Tahimik lamang na nakamasid ako kay Leon. Nasa harapan ako ng salamin habang ang binata ay nanonood sa laptop. Katulad kagabi ay patago na naman akong umalis nang tulog na si Tiya at Nana. Kung umaayon ba ang pagkakataon sa'kin dahil maagang natulog ang dalawa. Naiinip na nga ako kakahintay na gumabi na para pumunta ako rito.Hindi man ako kinakausap ng binata dahil nakatutok ang atensiyon niya sa pinapanood ay okay lang sa'kin. Kase sa totoo lang ay mas gusto ko siyang panoorin na tumawa at sumimangot 'pag may napanood itong hindi nito gusto sa palabas. Nasa magkabilang mundo man kaming dalawa sa oras na 'to ay animo magkasama pa rin kami. Isa pa ay 'pag sumapit na ang hating gabi, mapupuntahan ko na siya.Dapat ay matamlay ako ngayon dahil sa naging pag-uusap namin ni Mama ngunit pagkatapos kong masilayan ang binata pagpunta ko rito ay biglang sumigla ako. Parang nabura ang mga hinanakit na nasa puso ko dahil sa ngiti niya. Kung noon ay halos tumakbo na ako para magtago dahil sa tako
All the cells in my body are screaming of pain when I regain my consciousness. Nagsimula kong alalahanin ang nangyari sa'kin kagabi at napadaing ako. Kung may laban lamang ako ay sinunog ko na ang manika. It kept on scaring me since I entered the mirror. Hindi lang 'yon, pati sa bangungot ko ay siya ang palaging humahabol sa'kin. At ngayon nga ay ito na ang pinaka worst dahil nasaktan na ako ng pisikal. Nang hawakan ko ang ulo ko ay may benda sa aking noo at kumikirot pa. Ibinaba ko na ang aking kamay at huminga ng malalim.Napangiwi ako at sinubukan na bumangon nang may mga kamay na agad umalalay sa'kin. Pagtingin ko sa may-ari 'nun ay ang seryosong mukha ni Leon ang nakita ko. Mariing nakalapat ang labi nito na parang hindi maganda ang mood nito. Kumibot ang aking labi."Why did you get out last night?" hindi tumitingin sa'kin na tanong niya nang makaupo ako at makasandal sa headboard.Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya nanatiling tikom ang aking bibig. Nagbaba ako ng tingin
"My name is Leonides... Nuevas."Hindi nga ako nagkamali. Siya iyong binatilyo sa larawan na nakita ko sa album. Kahit kumupas iyon nahulaan kong isa siya sa pamilyang Nuevas na nagmamay-ari ng mansyon. Hindi ko naman ito naisip 'nung una pero nang makita ko ang mga tanawin na pininta niya ay nagkaroon ako ng sapantaha kung ano ang totoong identity ng binata.Pero sa tingin ko ay nakalimutan nito kung sino siya noong nabubuhay pa siya. Nakita ko kasi ang pagkalito na dumaan sa mukha niya."I knew it!"Ngumiti siya pero puno ng uncertainty ang mata niya. Parang hindi pa rin sigurado kung iyon nga ang apelyido niya. Napahawak pa kasi ito sa sentido at biglang nagsalubong ang kilay. Tapos ilang minuto lang muli itong napatango-tango."Yeah, that's my real name. Leonides Nuevas," Tinignan niya ako kaya nabura agad ang simpatya sa mukha ko at napalitan ng ngiti. "I'm so old that I forgot everything, even my name."Bigla akong natawa at pinasadahan siya ng tingin. Kahit saang anggulo tignan
