Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Kabanata 471 - Kabanata 480

Lahat ng Kabanata ng Married a Secret Billionaire: Kabanata 471 - Kabanata 480

1219 Kabanata

Kabanata 471

Kahit na si Liam ay mukhang tanggap na si Cordelia ngayon, kilala ni Zephyr si Liam. Isang delay tactic lang ito ni Liam. Kung may pagkakataon, maghahanap pa rin si Liam ng isang fiancee na madaling kontrolin mula sa isang pamilya na impluwensyal para sa kanya.Kapag sinuportahan ng mga Irwin si Cordelia, kailangan itong pag ingatan ni Liam.Tumayo si Zephyr at umalis na siya. Alam niya na kung ano ang gagawin niya, ngunit tama ang nanay niya sa isang bagay—ang mahalagang bagay ay ang nararamdaman ni Cordelia.…Noong dumating si Zephyr sa bahay, nasa kama na si Cordelia. Naligo siya at nagbihis siya bago siya pumunta sa ilalim ng kumot at niyakap si Cordelia.Nang maramdaman ni Cordelia ang mainit na mga kamay ni Zephyr, lumapit siya ng mas malapit. Sakto lang ang yakap ni Zephyr, at lumapit siya para halikan si Cordelia sa noo.Dumilat ng inaantok si Cordelia ta ngumiti siya nang makita niya si Zephyr.“Nakauwi ka na…”Malalim ang boses ni Zephyr. “Pasensya na at nagising ka.
last updateHuling Na-update : 2023-11-19
Magbasa pa

Kabanata 472

Medyo dumilim ang ekspresyon ni Cordelia, at napuno ng lungkot ang mukha niya. Makalipas ang ilang sandali ng katahimikan, sinabi niya ng mahina, “Hindi.”Humigpit ang puso ni Zephyr, at niyakap niya ng mas mahigpit si Cordelia.Si Cordelia dapat ang little princess na ipinanganak ng mayaman sa mga Irwin, ngunit marami siyang pinagdaanan na mga paghihirap sa unang 20 taon ng buhay niya. Tumira siya sa bahay ng iba, naghirap siya, at kailangan niyang lampasan lagi ang masamang pakikitungo ng mundo sa kanya. Kailangan niya pang magpakasal para sa iba…Naisip ni Zephyr kung makikilala niya pa rin si Cordelia kung hindi siya nagkataon na nagpagaling sa Jangasas at pinalitan si Marcus.Kung nagpakasal si Cordelia kay Marcus at inabuso siya nito… para tiisin niya lang din ito.Kaya nga lang ay mawawalan na ng kinang sa mga mata niya.Napuno ng takot si Zephyr habang iniisip ito at hindi niya mapigilan na humigpit ang hawak niya sa mga balikat ni Cordelia.Mahina ang boses ni Cordelia.
last updateHuling Na-update : 2023-11-20
Magbasa pa

Kabanata 473

Ito ay iba talaga kumpara sa mga karaniwang pag uusap nila. Hindi magsasabi ng ganito sa kanya si Zephyr!Kaya naman, may dalawang posibilidad sa kakaibang kinikilos ni Zephyr.Una sa lahat, parang sinisisi ni Zephyr si Cordelia sa hindi pagbibigay ng isang anak. Pangalawa, iniisip ba ni Zephyr na… abandonahin si Cordelia?Huminto si Cordelia sa kanyang ginagawa. Malalim ang kanyang iniisip, at agad na namuo ang luha sa kanyang mga mata sa kanyang nararamdaman.“Cordelia… Darling!” Nataranta si Zephyr. “Hindi yun ang ibig kong sabihin. Nagkakamali ka!”“Wag mo akong hawakan!” Umiyak si Cordelia at kinuha niya ang unan ni Zephyr at hinagis niya ito sa labas.Humarang si Zephyr sa harap ni Cordelia at sinubukan niyang gamitin ang taktika na tinuro sa kanya ni Nicholas. Ngunit, bago pa siya lumuhod, tinulak na siya ni Codelia sa labas ng pinto kasama ang kumot!Kumatok si Zephyr sa pinto ng bedroom at sa huli ay naintindihan niya ang pakiramdam ng mataranta at mag alala—pati na rin
last updateHuling Na-update : 2023-11-20
Magbasa pa

