Home / Paranormal / Ang Lalaki Sa Salamin / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Ang Lalaki Sa Salamin: Chapter 31 - Chapter 40

44 Chapters

Kabanata 31. Cecily's POV

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang gumising ako at matantong nasa pribadong kuwarto ako ng isang hospital. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako dahil ang bangungot ko ay parang isang naging napakagandang panaginip. Nakasama ko raw ang guwapong binata na hindi ko matandaan ang pangalan na nakakulong sa isang mundo sa salamin.Pakiramdam ko ay nangyari talaga ang panaginip ko pero nang magmulat ako ay nalito ako. Kaya ito at palagi akong tulala dahil 'di ko na masabi kung ano ang reyalidad at hindi. Naging tahimik pa ako at kahit anong tanong o kausap ng magulang ko ay tikom ang bibig ko.Ayaw ko na 'pag nagsimula akong mag-usisa ay sasamantalahin na naman nila at pagsasabihan ako. Na kasalanan ko kung ano ang nangyari sa akin at napurhuwesyo ko na naman sila. Nadistorbo sa trabaho para ako ang asikasuhin nila. Alam ko ang ugali ng mga magulang ko at kung ano ang trato nila sa akin. Kaya mas minabuti ko na tumahimik na lamang at sarilinin kung ano ang napanaginipan ko habang comato
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 32. Cecily's POV

Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag nang dumating ang magulang ko pagkatapos na bumalik ang malay ni Nana. Alam ko kasi na hindi niya ako pipilitin na sumagot 'pag nagtanong siya. Kaya naman nang umuwi ito at naiwan sina Mama at Daddy ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.I can feel her probing gaze but I didn't turned to look at her.Nang sumara ang pinto ay nahiga ako ng patagilid, ang likod ko ay nakaharap sa mga magulang ko na nakaupo sa sofa. Hindi man nila ako masinsinang kinakausap 'pag narito sila maliban lamang sa palaging tinatanong nila kung maayos na ang pakiramdam ko. They didn't scold me, they just smiled at me. At hindi ko alam kung namamalikmata ba ako na parang may mga emosyon sa mata nila na kahit minsan ay 'di ko pa nakita sa kanila noon."Anak, ang sabi sa amin ng Nana mo ay halos 'di mo raw ginalaw ang pagkain mo. May gusto ka bang kainin?" ang tanong ni Mama."Wala po akong ganang kumain," matabang na tugon ko nang hindi humaharap sa kanila.Narini
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 33. Cecily's POV

Nakita ko ang pagtutol sa mukha ni Nana sa araw na magbibiyahe kami papunta sa probinsya. Hindi ko sinabi sa kaniya ang plano ko kaya nagulat na lamang ito ng sabihin ko na kailangan niyang ayusin ang dadalhin niyang gamit at ngayon na kami babalik sa province. Nakita ko pa na plano niyang kausapin ang magulang ko pero may pagsamong pinigilan ko siya. Lumuluhang nakiusap ako na hayaan niya ako. Alam ko naman kung ano ang ginagawa ko.Sa mukha pa lang ni Nana ay halata nang 'di siya aprobado sa disisyon ko pero dahil nagmatigas ako ay hindi na siya komontra. Nang nakasakay na kami sa sasakyan at tumatakbo na ito ay wala kaming imikan ni Nana kaya natulog na lamang ako. Ito pa ang ikinaiirita ko. Nagkatotoo ang sinabi ni Amalia na hindi na ako dinalaw ng bangungot ko. Kung noon ay halos isumpa ko na ang pagsapit ng gabi ay ngayon naman ay hindi ako makapaghintay na matulog. Umaasang mapanaginipan ko si Leonides katulad noon.Pero nabigo lang ako dahil kahit minsan ay hindi siya dumalaw
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 34. Cecily's POV