It was like the world inside the mirror bloomed dramatically after our first time together. Biglang nagkaroon ng buhay ang buong paligid ng mansyon. Pagkagising ko kasi kinaumagahan ay nagulat ako nang makita ang lively atmosphere ng mansyon. May naamoy pa ako na bango ng bulaklak kaya sinundan ko ang pinanggalingan 'nun. Animo itinulos ako sa kinatatayuan ko pagkakita sa hardin. Ang mga bulaklak na nakikita ko ay puro rosas at namumukadkad pa. The conspicuous things I instantly saw were the thorns and petals of the rose. The petals were crimson red like blood and the thorns were not the normal thorns of a rose.It was so fragrant that I seemed to be enchanted by it. Lumapit ako 'run at hinaplos ang bulaklak pero napapiksi ako nang matusok ako sa tinik. Isinubo ko ang aking daliri na hindi inaalis ang tingin ko sa bulaklak. Napakaganda kasing tignan ang kulay ng bulaklak.“What the hell is happening?” nalilitong usisa ni Leon na lumabas 'din galing sa loob. Iniwan ko kasi siya natutul
Katatapos ko lang nag-shower at ang suot ko ay ang oversized na shirt ni Leon. Wala akong pamalit kaya ito ang binigay niya sa akin kanina. Simula nang makita ko ang labas ng mansyon kanina ay down na down ang pakiramdam ko. Leon tried to coax me and did everything he could but it was futile. Hindi pa rin ako mapangiti ng binata. Inalok pa niya ako na maging model niya pero tinanggihan ko. Nagkulong lang ako ng kuwarto at tulalang nakahiga lamang sa kama.Nang sumapit ang lunch ay hindi ako kimain pati ang dinner ay hindi na sana ako kakain pero dinala na mismo ni Leon ang pagkain dito. Kahit matamlay ang lasa ko sa pagkain ay kumain ako dahil bakas sa mukha niya ang pag-aalala.Niyuko ko ang lantad na hita ko bago sinulyapan si Leon na may kinakalkal sa cabinet. Habang nakatingin ako sa likod niya ay may umilaw na kapilyahan sa utak ko. Naupo ako sa edge ng kama at sinadyang bumukaka ng kunti. Bahagya pa akong yumuko at kunwa ay hinahaplos ang aking tuhod.Kaya naman ng lumingon siya
I watch Cecily who is fast asleep beside me. I have a subtle expression while thinking of the past days. Deep within me I feel sorry for her. Palagi kong sinasabi sa panaginip niya na dadalhin ko siya sa mundo ko pero hindi sa ganitong paraan. Para sa'kin ay sapat na nakakasama ko siya sa tuwing sumasapit ang hating gabi. Hindi ako naghahangad ng mas malalim pa 'run. Pero pagkatapos niyang makulong at 'di makalabas ay may umusbong na kakaibang emosyon sa puso ko. Hindi ko maiwasang maging selfish at greedy na sana ay habang buhay na siya sa tabi ko. I want her to be trapped here and accompany me.In this lonely world where I spend my whole eighteen years as a ghost, trapped and have no possible means to escape was a torture. Para sa'kin ay impyerno ang lugar na 'to. Ni wala akong ideya kung paano ako nandito. Hindi ako nagsinungaling kay Cecily nang sabihin ko na hindi ko alam kung paanong nakulong ako rito. Basta't pagbukas ko ng mata ko isang umaga ay nakatayo na ako sa gitna ng wal
"I can hear the sound of water!" bulalas ko at tuwang-tuwa na hinila ko ang kamay ni Leon para tahakin ang daan na naalala ko sa aking panaginip. Hindi ako nadismaya ngayong umaga dahil paggising namin ay hindi ako nag-delay ng isang minuto at inaya agad siyang lumabas.Natatawa na lang siyang nagpahila sa'kin at lumabas kami pagkatapos naming magpalit ng damit at kumain ng agahan.Nang marinig ko na malapit na ang ingay ng tubig ay halos tumakbo na ako. Muntik pa akong matisod sa nakausling bato at kung hindi ako nahila ni Leon ay baka nangudngod na ako sa lupa. Humagikgik lang ako at nagpatuloy sa pagtakbo."Be careful," bigkas nito pero inignora ko lang siya hanggang sa makarating kami sa may gilid ng tubig.Kumislap ang mata ko nang makita ang malinaw na tubig ng ilog. Inilibot ko pa ang mata ko sa paligid at hindi nga ako nagkamali dahil maraming wild berries dito.Ang lawak ng ngiting hinarap ko si Leon. "See! Hindi ako nagsinungaling na may ilog dito. Ang ganda pa ng paligid."
