Isang linggo pagkatapos ng exam namin at inanunsiyo ng guro na bakasyon na namin ay agad ipinaayos ni Mama ang mga gamit ko. Hindi naman labag sa aking kalooban ang pagpunta ko sa probinsya ni Lolo. Masaya pa nga ako dahil doon ay makaka-relax ako. Iniisip ko rin na baka 'pag pumunta ako run ay tigilan na ako ng bangungot ko. Kung malayo siguro ako sa kabihasnan at tumira sa mas tahimik na lugar ay hindi na ako masusundan pa ng boses. Kaya naman may ngiti sa labing inilagay ko sa may kalakihang maleta ang mga personal kong gamit. Pati na rin ang laptop ko ay dinala ko. Marami na akong na-d******d na series kaya may pagkakaabalahan din ako roon. Kung tatamarin akong lumabas ay magkukulong ako sa kuwarto at manonood.
Ang sabi ni Mama doon muna ako hanggang sa magsisimula na muli ang klase. Meaning, dalawang buwan ako sa probinsya. Siguro naman ay mapapasyalan ko ang buong probinsya hindi katulad noong dumalaw kami na apat na araw lang kami roon.May matandang katiwala ang bahay ni Lolo kaya may sasalubong daw sa amin noon sabi ni Mama. Nagbilin din siya na huwag daw akong gumawa ng mga bagay na ikakapahamak ko dahil wala silang oras na puntahan ako roon. Dapat daw na alam ko rin kung ano ang makakabuting kilos ko para hindi ko raw distorbohin at bigyan ng problema si Nana Tacing at ang katiwala. Lahat ng 'to ay pumasok sa kaliwang taynga ko at lumabas naman sa kabila. Simula noon ay hindi ko naman binigyan ng sakit ng ulo si Nana kaya hindi ko sineryoso ang bilin ni Mama. Palagi pa ngang sinasabi ni Nana na ako raw ang pinakamabait na naging alaga niya. Palagay pa raw ang loob niya sa'kin at hindi binibigyan ng konsumisyon. Kaya para sa kaniya ay isang tunay na anak ang turing niya sa'kin. Blessed ako na siya ang naging Nana Tacing ko. Kung puwede lang na siya ang totoong Ina ko ay baka hiniling ko na. Pero alam ko na malayong mangyari 'yon.Ngayong araw ang biyahe namin papunta sa probinsya ni Lolo at sa kaibuturan ng puso ko ay excited ako. Ako, si Nana at ang driver lang ang kasama ko sa pagpunta roon. Ni hindi nga kami pinanood ng magulang ko nang palabas na kami ng driveway. Basta nagbilin lamang sila kay Nana na kailangan naming uuwi pagkaraan ng two months. Pero inignora ko ang malamig na trato nila dahil nasanay naman ako. Nagsuot na lamang ako ng headphone sa aking ulo at nakinig ng music. Gusto kong umidlip pero hindi kampante ang utak ko dahil hindi pa nakakalayo ang sinakyan namin sa aming lugar. Sumabay ako sa chorus ng kanta at iginalaw-galaw ko pa ang aking ulo para sabayan ang togtog.Pero napahinto ako nang alisin ni Nana ang headphone."Bakit po, Nana?" takang usisa ko."Masisira ang taynga mo sa kakasuot mo ng mga ganito, anak. Aba'y naririnig ko pa ang togtog kahit na hindi ko ilapit ang taynga ko," sita niya sa'kin.Nangingiting napakamot ako sa aking ilong bago kinuha muli sa kaniya ang headphone. "Hihinaan ko na lang po, Nana."Hininaan ko nga ang volume ng togtog at sumandal sa upuan. Pumikit pa ako dahil isang slow rock na kanta ang nagpe-play. Isa sa mga paborito ko noon pa man dahil ito ang palagi kong pinapakinggan sa tuwing gusto kong matulog. Pero dahil gising na gising ang aking diwa ay hindi ako dinadalaw ng antok. Humihimig pa ako at pumipilantik ang aking daliri na nakadantay sa aking binti.Ngunit ang akala ko na hindi ako makakatulog ay hindi nangyari. Dahil nang matapos na ang apat na kanta ay pantay na aking paghinga. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog dahil pagmulat ko ay isang bako-bakong kalsada na ang tinatahak ng sinakyan namin."Ang himbing ng tulog mo, anak, kaya hindi na kita ginising na kumain ng tanghalian. Alas kuwatro na ng hapon," narinig kong bigkas ni Nana.Biglang nanlaki ang aking mata at bumulalas, "Nana, hindi ako nagkaroon ng bangungot!" Alas otso kami nagbiyahe kanina at kung naalala ko ay mga nine ako nakatulog. Ibig-sabihin ay halos maghapon na akong natulog na hindi dinadalaw ng mysteryosong lalaki sa aking panaginip.Kakaibang kaligayahan ang lumukob sa aking kaluluwa nang matanto ang bagay na 'to. Ito ang unang pagkakataon na nakatulog ako na hindi dinalaw ng bangungot ko after three years. At kulang ang salitang masaya para i-describe ko ang nararamdaman ko ngayon. Mukhang tama nga ang hula ko na hindi ako masusundan ng bangungot ko sa lugar na 'to.Ngumiti si Nana at kinurot ang aking pisngi. "Masaya ako para sa'yo, 'nak. Sana ay tuluyan nang mawala iyan sa pagpunta natin dito. Tahimik dito sa lugar ng Lolo mo at malinis ang simoy ng hangin. Siguro ay stressed ka lang sa eskwelahan kaya nagkaroon ka ng mga bangungot. At baka dahil hindi maganda ang relasyon ninyo ng mga magulang mo kaya kung anu-ano na ang mga negatibong bagay na pumapasok sa utak mo. Mabuti na lang naisipan ng Mama mo na magbakasyon ka rito. Malayo sa magulo at maingay na syudad.""Sana nga po, Nana! Hindi po talaga magiging normal ang buhay ko kung hindi ko ito malalampasan," bulalas ko at binuksan ang bintana. Tumingin ako sa labas at nilanghap ang hangin para punuhin ang aking baga. "Nana, malapit na tayo 'di po ba?"Naalala ko na may lilikuan lang yata kami at at may sampung metro bago namin marating ang bahay ni Lolo. Kahit hindi madalas ang pagdalaw namin noon dito ay naaalala ko pa rin ang daan. Kung hindi ako nagkakamali ay may isang mansion ng Nuevas ang nakatirik sa pinakadulo ng probinsyang 'to. Sila raw ang pinakamayamang pamilya sa probinsyang 'to noon. Iyon lang ang alam ko tungkol sa kanila dahil hindi ako interesadong makinig kay Lolo nang ikuwento niya. Bata pa kasi ako noon kaya ang paglalaro ang nasa isip ko."Oo, anak," tugon ni Nana sa aking tanong."Naalala ko na may nabanggit si Lolo tungkol sa pinakamayamang pamilya rito. Hanggang ngayon kaya ay dito pa rin sila nakatira?" curious na tanong ko.Natigilan si Nana at napatitig sa akin. Atubli akong ngumiti sa kaniya."Bakit po? May nasabi po ba akong mali?" Napakahina ng aking tinig nang sabihin ito.Biglang ngumiti si Nana at umiling. "Wala naman, anak. Hindi ko lang akalain na nabanggit pala sa'yo ng Lolo mo ang tungkol sa mga Nuevas. Pero ang sagot sa tanong mo ay hindi rin ako sigurado. Matagal na panahon na noong bumalik ako rito para bisitahin ang lumang bahay namin.""Ay! Nakalimutan ko, Nana, na taga-rito nga pala ang buong pamilya mo," nahihiyang wika ko.Nakakaunawang ngumiti si Nana at pinasandig sa balikat nito. Basta talaga kasama ko siya ay palagay ang loob ko at pakiramdam ko ay safe ako. Hindi katulad 