CHAPTER 2
KAHIT AYOKONG balikan ang mga taong nakalipas ay kusa ko itong naalala.
"You should always stay on top, Tammy, no matter what happen you should always do your best. Gawin mo ang lahat hindi dahil sa anak kita kung hindi para maging karapat-dapat ka sa apelyido ng papa mo."
Bata pa lang ako ay iyan na ang kinamulatan kong mundo. Kailangan kong pagtrabahuan ang aking pangalan.Nasa akin ang lahat ng pressure.Anak ng isang school principal at magaling na guro.Karugtong ng aking pangalan ang perpekto, hindi pwedeng magkamali, hindi pwedeng sumimplang.Ako si Tamara Navaroza, anak sa pagkadalaga ng aking inang prinsipal sa eskwelahang pang-elementarya, si Miss Josefina Navaroza.Dating guro si mama na nagmahal ng maling lalaki at ako ang naging bunga.Anak ako sa labas ni Governor Rodulfo Vasquez at hanggang ngayon ay hindi ako tanggap ng kanyang pamilya. Ayaw akong kilalanin ng aking half sister na si Brenna at hindi ko naman ipinagpipilitan ang aking sarili.Pero si mama ay ayaw sumuko. Kaya gusto niyang ako ang maging pinakamagaling para kilalanin at tanggapin ako ng aking ama."Ma, ito na po ang aking school card. Hindi raw po kasi kayo nakapunta sa homeroom meeting kaya ipinadala na lang ng teacher ko para mapirmahan niyo po." Sabay abot ko sa kanya ng brown envelope. Grade three lamang ako noon."Pang ilan ka sa classroom honors?" tanong niya habang patuloy pa rin sa kanyang ginagawa."Top 1 po, Ma," nakayuko kong sagot."Pero dalawa kayo sa puwestong iyon, hindi ba?" hindi ko inaasahan ang tanong na iyon.Mahinang tango ang sagot ko.
"I told you to stay on top!" sigaw niya sa akin sabay hawak ng madiin sa aking magkabilang braso."Pagiging top one na nga lang ay hindi mo pa magawa. Talunin mo ang kasama mong top one. Dapat ikaw lang mag-isa sa puwestong iyan. Naiintindihan mo ba ako, Tamara? Kailangang gawin mo ang lahat para matanggap ka ni Rodulfo, kailangang hindi tayo ang magiging talunan, patunayan mo sa kanya na deserving ka rin sa apelyido niya!" At malakas akong binitawan. Kung hindi pa ako nakahawak sa mesa malamang ay nakaupo na ako sa sahig.Laging ganoon ang nangyayari. Hindi ako pwedeng matalo. Hindi pwedeng maging number two. Hindi pwedeng may kasama sa pagiging first honor. Lahat ng activities ay kasali ako. Dapat ako lagi ang maging classroom president. Dapat ako ang mag-champion sa lahat ng mga contest. Dapat lahat ng ginagawa ko'y ako ang pinakamagaling."Choose another group of friends, Tammy," kompronta sa akin ni mama isang hapon pag-uwi ko. First year high school na ako noon pero wala pa rin akong karapatang magdesisyon para sa sarili."Pero, Ma, sila po ang gusto ko. Alam ko ring mga totoong kaibigan sila," protesta ko."You choose, maghahanap ka ng mga bagong kaibigan o wala ka talagang kakaibiganin kahit isa sa school ninyo?" seryoso niyang sabi.The following day ay nakikita ko na lamang ang sarili na hindi na sumasama sa dati kong mga kaibigan. Mas mabuting ako na lang ang iiwas kaysa madamay pa sila kung anuman ang gagawin ni mama.Kalagitnaan ng school year na iyon ay dumating si Jewel Cruz, transferee siya at nagkapalagayan kami ng loob. Siya lang ang natirang kaibigan ko at