CHAPTER 8
PAGDATING ng Lunes ay usap-usapan sa buong eskwelahan ang nangyari sa bahay nina Rafael noong Sabado. Hindi na ako magtataka kung bakit. Sa kanyang kasikatan, kisig, at yaman siya ang pinapangarap ng halos lahat ng babae, sa loob o sa labas ng eskwelahan."Feel na feel naman niya. Akala mo kung sinong maganda," masungit na sabi ni Wela pagdaan ko malapit sa kanila.Hindi ko na lang pinatulan at hindi ako pwedeng makipag-away. May imahe akong pinuprotektahan samantalang siya ay wala kaya kahit saang anggulo tingnan ay lugi ako.Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may biglang pumatid sa aking paa. Muntik pa akong mapasubsob sa semento mabuti na lang at nabawi ko pa ang aking balanse.Nilingon ko ang grupo nila at hinanap kung sino ang gumawa no'n. Nakataas ang kilay ng mga babae habang may nakakalokong ngiti ang ilang lalaki."Ano? Papalag ka? "matapang na tanong ni Wela.
NaramdamanCHAPTER 9HALOS hindi ako makapaniwala na ako ang babaeng nakaharap sa salamin pagkatapos ayusan ni mama. Ngayong alas-sais ng gabi ay magsisimula ang program kaya ala-singko y media pa lang ay tapos na akong magbihis.Suot ko na ang gown na napili niya at naka high pony-tail ang aking buhok na mas lalong naka-emphasize sa aking puting leeg at batok. Kinulot ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng tainga at mukha at hindi na inipit pa."Nakikita mo ba ang sarili mo, Tamara?" tanong sa akin ni mama habang nakatayo sa aking likod.Ramdam ko ang mainit niyang palad na namahinga sa aking balikat. Nagkatitigan kami sa salamin at kahit hindi niya sabihin ay alam kong masaya siya sa kinalabasan ng kanyang pag-aayos sa 'kin."You're very beautiful that's why I always wanted the best for you," seryosong saad niya.Napalunok ako sa kanyang kaseryosohan."Kaya ayokong kung sinu-sinong lalaki lang diyan ang pu
CHAPTER 10 "TAMARA, calm down," ang sagot sa akin ni Rafael sa kabilang linya. Malalim ang kanyang paghinga, siguro'y sinusubukang tansiyahin ang mga nangyayari. "Raf, hindi sang-ayon si mama sa relasyon natin," sabi ko sa pagitan ng mabigat na pag-iyak. "Tammy, nanay siya. Nagkataon pang babae ka kaya ganyan siya ka over protective sa'yo. Intindihin mo na lang muna siya, lilipas din iyan," malumanay ang kanyang boses habang nagpapaliwanag. "Hindi, Raf, hindi niya maiintindihan dahil ang akala niya'y lahat ng lalaki ay katulad ng tatay ko. Para sa kanya ay iiwan mo rin ako," saad ko sa katotohanan. Bumuntong-hininga siya at hindi ko alam kung para saan iyon. Dahil ba sa sitwasyon ko o ang hindi pagtanggap ni mama sa kanya? "Tammy, magpahinga ka na muna. Mag-uusap tayo bukas. I know its been a long day. Kailangan mo ng pahinga kaya get some rest. Okay?" pilit niyang pinapasaya ang boses. Parang wala ako sa sarili nang pumasaok kinaumagahan. Mabuti na lang at walang baka
CHAPTER 11'JEWEL, saan kayo banda? Nandito na ako sa labas.' 'Sa dating puwesto. Come, hurry.'Bago pumasok ay pinasadahan ko muna ng tingin ang aking mukha sa salamin.Nang masiguradong walang nakaligtaan ay pumasok na ako sa loob ng bar.Sumalubong sa akin ang magkahalong amoy. Usok ng sigarilyo, alak at iba't ibang pabango ng mga taong nandito sa loob. Kagaya ng sabi ni Jewel ay pinuntahan ko ang palaging puwesto ng aming mga kasama.Dumaan ako sa gilid ng dance floor at napalingon ang iilang mga lalaki roon pero wala akong balak na pag-aksayahan sila ng oras.Akmang iinom na si Jewel mula sa basong hawak pero nakita niya ako kaya hindi na niya itinuloy. Tumayo siya upang salubungin ako."Akala ko'y gino-good time mo lang ako nang sinabi mong pupunta ka rito. Want to prove something?" nakangisi niyang sabi.Kinuha ko ang basong hawak niya at inisang tungga ang laman nito. Naramdaman ko ang pag-init ng sikmura saka ko lang naalalang hindi pa pala ako naghahapunan."Easy, Tammy, t
