Home / Romance / TAMED (tagalog) / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of TAMED (tagalog): Chapter 1 - Chapter 10

34 Chapters

PROLOGUE

PROLOGUEBIGLA akong nagising sa kalagitnaan ng mahimbing kong tulog. Gusto ko pa sanang matulog dahil nakakaramdam pa ako ng antok lalo't parang iisang oras pa lang akong nakaidlip. Kakauwi ko lamang mula sa dinaluhang party sa isang bar.Nagsalin ako ng alak sa baso at hawak ito habang naglakad palapit sa salaming dingding ng aking penthouse sa condominium na pag-aari ko.Nagkikislapan ang mga gusali at ilaw sa labas tila mga munting alitaptap sa kalagitnaan ng madilim na gabi. Normal na tanawin dito sa New York.Tiningnan ko ang relong pambisig. Alas-dos pa lamang ng madaling araw. Huminga ako ng malalim. Mukhang mailap na ang antok sa akin.Alitaptap. May naaalala akong tao dahil sa munting insekto na iyon. Insektong hindi naman makikita sa lugar na katulad nito pero hindi ako nilulubayan ng kanyang mga alaala.Itinukod ko ang siko sa salaming dingding at pinagsawa ulit ang mata sa tanawin sa labas. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa parte ng aking pagkatao na nawala.Hindi ko mai
last updateLast Updated : 2023-07-31
Read more

CHAPTER 1

CHAPTER 1"TAMMY, ipinapatawag ka ni Mr. Perez. Report ka raw sa opisina niya ASAP," sabi sa akin ni Jewel habang nakasilip ang ulo sa pintuan dahil hindi na siya pumasok sa aking opisina."Okay," sagot ko sa bago niya isinarado ulit ang pinto.Itinuwid ko muna ang bahagyang nagusot na palda at pinasadahan ng tingin sa salamin ang mukha bago lumabas ng aking opisina.Binati ako ng iilang mga kasamahang empleyado kapag nakasalubong ko sila.Ako ang head sa department na ito na naka-assign sa mga local news ng Sta. Elena.Simula pag-graduate ng college ay nagtatrabaho na ako rito at ito ang pinaka-unang publishing house ng isang lokal newspaper ng Sta. Elena.Dati ang ipina-publish lamang ng kompanyang ito ay mga newspapers na naglalaman ng mga balita araw-araw sa loob at labas ng Sta Elena hanggang sa lumago at ngayon ay naglalabas na sila ng issue ng magazine bawat buwan.Kagaya ng ibang mga empleyado ay nagsimula ako sa mababang posisyon. Ayokong tumulad sa iba na kahit hindi qualifi
last updateLast Updated : 2023-07-31
Read more

CHAPTER 2

CHAPTER 2KAHIT AYOKONG balikan ang mga taong nakalipas ay kusa ko itong naalala."You should always stay on top, Tammy, no matter what happen you should always do your best. Gawin mo ang lahat hindi dahil sa anak kita kung hindi para maging karapat-dapat ka sa apelyido ng papa mo."Bata pa lang ako ay iyan na ang kinamulatan kong mundo. Kailangan kong pagtrabahuan ang aking pangalan.Nasa akin ang lahat ng pressure.Anak ng isang school principal at magaling na guro.Karugtong ng aking pangalan ang perpekto, hindi pwedeng magkamali, hindi pwedeng sumimplang.Ako si Tamara Navaroza, anak sa pagkadalaga ng aking inang prinsipal sa eskwelahang pang-elementarya, si Miss Josefina Navaroza.Dating guro si mama na nagmahal ng maling lalaki at ako ang naging bunga.Anak ako sa labas ni Governor Rodulfo Vasquez at hanggang ngayon ay hindi ako tanggap ng kanyang pamilya. Ayaw akong kilalanin ng aking half sister na si Brenna at hindi ko naman ipinagpipilitan ang aking sarili.Pero si mama ay a
last updateLast Updated : 2023-07-31
Read more