nanatili sa aking tabi. Mas mabuti na ring hindi ko ipaalam kay mama ang tungkol sa pagkakaibigan namin dahil baka bawal ko na naman siyang makasama.Umikot ang buhay ko na sunod-sunuran sa lahat ng gusto ni mama. Bawal iyan dahil hindi bagay sa akin. Hindi pwede ang ganyan dahil para lamang iyan sa talunan. Ganito ang gagawin ko para bumilib ang tatay kong wala namang pakialam sa akin.Hanggang nag-high school ako ay hindi pa rin ako kinikilala ng aking ama.Madalas kong naririnig ang usap-usapan ng mga tao sa paligid, mga kapwa estudyante at minsan ay mga guro pa mismo na pumatol si mama sa lalaking alam niyang may pamilya na.Minsan ay pinipili ko na lang yumuko o hindi kaya ay mag-iba ng daanan kapag makakasalubong ko si Brenna, ang kapatid ko sa ama, anak ng babaeng pinakasalan ni Gov. Ayokong ipahiya niya ako sa maraming tao, tama ng alam ko na anak ako sa pagkakasala. Bunga ng isang gabing pagkakamali ni mama.Second year high school ako nang makita mismo ng aking mata kung gaano nagpakatanga si mama sa kanyang maling pag-ibig.Magha-hatinggabi na ng mga oras na iyon at nagising ako dahil sa mga boses na narinig ko sa sala.Medyo nakahiwalay ang bahay namin sa ilang kapitbahay dahil may kalakihan din ang lupang kinatitirikan nito. Hindi kalakihan ang aming bahay pero maluwang ang bakuran namin."Rodulfo, please choose me. Please choose us," umiiyak niyang sabi habang niyayakap si gov mula sa likod.'Huwag kang magma-kaawa, Ma,' gusto kong isigaw sa kanya pero mas pinili kong manahimik habang sekritong nagmamasid sa kanila."Alam mong hindi ko pwedeng gawin iyon. May pamilya ako, Josefina. Ang nangyari sa atin ay isang napakalaking pagkakamali. Kaya alam mong hindi ko pwedeng angkinin si Tamara na anak dahil mapapahiya ako at masisira ang pangalan ko," paliwanag ng aking ama. Mayor pa lamang siya noon.Ang sakit malaman na walang taong may gusto sa iyo dahil nagkamali sila kaya ka lang nabuhay. Pati sarili kong ama ay ikinakahiya ako. Pinigilan ko ang mga luha sa aking mata, pinigilan kong umiyak ng mga oras na iyon.
"Can't you see it, Rodulfo? Napakatalino ni Tammy. She's always on top, kahit saan ay nag-i-excel siya kaya dapat lang na tanggapin mo siya!" hindi napigilan ni mama na magtaas ng boses."Aanhin ko ang katalinuhan niya? Kahit baliktarin ang mundo, anak ko siya sa labas. Kaya hindi ko pwedeng ibigay ang pangalan ko sa kanya. Mananatili lamang siyang isang sikreto Josefina at sana ay ito na ang huling beses na magkakausap tayo. Nakikiusap din ako sa iyo na sana ay huling beses na rin ito na magkakalapit tayo. Ituring na lang nating masamang bangungot ang lahat. Gusto ko pang magtagal sa pulitika at ayokong masira sa ibang tao." Iyon ang huling sinabi niya bago tuluyang lumabas ng bahay. Rinig na rinig ang hagulgul ni Mama habang pumasok na ako sa aking silid.Hanggang kailan namin ipagpipilitan ang aming sarili? Hanggang kailan kami mamamalimos ng pagmamahal mula sa kanya? Ako, mabubuhay ako kahit hindi niya ako kilalanin. Si mama lang ang mapilit, siya lang ang gustong may patunayan sa lahat.Iba ang pakiramdam ko kinabukasan. Dahil na rin siguro sa nangyari kagabi sa pagitan ni mama at ng tatay ko.