CHAPTER 12HINDI ako mapakali sa aking upoan lalo't katabi ko si Rafael na tahimik na nagmamaneho ng aking sasakyan.Hindi ko inaasahang magiging ganito ang aming muling pagkikita.Kailangan ko ba siyang batiin? 'Rafael, kumusta? Nakatutulog ka ba ng mahimbing kahit bigla mo na lang akong iniwan?' dapat ay ganoon ba ang aking pagbati?"So boys hunting huh." Bigla siyang nagsalita sa pagitan ng aking malalim na iniisip.Hindi ako umimik. Ayokong magpaliwanag at wala akong dapat ipaliwanag."Tingnan mo kung anong nangyari sa'yo? Kung wala ako roon, papaano na?" matutunugan doon ang pagkainis.Lumunok ako ng ilang beses at walang maisip na idahilan."Pero wala namang nangyari sa akin 'di ba?" pagmamaldita ko."Kasi nga nandoon ako. Paano kung wala? " naiinis pa rin siya.Hindi na lang ako nakipagtalo. Wala rin namang saysay kung gagawin ko pa 'yon."Wait, where are we going?" tarantang tanong ko dahil iba ang daan na tinatahak niya.Hindi siya ulit nagsalita hanggang sa mapansin kong
CHAPTER 13PAGOD kaming bumalik sa opisina ni Jewel pagkatapos manggaling sa resort ni Rafael."Jewel, kailangan bang sundan natin lagi si Rafael? Wala ba siyang opisina kung saan pwedeng tumanggap ng bisita niya?" tanong ko sa kanya habang bumabawi ng lakas."Naku, iwan ko, Tammy. Bakit hindi natin naitanong sa kanya kanina, kaharap na sana natin siya," sagot niya bago uminom ng tubig."Mas mabuti na ring hindi natin naitanong sa kanya kanina ang tungkol doon. Baka kasi puntahan pa siya ni Wela at piliting ma-interview kaya nga-nga tayo kapag nagkaganoon," sabi ko sa naiisip."Hindi maka-move on kanina," tukso niya.Inirapan ko na lang siya. Lahat na lang yata ng sasabihin ko ay may kahulugan sa kanya.Nang bumalik na sa pwesto niya si Jewel ay tinawagan ko si Mr. Perez para magtanong kung may tanggapan ba si Rafael."Sa ngayon, hija, ay wala pa talaga siyang pormal na opisina. Pero tumatanggap siya ng bisita sa mansiyon nila. Bakit hindi mo subukan at baka ay paunlakan ka niya." Hu
CHAPTER 14PARANG umuusok ang aking bunbonan nang bumalik sa opisina. Ninakawan ako ng halik ng gagong iyon. Kahit ilang beses na akong nagpabalik-balik doon ay wala man lang akong interview na nagawa. May pa-appointment pang nalalaman. Kung sasagutin na lang sana niya ang lahat ng itatanong ay tapos na sana kami.Tiningnan ko ang papel na ibinigay niya kanina.Sta. Elena Wharf. 11:00am sharp.What the hell? Doon ko gagawin ang interview sa kanya? Sa piyer ng Sta. Elena ?Pinunit ko ang papel. Mas lalo lang niya akong ginagalit. Nilunod ko na lamang ang boses sa pamamagitan ng pagpikit at pagkuyom ng kamao. Gustong-gusto kong sumigaw at awayin siya pero dahil kailangan ko pa siya at kailangan kong magtimpi ay titiisin ko muna ang galit na ito."Tammy, may meeting tayo three o'clock ng hapon. Conference room daw," sabi sa akin ni Jewel at itinago ko naman agad ang poot para kay Rafael."Okay. Pupunta ako." Malamang ay mangangamusta na naman sila sa project ko na si Rafael.Parang ay