'pag ang magulang ko ang kasama ko.Nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang two story na lumang bahay ay agaran akong bumaba. May isang matandang babae nga ang sumalubong sa amin na nakangiti pa. Nang titigan kong mabuti ang katiwala ay nanlaki ang aking mata."Tiya Consuelo!" bulalas ko at patakbong sinalubong siya sabay yakap ng mahigpit. Hindi ko nakakalimutan ang katiwalang 'to dahil ito ang huling katulong ni Lolo noon.Tumawa ang matanda at gumanti ng yakap sa akin. "Ang ganda-ganda mo na, Cecily! Hiyang ka talaga sa lugar na mas mainit ang klema," puri niya sa'kin.Humagikgik ako at bumitaw sa yakap niya. "Sa dati po ba ang kuwarto ko, Tiya?" very eager na tanong ko.Tumango siya kaya mabilis na tumakbo ako papasok sa loob ng bahay. Medyo binagalan ko lang ang takbo ko nang nasa may hagdan ako. Pero nang makarating ako ng second floor ay halos liparin ko na ang pinto ng magiging kuwarto ko. Pagpihit ko ng seradura at buksan iyon ay lalong lumawak ang akin ngiti. Ganoon pa rin ang ayos ng kuwarto. Lumang cabinet at kama na gawa sa kahoy. May lumang mesa at lampshade na ginagamit niya noon pa mang bumibisita siya rito. Ang bago lamang ay ang kutson at ang kubre kama.Inihagis ko ang aking katawan sa malambot na kutson at nagpagulong-gulong. Hindi lang ang pagpunta ko rito ang dahilan kung bakit napakasaya ko. Ang matinding rason ay ang hindi ko pagkakaroon ng bangungot after kong makatulog sa sasakyan.Nakahiga pa rin ako sa kama nang pumasok ang driver dala ang maleta ko. Agad akong umayos ng higa dahil pinanlakihan ako ng mata ni Nana na nakasunod sa lalaki. Hindi rin naman ako sinulyapan ng driver at agad ding lumabas ng kuwarto."Aayusin ko ang mga gamit mo sa cabinet, anak. Kung gusto mong ituloy ang pagtulog mo ay matulig ka pero kung gusto mong lumabas ay sasamahan ka ng Tiya Consuelo mo," wika nito.Umiling ako at hinila ang kumot. "Matutulog po ako. Babawi ako ng maraming maraming tulog dahil feeling ko ay hindi ako babangungutin dito. Gisingin mo na lang po ako mamaya kung kakain tayo ng hapunan."Umiiling na hinarap na nito ang pag-aayos ng gamit ko habang ako ay pumikit na may ngiting nakapaskil sa aking labi. May pumapasok na malamig na simoy ng hangin sa nakabukas na bintana kaya lalong mas gusto kong umidlip.Fresh na fresh ang pakiramdam ko dahil naging mahimbing ang tulog ko. Gusto kong magpasalamat na naisipan ng aking Mama na magbakasyon ako rito. Wala pa akong isang araw dito ay relaxed agad ang utak at katawan ko. Ang dark circles sa ilalim ng mata ko na itinatago ko sa pamamagitan ng concealer ay wala na. Kumikislap din ang aking mata na hindi katulad noong palagi akong binabangungot na nangangalumata at walang kabuhay-buhay. Palagi pa akong inaantok pero dahil natatakot ako na matulog ay pilit kong dinidilat ang aking mata. Ngunit sa tuwina ay hinihila pa rin ako sa kadiliman ng aking panaginip.Pero ngayon ay hindi ako natakot matulog dahil ito at hindi ako dinalaw ng panaginip ko. Nagtuloy-tuloy ang tulog ko hanggang umaga at kusa akong nagising sa tilaok ng manok. Pakiramdam ko nga ay wala akong napanaginipan dahil wala akong maalala. Kaya naman humihimig pa ako na bumaba ng hagdan at napapangiti. Maliksing tumalon pa ako mula sa huling baitang ng hagdan. Kung may makakakita lam