Kabanata 474

Makalipas ang ilang araw, medyo malayo si Cordelia kay Zephyr at medyo okay lang ang pakikitungo niya dito. Nag work leave din siya sa Imperial Media at umuwi siya para alagaan si Xyla.Pagkatapos marinig ni Xyla ang rason ng pag aaway nila, tumawa siya ng malakas at halos mabuhos niya ang buong bote ng tubig sa kanyang mga succulent.“Yun lang?” Tinusok niya ang ulo ni Cordelia gamit ang daliri niya at nagreklamo siya. “Mas lalong nagiging walang malay ka habang tumatanda ka!”“Mom…” Hinimas ni Cordelia ang ulo niya.Habang kumalma na siya, naisip siya medyo sobrang sensitive siya ngayon. Parang tamang-tama kasi lagi ang intuwisyon ng mga babae, at pakiramdam niya na si Zephyr ay hindi tulad ng dati sa gabing yun. Ang mga salita ni Zephyr ay parang may pinapahiwatig.“Sinasabi lang ni Zephyr ang nasa isip niya. Sa tingin mo ba ay dapat mo itong pag isipan masyado?”“Pero binanggit niya ang tatay ko…” Nilunok ni Cordelia ang salita niya at hindi niya ito tinuloy habang sinusuri a
last updateHuling Na-update : 2023-11-20
Magbasa pa

Kabanata 475

Ngumiti ng peke si Robert. “Kasi po… Baka eksepsyon si Ms. Cordelia.”Sinuntok ni Zephyr ang pinto ng kotse.Sa huli, maingat na nagmaneho si Robert papunta sa Imperial Media.Sa oras na pumasok si Zephyr ng lobby, napagtanto niya na may isang tao na kasabay niya. Napahinto siya bago siya humabol sa lalaki at hinarangan niya ang lalaking yun.Malamig at malalim ang tingin niya habang nakangisi siya.“Mr. Irwin?”Nabigla din si Rowan, hindi niya inaasahan na makasalubong si Zephyr dito.Binati nila Charlie at Robert ang isa’t isa at pagkatapos ay sabay silang tumingin sa mga boss nila.“Ano ang ginagawa mo dito, Mr. Irwin?”Hindi sumagot si Rowan at umiwas siya ng tingin.Ngumisi si Zephyr. “Nandito siguro kayo para sa nanay ko? Pareho lang sa pakikipag usap sa kanya kapag sinabi niyo ito sa akin.”“May pribado akong dapat sabihin kay Madam Baker. Pasensya na kung hindi ko ito pwedeng sabihin sayo, Mr. Zephyr.”Pribadong bagay? Hah! Tungkol sa pag reunite sa pamilya niya?N
last updateHuling Na-update : 2023-11-20
Magbasa pa

Kabanata 476

Sabay na tumigil ang dalawa. Tumitig sila ng blanko sa pinanggalingan ng boses.Nakatayo sa tabi si Cordelia at tumingin siya sa kanila ng gulat, malaki ang mga mata niya.Kahit na pinipigilan si Rowan, halatang nananalo siya. Tila may hawak siya sa kanyang kamay…Biglang bumalik si Rowan sa sarili at tinago niya ang mga karayom pabalik sa manggas niya!“Cordelia?” Nabigla si Zephyr. Pagkatapos ay pinakita niya ang acting skills niya at tinakpan niya ang leeg niya. Kumunot ang noo niya na para bang nasasaktan siya.“Anong nangyari?” Nabigla si Cordelia! Agad siyang lumapit para tingnan si Zephyr.“Medyo nasaktan ako…” Tumingin si Zephyr kay Cordelia. “At nahihilo ako.”“Sir?!” Namutla ang mukha ni Robert. “Wag niyo po akong takutin, sir. Malakas po ang pagpigil ko sa inyo. Hindi po kayo hinawakan ni Mr. Irwin—”“Ahem!” Umubo ng malakas si Zephyr at tumingin siya ng malupit kay Robert.Doon lang napaisip si Robert at agad siyang tumahimik.Mabuti na lang at ang ubo niya ay nan
last updateHuling Na-update : 2023-11-21
Magbasa pa

Kabanata 477

Pumunta sina Zephyr at Cordelia sa mansyon.Ang lugar kung saan nakatira sina Henry at Kate ay tinatawag na Gale Bay. Ito ang may pinakamagandang tanawin sa buong mansyon.Kaharap nito ang isang ilog na may mga bundok sa likod nito. Maganda ang tanawin. Meron sila ng lahat ng gamit sa courtyard, tulad ng mga bagay na meron ang mga mayaman sa mansyon nila noong unang panahon.Hindi alam ni Cordelia kung saan siya titingin habang naglalakad siya.Tila may bias si Liam sa unang anak niya. Kahit na walang kwenta si Henry at wala siyang kahit ano, nakuha niya pa rin ang pinakamagandang mga bagay sa buong pamilya.“Mahal ni Grandpa ang dad ko.” Hinawakan ni Zephyr ang kamay ni Cordelia at sinabi niya ng kalmado. “Ito ang rason kung bakit ayaw sa akin ng second uncle ko.”“Bakit ba may bias ang mga tao sa sarili nilang mga anak?”Nagtataka din si Cordelia.Ang tatay ni Zephyr ay isang tahimik at tapat na lalaki. Kahit na may bias si Liam, dapat ay gusto niya si Matthew, na siyang magal
last updateHuling Na-update : 2023-11-21
Magbasa pa

