Matamang nakatitig pa rin ako sa lumang litrato habang nakahiga sa kama. Sa dami ng katanungan na dere-deretsong naglalaro sa utak ko ay hindi ko alam kung saan ako pupulot ng sagot sa mga ito. I even doubted my eyes if I'm just seeing myself in it. Isa pa sa katanungan na pinagtataka ko ay kung bakit paulit-ulit na binabanggit ng manikang 'yon na kailangan kong ma-realize ang isang bagay. Pero kahit anong pagkalikot ko sa aking utak ay clueless pa rin ako kung ano ang tinutukoy niya.Humugot ako ng malalim na hininga at inilapag ang litrato sa bedside table. Tumingin ako sa kawalan at muling inalala ang gabing naaksidente ako hanggang sa unang gabi namin ni Leon. At kinabukasan ay may mga bulaklak na sa hardin. Isa pa ito na nagbigay ng puzzlement sa akin. Kung ang pagkakakulong ko rito ay dahil sa dugo ko noong gabing 'yon, paano naman ang rosas na biglang nabuhay?Nagsalubong ang aking kilay at frustrated na napasabunot sa buhok ko. Bakit blangko ang utak ko at hindi ako makapag-is
"Can you carry me? My feet is short and I can't keep up with your pace. Can you at least help this venerable me?" nagrereklamong tawag ng manika na halos isang metro ang layo sa amin. Tumakbo man ito ay hindi pa rin niya kami maabutan. At sa totoo lang naiirita na ako dahil ilang beses itong humirit na magpahinga kami kahit sandali lang. Nasayang tuloy ang isang oras na sana ay nakarating na kami sa ilog kanina pa. Feeling ko ay sinasadya niya ito to delay us from going to the river.A low mocking laughter came out from my lips. "You just effortlessly kicked that lock open but you can't even run after us? Why don't you dismember yourself and roll around like a ball until we reach the river.""You're always provoking her, Cecily," saway sa'kin ni Leon bago nilinga ang manika na masama na ang tingin sa akin. "Malapit na tayo."Umatungal ito na halos mabingi na ako. Tinakpan ko ang taynga ko at pinaikot ang aking mata. Nang hindi ito tumigil sa pagngawa ay malalaki ang hakbang na binalik
Pagkabalik na pagkabalik namin ng mansyon ay parang may pakpak na tumakbo si Amalia at bago ko pa siya mahabol ay nawala na siya sa aking paningin. Umuusok ang aking ilong sa inis na nakamata ako sa kung saan ito tumakbo. Hindi ko man lang kasi napaghandaan ang biglang pagpalag nito kaya wala sa loob na nabitawan ko ang pekeng buhok niya dahilan para matakbuhan niya ako.Ilang segundo ang nagdaan ay nakangusong nilinga ko si Leon na tahimik lang sa tabi ko. Aggrieved, I stomped my feet and said, "kahit ilang taon na siyang nabuhay bilang manika ay na-retain pa rin niya ang ugali ng isang tao. Why didn't she even get dumb as the years passes by?"Mahinang natawa ang binata at pinisil ang aking pisngi bago ako hinalikan sa labi ko. "Do you want me to seize her?" malambing na tanong niya.Nagningning ang aking mata at kumapit sa kaniyang braso. Paulit-ulit pa akong tumango. "Sure sure!! Habulin mo siya at dalhin mo siya sa'kin. 'Pag 'di siya nagsalita ay kakalbuhin ko siya."Lumamlam ang