Nakapamaywang ako sa harapan ng lumang baul na nakita ko sa storage room sa likod ng mansyon. Kanina ko pa pinipilit na buksan iyon pero kinalawang na ang padlock at mahirap na buksan. Iniwan ko si Leon sa basement na nagpipinta at nagpaalam ako na matutulog pero ang totoo ay gusto ko talagang magkalkal. Nagbabasakaling makahanap ako ng puwedeng makasagot sa mga tanong ko.At dito nga sa isang lumang storage room ako napadpad. Mga lumang cabinet at box ang nakita ko. Mga dalawang oras akong nagkalkal saka ko lang nakita itong baul sa may pinakailalim ng mga boxes. Ngunit ginawa ko na lahat ay 'di ko mabuksan ang baul. Tagaktak na nga ang pawis ko at basang-basa na ang suot kong damit.Nag-skwat muli ako. I fiddle the lock and tried to open it again using a wire. Nagsalubong ang kilay ko at mahinang napamura nang matusok ang daliri ko sa wire. Frustrated na ibinato ko ito at matalim na tinignan ang baul."Hindi mabubuksan 'yan kung tititigan mo lang," sarkastikong wika ng manika na nak
We had a solemn expression on our face as we stood in front of our grandparents' tombstone. Magkatabi nga talaga ang dalawang libingan at may litratong nakalagay sa lapida nila. Sa paglipas ng panahon ay luma na ang mga larawan pero mabibistahan pa rin ang wangis nila. Saka ko natanto na halos magkamukha sina Don Isagani at Leonides. Mas mestiso lamang ang Don at mas obvious ang pagiging lahing kastila nito.Kami lamang na dalawa ni Leonides ang pumarito. At tahimik na nagsindi ng kandila. Habang nakatitig ako sa libingan ni Lola Amalia ay naalala ko ang sinabi ni Papa.'Ang ritwal na ginawa ni Tita Amalia ay sagrado at bawal. She used her blood and soul so she can't redeem herself. Her soul scattered and she has no chance to be born again. I feel pity for her. Kung sana ay kinompronta at kinausap niya si Don Isagani at ang kaibigan niyang si Senya, siguro ay hindi siya nabalot ng matinding pagkapoot. Hindi sana umabot iyon sa ganito. Huwag mong tularan ang mali na nagawa niya, Cecily
Pagsapit ng sabado ay sumama ang magulang ko at si Nana pabalik sa probinsya. Ayon kay Papa, pagkalipas ng maraming taon ay magagawa na rin daw niyang bumalik sa lugar kung saan siya isinilang. Nang pumanaw kasi si Lolo noon ay bumalik agad kami pagkatapos ng burol. Iyon pala ay may tinatakbuhan si Papa. Pero ngayon na tapos na ang sumpa ay nawala na raw ang malaking bato na nakadagan sa dibdib niya ng maraming taon.Sa mansyon ng Nuevas kami dumeretso at hindi sa bahay ni Lolo. Naghihintay na ang pamilya ni Leonides sa harap ng mansyon nang makarating kami roon. Kinakain ako ng hiya nang mamataan ko sila pagpasok ng sasakyan sa bakuran. Ni hindi ko namalayan na kinukurot ko na pala ang binti ni Leonides. Hindi naman siya nagrereklamo pero hinuli niya ang kamay ko at marahang pinisil.Bakas sa mukha ko ang kaba nang tumingin ako sa kaniya kaya ngumiti siya at masuyong hinaplos ang pisngi ko."Are you nervous?"Tumango ako at sumilip sa bintana. "I'm afraid they won't like me and will