'Hindi ako makahinga!' Sigaw ng utak ko nang lalo pa akong hinila ng malakas na daloy ng tubig. May mga tubig na ang pumasok sa ilong at taynga ko kaya lalo akong nataranta. Hindi ko alam kung bakit bigla akong narito sa ilog gayong natutulog lang ako sa kuwarto ko. Pagmulat ko nalang ng mata ko ay nasa gitna na ako ng ilog. Sinubukan kong kumawag pero kahit anong gawin ko ay lalo akong nahihila pailalim.Parang may kamay na nakahawak sa aking paa dahil hindi ko ito maigalaw ng maayos. Pakiramdam ko rin ay namamanhid ang mga kamay ko.Bakit biglang ganito ang panaginip ko? Hindi man ito katulad ng dati na nasa isang lumang bahay ako. Pero parang pinapatay naman ako dahil sa nilulunod ako ng panaginip ko sa tubig. Alam kong binabangungot ako pero bakit kahit anong gawin ko ay hindi ako magising? Parang isang mundo na ang subconscious mind ko sa tuwing nananaginip ako. Animo may sarili akong mundo rito dahil parang realidad lahat ang nangyayari sa akin. Pati na ang takot ko ay tinutupok
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nawalan ng malay. Naalimpungatan lamang ako nang may pumaspas sa aking mukha na malamig na hangin. Umungol ako at magrereklamo sana kung bakit hindi naisara ni Nana ang bintana nang bigla akong mahimasmasan. Agarang bumalikwas ako at namumutlang tinignan ang paligid ko. Nasa isang lumang kuwarto ako at ang mga gamit ay natatakpan ng mga puting tela. Pero sa tagal na hindi bumalik ang may-ari para linisin ay may mga alikabok na ang tela. May agiw din ang bawat sulok at may mga spider pa. Nalalanghap ko pa ang lumang amoy ng bahay.Kung gabi lamang ngayon ay mas creepy pa ang buong kuwarto. Mas nakakatakot at baka mahihimatay pa muli ako. Dahil sa totoo lang ay kinakain na ako ng labis na takot sa sandaling ito.Nanginginig na agaran akong bumaba ng kama. Patakbong tinungo ko ang nakasarang pinto at binuksan ito. Hindi ko pinagkaabalahan tignan ang hitsura ng bahay at basta na lamang ako tumakbo sa mahabang pasilyo. Hindi ako baliw para mag-to
Napasalampak ako ng upo sa lapag dahil hindi nakayanang suportahan ng tuhod ko ang katawan ko. Gusto kong sumigaw pero parang nalulon ko ang dila ko. Halos lumuwa na rin ang mata ko habang nakatingin sa salamin. Na sa halip na ang repleksyon ko ang makikita ko ay ang shadow na hindi pa rin naging anyong tao. Pero mabibistahan ko pa rin na isang nilalang iyon sa hugis at hitsura 'nun. Gumagalaw ang anino at ramdam ko na nakamasid din siya sa akin. Parang tinutupok ako ng malalim na titig nito.Magkaganun pa man ay tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil tumatagos hanggang sa kaluluwa ko ang matiim niyang tingin. At pati yata dulo ng buhok ko ay nanginginig na rin dahil sa takot na aking nararamdaman. Parang pinag-aaralan ako ng anino na nasa loob ng salamin at 'di ko mawari kung ano ba ang totoong motibo niya. Isa pa ay wala akong maramdaman killing intent sa paraan ng kaniyang tingin. Hindi na siya muling kumikilos sa loob ng salamin. Sa katunayan ay kahit nasindak ako sa kamay