Nang marinig ko ang sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. Dahil ang gusto pala nilang sabihin sa'kin ay isa lamang akong kaluluwa. Hindi ko alam kung nasaan ang totoong katawan ko at kung paanong naging kaluluwa lamang ako. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ang ganito sa akin.Humagulgol ako sa dibdib niya habang mahigpit naman na yakap niya ako. Sa oras na 'to ay halos ayaw kong humiwalay sa kaniya. Kahit pa malamig ang katawan niya ay hindi ko alintana ito. Ang gusto ko na lang ay makulong sa bisig niya at namnamin ang bawat oras na nandito ako sa tabi niya. Dahil hindi ko alam kung ilang oras ang natitira pa sa aming dalawa rito.Humigpit ang kapit ko sa likod niya at paulit-ulit na tinawag ang kaniyang pangalan. "Leonides, I want to hold you," sambit ko sa nakikiusap na tinig.Hindi siya sumagot at binuhat niya ako ng princess style. Humilig ako sa balikat niya at sinamyo ang natural niyang bango habang panay ang paglaglag ng mga luha sa aking mata.Nang makara
Habang nakatingin ako sa bakanteng parte ng kama ay parang may kutsilyong paulit-ulit na tumatarak sa aking dibdib. Ang makita siyang unti-unting naglalaho sa aking bisig ay parang sa pangalawang pagkakataon ay namatay muli ako. At sa unang pagkakataon ay may mga luhang nalaglag sa aking mata pagkatapos kong makulong dito. Para akong bata na niyakap ang unan na ginagamit ni Cecily.Inamoy ko ito na parang may naiwang bakas ng kaniyang natural na bango. Pero alam ko na imposibli ito dahil isa lamang na kaluluwa ang dalaga ng makasama ko siya rito.Noong gabing nahulog siya ng hagdan ay puno ako ng takot at pag-aalala. Nang yakapin ko siya at akmang bubuhatin ay natanto ko na isa lamang siyang kaluluwa. Mas nadagdagan ang takot na naramdaman ko dahil ang akala ko ay patay na siya. Pero nang makita ko ang manika sa may punong hagdan at nakamasid sa amin ay matalim na tinignan ko siya. Ang lahat ng takot, galit at sakit na naipon sa puso ko ay sumabog ng gabing 'yon.I want to strangle an
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang gumising ako at matantong nasa pribadong kuwarto ako ng isang hospital. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako dahil ang bangungot ko ay parang isang naging napakagandang panaginip. Nakasama ko raw ang guwapong binata na hindi ko matandaan ang pangalan na nakakulong sa isang mundo sa salamin.Pakiramdam ko ay nangyari talaga ang panaginip ko pero nang magmulat ako ay nalito ako. Kaya ito at palagi akong tulala dahil 'di ko na masabi kung ano ang reyalidad at hindi. Naging tahimik pa ako at kahit anong tanong o kausap ng magulang ko ay tikom ang bibig ko.Ayaw ko na 'pag nagsimula akong mag-usisa ay sasamantalahin na naman nila at pagsasabihan ako. Na kasalanan ko kung ano ang nangyari sa akin at napurhuwesyo ko na naman sila. Nadistorbo sa trabaho para ako ang asikasuhin nila. Alam ko ang ugali ng mga magulang ko at kung ano ang trato nila sa akin. Kaya mas minabuti ko na tumahimik na lamang at sarilinin kung ano ang napanaginipan ko habang comato
Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag nang dumating ang magulang ko pagkatapos na bumalik ang malay ni Nana. Alam ko kasi na hindi niya ako pipilitin na sumagot 'pag nagtanong siya. Kaya naman nang umuwi ito at naiwan sina Mama at Daddy ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.I can feel her probing gaze but I didn't turned to look at her.Nang sumara ang pinto ay nahiga ako ng patagilid, ang likod ko ay nakaharap sa mga magulang ko na nakaupo sa sofa. Hindi man nila ako masinsinang kinakausap 'pag narito sila maliban lamang sa palaging tinatanong nila kung maayos na ang pakiramdam ko. They didn't scold me, they just smiled at me. At hindi ko alam kung namamalikmata ba ako na parang may mga emosyon sa mata nila na kahit minsan ay 'di ko pa nakita sa kanila noon."Anak, ang sabi sa amin ng Nana mo ay halos 'di mo raw ginalaw ang pagkain mo. May gusto ka bang kainin?" ang tanong ni Mama."Wala po akong ganang kumain," matabang na tugon ko nang hindi humaharap sa kanila.Narini