"So anong gagawin mo if ever ipipilit talaga ng anak sa labas ang karapatan niya?" narinig ko ang pag-uusap ni Wela at Brenna sa school cafeteria. Hindi sila mapaghiwalay kaya laging magkasama.Iwan kung sinasadya ba nilang iparinig sa akin o hindi nila alam na ako ang dumaan malapit sa mesa nila."Mamatay siya sa inggit. Ano siya sinuswerte? Kasalanan naman ng malanding nanay niya na pumatol kay daddy na ginawa lang naman siyang kabit." At inirapan ako.Nangangati na ang aking dila para sagutin siya pero nagpigil ako. Ayokong magsisimula ako ng gulo dahil pati si mama ay madadamay. Ayoko ring maging laman ng school paper kung sakali dahil sa pakikipag-basag ulo. Ako pa naman ang representative ng batch namin sa Student Body Organization tapos ako ang magsisimula ng away. How I wish na sana sa ibang school na lang nag-aral si Brenna at ang best friend niyang si Wela para hindi na magkukrus ang mga landas namin pero lagi silang naki-kick out dahil sa mga offenses na nagagawa kaya sa public high school ng Sta. Elena pa rin ang bagsak nila.Sa huli ay mas pinili ko na lang umalis doon habang kaya ko pang magpigil.Tanggap ko naman na sa mundong ito, hindi ako magkakaroon ng karapatan na tulad ng kay Brenna, si mama lang naman ang ayaw tumanggap ng katotohanang 'yon."Huwag mo na lang patulan, Tammy, kahit saang anggulo naman tingnan ay mas maganda, talented at matalino ka naman sa kanya," pang-aalo ni Jewel nang nagkwento ako sa nangyari kanina.
"Si mama kasi ayaw tanggapin ang totoo. Ayos naman sa akin na kaming dalawa lang, hindi ko naman hinangad na ipagsiksikan ang sarili sa aking ama," malungkot kong sagot.Kahit nakakasakal na si mama ay pilit ko pa ring inintindi dahil mahirap maging single parent.Lumaki akong walang nakasanayang katulong kaya lahat ng gawaing bahay ay alam ko, mula sa paglalaba, paglilinis pati pagluto ay pinag-aralan ko na rin.Masasabing hindi normal ang buhay ko bilang teenager. Habang ang mga kaklase ko ay kilig na kilig sa kanilang mga crush sa classroom, ako ay kailangang magsunog-kilay para maging pinakamatalino sa lahat ng mga ka-batch ko."Alam mo ba may senior na gwapo, Tammy?" bulong sa akin ni Jewel kahit nasa library kami.
"Bawal maingay, Jewel. Mamaya na tayo mag-usap sa labas," pinagsabihan ko na siya bago pa kami mahuli ng matandang librarian na nagkikwentuhan."Wala naman ang bruha," tukoy niya sa librarian.Hindi ko na siya sinagot dahil hahaba lang ang usapan namin.Itinuloy ko na ang pagbabasa at nag-take note ako sa aking kuwaderno nang bigla niya akong kinalabit."Tammy, gosh, Tammy, papunta rito iyong gwapo na senior." Aligaga siya habang sinasabi iyon."Jewel, isa, tumigil ka na. Nagri-review pa ako-" pinutol ng baritonong boses ang sasabihin ko pa."Hi. I'm Steve. Kanina pa kita tinitingnan and your familiar." Hindi ako sigurado kung sino sa amin ni Jewel ang kinakausap niya.Hindi ako nag-angat ng tingin dahil ayokong patulan ang pagtsi-tsismisan nila. Alam na ngang nandito kami sa library pero lumapit pa talaga siya amin. Ayos lang sana kung may itatanong na lessons or certain topic pero wala naman.Naramdaman ko ang siko ni Jewel sa aking tagiliran. Nasundan pa ito ng ilang beses kaya nilingon ko na siya. Sinundan ko ang itinuro ng kanyang nguso at mata. Doon ko pa lang nalaman na ako ang kinakausap ni Steve dahil sa akin siya nakatingin.Ngumiti siya sa akin na halatang nagpa-cute. Okay, gwapo naman siya, pero hindi ako interesado sa kanya."What do you need, Mr.?" deritso kong tanong dahil kung wala siyang importanteng kailangan ay makakaalis na siya."Whoa, suplada. I like suplada." Sabay tiklop niya ng librong aking binabasa.