Nasa isang lugar ako na hindi pamilyar sa'kin. Ang malala pa ay bakit walang hangin akong maramdaman? Napakatahimik at kahit gabi na ay wala akong maririnig na huni ng mga kulisap o insecto. Nang ilibot ko ang aking tingin ay napasinghap ako. Kaya pala wala akong ma-sense na presensya ng mga living creatures ay dahil very barren ang lugar. It was lifeless and bleak. Ang mga dahon at puno ay natuyo na.Maraming katanungan ang agad pumasok sa isip ko. Anong nangyari sa lugar na 'to? At bakit pakiramdam ko ay napakapamilyar sa'kin? Nagsimula akong maglakad habang hindi makapaniwalang tinignan ang bitak-bitak na daan.Hanggang sa may isang pamilyar na bahay akong nakita. Ito ang bahay ni Lolo dito sa probinsya. "W-What the hell is going on?" tanong ko at lumapit sa bahay pero pagbukas ko ng pinto ay napatutop ako sa aking bibig. Umalingasaw ang masangsang at nabubulok na bagay sa loob. Gusto kong sumuka pero walang lumalabas sa bibig ko.Tutop ang ilong at bibig ay pumasok ako. Hinanap ko
Hindi ko alam pero sa oras na 'to ay parang biglang nawala ang takot ko at nagawa kong suntukin pa ang salamin. Lahat ng galit at pagkayamot ko mula ng magkaroon ako ng bangungot dahil sa lalaki ay ibinuhos ko rito. Minura ko pa nga ang salamin ng paulit-ulit. Kahit anong paghampas ko sa salamin ay hindi na muling nag-appear si Leonides. Na parang wala siyang pakialam sa outburst ko. Sa dami ng kasalanan ng demonyong ito ay parang wala itong pakialam. Namumula na nga ang kamay ko pero hindi pa rin nagparamdam ang binata. Naiinis na lumabas ako ng kuwarto at bumaba. Kinuha ko ang isa pang antique na vase na nakita ko at muli akong umakyat. Ito ang malakas na inihampas ko sa salamin at ito pa ang nabasag sa halip na ang salamin. Dumaing ako at nabitawan ang basag na vase dahil nasugatan ang daliri ko. Mabilis na tinignan ko ito at ngumiwi. May kalakihan ang hiwa nito at maraming dugo. Kung ako iyong taong takot sa dugo ay siguradong nahimatay na ako pagkakita rito. Mabuti na lamang at h
Para pigilan ang sariling makatulog ay inilabas ko ang laptop ko at naisipang manood. Ngayon ay may silbi na ang mga na-download ko tungkol sa mga archeologist na nakahanap ng mummified na nilalang. Plano ko na huwag matulog ng buong gabi dahil natatakot na dalawin muli ni Leonides. Umabot na hanggang sa space ang takot ko pagkatapos ng nangyari kanina. After I went out of control with my body I felt like I had been shot in my head. I almost jumped out of my skin in fright when I was snapped out of my trance. Ang sinubukan akong akitin pagkatapos na makita ko ang taong anyo niya ay obvious na gusto na niyang hilahin ako sa loob ng salamin. Kung hindi dahil sa kidlat ay baka hindi na ako nakauwi rito. Baka maglalaho na lamang akong parang bula sa mundong ito. At kahit pa hanapin nila ako ay hindi nila matutuklasan kung ano ang nangyari sa akin.Kung maglalaro sa utak ko ang senaryo na makukulong ako sa loob ng salamin at hindi makalabas ay nangangaligkig ako sa takot. Lahat ng balahibo