CHAPTER 15KAHIT ayaw ko pero dahil kailangan ay nandito na ako sa piyer ng Sta. Elena. Maalinsangan ang umaga ngayon dahil sa sikat ng araw. Maaamoy ang tubig-alat mula sa aking sasakyan. Pinagmasdan ko ang paligid at nagbabakasakaling makita na si Rafael. Wala akong planong bumaba kung hindi ko siya mamataan. Baka naman kasi ay gino-good time lang niya ako.Lumipas ang ilang minuto na wala man lang akong nakitang maski anino niya kaya isinarado ko ulit ang bintana.Inihilig ko ang ulo at hinilot ang noo. Ano kaya ang dahilan ng pagsakit nito? Ang interview na pinipilit ko o dahil matagal akong nakauwi kagabi? Actually madaling araw na pala. Gusto kong palakpakan ang sarili kung paano ko natagalang manatili sa bar gayung nasa tabi ko lang naman si Rafael. Malaki talaga ang naitulong ng alak sa akin. Ipinikit ko ang mata at hinihila na ng antok nang may kumatok sa salaming bintana. Nagmulat ako ng mata at tiningnan kung sino iyon."Magandang umaga po, Ma'am. Hinihintay na po kayo ni
CHAPTER 16"KAIN na tayo," masayang anyaya sa akin ni Raf nang puntahan ako sa sala."Pasensiya na at magiging vegetarian tayo ngayon. Wala kasi tayong ref kaya walang karne or isda na naka-stock. Kung manghuhuli naman ako ay baka mahimatay ka na sa gutom bago tayo makakain," kuwento niya habang nagsisimula na kaming mag-lunch. Ipinagsandok pa niya ako sa aking plato. Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw niya. Mula sa maputi at mabalahibong braso paakyat sa malapad niyang balikat papunta sa guwapong mukha. Effortless na natural na pinkish ang kanyang labi. Tanging labi na nakadampi sa akin. Sa matangos na ilong at sa magagandang mata. Mas mahaba pa yata ang pilik-mata niya kaysa sa akin. Natural ding makurba ang mga ito. "Okay lang iyan. Ganyan talaga kapag nakakaharap ako sa malapitan. Magiging speechless ka," basag niya sa ilang segundong pagtahimik ko.Saka ko pa lamang naisip kung ano ang gusto niyang iparating.Kaagad kong pairap na iniwas ang mata. Ang lakas ng hangin. Baka n
EPILOGUE NATARANTA ako nang magising na wala na si Tammy sa aking tabi. Akala ko'y iniwan niya ulit ako pero bumukas ang pinto at pumasok siya na may dalang tray ng pagkain. "Breakfast in bed," nakangiti niyang wika habang lumalapit sa akin. Tila hinaplos ang aking puso dahil sa kanyang ginawa. "Nag-abala ka pa," kunwari ay alangan kong sabi pero gusto ko ng tumalon dahil sa tuwa. "Hayaan mo na. Ikaw ang laging gumagawa nito kaya babawi ako ngayon." Ipinagsandok niya ako ng sinangag. Niyakap ko siya sa baywang at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg kasabay ng pag-amoy ng kanyang balat. Parang iba ang gusto kong gawin bukod sa kumain. "Raf," saway niya sa akin, "mamaya na 'yan at kumain muna tayo." Inabot niya ang puting T-shirt na isinuot ko naman kaagad. Sinunod ko na lang ang kanyang sinabi bago pa ako mapagalitan at baka maisipan na naman niyang lumayo. Ngayong araw ay kukunin namin ang kanyang mga gamit para tuluyan na siyang lumipat dito. Na-trauma na yata
CHAPTER 32 (RAFAEL'S POV)NAGISING ako dahil sa paggalaw ng kamang hinihigaan. May dumantay sa aking hita at yumakap sa baywang. Iminulat ko ang isang mata upang sipatin ang oras. Ala-sais na pala ng umaga at may klase ako ng alas-siyeti y mediya. Napabalikwas ako ng bangon kaya nagising ang aking katabi. "Raf, where are you going?" wika ng inaantok na boses ni Girlie, one of my flings. "School." Sabay pasok sa banyo para makaligo na. I'm just fifteen years old but I have countless of unserious relationships. But who cares, this is the life that I want and it will always remains this way. Wala akong planong magseryoso kagaya ng madalas na sinasabi ni Mommy. Bakit pa? Gayung mas maganda ang ganito, nagkakilala kayo, may nangyari sa kama, then the following day ay pareho na kayong estranghero.I was twenty years old nang pinilit ako ni Mommy na bumalik sa Pilipinas, partikular sa kanyang hometown ang Sta. Elena. I refused to go to college kaya ipinatapon niya ako sa Pilipinas. Wala