Kabanata 478

“Hipag, pwede mo ba akong turuan magbake sa susunod? Gusto kong magluto para kay mom!”Tumango si Cordelia habang nakangiti. Tila gumaling na ang little princess.Samantala, bagay sina Zennie at Seth habang nakatayo sila sa tabi ng isa’t isa. Sila ay parang mga main character na galing sa isang romance novel.Napansin ni Cordelia na namumula si Zennie habang kausap si Seth.Sumenyas siya kay Zephyr, at sumagot si Zephyr sa kanya gamit ang mga mata.Kumilos sila ng hiwalay. Gusto ni Cordelia na pumili si Zennie ng wedding dress niya sa kanyang iPad, kaya pumunta sila sa kwarto.Ginamit ni Zephyr ang dahilan na kailangan niya ang tulong ni Seth para pumunta sa courtyard.“Salamat.”Nahihiya si Seth mula sa seryosong pasasalamat na ito.“Magkaibigan tayo. Hindi mo kailangan maging mabait!”“Tapat ako sa pagpapasalamat sayo.” Tinapik ni Zephyr ang balikat ni Seth at sinabi niya ng may malalim na boses, “Walang ibang tumulong sa akin noong may problema ako. Ikaw ang nanatili sa wa
last updateHuling Na-update : 2023-11-21
Magbasa pa

Kabanata 479

Napansin ni Seth na may kakaiba kay Zephyr habang sinusuri ang mukha nito. Gayunpaman, pagkatapos pag isipan ng matagal, hindi niya malaman kung ano ang problema.“Talaga bang trato mo lang sa kanya ay bilang isang kapatid lang?” Madilim ang ekspresyon ni Zephyr.Huminga ng malalim si Seth at huminto siya ng ilang sandali.“Ano pa ba?” Tumingin siya kay Zephyr. “A-Ano pa ba siya para sa akin?”“Waka ka na bang ibang naisip?”Ibang bagay…Hindi alam ni Seth.Nainis si Zephyr nang makita niya ang walang alam na mukha ni Seth.Hindi ka pwedeng umukit ng kahit ano mula sa isang bulok na kahoy. Kaya pala nabigo siya na ligawan si Linda!Maingat na tinanong ni Seth, “Zen, a-ano ba ang balak mong sabihin?”Tumingin ng masama si Zephyr kay Seth. “Wala! Magpatuloy ka lang pala sa pagtrato sa kanya bilang kapatid mo!”Tumalikod siya pagkatapos niya magsalita.Napahinto ng ilang sandali si Seth habang nakatayo sa kinatatayuan niya. Ngumiti siya na parang isang tanga at sumunod siya ka
last updateHuling Na-update : 2023-11-21
Magbasa pa

Kabanata 480

Noong bumaba sila ng hagdan, biglang narinig nila ang kaguluhan sa labas.“Madam, pumunta po kayo sa main house!”“Anong nangyari?”“Nahimatay mo ang old master!”Dumilim ang ekspresyon ni Zephyr. Agad siyang bumaba ng hagdan.Sumunod din sina Cordelia at Znnie, habang sina Kate at Henry ay nakasunod sa likod nila.Maraming mga tao na dumating sa lugar ni Liam. Ang lahat ng tungkol sa kanya ay ang pinakamahalaga para sa mga Hamerton, lalo na at nahimatay siya ngayon.Dumating sina Henry at Kate. Binabantayan ni Clark ang pinto nang dumating si Zephyr, at mukhang nag aalala siya.“Kamusta si grandpa?”“Nandito na ang doctor!”May professional medical team sa manor na dumarating kapag may mga emergency.Gayunpaman, ang maraming tao sa team. Hindi pinagkakatiwalaan ni Zephyr ang lahat sa mga ito, kaya pinaalis niya ang team at pinapunta niya si Seth dito.May konklusyon si Seth pagkatapos magbigay ng preliminary check. “May embolism ang old master.”“Ibig bang sabihin nito ay
last updateHuling Na-update : 2023-11-22
Magbasa pa
PREV
1
...
4647484950
...
122
DMCA.com Protection Status