Nakita ko ang pagtutol sa mukha ni Nana sa araw na magbibiyahe kami papunta sa probinsya. Hindi ko sinabi sa kaniya ang plano ko kaya nagulat na lamang ito ng sabihin ko na kailangan niyang ayusin ang dadalhin niyang gamit at ngayon na kami babalik sa province. Nakita ko pa na plano niyang kausapin ang magulang ko pero may pagsamong pinigilan ko siya. Lumuluhang nakiusap ako na hayaan niya ako. Alam ko naman kung ano ang ginagawa ko.Sa mukha pa lang ni Nana ay halata nang 'di siya aprobado sa disisyon ko pero dahil nagmatigas ako ay hindi na siya komontra. Nang nakasakay na kami sa sasakyan at tumatakbo na ito ay wala kaming imikan ni Nana kaya natulog na lamang ako. Ito pa ang ikinaiirita ko. Nagkatotoo ang sinabi ni Amalia na hindi na ako dinalaw ng bangungot ko. Kung noon ay halos isumpa ko na ang pagsapit ng gabi ay ngayon naman ay hindi ako makapaghintay na matulog. Umaasang mapanaginipan ko si Leonides katulad noon.Pero nabigo lang ako dahil kahit minsan ay hindi siya dumalaw
We had a solemn expression on our face as we stood in front of our grandparents' tombstone. Magkatabi nga talaga ang dalawang libingan at may litratong nakalagay sa lapida nila. Sa paglipas ng panahon ay luma na ang mga larawan pero mabibistahan pa rin ang wangis nila. Saka ko natanto na halos magkamukha sina Don Isagani at Leonides. Mas mestiso lamang ang Don at mas obvious ang pagiging lahing kastila nito.Kami lamang na dalawa ni Leonides ang pumarito. At tahimik na nagsindi ng kandila. Habang nakatitig ako sa libingan ni Lola Amalia ay naalala ko ang sinabi ni Papa.'Ang ritwal na ginawa ni Tita Amalia ay sagrado at bawal. She used her blood and soul so she can't redeem herself. Her soul scattered and she has no chance to be born again. I feel pity for her. Kung sana ay kinompronta at kinausap niya si Don Isagani at ang kaibigan niyang si Senya, siguro ay hindi siya nabalot ng matinding pagkapoot. Hindi sana umabot iyon sa ganito. Huwag mong tularan ang mali na nagawa niya, Cecily
Pagsapit ng sabado ay sumama ang magulang ko at si Nana pabalik sa probinsya. Ayon kay Papa, pagkalipas ng maraming taon ay magagawa na rin daw niyang bumalik sa lugar kung saan siya isinilang. Nang pumanaw kasi si Lolo noon ay bumalik agad kami pagkatapos ng burol. Iyon pala ay may tinatakbuhan si Papa. Pero ngayon na tapos na ang sumpa ay nawala na raw ang malaking bato na nakadagan sa dibdib niya ng maraming taon.Sa mansyon ng Nuevas kami dumeretso at hindi sa bahay ni Lolo. Naghihintay na ang pamilya ni Leonides sa harap ng mansyon nang makarating kami roon. Kinakain ako ng hiya nang mamataan ko sila pagpasok ng sasakyan sa bakuran. Ni hindi ko namalayan na kinukurot ko na pala ang binti ni Leonides. Hindi naman siya nagrereklamo pero hinuli niya ang kamay ko at marahang pinisil.Bakas sa mukha ko ang kaba nang tumingin ako sa kaniya kaya ngumiti siya at masuyong hinaplos ang pisngi ko."Are you nervous?"Tumango ako at sumilip sa bintana. "I'm afraid they won't like me and will