TAMED CHAPTER 31LUTANG akong bumalik sa kuwarto. Ganito pala kapag sobrang nagulat at hindi makapaniwala ang isang tao, nawawala sa katinuan. Nanginginig kong minasahe ang sariling daliri. Paano nangyaring nabuntis ni Rafael si Wela gayung noong nakaraang linggo pa lang naman kaming naghiwalay, matapos ang tinaggihan kong proposal niya?Kung matagal na rin siyang nabuntis ni Raf dapat ay malaki na ang kanyang tiyan. Gusto kong hilahin at pukpukin ang sariling ulo dahil sa dami ng katanungang gusto kong masagot. Hindi ako pinatulog ng mga tanong na iyon buong gabi. Kung hindi pa natamaan ng sikat ng araw ang aking mukha ay hindi pa siguro ako magigising ngayon. Mabilis akong kumilos at nagbihis. Hindi puwedeng tumunganga na lang at maghintay ng puwedeng mangyari. Malaki ang naging sakripisyo ni Raf at panahon na siguro para gawin ko naman ang aking parte. Kinapalan ko na ang mukhang nagpunta sa front desk ng aking tinutuluyan. Mabuti na lang at nandoon si Sylvanna at kinakausap a
CHAPTER 30"TAMMY, sandali lang," agap ni Rafael sa aking pagpasok. Nanatili ang aking mata sa kamay niya na nasa braso ko. Ang init na nakasanayan ko na, ang init na hinahanap-hanap ko."Kung manunumbat ka sa akin, do it here," prangkang saad ko sa kanya."Can we just talk? Sa loob? Promise saglit lang 'to." At siya na ang pumihit ng door knob at pinauna ako ng pasok. Wala na nga siguro akong choice kung hindi ang harapin siya ngayon kahit hindi ko ito napaghandaan.Nakatutunaw ang kanyang tingin. Hindi ko masabi kung ano ba talaga ang ipinapahiwatig nito. Basta hindi ako makapag-isip ng mabuti dahil nanaig ang kaba sa aking buong sistema."How long have you been here?" pukaw niya sa akin."M-mag-iisang linggo pa lang.""Nag-resign ka na pala. Why?" Pinanliitan niya ako ng mata."Dahil kailangan. ""Bakit? May nagpapaalis ba sa 'yo? Sa pagkaka-alam ko ay wala," tila sumbat 'yon."Paano ako magtatrabaho kung halos lahat ng tao ay galit sa akin?" mapait kong turan.Bumuntong-hininga si
CHAPTER 29HABOL ang hiningang sumandal ako sa likod ng pintuan pagkapasok sa kwarto. Para akong nananaginip at kalaunan ay bangungot na pala.Hindi ko alam ang gagawin. Kung iiyak ba o matatakot dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita kami ni Raf ulit.Pero bakit magkasama sila ni Wela? Iisang kuwarto pa ang kanilang tinutuluyan.Nagpabalik-balik ako ng lakad sa kuwarto. Para na siguro akong baliw kung may ibang taong makakita sa akin.Hindi ako pinatulog dahil sa napakaraming mga iniisip. Madaling-araw na siguro iyon bago ako naka-idlip dahil may iilang tilaok na ng manok sa labas.Masakit ang aking ulo kinabukasan at pakiramdam ko ay lumulutang ako. Medyo napatalon pa ako sa kama nang marinig ang iilang katok sa labas. Inayos ko muna ang nagulong buhok bago pinagbuksan ng pinto ang kumakatok.Magandang mukha ni Sylvanna ang aking nabungaran. Hinawakan ko ang mata dahil baka may natuyo akong muta samantalang siya ay ang ganda-ganda na niya sa mga oras na ito o sadyang likas