Si Nana na galing sa kusina ay narinig ang lahat ng kuwento ni Leonides kaya nang lumapit siya sa amin ay panay ang paglaglag ng luha sa kaniyang mata. Kaya naman muli siyang niyakap ng huli at sinabing okay na ang lahat. Na bumalik na siya at hindi na biglang maglalaho muli. Hindi ko na ring napigilan ang aking sarili at yumakap sa kanila.Ang sabi ni Leonides ay nagpaalam ito sa pamilya na hahanapin niya ako rito kaya sa isang hotel muna ito nakatira. Pero nang marinig ko iyon ay agad na nagpahatid kami sa driver sa hotel para mag-check out at kunin ang mga gamit niya at dito na lang siya rito sa bahay. Nakiusap ako na hanggang sa sabado muna siya rito bago ko siya sasamahan na umuwi sa probinsya at makilala ko na rin ang kaniyang pamilya.Naikuwento na rin daw niya ang mga nangyari sa kaniya sa nakalipas na taon at binanggit niya ako sa kanila. They want to meet me at magpasalamat na rin daw na napalaya ko siya.Pagkatapos naming makuha ang bagahe niya ay bumalik kami sa bahay. Naa
Ang mga naipon na lungkot at pagka-miss ko sa binata ay sabay na bumuhos at inignora ko ang mga tao sa paligid namin. Ni hindi ko tinawag ang pangalan niya at tumakbo ako sabay patalon na sumakay sa kaniyang likod. Nagulat man si Leonides ay napahawak naman sa aking binti at maingat na inalalayan ako upang bumaba sa kaniyang likod.Dahan-dahan siyang humarap at nang magtama ang mata namin ay umiiyak na tumawa ako sabay yakap ng mahigpit sa kaniya. Parang lumiwanag ang buong paligid ko na isang buwan na walang kalatoy-latoy. Bawat himaymay ng aking katawan ay nagsusumigaw ng kaligayahan ngayong muli kong nasilayan ang mukha niya. Hindi ko man maipaliwanag kung bakit bigla siyang sumulpot dito ay gusto ko pa ring magdiwang.May mga bulungan akong narinig kaya agad akong humiwalay sa kaniya at hinila siya paalis. Pumara ako ng taxi at sumakay kami. Ni hindi ko pinansin ang natatarantang tawag ni Tyra sa akin.Nang tumatakbo na ang sinakyan namin ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko
Kulang ang salitang sakit upang ilarawan ang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa basag na salamin. Nanginginig ang buong katawan ko at gulong-gulo ang utak ko. Gusto kong magsisigaw at magwala pero parang may bikig sa aking lalamunan at walang tinig na lumalabas. Animo tumigil na sa pag-inog ang mundo ko.Akala ko ay may kaunting oras pa kami na magkasama pero hindi ko inaasahan na agad na mapuputol ang sumpa 'pag binigay ko na ang sarili ko sa kaniya.I feel so weak and empty. And my heart was numb. Everything was like a dream just like in the past. Ngunit alam ko na lahat ng 'to ay reyalidad at hindi bangungot lang. Ang kinakatakot ko na mawala si Leonides ay nangyari na.Lumuhod ako at hindi alintana kung matusok man ako sa maliliit na basag ng salamin. Unti-unting nagkakaroon ng ingay ang aking pag-iyak hanggang sa humahagulgol na ako. Kipkip ko ang aking dibdib na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng binata. At mas lalo lang nanikip ang puso ko ng wala akong narinig na t
Napamulagat ako at biglang uminit ang aking pisngi. Lahat ng eksenang nangyari sa amin sa salamin ay nag-play sa utak ko at parang gusto kong matunaw sa hiya. Napasulyap pa ako kay Leonides na nasa salamin at nakamasid sa nangyayari rito.Nagkatinginan kaming dalawa at parang nagkahiyaan kami na mabilis ding nagbawi.Napatingin muli ako kay Darlin na hinaharangan si Amalia sa tuwing gusto niya akong sugurin. Para silang nagpapatentiro na dalawa."Gusto ko na ring magpahinga at makalaya sa sumpang 'to kaya gusto kitang tulungan, Cecily. Ilang taon na akong nagdurusa at pagod na akong makipaghabulan at makipagtaguan kay Amalia. Tutulungan kitang makapasok muli sa salamin —""P-Pero may nangyari na sa aming dalawa!" bulalas ko."Iyon ba ang aktwal mong katawan? Hindi ba at kaluluwa ka lamang nang makulong ka rin sa loob? Kaya ang naging kinalabasan ay nabuhay ang paboritong bulaklak ni Amalia na rosas at nagkaroon din ng buhay ang mundo sa salamin pero hindi naputol ang sumpa," paliwanag