CHAPTER 3

CHAPTER 3HULING taon ko na ito sa high school kaya mas naging doble pa ang pressure sa akin.Lahat na yata ng organization ay kasali ako tulad ng gusto ni Mama."Alam mo ba ang balita, Tammy?" tanong ni Jewel nang makalapit sa akin kahit nandito kami sa loob ng library."Ano na namang balita iyan? 'Yong crush ninyong nasa kabilang section ay may girlfriend na? Iyong paborito ninyong artista at model ay ikakasal na? O iyong natitipuhan ninyong mga college students ay may friendly game na naman sa school natin?" mahina ang boses kong tanong pabalik."Oy, magaling kang manghula tumama ka roon sa college students." Itinaas pa niya ang dalawang kilay na may nakakalokong ngiti."Hay, sinasabi ko na nga ba. Alam niyo, Jewel, kayo lang ang inuuto ng mga iyan. Hindi nga siguro kayo kilala ng mga lalaking 'yan eh." Saka itinuloy ulit ang pagsusulat."Tammy, jowain mo na kasi ang isa iyong crush ko." Niyugyog niya ang aking braso. Napangiwi ako sa hiling niyang iyon."Crush mo tapos ako ang ma
last updateLast Updated : 2023-07-31
Read more

CHAPTER 4

CHAPTER 4 HINDI ako mapalagay sa pagpasok sa eskwelahan kinabukasan. Hindi mawaglit sa aking isip ang mensahe ni Rafael.Sana lang una at huling beses na ang aming pagkikita kahapon.Bumaba na ako sa sinasakyang traysikel at nag-abot ng bayad. Pag-alis ng traysikel ay naagaw ang atensiyon ko ng nasa kabilang kalsada. Grupo nina Brenna at Wela. Nahagip ng aking mata ang pamilyar na bulto ng kasama nila. Ang mga college students na naglaro kahapon dito sa school at kasama pa si Rafael. I should have known better. Ano nga ba ang aasahan ko sa isang kagaya niya?Dala ang ilang libro ay tatalikod na sana ako para pumasok na ng paaralan pero nahuli talaga ng mata ko ang pagkalabit kay Rafael ng isang kasama niya at itinuro ako. Lumingon si Rafael sa akin at agad napangiti ng malaki.Hindi ko na lang pinansin at nagsimula nang maglakad palayo roon."Tammy, wait!" tawag niya sa akin habang tumatawid sa kalsada. Nagpanggap akong walang narinig at mas binilisan pa ang paglalakad. Buhol-buhol a
last updateLast Updated : 2023-07-31
Read more

CHAPTER 5

CHAPTER 5ILANG araw rin na naging usap-usapan ang hayagang pagbibigay ng bulaklak sa akin ni Rafael. Nandoon ang kakambal na lait at mga haka-haka."Nililigawan dahil matalino para tagagawa ng mga assignments at projects ni Raf." "Ang choosy niyang si Miss President pero baka makapasa si Rafael sa kanya, gwapo na mayaman pa.""Naku dagdag lang iyan sa collection ni Raf, bali-balitang ang daming karelasyon niyan sa States."Bulaklak lang ang ibinigay ni Rafael pero ang dami ng sinasabi. Hindi ko naman tinanggap iyon at wala rin naman akong planong makipaglapit sa kanya.Inubos ko na lang ang oras sa pagiging busy para sa nalalapit na JS prom at paghahanda sa aming graduation. May school paper pang dapat i-finalized, may yearbook pang aasikasuhin kasama ang ilang mga piling estudyante. Kaya ilang beses na akong late nakakauwi. Ayos lang naman kay mama basta activity sa eskwelahan ang pinagkakaabalahan ko.Kagaya ngayon na mag-aala-sais na ng gabi bago ako makauwi.Baha pa ang kalsad
last updateLast Updated : 2023-07-31
Read more

CHAPTER 6

CHAPTER 6 NAPANSIN kong dalawa na ang guard ng eskwelahan pagpasok ko kinabukasan.Narinig ko rin ang usap-usapan na hanggang alas-nuwebe ng gabi sila sa school. Request daw ng isang importanteng tao ng Sta. Elena.Posible bang si Rafael ang taong iyon? Pumasok na ako sa classroom at maghihintay sa pagtunog ng bell para sa flag ceremony."Tammy, may gagawin ka ba mamaya sa lunch break?" sinalubong kaagad ako ng tanong ni Jewel."Marami, Jewel. Bakit tutulungan mo ako?" pabiro kong sagot. "Nagyaya kasi sina Rafael ng lunch. Manglilibre daw siya pero dapat ay kasama ka." May nakabuntot pang ngiti ang kanyang turan.Puno ng pagtataka ko siyang tiningnan. Naalala ko na naman ang bilin ni mama kagabi.Gustuhin ko mang sumama bilang ganti na rin sa ginawa niyang pagligtas sa akin kahapon pero hindi puwede."Hindi puwede, Jewel," pagtanggi ko."Bakit? Hindi naman tayo magtatagal. Susunduin at ihahatid naman nila tayo kaya hindi tayo mali-late," kumbinse niya sa akin.Narinig ko na naman s
last updateLast Updated : 2023-07-31
Read more

