CHAPTER 10 "TAMARA, calm down," ang sagot sa akin ni Rafael sa kabilang linya. Malalim ang kanyang paghinga, siguro'y sinusubukang tansiyahin ang mga nangyayari. "Raf, hindi sang-ayon si mama sa relasyon natin," sabi ko sa pagitan ng mabigat na pag-iyak. "Tammy, nanay siya. Nagkataon pang babae ka kaya ganyan siya ka over protective sa'yo. Intindihin mo na lang muna siya, lilipas din iyan," malumanay ang kanyang boses habang nagpapaliwanag. "Hindi, Raf, hindi niya maiintindihan dahil ang akala niya'y lahat ng lalaki ay katulad ng tatay ko. Para sa kanya ay iiwan mo rin ako," saad ko sa katotohanan. Bumuntong-hininga siya at hindi ko alam kung para saan iyon. Dahil ba sa sitwasyon ko o ang hindi pagtanggap ni mama sa kanya? "Tammy, magpahinga ka na muna. Mag-uusap tayo bukas. I know its been a long day. Kailangan mo ng pahinga kaya get some rest. Okay?" pilit niyang pinapasaya ang boses. Parang wala ako sa sarili nang pumasaok kinaumagahan. Mabuti na lang at walang baka
Huling Na-update : 2023-08-30 Magbasa pa