Uminit na ang ulo ko."Alam mo kung wala kang importanteng kailangan ay makakaalis ka na. Library ito at hindi isang coffee shop na pwede tayong magkwentuhan. Marami pa akong gagawin bukod sa pakikipagtsismisan sa'yo." Hindi ko napigilang magtaray at ipinagpatuloy na ang pagbabasa.Nilingon kami ng ibang estudyante at nag-iiwas naman agad sila ng tingin."Maganda ka sana, kaso mataray lang. Pero no problem dahil hindi naman nakabawas iyon sa tindi ng pagka-crush ko sa'yo. Can I get your number? Naiintindihan ko naman kung gusto mong maging pribado ang magiging relasyon natin," mayabang niyang sabi at isinara ulit ang libro sa aking harapan.That's it."You know what, mister, I'm not interested kung anuman ang sasabihin mo. Bakit hindi ka na lang bumalik sa mesa mo para mag-aral!" nasigawan ko na siya.Pinulot ko ang libro at notebook na nasa mesa at hinawakan ko si Jewel saka hinila palabas ng library.May narinig pa akong nagbubulungan paglabas.May nagsabing suplada at mayabang ako pero nang mga oras na iyon ay wala akong pakialam. Sobrang presko ng isang iyon. Nag-uumapaw sa self confidence at papunta na sa yabang.Simula sa araw na iyon ay binansagan na akong man-hater.Sad reality. Sa isang pagkakamali mo you will be judged throughout your whole life.May nagsabi rin na, "ayaw sa mga lalaki dahil baka matulad sa ina niya,""Kunwari ay suplada pero papatol din sa may asawa kagaya ng nanay niya."
Nilunok ko na lang lahat ng iyon. Wala rin namang mangyayari kapag mag-i-explain pa ako. It's either, makikinig at maniniwala sila sa akin or they will still hate meCHAPTER 3HULING taon ko na ito sa high school kaya mas naging doble pa ang pressure sa akin.Lahat na yata ng organization ay kasali ako tulad ng gusto ni Mama."Alam mo ba ang balita, Tammy?" tanong ni Jewel nang makalapit sa akin kahit nandito kami sa loob ng library."Ano na namang balita iyan? 'Yong crush ninyong nasa kabilang section ay may girlfriend na? Iyong paborito ninyong artista at model ay ikakasal na? O iyong natitipuhan ninyong mga college students ay may friendly game na naman sa school natin?" mahina ang boses kong tanong pabalik."Oy, magaling kang manghula tumama ka roon sa college students." Itinaas pa niya ang dalawang kilay na may nakakalokong ngiti."Hay, sinasabi ko na nga ba. Alam niyo, Jewel, kayo lang ang inuuto ng mga iyan. Hindi nga siguro kayo kilala ng mga lalaking 'yan eh." Saka itinuloy ulit ang pagsusulat."Tammy, jowain mo na kasi ang isa iyong crush ko." Niyugyog niya ang aking braso. Napangiwi ako sa hiling niyang iyon."Crush mo tapos ako ang ma
CHAPTER 4 HINDI ako mapalagay sa pagpasok sa eskwelahan kinabukasan. Hindi mawaglit sa aking isip ang mensahe ni Rafael.Sana lang una at huling beses na ang aming pagkikita kahapon.Bumaba na ako sa sinasakyang traysikel at nag-abot ng bayad. Pag-alis ng traysikel ay naagaw ang atensiyon ko ng nasa kabilang kalsada. Grupo nina Brenna at Wela. Nahagip ng aking mata ang pamilyar na bulto ng kasama nila. Ang mga college students na naglaro kahapon dito sa school at kasama pa si Rafael. I should have known better. Ano nga ba ang aasahan ko sa isang kagaya niya?Dala ang ilang libro ay tatalikod na sana ako para pumasok na ng paaralan pero nahuli talaga ng mata ko ang pagkalabit kay Rafael ng isang kasama niya at itinuro ako. Lumingon si Rafael sa akin at agad napangiti ng malaki.Hindi ko na lang pinansin at nagsimula nang maglakad palayo roon."Tammy, wait!" tawag niya sa akin habang tumatawid sa kalsada. Nagpanggap akong walang narinig at mas binilisan pa ang paglalakad. Buhol-buhol a