CHAPTER 7

CHAPTER 7 KINAKABAHANG pumasok ako sa bahay at pinaghahandaan na ang maaaring sabihin ni mama. Hindi ako sigurado kung wala ba talagang nakakita sa paghatid ni Rafael hanggang sa kanto papasok sa subdivision na tinitirhan namin.Nagmano ako habang may tinutupi siyang damit."Tamara, maaga akong aalis bukas," paalam niya sa akin. Saka ko pa lang napansin ang isang maliit na maleta malapit sa kanya."Saan po ang punta niyo, Ma?" magalang kong tanong."May teachers seminar akong pupuntahan at ngayong taon sa municipality ng San Vicente gaganapin ang seminar. Mga isang linggo rin ako roon kaya pagbutihin mo ang pag-aaral," bilin niya."Opo, Ma. Ingat po kayo," tanging nasabi ko."Lock the door and windows properly. Pwede kang magpasama ng kaklase mo rito kapag gabi but no boys, Tamara," matapang ang hitsura niya habang sinasabi iyon."Opo, Ma," maikling sagot ko. Si Jewel na lang ang kakausapin ko para may kasama ako rito."Pagbalik ko ay mamimili na tayo ng susuotin mong damit para sa
last updateLast Updated : 2023-08-22
Read more

CHAPTER 8

 CHAPTER 8PAGDATING ng Lunes ay usap-usapan sa buong eskwelahan ang nangyari sa bahay nina Rafael noong Sabado. Hindi na ako magtataka kung bakit. Sa kanyang kasikatan, kisig, at yaman siya ang pinapangarap ng halos lahat ng babae, sa loob o sa labas ng eskwelahan."Feel na feel naman niya. Akala mo kung sinong maganda," masungit na sabi ni Wela pagdaan ko malapit sa kanila.Hindi ko na lang pinatulan at hindi ako pwedeng makipag-away. May imahe akong pinuprotektahan samantalang siya ay wala kaya kahit saang anggulo tingnan ay lugi ako.Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may biglang pumatid sa aking paa. Muntik pa akong mapasubsob sa semento mabuti na lang at nabawi ko pa ang aking  balanse.Nilingon ko ang grupo nila at hinanap kung sino ang gumawa no'n. Nakataas ang kilay ng mga babae habang may nakakalokong ngiti ang ilang lalaki."Ano? Papalag ka? "matapang na tanong ni Wela. Naramdaman
last updateLast Updated : 2023-08-24
Read more

CHAPTER 9

CHAPTER 9HALOS hindi ako makapaniwala na ako ang babaeng nakaharap sa salamin pagkatapos ayusan ni mama. Ngayong alas-sais ng gabi ay magsisimula ang program kaya ala-singko y media pa lang ay tapos na akong magbihis.Suot ko na ang gown na napili niya at naka high pony-tail ang aking buhok na mas lalong naka-emphasize sa aking puting leeg at batok. Kinulot ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng tainga at mukha at hindi na inipit pa."Nakikita mo ba ang sarili mo, Tamara?" tanong sa akin ni mama habang nakatayo sa aking likod.Ramdam ko ang mainit niyang palad na namahinga sa aking balikat. Nagkatitigan kami sa salamin at kahit hindi niya sabihin ay alam kong masaya siya sa kinalabasan ng kanyang pag-aayos sa 'kin."You're very beautiful that's why I always wanted the best for you," seryosong saad niya. Napalunok ako sa kanyang kaseryosohan."Kaya ayokong kung sinu-sinong lalaki lang diyan ang pu
last updateLast Updated : 2023-08-27
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status