Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 481 - Chapter 490

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 481 - Chapter 490

1219 Chapters

Kabanata 481

Walang nagawa si Charlie kundi ngumiti at kukuha na sana siya ng isang baso ng wine nang biglang hinawakan ni Rowan ang kamay niya.“Bawal uminom!” Tiningnan siya ng masama ni Rowan. "Hindi ka maaaring magmaneho pagkatapos mong uminom!"Naguluhan si Charlie. "Mr. Irwin, hindi ba sinabi mo na... maglalakad lang tayo pabalik mamaya?"“Sinong nagsabi nun!?”Nakatingin ng masama si Rowan kay Charlie ngunit napakamalumanay niya sa taong nasa kabilang linya.“Cordelia, huminahon ka… Oh, huwag kang mataranta!“Huwag kang mag-alala, huwag kang mag-alala. Nasa malapit lang ako!“Hindi naman ako nasa malayo! Hah, malapit na ako diyan. Ipinapangako kong pagagalingin ko si Elder Mr. Hamerton!“Ikaw talagang bata ka, ano bang sinasabi mo? Hindi mo kailangang maging magalang sa’kin!"Isinuot ni Rowan ang kanyang jacket at tumakbo palabas habang nagsasalita.Agad na natawa si Charlie. Tiningnan niya ang dalawang baso ng alak na hindi man lang nila nagalaw bago siya bumuntong-hininga at sinu
last updateLast Updated : 2023-11-22
Read more

Kabanata 482

Natulala si Matthew. Hindi kinaya ng kanyang pride na mapahiya ng ganito sa harap ng maraming tao.Sa kabila nito, mabuti pa rin na hindi siya pinansin ng iba—nagkukunwari din si Yale na hindi niya siya nakikita! Tatawagin sana niya si Yale nang matuklasan niya na ang kanyang kahanga-hangang anak na lalaki ay palihim na tumakas sa gitna ng maraming tao!“Yale! Yale Hamerton!" Galit na galit si Matthew. “Bwisit kang bata ka!”"Clark, tulungan mo ako!"Tumingin sa kanya si Clark at sinabing, “Paumanhin, Mr. Matthew. Kailangan kong magmadali sa itaas. Kailangang may magbantay kay Elder Mr. Hamerton!”"Ikaw…"Bago pa makapagsalita si Matthew, inutusan ni Zephyr ang lahat ng may awtoridad ng gaya ng pinuno ng pamilya, “Hindi na kritikal ang lagay ni lolo. Umalis na kayo dito! Bumalik na kayo sa kung anumang dapat niyong gawin!"Sabay-sabay silang sumagot, "Yes, Mr. Zephyr!"Ngumiti si Zephyr at umalis, habang hawak ang kamay ni Cordelia.“Hoy, anong gagawin ko kapag umalis kayong l
last updateLast Updated : 2023-11-22
Read more

Kabanata 483

Matagal siyang tinitigan ni Rowan ng may pagtataka sa kanyang mga mata.“Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi mo, Zephyr.”Ngumiti si Zephyr. "Mr. Irwin, hindi mo kailangang magkunwari na wala kang alam. Wala akong alam sa medisina, pero kilala ko ang lolo ko.“Yung totoo, pinanood ko siya na inumin ang gamot na ito mula pa noong bata ako. Matagal na niyang iniinom ito. Paano magkakaroon ng problema ngayon?"Bukod dito, binanggit ni Clark na kamakailan lang nang magsimula siyang uminom ng mas marami ng gamot na ito. Dati isang beses lang siyang umiinom nito kada tatlong araw, pero mas gusto niya itong inumin ng tatlong beses sa loob ng isang araw ngayon. Gamot ito, hindi isang napakasarap na pagkain. Hindi lang ‘yun, ni hindi siya nakakatatlong subo kahit na may matikman siyang masarap na pagkain. Bakit nawalan siya ng kontrol pagdating sa gamot na ‘to?Naging malalim ang tingin ni Zephyr. "Mr. Irwin, hindi lang mga pampalakas ang nasa tonic na ‘to, tama ba?"Tahimik na tumi
last updateLast Updated : 2023-11-22
Read more