This afternoon I was just sitting idly in the living room. Wala akong maisip na puwede kong gawin at nababato na ako. I wriggled my feet in boredom as I sighed constantly. Gusto man na manood muli ay masakit at pagod na ang mata ko. 'Pag ipipilit kong magbabad sa harap ng laptop ay baka sasakit pa ang ulo ko. Ito pa naman ang pinaka-ayaw sa lahat. Hindi ko kayang tiisin kung ang ulo ko ang masakit.Tinatamad na nahiga ako sa sofa at tagos ang tingin ko sa ceiling. Nagdedebati ang utak at puso ko kung lalabas na lang ba ako o hindi. Maganda naman ang panahon ngayon. Hindi ako lalayo at pupunta sa mansyon. Kahit sa malapit sa ilog lang. Naalala ko na binalaan ako ni Leonides na huwag pumunta 'run at nakuryos ako.Muli akong naupo at isinuot ang tsinelas. Ibinalabal ko lang ang shawl sa balikat ko at lumabas ng bahay. Nang makalabas ako ng hanggang baywang na gate ay isinara ko rin. Buo ang loob ko na pumunta pa rin sa ilog sapagkat wala akong tiwala sa sinabi ni Leonides sa akin sa akin
We had a solemn expression on our face as we stood in front of our grandparents' tombstone. Magkatabi nga talaga ang dalawang libingan at may litratong nakalagay sa lapida nila. Sa paglipas ng panahon ay luma na ang mga larawan pero mabibistahan pa rin ang wangis nila. Saka ko natanto na halos magkamukha sina Don Isagani at Leonides. Mas mestiso lamang ang Don at mas obvious ang pagiging lahing kastila nito.Kami lamang na dalawa ni Leonides ang pumarito. At tahimik na nagsindi ng kandila. Habang nakatitig ako sa libingan ni Lola Amalia ay naalala ko ang sinabi ni Papa.'Ang ritwal na ginawa ni Tita Amalia ay sagrado at bawal. She used her blood and soul so she can't redeem herself. Her soul scattered and she has no chance to be born again. I feel pity for her. Kung sana ay kinompronta at kinausap niya si Don Isagani at ang kaibigan niyang si Senya, siguro ay hindi siya nabalot ng matinding pagkapoot. Hindi sana umabot iyon sa ganito. Huwag mong tularan ang mali na nagawa niya, Cecily
Pagsapit ng sabado ay sumama ang magulang ko at si Nana pabalik sa probinsya. Ayon kay Papa, pagkalipas ng maraming taon ay magagawa na rin daw niyang bumalik sa lugar kung saan siya isinilang. Nang pumanaw kasi si Lolo noon ay bumalik agad kami pagkatapos ng burol. Iyon pala ay may tinatakbuhan si Papa. Pero ngayon na tapos na ang sumpa ay nawala na raw ang malaking bato na nakadagan sa dibdib niya ng maraming taon.Sa mansyon ng Nuevas kami dumeretso at hindi sa bahay ni Lolo. Naghihintay na ang pamilya ni Leonides sa harap ng mansyon nang makarating kami roon. Kinakain ako ng hiya nang mamataan ko sila pagpasok ng sasakyan sa bakuran. Ni hindi ko namalayan na kinukurot ko na pala ang binti ni Leonides. Hindi naman siya nagrereklamo pero hinuli niya ang kamay ko at marahang pinisil.Bakas sa mukha ko ang kaba nang tumingin ako sa kaniya kaya ngumiti siya at masuyong hinaplos ang pisngi ko."Are you nervous?"Tumango ako at sumilip sa bintana. "I'm afraid they won't like me and will
Si Nana na galing sa kusina ay narinig ang lahat ng kuwento ni Leonides kaya nang lumapit siya sa amin ay panay ang paglaglag ng luha sa kaniyang mata. Kaya naman muli siyang niyakap ng huli at sinabing okay na ang lahat. Na bumalik na siya at hindi na biglang maglalaho muli. Hindi ko na ring napigilan ang aking sarili at yumakap sa kanila.Ang sabi ni Leonides ay nagpaalam ito sa pamilya na hahanapin niya ako rito kaya sa isang hotel muna ito nakatira. Pero nang marinig ko iyon ay agad na nagpahatid kami sa driver sa hotel para mag-check out at kunin ang mga gamit niya at dito na lang siya rito sa bahay. Nakiusap ako na hanggang sa sabado muna siya rito bago ko siya sasamahan na umuwi sa probinsya at makilala ko na rin ang kaniyang pamilya.Naikuwento na rin daw niya ang mga nangyari sa kaniya sa nakalipas na taon at binanggit niya ako sa kanila. They want to meet me at magpasalamat na rin daw na napalaya ko siya.Pagkatapos naming makuha ang bagahe niya ay bumalik kami sa bahay. Naa
