonides kaya nang lumapit siya sa amin ay panay ang paglaglag ng luha sa kaniyang mata. Kaya naman muli siyang niyakap ng huli at sinabing okay na ang lahat. Na bumalik na siya at hindi na biglang maglalaho muli. Hindi ko na ring napigilan ang aking sarili at yumakap sa kanila.Ang sabi ni Leonides ay nagpaalam ito sa pamilya na hahanapin niya ako rito kaya sa isang hotel muna ito nakatira. Pero nang marinig ko iyon ay agad na nagpahatid kami sa driver sa hotel para mag-check out at kunin ang mga gamit niya at dito na lang siya rito sa bahay. Nakiusap ako na hanggang sa sabado muna siya rito bago ko siya sasamahan na umuwi sa probinsya at makilala ko na rin ang kaniyang pamilya.Naikuwento na rin daw niya ang mga nangyari sa kaniya sa nakalipas na taon at binanggit niya ako sa kanila. They want to meet me at magpasalamat na rin daw na napalaya ko siya.Pagkatapos naming makuha ang bagahe niya ay bumalik kami sa bahay. Naa

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 41. Cecily's POV

    Ang mga naipon na lungkot at pagka-miss ko sa binata ay sabay na bumuhos at inignora ko ang mga tao sa paligid namin. Ni hindi ko tinawag ang pangalan niya at tumakbo ako sabay patalon na sumakay sa kaniyang likod. Nagulat man si Leonides ay napahawak naman sa aking binti at maingat na inalalayan ako upang bumaba sa kaniyang likod.Dahan-dahan siyang humarap at nang magtama ang mata namin ay umiiyak na tumawa ako sabay yakap ng mahigpit sa kaniya. Parang lumiwanag ang buong paligid ko na isang buwan na walang kalatoy-latoy. Bawat himaymay ng aking katawan ay nagsusumigaw ng kaligayahan ngayong muli kong nasilayan ang mukha niya. Hindi ko man maipaliwanag kung bakit bigla siyang sumulpot dito ay gusto ko pa ring magdiwang.May mga bulungan akong narinig kaya agad akong humiwalay sa kaniya at hinila siya paalis. Pumara ako ng taxi at sumakay kami. Ni hindi ko pinansin ang natatarantang tawag ni Tyra sa akin.Nang tumatakbo na ang sinakyan namin ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 40. Cecily's POV

    Kulang ang salitang sakit upang ilarawan ang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa basag na salamin. Nanginginig ang buong katawan ko at gulong-gulo ang utak ko. Gusto kong magsisigaw at magwala pero parang may bikig sa aking lalamunan at walang tinig na lumalabas. Animo tumigil na sa pag-inog ang mundo ko.Akala ko ay may kaunting oras pa kami na magkasama pero hindi ko inaasahan na agad na mapuputol ang sumpa 'pag binigay ko na ang sarili ko sa kaniya.I feel so weak and empty. And my heart was numb. Everything was like a dream just like in the past. Ngunit alam ko na lahat ng 'to ay reyalidad at hindi bangungot lang. Ang kinakatakot ko na mawala si Leonides ay nangyari na.Lumuhod ako at hindi alintana kung matusok man ako sa maliliit na basag ng salamin. Unti-unting nagkakaroon ng ingay ang aking pag-iyak hanggang sa humahagulgol na ako. Kipkip ko ang aking dibdib na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng binata. At mas lalo lang nanikip ang puso ko ng wala akong narinig na t

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 39. Cecily's POV

    Napamulagat ako at biglang uminit ang aking pisngi. Lahat ng eksenang nangyari sa amin sa salamin ay nag-play sa utak ko at parang gusto kong matunaw sa hiya. Napasulyap pa ako kay Leonides na nasa salamin at nakamasid sa nangyayari rito.Nagkatinginan kaming dalawa at parang nagkahiyaan kami na mabilis ding nagbawi.Napatingin muli ako kay Darlin na hinaharangan si Amalia sa tuwing gusto niya akong sugurin. Para silang nagpapatentiro na dalawa."Gusto ko na ring magpahinga at makalaya sa sumpang 'to kaya gusto kitang tulungan, Cecily. Ilang taon na akong nagdurusa at pagod na akong makipaghabulan at makipagtaguan kay Amalia. Tutulungan kitang makapasok muli sa salamin —""P-Pero may nangyari na sa aming dalawa!" bulalas ko."Iyon ba ang aktwal mong katawan? Hindi ba at kaluluwa ka lamang nang makulong ka rin sa loob? Kaya ang naging kinalabasan ay nabuhay ang paboritong bulaklak ni Amalia na rosas at nagkaroon din ng buhay ang mundo sa salamin pero hindi naputol ang sumpa," paliwanag