Nag-aatubli akong kumatok sa pinto. Papagabi pa lamang ay lumarga na ako papunta rito sa mansyon. Nagdisisyon ako noong isang gabi na kausapin si Leonides bago ko ipagpapatuloy ang paghahanap ng mga lumang gamit ni Lolo kung may naitabi siyang diary ng kaniyang kapatid. Ngunit nang nasa harap na ako ng pinto ay parang gusto ko nang umatras.Animo may mga kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib ko. Makakaya ko bang sabihin sa binata na Lola ko si Amalia? At paano ako magsisimula na ipagtapat sa kaniya ang natuklasan ko?Malalim akong napahinga at nagyuko ng ulo. Nilalakasan ko ang aking loob bago ako kumatok. Subalit napaiktad ako at napaatras nang biglang bumukas ang pinto. Parang gusto kong kumaripas ng takbo para takasan ang napupuntong pagkikita namin pero pinigilan ko ang aking sarili.My knees trembled when I was about to enter. I can't face him right now!'No, you have to talk to him!' a small voice in my head urged me. I shook my head vigorously.I'm afraid! Kung makikita ko sa
Nakatayo ako sa harap ng salamin at nakatingin sa kabilang mundo. Hinihintay ko na dumating si Cecily ngunit gumabi na ay hindi siya sumulpot. Walang ekspresyon ang mukha ko pero sa kalooban ko ay nasasaktan ako. Excited pa naman ako na sabihin sa kaniya na biglang bumalik ang nakaraan ko.Kaninang umaga na pagkaalis niya ay narinig ko na naman ang hagikgik ni Amalia. Kahit alam ko na sasaktan na naman niya ako ay binuksan ko pa rin ang pinto. Hindi nito inaasahan na lalabas ako kaya hindi niya naitago ang kaniyang mukha. Animo naitulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang wangis niya. Parang si Cecily ang nasa harap ko kung hindi lang siya isang kaluluwa lang.Nang magtama ang mata namin ay natulala ako. Isa-isang bumalik sa akin ang nakaraan ko. Simula noong bata pa ako at nagsimulang bangungotin. Noong madalas akong binabangungot ay hindi ko ma-decipher ang panaginip sa reyalidad. Minsan kahit gising ako ay ang alam ko nananaginip pa rin ako. Kahit nasa eskwelahan ako ay ganun
"W-Wala ka po bang maalala na nabanggit niya b-bago niya isagawa ang ritwal?" may kalakip na pag-asa sa tonong tanong ko."Wala siyang nasabi sa akin— teka mahilig siyang magsulat noon sa papel. Maghalughog ka sa bahay ng lolo mo kung may naitago siya na lumang gamit ng iyong abuela," suhestiyon nito."M-Maraming salamat po!"Nang pauwi na kami ay pinoproseso ko ang lahat ng nalaman ko ngayon. Parang gusto kong sumigaw at umiyak na bakit kami pa na inosente sa maling pag-iibigan nila ang nagdurusa. Bakit hindi na lamang ang lalaking nanakit sa kaniya ang pinarusahan niya?At si Leonides, simula pa lang na paslit siya ay pinahirapan siya ng kaniyang bangungot. Inagaw sa kaniya ang mamuhay ng normal. Sumaya man siya ay panandalian lamang o mas tamang sabihin na nilinlang siya ng isa pang panaginip. At pagkatapos na sumaya ay muli na naman siyang masasadlak sa isang mas malalim na kalungkutan kung saan wala na siyang chance pa na makatakas doon.I halted and wiped my face. Hindi ko napan