Ang mga naipon na lungkot at pagka-miss ko sa binata ay sabay na bumuhos at inignora ko ang mga tao sa paligid namin. Ni hindi ko tinawag ang pangalan niya at tumakbo ako sabay patalon na sumakay sa kaniyang likod. Nagulat man si Leonides ay napahawak naman sa aking binti at maingat na inalalayan ako upang bumaba sa kaniyang likod.Dahan-dahan siyang humarap at nang magtama ang mata namin ay umiiyak na tumawa ako sabay yakap ng mahigpit sa kaniya. Parang lumiwanag ang buong paligid ko na isang buwan na walang kalatoy-latoy. Bawat himaymay ng aking katawan ay nagsusumigaw ng kaligayahan ngayong muli kong nasilayan ang mukha niya. Hindi ko man maipaliwanag kung bakit bigla siyang sumulpot dito ay gusto ko pa ring magdiwang.May mga bulungan akong narinig kaya agad akong humiwalay sa kaniya at hinila siya paalis. Pumara ako ng taxi at sumakay kami. Ni hindi ko pinansin ang natatarantang tawag ni Tyra sa akin.Nang tumatakbo na ang sinakyan namin ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko
Kulang ang salitang sakit upang ilarawan ang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa basag na salamin. Nanginginig ang buong katawan ko at gulong-gulo ang utak ko. Gusto kong magsisigaw at magwala pero parang may bikig sa aking lalamunan at walang tinig na lumalabas. Animo tumigil na sa pag-inog ang mundo ko.Akala ko ay may kaunting oras pa kami na magkasama pero hindi ko inaasahan na agad na mapuputol ang sumpa 'pag binigay ko na ang sarili ko sa kaniya.I feel so weak and empty. And my heart was numb. Everything was like a dream just like in the past. Ngunit alam ko na lahat ng 'to ay reyalidad at hindi bangungot lang. Ang kinakatakot ko na mawala si Leonides ay nangyari na.Lumuhod ako at hindi alintana kung matusok man ako sa maliliit na basag ng salamin. Unti-unting nagkakaroon ng ingay ang aking pag-iyak hanggang sa humahagulgol na ako. Kipkip ko ang aking dibdib na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng binata. At mas lalo lang nanikip ang puso ko ng wala akong narinig na t
Napamulagat ako at biglang uminit ang aking pisngi. Lahat ng eksenang nangyari sa amin sa salamin ay nag-play sa utak ko at parang gusto kong matunaw sa hiya. Napasulyap pa ako kay Leonides na nasa salamin at nakamasid sa nangyayari rito.Nagkatinginan kaming dalawa at parang nagkahiyaan kami na mabilis ding nagbawi.Napatingin muli ako kay Darlin na hinaharangan si Amalia sa tuwing gusto niya akong sugurin. Para silang nagpapatentiro na dalawa."Gusto ko na ring magpahinga at makalaya sa sumpang 'to kaya gusto kitang tulungan, Cecily. Ilang taon na akong nagdurusa at pagod na akong makipaghabulan at makipagtaguan kay Amalia. Tutulungan kitang makapasok muli sa salamin —""P-Pero may nangyari na sa aming dalawa!" bulalas ko."Iyon ba ang aktwal mong katawan? Hindi ba at kaluluwa ka lamang nang makulong ka rin sa loob? Kaya ang naging kinalabasan ay nabuhay ang paboritong bulaklak ni Amalia na rosas at nagkaroon din ng buhay ang mundo sa salamin pero hindi naputol ang sumpa," paliwanag