Pagsapit pa lamang ng bukang liwayway ay nagpaalam na ako kay Leonides na uuwi para kausapin si Nana. Hindi ko sinabi na ang dalawang binanggit niya ay kilala ko. Basta ang sinabi ko lamang ay hahanapin ko sila para kausapin. Hindi naman niya ako pinigilan kaya agad na akong lumabas ng mansyon.Kinakabahan at excited ako na hindi ko mawari. I'm not sure kung sasagutin ni Tiya at Nana ang mga tanong ko. At hindi ko alam kung hanggang saan ang pagkakakilala nila sa pamilya Nuevas.Nang pumasok ako sa bakuran ng bahay ni Lolo ay nakabukas ang ilaw sa loob. Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang humakbang hanggang sa nasa harapan ako ng pinto. Napalunok ako at mahinang kumatok. Hindi ko alam kung bakit kumatok pa ako gayong puwede ko namang kusang buksan iyon.Nakarinig ako ng kaluskos sa loob at ilang minuto lamang ay bumukas ang pinto. Pareho pa kaming nagulat ni Nana nang magkatitigan kami. Hindi ko inaasahan na siya ang magbubukas at mukhang siya rin ay 'di niya inaasahan na ak
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 35. Cecily's POV

"May hindi nabanggit ang Nana mo," singit ni Tiya na kanina pa pala nakikinig at nakatayo mula sa bukana ng kusina.Napatingin ako sa kaniya at lumalim ang gatla sa aking noo. Ano pa ba ang hindi nasabi ni Nana na alam nito? May idadagdag pa siya?"Siya lamang ang nag-iisang anak at apong lalaki ng pamilyang Nuevas. Ang anak ni Don Isagani Romualdo ay babae, si Lolita at napangasawa niya si Danilo Nuevas na isa ring mayamang angkan dito. Nagkaroon sila ng tatlong anak, dalawang babae at isang lalaki at iyon ay si Leonides. Siya ang panganay sa tatlo. Namatay si Don Isagani noong siya ay pitumpung taong gulang at edad trese naman si Leonides," salaysay ni Tiya."Nag-iisang lalaki sa pamilya Nuevas sa banda ni Don Isagani?" pagkokompirma ko."Si Danilo ay nag-iisa ring anak ng Nuevas kaya wala silang kamag-anak sa side niya. Ganoon din sa pamilyang Romualdo. Para bang itinadhana talaga na iisang lalaki ang ipapanganak sa kanilang henerasyon," dugtong niya. "Tama ba ako, Ate Tacing?"Tum
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 36. Cecily's POV

"W-Wala ka po bang maalala na nabanggit niya b-bago niya isagawa ang ritwal?" may kalakip na pag-asa sa tonong tanong ko."Wala siyang nasabi sa akin— teka mahilig siyang magsulat noon sa papel. Maghalughog ka sa bahay ng lolo mo kung may naitago siya na lumang gamit ng iyong abuela," suhestiyon nito."M-Maraming salamat po!"Nang pauwi na kami ay pinoproseso ko ang lahat ng nalaman ko ngayon. Parang gusto kong sumigaw at umiyak na bakit kami pa na inosente sa maling pag-iibigan nila ang nagdurusa. Bakit hindi na lamang ang lalaking nanakit sa kaniya ang pinarusahan niya?At si Leonides, simula pa lang na paslit siya ay pinahirapan siya ng kaniyang bangungot. Inagaw sa kaniya ang mamuhay ng normal. Sumaya man siya ay panandalian lamang o mas tamang sabihin na nilinlang siya ng isa pang panaginip. At pagkatapos na sumaya ay muli na naman siyang masasadlak sa isang mas malalim na kalungkutan kung saan wala na siyang chance pa na makatakas doon.I halted and wiped my face. Hindi ko napan
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 37. Leonides' POV

Nakatayo ako sa harap ng salamin at nakatingin sa kabilang mundo. Hinihintay ko na dumating si Cecily ngunit gumabi na ay hindi siya sumulpot. Walang ekspresyon ang mukha ko pero sa kalooban ko ay nasasaktan ako. Excited pa naman ako na sabihin sa kaniya na biglang bumalik ang nakaraan ko.Kaninang umaga na pagkaalis niya ay narinig ko na naman ang hagikgik ni Amalia. Kahit alam ko na sasaktan na naman niya ako ay binuksan ko pa rin ang pinto. Hindi nito inaasahan na lalabas ako kaya hindi niya naitago ang kaniyang mukha. Animo naitulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang wangis niya. Parang si Cecily ang nasa harap ko kung hindi lang siya isang kaluluwa lang.Nang magtama ang mata namin ay natulala ako. Isa-isang bumalik sa akin ang nakaraan ko. Simula noong bata pa ako at nagsimulang bangungotin. Noong madalas akong binabangungot ay hindi ko ma-decipher ang panaginip sa reyalidad. Minsan kahit gising ako ay ang alam ko nananaginip pa rin ako. Kahit nasa eskwelahan ako ay ganun
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 38. Cecily's POV