Kabanata 484

Para sa kaligtasan ng buhay niya, hindi dapat hayaan ni Zephyr na matuto si Cordelia ng acupuncture mula kay Rowan, anuman ang mangyari!Sinimulan niyang ilihis ang usapan. “Honey, napakagaling mo kanina!”“Ano?”“Yung sinabi mo sa tito ko kanina. Napakasarap nun pakinggan!”Ngumiti si Cordelia. Dahil ito sa sumosobra na si Matthew at kung anu-ano ang ibinibintang niya sa iba! Pagkatapos niyang makasalamuha ng ilang beses si Henry, nalaman niya na hindi malaking problema si Henry maliban sa masyado siyang tapat at tahimik. Walang sinuman ang nagsabi na dapat apihin ang mga tapat na tao. Hindi niya ito kayang tiisin. Dagdag pa dito, nagsalita siya dahil pakiramdam niya ay mahina siya noong mag-isa silang dinepensahan ni Kate.“Karangalan ko ang makitang muli ang cool side ng asawa ko ngayon!”“At parang nakakain ka ng honey ngayong araw.” Nakangiting tumingin si Cordelia kay Zephyr. Isinandal ni Zephyr ang kanyang ulo sa balikat ni Cordelia at hinawakan niya ang braso niya g
last updateLast Updated : 2023-11-23
Read more

Kabanata 485

”Hindi ko sinabi na payag ako!”Tumingin si Xyla sa kanyang anak at napangiti nang mahuli niya ang kaunting pagkadismaya sa kanyang ekspresyon.Kahit na hindi niya makitang muli si Rowan sa buhay na ito, ang makasama ang mga anak na mayroon siya ay ang pinakamahalagang regalo na ibinigay sa kanya ng lalaki.“Alam kong ginagawa mo ‘to para sa’kin,” ang malumanay na sinabi ni Xyla, “Pero ayoko talagang maghanap ng iba. Kung paano ako trinato ni William Jenner dati... Sariwa pa rin ito sa isip ko."Natahimik si Cordelia."Pero yung lalaking nabanggit mo, hindi siya kasing sama ni William Jenner, hindi ba?"“Huh?” Nagulat si Cordelia. “Hindi, siyempre hindi! Napakabait niya!”"Ang paggagamot sa may sakit at pagliligtas sa mga nangangailangan ay mabuting gawain." Ngumiti si Xyla. "Hindi ako sumasang-ayon sa muling pagpapakasal, pero walang masama sa pakikipagkita sa kanya at ang pagkakaroon ng isang bagong kakilala.""Talaga?" Nagningning ang mga mata ni Cordelia. Niyakap niya ang k
last updateLast Updated : 2023-11-23
Read more

Kabanata 486

Bagama't walang balak si Xyla na muling magpakasal, naisip pa rin ni Cordelia na may pag-asa pa ito dahil sa kanyang pagpayag na makipagkilala sa iba.Kaya naman, nag-iisip siya ng mga paraan upang pagsamahin ang dalawa nitong mga nakaraang araw. Sa huli, ang pinakamahusay na paraan ay tila ang pinakalumang paraan din—iyon ay ang lumabas at makipagkita.Unang tinawagan ni Cordelia si Rowan at sinabi niya na gusto niyang umupo sa isang lugar kasama niya para makipagkwentuhan at sinabi niya sa kanya na dalhin ang Siamese cat.Nang ibaba ni Rowan ang tawag, nakarinig siya ng maingay na tunog sa kanyang mga tainga at nagulat siya."Charlie, hindi ako nagkamali ng narinig, 'di ba?" Paulit-ulit niya itong kinumpirma at hindi siya makapaniwala. "Gusto ni Cordelia... Gusto niya akong makasama na magkape?"Pakiramdam din ni Charlie na isa itong milagro.Si Cordelia ay mahinhin at madaling lapitan ngunit halos hindi siya nagkukusa na magyaya na makipagkita sa isang tao.Kumunot ang noo ni
last updateLast Updated : 2023-11-23
Read more

Kabanata 487

Tahimik na pinagmamasdan ni Rowan ang mag-ina habang nanlalabo ang kanyang paningin. Natulala siya, at nahulog sa lupa ang crate na hawak niya. Walang magawa ang maliit na Siamese cat at nagsimulang kalmutin ang pintuan ng crate.Isang malakas na braso ang biglang humawak sa kanya sa mga sandaling iyon.Nagulat si Rowan at lumingon upang salubungin ang komplikadong tingin ni Zephyr."Ikaw…"Dinampot ni Zephyr ang crate. "Mr. Irwin, hindi ka ba papasok sa loob?"Namumula pa rin ang mga mata ni Rowan. Ilang beses siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang kanyang emosyon.Nakiramay sa kanya si Zephyr sa hindi malamang dahilan. Hindi niya inisip na magandang ideya ito noong pinaghandaan ni Cordelia ang tungkol dito, ngunit hindi niya siya kayang pigilan, nang makita niya kung gaano siya kasaya.Natatakot siya na may hindi kanais-nais na mangyari ngayon kapag nagkita sina Rowan at Xyla, kaya pumunta siya doon para magbantay.Nang makita niya ang gulat at pagsisisi sa mukha ng ma
last updateLast Updated : 2023-11-23
Read more