CHAPTER 28MAGANDA ang sikat ng araw ngayong umaga at sumalubong sa akin ang huni ng mga ibon. May lungkot akong naramdaman pero medyo magaan na ang aking pakiramdam kumpara noong nakaraang linggo. Kung saan tila ay wala akong kakampi, parang noong mga araw lang na nawala si Mama.Ito ang unang beses na lumayo ako sa kinalakihang lugar. Parang walang mangyayari sa akin kung magmumukmok ako sa bahay at araw-gabing umiiyak.Ayaw pa sanang tanggapin ni Mr. Perez ang aking resignation at bakasyon lang ang inalok sa akin. Makakalimutan din ng lahat ang nangyari kaya huwag ko na lang daw ituloy ang binabalak na umalis sa kanyang kompanya. Pero alam kong higit pa roon ang aking kailangan. Gusto kong maka-usad sa lahat ng mga nangyari at gagawin ko iyon na walang inaalalang trabaho na babalikan.Sa huli ay pumayag na rin siya ngunit bukas pa rin ang kanyang publishing house kung sakaling babalik pa ako. Tinapos namin ang araw na iyon sa pamamagitan ng isang yakap. Tinapik niya ang aking balik
CHAPTER 27NANLAKI ang aking mata dahil sa tanong na 'yon ni Rafael. Nagsinghapan ang mga tao at ang lahat ay naghihintay ng aking sagot. Parang tumigil din ang kanilang paghinga dahil sa paghihintay ng aking desisyon.Nilipat ko naman ang mata sa lalaking nakaluhod sa aking harapan. Nitong mga nagdaang buwan ay wala siyang ibang bukambibig kung hindi ay ang bigyan siya ng pagkakataong patunayan na babawi siya sa'kin.Pero biglang bumalik ang alaala, ang sakit na dulot ng kahapon dahil sa pag-iwan niya sa 'kin. Kagaya ngayon ay hinayaan kong magpakita siya ng katangian na kahit na sinong babae ay mahuhulog pero sino nga ba ang may alam kung sasaktan niya lang ako?Tila ay bumalik ang madilim na kahapon. Araw-gabi akong umiiyak, tinatanong kung saan ako nagkamali at ano ang ginawa ko para tratuhin ako ng ganoon. Pati mama ko ay nawalan ng tiwala dahil sa lalaking iiwan din pala ako. Tao na pinili ko sa kabila ng lahat pero hindi kayang lumaban para sa akin.Kung sakaling mauulit pa iyo
CHAPTER 26INALIS ko ang nakadagang braso ni Raf sa aking katawan. Nag-iba siya ng posisyon pero hindi pa rin nagigising. Dahan-dahan akong bumangon at isinuot ang roba bago pumasok sa banyo para maligo.Ini-on ko ang heater at naghintay ng ilang minuto bago hinayaan ang maligamgam na tubig na maglandas sa aking katawan.Ilang beses ng may nangyari ulit sa amin ni Raf simula nang angkinin niya akong muli pagkatapos maipasa ang interview tungkol sa kanya, isang buwan na rin ang nakalipas.Madalas kaming makita na magkasama at halos araw-araw ay hinahatid at sinusundo ako sa trabaho."Bakit kasi ayaw mo pang lumipat dito sa bahay, Tammy," pa ulit-ulit na tanong niya."Kasi, Raf, hindi tama at pareho nating alam 'yon," palagi kong sagot sa kanya. Pero alibi ko na lang 'yon sa totoong nasa isip ko, na hanggang ngayon kahit ilang beses pang may mangyari sa 'min ay wala pa rin akong tiwala sa kaniya at hindi na siguro magbabago 'yon."I want you to know that in this house you're always welc
CHAPTER 25MALAKING ngiti ang isinalubong ni Mr. Perez sa akin ngayong umaga. Tila nanalo sa lotto at walang kahati sa papremyo."Tamara, good morning. A very, very good morning indeed." Hindi maalis sa kanyang mukha ang labis na kaligayahan.Medyo natulala ako't hindi alam ang magiging reaksiyon. Hindi ko rin naman alam kung bakit ganito siya kasaya."M-magandang umaga rin po," alangan ang pagbati ko pabalik sa kanya. Nakapaskil ang pekeng ngiti sa aking labi na parang ngiwi na ang kinalabasan. Na-out of place ako sa kaligayahan niya."Napakaganda ng interview mo kay Mr. dela Vega. Kahit ako ay halos hindi kumukurap habang binabasa ko ang isinulat mo." Nagnining-ning ang kanyang mga mata habang sinasabi 'yon."T-talaga po?" naguguluhan ko pa ring tanong. Pero umayos naman kaagad dahil baka magtaka siya kung bakit hindi ko alam ang laman ng interview na 'yon."Hindi ako nagkamali sa pagpapadala sa'yo para mag-interview sa kanya. Good job, Tammy. Great job actually," puri niya sa aki