CHAPTER 5ILANG araw rin na naging usap-usapan ang hayagang pagbibigay ng bulaklak sa akin ni Rafael. Nandoon ang kakambal na lait at mga haka-haka."Nililigawan dahil matalino para tagagawa ng mga assignments at projects ni Raf." "Ang choosy niyang si Miss President pero baka makapasa si Rafael sa kanya, gwapo na mayaman pa.""Naku dagdag lang iyan sa collection ni Raf, bali-balitang ang daming karelasyon niyan sa States."Bulaklak lang ang ibinigay ni Rafael pero ang dami ng sinasabi. Hindi ko naman tinanggap iyon at wala rin naman akong planong makipaglapit sa kanya.Inubos ko na lang ang oras sa pagiging busy para sa nalalapit na JS prom at paghahanda sa aming graduation. May school paper pang dapat i-finalized, may yearbook pang aasikasuhin kasama ang ilang mga piling estudyante. Kaya ilang beses na akong late nakakauwi. Ayos lang naman kay mama basta activity sa eskwelahan ang pinagkakaabalahan ko.Kagaya ngayon na mag-aala-sais na ng gabi bago ako makauwi.Baha pa ang kalsad
CHAPTER 6 NAPANSIN kong dalawa na ang guard ng eskwelahan pagpasok ko kinabukasan.Narinig ko rin ang usap-usapan na hanggang alas-nuwebe ng gabi sila sa school. Request daw ng isang importanteng tao ng Sta. Elena.Posible bang si Rafael ang taong iyon? Pumasok na ako sa classroom at maghihintay sa pagtunog ng bell para sa flag ceremony."Tammy, may gagawin ka ba mamaya sa lunch break?" sinalubong kaagad ako ng tanong ni Jewel."Marami, Jewel. Bakit tutulungan mo ako?" pabiro kong sagot. "Nagyaya kasi sina Rafael ng lunch. Manglilibre daw siya pero dapat ay kasama ka." May nakabuntot pang ngiti ang kanyang turan.Puno ng pagtataka ko siyang tiningnan. Naalala ko na naman ang bilin ni mama kagabi.Gustuhin ko mang sumama bilang ganti na rin sa ginawa niyang pagligtas sa akin kahapon pero hindi puwede."Hindi puwede, Jewel," pagtanggi ko."Bakit? Hindi naman tayo magtatagal. Susunduin at ihahatid naman nila tayo kaya hindi tayo mali-late," kumbinse niya sa akin.Narinig ko na naman s
CHAPTER 7 KINAKABAHANG pumasok ako sa bahay at pinaghahandaan na ang maaaring sabihin ni mama. Hindi ako sigurado kung wala ba talagang nakakita sa paghatid ni Rafael hanggang sa kanto papasok sa subdivision na tinitirhan namin.Nagmano ako habang may tinutupi siyang damit."Tamara, maaga akong aalis bukas," paalam niya sa akin. Saka ko pa lang napansin ang isang maliit na maleta malapit sa kanya."Saan po ang punta niyo, Ma?" magalang kong tanong."May teachers seminar akong pupuntahan at ngayong taon sa municipality ng San Vicente gaganapin ang seminar. Mga isang linggo rin ako roon kaya pagbutihin mo ang pag-aaral," bilin niya."Opo, Ma. Ingat po kayo," tanging nasabi ko."Lock the door and windows properly. Pwede kang magpasama ng kaklase mo rito kapag gabi but no boys, Tamara," matapang ang hitsura niya habang sinasabi iyon."Opo, Ma," maikling sagot ko. Si Jewel na lang ang kakausapin ko para may kasama ako rito."Pagbalik ko ay mamimili na tayo ng susuotin mong damit para sa
CHAPTER 8PAGDATING ng Lunes ay usap-usapan sa buong eskwelahan ang nangyari sa bahay nina Rafael noong Sabado. Hindi na ako magtataka kung bakit. Sa kanyang kasikatan, kisig, at yaman siya ang pinapangarap ng halos lahat ng babae, sa loob o sa labas ng eskwelahan."Feel na feel naman niya. Akala mo kung sinong maganda," masungit na sabi ni Wela pagdaan ko malapit sa kanila.Hindi ko na lang pinatulan at hindi ako pwedeng makipag-away. May imahe akong pinuprotektahan samantalang siya ay wala kaya kahit saang anggulo tingnan ay lugi ako.Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may biglang pumatid sa aking paa. Muntik pa akong mapasubsob sa semento mabuti na lang at nabawi ko pa ang aking balanse.Nilingon ko ang grupo nila at hinanap kung sino ang gumawa no'n. Nakataas ang kilay ng mga babae habang may nakakalokong ngiti ang ilang lalaki."Ano? Papalag ka? "matapang na tanong ni Wela.Naramdaman