Kabanata 488

”Oh…” Medyo nadismaya si Cordelia."Sabi ni Mr. Irwin sa susunod na lang daw.” Nagpasya si Zephyr para sa kanyang biyenan. "Siguradong darating siya at ibabahagi ang kanyang mga opinyon tungkol sa pag-aalaga sa mga pusa kay mom kapag handa na siya."“Sige.” Sumimangot si Cordelia at inilabas ang kanyang phone, kinausap niya ang kanyang sarili at nagtaka, "Kahit hindi dumating si Tito Irwin, dapat ay nag-text siya sa’kin...""Siguro nakalimutan niya noong naging abala siya, lalo na matanda na siya."Biglang hinila ni Zephyr si Cordelia papunta sa kanyang mga bisig at hinimas ang kanyang ulo.Ramdam ni Cordelia ang pagmamahal ng lalaki, ngunit ito ay isang pampublikong lugar, kaya sinuntok niya si Zephyr sa sobrang hiya.“Bitawan mo ako…”“Cordelia.”“Ano?”Naramdaman ni Zephyr na sumikip ang kanyang dibdib. Naisip niya kung paano naglakad si Cordelia sa maputik na daan suot ang puting wedding dress sa kabila ng malakas na bagyo, kung gaano siya kamahiyain at kaingat noong na
last updateLast Updated : 2023-11-24
Read more

Kabanata 489

Kaagad naman itong naiugnay ni Cordelia sa isang listahan ng mga pangalan na ibinigay sa kanya ni Janine nitong nakaraan. Ito ay isang listahan ng mga artista ng Imperial Media na may potensyal ngunit hindi pa sikat. Bagaman, umaasa sila.Napangiti si Cordelia. Ang celebrity talent show na ito ay malamang na inihanda para sa mga artistang ito.“Sige, naiintindihan ko.” Tumingin si Cordelia kay Mr. Smith. "Pero may tanong ako."“Sige, Ms. Cordelia!”"Bakit gustong makatrabaho ni Madam Baker ang isang taong gaya nito?" Kumunot ang noo ni Cordelia.Nakangiting nagpaliwanag ni Mr. Smith, “Hindi naman sa gusto siyang makatrabaho ni Madam Baker. Ito ang desisyon ng merkado. Nag-iinvest tayo sa isang malaking produksyon sa pagkakataong ito at umaasa na manalo internationally. Kailangan nating gamitin ang isang direktor na kinikilala sa buong mundo."Ang mga pelikula ni Chad ay medyo mababa ang klase, ngunit gaya nga ng sinabi ko... Naging masuwerte kahit papaano at nanalo siya ng parang
last updateLast Updated : 2023-11-24
Read more

Kabanata 490

Hindi nagtagal ay natapos na ang meeting.Huminga ng malalim si Cordelia at bigla niyang naramdaman ang kakaibang tingin na sumusunod sa kanya. Tumingin siya sa paligid at sumalubong sa kanya ang nakangising tingin ni Chad.Agad siyang nailang.Ngumiti si Chad sa kanya. Bilang paggalang, pinilit niyang ngumiti pabalik at nagmamadaling umalis dala ang kanyang mga dokumento.“Cordelia Jenner…” Umupo si Chad sa upuan habang pinagmamasdan siyang umalis, mukhang kulang pa ang nakita niya.Gaya ng inaasahan sa Imperial Media, isa talaga itong lugar ng mga mahuhusay na indibidwal. Ang mga babaeng celebrity ay napakaganda, ngunit walang kasing ganda ni Cordelia para kay Chad.Napakaraming taon na siyang gumagawa ng mga video, kaya marami na siyang nakitang magagandang babae, ngunit hindi pa siya nakatagpo ng isang tulad ni Cordelia, na may magandang mga katangian at malayong pakiramdam sa kanya.Siya ay malamig at elegante kapag hindi siya ngumingiti, ngunit kagaya siya ng banayad na ar
last updateLast Updated : 2023-11-24
Read more
PREV
1
...
4748495051
...
122
DMCA.com Protection Status