Nag-aatubli akong kumatok sa pinto. Papagabi pa lamang ay lumarga na ako papunta rito sa mansyon. Nagdisisyon ako noong isang gabi na kausapin si Leonides bago ko ipagpapatuloy ang paghahanap ng mga lumang gamit ni Lolo kung may naitabi siyang diary ng kaniyang kapatid. Ngunit nang nasa harap na ako ng pinto ay parang gusto ko nang umatras.Animo may mga kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib ko. Makakaya ko bang sabihin sa binata na Lola ko si Amalia? At paano ako magsisimula na ipagtapat sa kaniya ang natuklasan ko?Malalim akong napahinga at nagyuko ng ulo. Nilalakasan ko ang aking loob bago ako kumatok. Subalit napaiktad ako at napaatras nang biglang bumukas ang pinto. Parang gusto kong kumaripas ng takbo para takasan ang napupuntong pagkikita namin pero pinigilan ko ang aking sarili.My knees trembled when I was about to enter. I can't face him right now!'No, you have to talk to him!' a small voice in my head urged me. I shook my head vigorously.I'm afraid! Kung makikita ko sa
Nakatayo ako sa harap ng salamin at nakatingin sa kabilang mundo. Hinihintay ko na dumating si Cecily ngunit gumabi na ay hindi siya sumulpot. Walang ekspresyon ang mukha ko pero sa kalooban ko ay nasasaktan ako. Excited pa naman ako na sabihin sa kaniya na biglang bumalik ang nakaraan ko.Kaninang umaga na pagkaalis niya ay narinig ko na naman ang hagikgik ni Amalia. Kahit alam ko na sasaktan na naman niya ako ay binuksan ko pa rin ang pinto. Hindi nito inaasahan na lalabas ako kaya hindi niya naitago ang kaniyang mukha. Animo naitulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang wangis niya. Parang si Cecily ang nasa harap ko kung hindi lang siya isang kaluluwa lang.Nang magtama ang mata namin ay natulala ako. Isa-isang bumalik sa akin ang nakaraan ko. Simula noong bata pa ako at nagsimulang bangungotin. Noong madalas akong binabangungot ay hindi ko ma-decipher ang panaginip sa reyalidad. Minsan kahit gising ako ay ang alam ko nananaginip pa rin ako. Kahit nasa eskwelahan ako ay ganun
"W-Wala ka po bang maalala na nabanggit niya b-bago niya isagawa ang ritwal?" may kalakip na pag-asa sa tonong tanong ko."Wala siyang nasabi sa akin— teka mahilig siyang magsulat noon sa papel. Maghalughog ka sa bahay ng lolo mo kung may naitago siya na lumang gamit ng iyong abuela," suhestiyon nito."M-Maraming salamat po!"Nang pauwi na kami ay pinoproseso ko ang lahat ng nalaman ko ngayon. Parang gusto kong sumigaw at umiyak na bakit kami pa na inosente sa maling pag-iibigan nila ang nagdurusa. Bakit hindi na lamang ang lalaking nanakit sa kaniya ang pinarusahan niya?At si Leonides, simula pa lang na paslit siya ay pinahirapan siya ng kaniyang bangungot. Inagaw sa kaniya ang mamuhay ng normal. Sumaya man siya ay panandalian lamang o mas tamang sabihin na nilinlang siya ng isa pang panaginip. At pagkatapos na sumaya ay muli na naman siyang masasadlak sa isang mas malalim na kalungkutan kung saan wala na siyang chance pa na makatakas doon.I halted and wiped my face. Hindi ko napan