CHAPTER 9HALOS hindi ako makapaniwala na ako ang babaeng nakaharap sa salamin pagkatapos ayusan ni mama. Ngayong alas-sais ng gabi ay magsisimula ang program kaya ala-singko y media pa lang ay tapos na akong magbihis.Suot ko na ang gown na napili niya at naka high pony-tail ang aking buhok na mas lalong naka-emphasize sa aking puting leeg at batok. Kinulot ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng tainga at mukha at hindi na inipit pa."Nakikita mo ba ang sarili mo, Tamara?" tanong sa akin ni mama habang nakatayo sa aking likod.Ramdam ko ang mainit niyang palad na namahinga sa aking balikat. Nagkatitigan kami sa salamin at kahit hindi niya sabihin ay alam kong masaya siya sa kinalabasan ng kanyang pag-aayos sa 'kin."You're very beautiful that's why I always wanted the best for you," seryosong saad niya.Napalunok ako sa kanyang kaseryosohan."Kaya ayokong kung sinu-sinong lalaki lang diyan ang pu
CHAPTER 10 "TAMARA, calm down," ang sagot sa akin ni Rafael sa kabilang linya. Malalim ang kanyang paghinga, siguro'y sinusubukang tansiyahin ang mga nangyayari. "Raf, hindi sang-ayon si mama sa relasyon natin," sabi ko sa pagitan ng mabigat na pag-iyak. "Tammy, nanay siya. Nagkataon pang babae ka kaya ganyan siya ka over protective sa'yo. Intindihin mo na lang muna siya, lilipas din iyan," malumanay ang kanyang boses habang nagpapaliwanag. "Hindi, Raf, hindi niya maiintindihan dahil ang akala niya'y lahat ng lalaki ay katulad ng tatay ko. Para sa kanya ay iiwan mo rin ako," saad ko sa katotohanan. Bumuntong-hininga siya at hindi ko alam kung para saan iyon. Dahil ba sa sitwasyon ko o ang hindi pagtanggap ni mama sa kanya? "Tammy, magpahinga ka na muna. Mag-uusap tayo bukas. I know its been a long day. Kailangan mo ng pahinga kaya get some rest. Okay?" pilit niyang pinapasaya ang boses. Parang wala ako sa sarili nang pumasaok kinaumagahan. Mabuti na lang at walang baka
EPILOGUE NATARANTA ako nang magising na wala na si Tammy sa aking tabi. Akala ko'y iniwan niya ulit ako pero bumukas ang pinto at pumasok siya na may dalang tray ng pagkain. "Breakfast in bed," nakangiti niyang wika habang lumalapit sa akin. Tila hinaplos ang aking puso dahil sa kanyang ginawa. "Nag-abala ka pa," kunwari ay alangan kong sabi pero gusto ko ng tumalon dahil sa tuwa. "Hayaan mo na. Ikaw ang laging gumagawa nito kaya babawi ako ngayon." Ipinagsandok niya ako ng sinangag. Niyakap ko siya sa baywang at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg kasabay ng pag-amoy ng kanyang balat. Parang iba ang gusto kong gawin bukod sa kumain. "Raf," saway niya sa akin, "mamaya na 'yan at kumain muna tayo." Inabot niya ang puting T-shirt na isinuot ko naman kaagad. Sinunod ko na lang ang kanyang sinabi bago pa ako mapagalitan at baka maisipan na naman niyang lumayo. Ngayong araw ay kukunin namin ang kanyang mga gamit para tuluyan na siyang lumipat dito. Na-trauma na yata
CHAPTER 32 (RAFAEL'S POV)NAGISING ako dahil sa paggalaw ng kamang hinihigaan. May dumantay sa aking hita at yumakap sa baywang. Iminulat ko ang isang mata upang sipatin ang oras. Ala-sais na pala ng umaga at may klase ako ng alas-siyeti y mediya. Napabalikwas ako ng bangon kaya nagising ang aking katabi. "Raf, where are you going?" wika ng inaantok na boses ni Girlie, one of my flings. "School." Sabay pasok sa banyo para makaligo na. I'm just fifteen years old but I have countless of unserious relationships. But who cares, this is the life that I want and it will always remains this way. Wala akong planong magseryoso kagaya ng madalas na sinasabi ni Mommy. Bakit pa? Gayung mas maganda ang ganito, nagkakilala kayo, may nangyari sa kama, then the following day ay pareho na kayong estranghero.I was twenty years old nang pinilit ako ni Mommy na bumalik sa Pilipinas, partikular sa kanyang hometown ang Sta. Elena. I refused to go to college kaya ipinatapon niya ako sa Pilipinas. Wala