Si Nana na galing sa kusina ay narinig ang lahat ng kuwento ni Leonides kaya nang lumapit siya sa amin ay panay ang paglaglag ng luha sa kaniyang mata. Kaya naman muli siyang niyakap ng huli at sinabing okay na ang lahat. Na bumalik na siya at hindi na biglang maglalaho muli. Hindi ko na ring napigilan ang aking sarili at yumakap sa kanila.Ang sabi ni Leonides ay nagpaalam ito sa pamilya na hahanapin niya ako rito kaya sa isang hotel muna ito nakatira. Pero nang marinig ko iyon ay agad na nagpahatid kami sa driver sa hotel para mag-check out at kunin ang mga gamit niya at dito na lang siya rito sa bahay. Nakiusap ako na hanggang sa sabado muna siya rito bago ko siya sasamahan na umuwi sa probinsya at makilala ko na rin ang kaniyang pamilya.Naikuwento na rin daw niya ang mga nangyari sa kaniya sa nakalipas na taon at binanggit niya ako sa kanila. They want to meet me at magpasalamat na rin daw na napalaya ko siya.Pagkatapos naming makuha ang bagahe niya ay bumalik kami sa bahay. Naa
Ang mga naipon na lungkot at pagka-miss ko sa binata ay sabay na bumuhos at inignora ko ang mga tao sa paligid namin. Ni hindi ko tinawag ang pangalan niya at tumakbo ako sabay patalon na sumakay sa kaniyang likod. Nagulat man si Leonides ay napahawak naman sa aking binti at maingat na inalalayan ako upang bumaba sa kaniyang likod.Dahan-dahan siyang humarap at nang magtama ang mata namin ay umiiyak na tumawa ako sabay yakap ng mahigpit sa kaniya. Parang lumiwanag ang buong paligid ko na isang buwan na walang kalatoy-latoy. Bawat himaymay ng aking katawan ay nagsusumigaw ng kaligayahan ngayong muli kong nasilayan ang mukha niya. Hindi ko man maipaliwanag kung bakit bigla siyang sumulpot dito ay gusto ko pa ring magdiwang.May mga bulungan akong narinig kaya agad akong humiwalay sa kaniya at hinila siya paalis. Pumara ako ng taxi at sumakay kami. Ni hindi ko pinansin ang natatarantang tawag ni Tyra sa akin.Nang tumatakbo na ang sinakyan namin ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko
Kulang ang salitang sakit upang ilarawan ang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa basag na salamin. Nanginginig ang buong katawan ko at gulong-gulo ang utak ko. Gusto kong magsisigaw at magwala pero parang may bikig sa aking lalamunan at walang tinig na lumalabas. Animo tumigil na sa pag-inog ang mundo ko.Akala ko ay may kaunting oras pa kami na magkasama pero hindi ko inaasahan na agad na mapuputol ang sumpa 'pag binigay ko na ang sarili ko sa kaniya.I feel so weak and empty. And my heart was numb. Everything was like a dream just like in the past. Ngunit alam ko na lahat ng 'to ay reyalidad at hindi bangungot lang. Ang kinakatakot ko na mawala si Leonides ay nangyari na.Lumuhod ako at hindi alintana kung matusok man ako sa maliliit na basag ng salamin. Unti-unting nagkakaroon ng ingay ang aking pag-iyak hanggang sa humahagulgol na ako. Kipkip ko ang aking dibdib na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng binata. At mas lalo lang nanikip ang puso ko ng wala akong narinig na t
Napamulagat ako at biglang uminit ang aking pisngi. Lahat ng eksenang nangyari sa amin sa salamin ay nag-play sa utak ko at parang gusto kong matunaw sa hiya. Napasulyap pa ako kay Leonides na nasa salamin at nakamasid sa nangyayari rito.Nagkatinginan kaming dalawa at parang nagkahiyaan kami na mabilis ding nagbawi.Napatingin muli ako kay Darlin na hinaharangan si Amalia sa tuwing gusto niya akong sugurin. Para silang nagpapatentiro na dalawa."Gusto ko na ring magpahinga at makalaya sa sumpang 'to kaya gusto kitang tulungan, Cecily. Ilang taon na akong nagdurusa at pagod na akong makipaghabulan at makipagtaguan kay Amalia. Tutulungan kitang makapasok muli sa salamin —""P-Pero may nangyari na sa aming dalawa!" bulalas ko."Iyon ba ang aktwal mong katawan? Hindi ba at kaluluwa ka lamang nang makulong ka rin sa loob? Kaya ang naging kinalabasan ay nabuhay ang paboritong bulaklak ni Amalia na rosas at nagkaroon din ng buhay ang mundo sa salamin pero hindi naputol ang sumpa," paliwanag