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 38. Cecily's POV

    Nag-aatubli akong kumatok sa pinto. Papagabi pa lamang ay lumarga na ako papunta rito sa mansyon. Nagdisisyon ako noong isang gabi na kausapin si Leonides bago ko ipagpapatuloy ang paghahanap ng mga lumang gamit ni Lolo kung may naitabi siyang diary ng kaniyang kapatid. Ngunit nang nasa harap na ako ng pinto ay parang gusto ko nang umatras.Animo may mga kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib ko. Makakaya ko bang sabihin sa binata na Lola ko si Amalia? At paano ako magsisimula na ipagtapat sa kaniya ang natuklasan ko?Malalim akong napahinga at nagyuko ng ulo. Nilalakasan ko ang aking loob bago ako kumatok. Subalit napaiktad ako at napaatras nang biglang bumukas ang pinto. Parang gusto kong kumaripas ng takbo para takasan ang napupuntong pagkikita namin pero pinigilan ko ang aking sarili.My knees trembled when I was about to enter. I can't face him right now!'No, you have to talk to him!' a small voice in my head urged me. I shook my head vigorously.I'm afraid! Kung makikita ko sa

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 37. Leonides' POV

    Nakatayo ako sa harap ng salamin at nakatingin sa kabilang mundo. Hinihintay ko na dumating si Cecily ngunit gumabi na ay hindi siya sumulpot. Walang ekspresyon ang mukha ko pero sa kalooban ko ay nasasaktan ako. Excited pa naman ako na sabihin sa kaniya na biglang bumalik ang nakaraan ko.Kaninang umaga na pagkaalis niya ay narinig ko na naman ang hagikgik ni Amalia. Kahit alam ko na sasaktan na naman niya ako ay binuksan ko pa rin ang pinto. Hindi nito inaasahan na lalabas ako kaya hindi niya naitago ang kaniyang mukha. Animo naitulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang wangis niya. Parang si Cecily ang nasa harap ko kung hindi lang siya isang kaluluwa lang.Nang magtama ang mata namin ay natulala ako. Isa-isang bumalik sa akin ang nakaraan ko. Simula noong bata pa ako at nagsimulang bangungotin. Noong madalas akong binabangungot ay hindi ko ma-decipher ang panaginip sa reyalidad. Minsan kahit gising ako ay ang alam ko nananaginip pa rin ako. Kahit nasa eskwelahan ako ay ganun

  • Ang Lalaki Sa Salamin   Kabanata 36. Cecily's POV

    "W-Wala ka po bang maalala na nabanggit niya b-bago niya isagawa ang ritwal?" may kalakip na pag-asa sa tonong tanong ko."Wala siyang nasabi sa akin— teka mahilig siyang magsulat noon sa papel. Maghalughog ka sa bahay ng lolo mo kung may naitago siya na lumang gamit ng iyong abuela," suhestiyon nito."M-Maraming salamat po!"Nang pauwi na kami ay pinoproseso ko ang lahat ng nalaman ko ngayon. Parang gusto kong sumigaw at umiyak na bakit kami pa na inosente sa maling pag-iibigan nila ang nagdurusa. Bakit hindi na lamang ang lalaking nanakit sa kaniya ang pinarusahan niya?At si Leonides, simula pa lang na paslit siya ay pinahirapan siya ng kaniyang bangungot. Inagaw sa kaniya ang mamuhay ng normal. Sumaya man siya ay panandalian lamang o mas tamang sabihin na nilinlang siya ng isa pang panaginip. At pagkatapos na sumaya ay muli na naman siyang masasadlak sa isang mas malalim na kalungkutan kung saan wala na siyang chance pa na makatakas doon.I halted and wiped my face. Hindi ko napan

DMCA.com Protection Status