TAMED CHAPTER 31LUTANG akong bumalik sa kuwarto. Ganito pala kapag sobrang nagulat at hindi makapaniwala ang isang tao, nawawala sa katinuan. Nanginginig kong minasahe ang sariling daliri. Paano nangyaring nabuntis ni Rafael si Wela gayung noong nakaraang linggo pa lang naman kaming naghiwalay, matapos ang tinaggihan kong proposal niya?Kung matagal na rin siyang nabuntis ni Raf dapat ay malaki na ang kanyang tiyan. Gusto kong hilahin at pukpukin ang sariling ulo dahil sa dami ng katanungang gusto kong masagot. Hindi ako pinatulog ng mga tanong na iyon buong gabi. Kung hindi pa natamaan ng sikat ng araw ang aking mukha ay hindi pa siguro ako magigising ngayon. Mabilis akong kumilos at nagbihis. Hindi puwedeng tumunganga na lang at maghintay ng puwedeng mangyari. Malaki ang naging sakripisyo ni Raf at panahon na siguro para gawin ko naman ang aking parte. Kinapalan ko na ang mukhang nagpunta sa front desk ng aking tinutuluyan. Mabuti na lang at nandoon si Sylvanna at kinakausap a
CHAPTER 30"TAMMY, sandali lang," agap ni Rafael sa aking pagpasok. Nanatili ang aking mata sa kamay niya na nasa braso ko. Ang init na nakasanayan ko na, ang init na hinahanap-hanap ko."Kung manunumbat ka sa akin, do it here," prangkang saad ko sa kanya."Can we just talk? Sa loob? Promise saglit lang 'to." At siya na ang pumihit ng door knob at pinauna ako ng pasok. Wala na nga siguro akong choice kung hindi ang harapin siya ngayon kahit hindi ko ito napaghandaan.Nakatutunaw ang kanyang tingin. Hindi ko masabi kung ano ba talaga ang ipinapahiwatig nito. Basta hindi ako makapag-isip ng mabuti dahil nanaig ang kaba sa aking buong sistema."How long have you been here?" pukaw niya sa akin."M-mag-iisang linggo pa lang.""Nag-resign ka na pala. Why?" Pinanliitan niya ako ng mata."Dahil kailangan. ""Bakit? May nagpapaalis ba sa 'yo? Sa pagkaka-alam ko ay wala," tila sumbat 'yon."Paano ako magtatrabaho kung halos lahat ng tao ay galit sa akin?" mapait kong turan.Bumuntong-hininga si
CHAPTER 29HABOL ang hiningang sumandal ako sa likod ng pintuan pagkapasok sa kwarto. Para akong nananaginip at kalaunan ay bangungot na pala.Hindi ko alam ang gagawin. Kung iiyak ba o matatakot dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita kami ni Raf ulit.Pero bakit magkasama sila ni Wela? Iisang kuwarto pa ang kanilang tinutuluyan.Nagpabalik-balik ako ng lakad sa kuwarto. Para na siguro akong baliw kung may ibang taong makakita sa akin.Hindi ako pinatulog dahil sa napakaraming mga iniisip. Madaling-araw na siguro iyon bago ako naka-idlip dahil may iilang tilaok na ng manok sa labas.Masakit ang aking ulo kinabukasan at pakiramdam ko ay lumulutang ako. Medyo napatalon pa ako sa kama nang marinig ang iilang katok sa labas. Inayos ko muna ang nagulong buhok bago pinagbuksan ng pinto ang kumakatok.Magandang mukha ni Sylvanna ang aking nabungaran. Hinawakan ko ang mata dahil baka may natuyo akong muta samantalang siya ay ang ganda-ganda na niya sa mga oras na ito o sadyang likas