Nag-aatubli akong kumatok sa pinto. Papagabi pa lamang ay lumarga na ako papunta rito sa mansyon. Nagdisisyon ako noong isang gabi na kausapin si Leonides bago ko ipagpapatuloy ang paghahanap ng mga lumang gamit ni Lolo kung may naitabi siyang diary ng kaniyang kapatid. Ngunit nang nasa harap na ako ng pinto ay parang gusto ko nang umatras.Animo may mga kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib ko. Makakaya ko bang sabihin sa binata na Lola ko si Amalia? At paano ako magsisimula na ipagtapat sa kaniya ang natuklasan ko?Malalim akong napahinga at nagyuko ng ulo. Nilalakasan ko ang aking loob bago ako kumatok. Subalit napaiktad ako at napaatras nang biglang bumukas ang pinto. Parang gusto kong kumaripas ng takbo para takasan ang napupuntong pagkikita namin pero pinigilan ko ang aking sarili.My knees trembled when I was about to enter. I can't face him right now!'No, you have to talk to him!' a small voice in my head urged me. I shook my head vigorously.I'm afraid! Kung makikita ko sa
Nakatayo ako sa harap ng salamin at nakatingin sa kabilang mundo. Hinihintay ko na dumating si Cecily ngunit gumabi na ay hindi siya sumulpot. Walang ekspresyon ang mukha ko pero sa kalooban ko ay nasasaktan ako. Excited pa naman ako na sabihin sa kaniya na biglang bumalik ang nakaraan ko.Kaninang umaga na pagkaalis niya ay narinig ko na naman ang hagikgik ni Amalia. Kahit alam ko na sasaktan na naman niya ako ay binuksan ko pa rin ang pinto. Hindi nito inaasahan na lalabas ako kaya hindi niya naitago ang kaniyang mukha. Animo naitulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang wangis niya. Parang si Cecily ang nasa harap ko kung hindi lang siya isang kaluluwa lang.Nang magtama ang mata namin ay natulala ako. Isa-isang bumalik sa akin ang nakaraan ko. Simula noong bata pa ako at nagsimulang bangungotin. Noong madalas akong binabangungot ay hindi ko ma-decipher ang panaginip sa reyalidad. Minsan kahit gising ako ay ang alam ko nananaginip pa rin ako. Kahit nasa eskwelahan ako ay ganun
"W-Wala ka po bang maalala na nabanggit niya b-bago niya isagawa ang ritwal?" may kalakip na pag-asa sa tonong tanong ko."Wala siyang nasabi sa akin— teka mahilig siyang magsulat noon sa papel. Maghalughog ka sa bahay ng lolo mo kung may naitago siya na lumang gamit ng iyong abuela," suhestiyon nito."M-Maraming salamat po!"Nang pauwi na kami ay pinoproseso ko ang lahat ng nalaman ko ngayon. Parang gusto kong sumigaw at umiyak na bakit kami pa na inosente sa maling pag-iibigan nila ang nagdurusa. Bakit hindi na lamang ang lalaking nanakit sa kaniya ang pinarusahan niya?At si Leonides, simula pa lang na paslit siya ay pinahirapan siya ng kaniyang bangungot. Inagaw sa kaniya ang mamuhay ng normal. Sumaya man siya ay panandalian lamang o mas tamang sabihin na nilinlang siya ng isa pang panaginip. At pagkatapos na sumaya ay muli na naman siyang masasadlak sa isang mas malalim na kalungkutan kung saan wala na siyang chance pa na makatakas doon.I halted and wiped my face. Hindi ko napan