Nag-aatubli akong kumatok sa pinto. Papagabi pa lamang ay lumarga na ako papunta rito sa mansyon. Nagdisisyon ako noong isang gabi na kausapin si Leonides bago ko ipagpapatuloy ang paghahanap ng mga lumang gamit ni Lolo kung may naitabi siyang diary ng kaniyang kapatid. Ngunit nang nasa harap na ako ng pinto ay parang gusto ko nang umatras.Animo may mga kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib ko. Makakaya ko bang sabihin sa binata na Lola ko si Amalia? At paano ako magsisimula na ipagtapat sa kaniya ang natuklasan ko?Malalim akong napahinga at nagyuko ng ulo. Nilalakasan ko ang aking loob bago ako kumatok. Subalit napaiktad ako at napaatras nang biglang bumukas ang pinto. Parang gusto kong kumaripas ng takbo para takasan ang napupuntong pagkikita namin pero pinigilan ko ang aking sarili.My knees trembled when I was about to enter. I can't face him right now!'No, you have to talk to him!' a small voice in my head urged me. I shook my head vigorously.I'm afraid! Kung makikita ko sa
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 39. Cecily's POV

Napamulagat ako at biglang uminit ang aking pisngi. Lahat ng eksenang nangyari sa amin sa salamin ay nag-play sa utak ko at parang gusto kong matunaw sa hiya. Napasulyap pa ako kay Leonides na nasa salamin at nakamasid sa nangyayari rito.Nagkatinginan kaming dalawa at parang nagkahiyaan kami na mabilis ding nagbawi.Napatingin muli ako kay Darlin na hinaharangan si Amalia sa tuwing gusto niya akong sugurin. Para silang nagpapatentiro na dalawa."Gusto ko na ring magpahinga at makalaya sa sumpang 'to kaya gusto kitang tulungan, Cecily. Ilang taon na akong nagdurusa at pagod na akong makipaghabulan at makipagtaguan kay Amalia. Tutulungan kitang makapasok muli sa salamin —""P-Pero may nangyari na sa aming dalawa!" bulalas ko."Iyon ba ang aktwal mong katawan? Hindi ba at kaluluwa ka lamang nang makulong ka rin sa loob? Kaya ang naging kinalabasan ay nabuhay ang paboritong bulaklak ni Amalia na rosas at nagkaroon din ng buhay ang mundo sa salamin pero hindi naputol ang sumpa," paliwanag
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 40. Cecily's POV

Kulang ang salitang sakit upang ilarawan ang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa basag na salamin. Nanginginig ang buong katawan ko at gulong-gulo ang utak ko. Gusto kong magsisigaw at magwala pero parang may bikig sa aking lalamunan at walang tinig na lumalabas. Animo tumigil na sa pag-inog ang mundo ko.Akala ko ay may kaunting oras pa kami na magkasama pero hindi ko inaasahan na agad na mapuputol ang sumpa 'pag binigay ko na ang sarili ko sa kaniya.I feel so weak and empty. And my heart was numb. Everything was like a dream just like in the past. Ngunit alam ko na lahat ng 'to ay reyalidad at hindi bangungot lang. Ang kinakatakot ko na mawala si Leonides ay nangyari na.Lumuhod ako at hindi alintana kung matusok man ako sa maliliit na basag ng salamin. Unti-unting nagkakaroon ng ingay ang aking pag-iyak hanggang sa humahagulgol na ako. Kipkip ko ang aking dibdib na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng binata. At mas lalo lang nanikip ang puso ko ng wala akong narinig na t
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status