CHAPTER 28MAGANDA ang sikat ng araw ngayong umaga at sumalubong sa akin ang huni ng mga ibon. May lungkot akong naramdaman pero medyo magaan na ang aking pakiramdam kumpara noong nakaraang linggo. Kung saan tila ay wala akong kakampi, parang noong mga araw lang na nawala si Mama.Ito ang unang beses na lumayo ako sa kinalakihang lugar. Parang walang mangyayari sa akin kung magmumukmok ako sa bahay at araw-gabing umiiyak.Ayaw pa sanang tanggapin ni Mr. Perez ang aking resignation at bakasyon lang ang inalok sa akin. Makakalimutan din ng lahat ang nangyari kaya huwag ko na lang daw ituloy ang binabalak na umalis sa kanyang kompanya. Pero alam kong higit pa roon ang aking kailangan. Gusto kong maka-usad sa lahat ng mga nangyari at gagawin ko iyon na walang inaalalang trabaho na babalikan.Sa huli ay pumayag na rin siya ngunit bukas pa rin ang kanyang publishing house kung sakaling babalik pa ako. Tinapos namin ang araw na iyon sa pamamagitan ng isang yakap. Tinapik niya ang aking balik
CHAPTER 27NANLAKI ang aking mata dahil sa tanong na 'yon ni Rafael. Nagsinghapan ang mga tao at ang lahat ay naghihintay ng aking sagot. Parang tumigil din ang kanilang paghinga dahil sa paghihintay ng aking desisyon.Nilipat ko naman ang mata sa lalaking nakaluhod sa aking harapan. Nitong mga nagdaang buwan ay wala siyang ibang bukambibig kung hindi ay ang bigyan siya ng pagkakataong patunayan na babawi siya sa'kin.Pero biglang bumalik ang alaala, ang sakit na dulot ng kahapon dahil sa pag-iwan niya sa 'kin. Kagaya ngayon ay hinayaan kong magpakita siya ng katangian na kahit na sinong babae ay mahuhulog pero sino nga ba ang may alam kung sasaktan niya lang ako?Tila ay bumalik ang madilim na kahapon. Araw-gabi akong umiiyak, tinatanong kung saan ako nagkamali at ano ang ginawa ko para tratuhin ako ng ganoon. Pati mama ko ay nawalan ng tiwala dahil sa lalaking iiwan din pala ako. Tao na pinili ko sa kabila ng lahat pero hindi kayang lumaban para sa akin.Kung sakaling mauulit pa iyo
CHAPTER 26INALIS ko ang nakadagang braso ni Raf sa aking katawan. Nag-iba siya ng posisyon pero hindi pa rin nagigising. Dahan-dahan akong bumangon at isinuot ang roba bago pumasok sa banyo para maligo.Ini-on ko ang heater at naghintay ng ilang minuto bago hinayaan ang maligamgam na tubig na maglandas sa aking katawan.Ilang beses ng may nangyari ulit sa amin ni Raf simula nang angkinin niya akong muli pagkatapos maipasa ang interview tungkol sa kanya, isang buwan na rin ang nakalipas.Madalas kaming makita na magkasama at halos araw-araw ay hinahatid at sinusundo ako sa trabaho."Bakit kasi ayaw mo pang lumipat dito sa bahay, Tammy," pa ulit-ulit na tanong niya."Kasi, Raf, hindi tama at pareho nating alam 'yon," palagi kong sagot sa kanya. Pero alibi ko na lang 'yon sa totoong nasa isip ko, na hanggang ngayon kahit ilang beses pang may mangyari sa 'min ay wala pa rin akong tiwala sa kaniya at hindi na siguro magbabago 'yon."I want you to know that in this house you're always welc
CHAPTER 25MALAKING ngiti ang isinalubong ni Mr. Perez sa akin ngayong umaga. Tila nanalo sa lotto at walang kahati sa papremyo."Tamara, good morning. A very, very good morning indeed." Hindi maalis sa kanyang mukha ang labis na kaligayahan.Medyo natulala ako't hindi alam ang magiging reaksiyon. Hindi ko rin naman alam kung bakit ganito siya kasaya."M-magandang umaga rin po," alangan ang pagbati ko pabalik sa kanya. Nakapaskil ang pekeng ngiti sa aking labi na parang ngiwi na ang kinalabasan. Na-out of place ako sa kaligayahan niya."Napakaganda ng interview mo kay Mr. dela Vega. Kahit ako ay halos hindi kumukurap habang binabasa ko ang isinulat mo." Nagnining-ning ang kanyang mga mata habang sinasabi 'yon."T-talaga po?" naguguluhan ko pa ring tanong. Pero umayos naman kaagad dahil baka magtaka siya kung bakit hindi ko alam ang laman ng interview na 'yon."Hindi ako nagkamali sa pagpapadala sa'yo para mag-interview sa kanya. Good job, Tammy. Great job actually," puri niya sa aki