Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 491 - Chapter 500

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 491 - Chapter 500

1219 Chapters

Kabanata 491

Ipinadala ni Chad kay William ang larawang lihim niyang kinuha kay Cordelia habang nasa meeting sila.Hindi ito malinaw, ngunit alam ni William na si Cordelia nga iyon. Hindi niya inaasahan na nakaahon si Cordelia mula sa kanyang mababang katayuan at naging isang elegante at magandang babae.Umakyat ang dugo niya sa kanyang ulo sa sobrang galit habang nanginginig niyang hinawi ang litrato."Anak mo 'yan, 'di ba? Hah, sabi ko na sa’yo makikilala ko siya!""Oh." Walang emosyon ang tono ni William. "Bakit ka nagtatanong tungkol sa kanya?""Wala naman, nagtatanong lang ako dahil sa pag-aalala!"“Hah!” Alam na alam ni William kung gaano kabigat ang salitang "pag-aalala".“Kasal na siya. Hindi ko alam kung ano ang kalagayan niya nitong mga nakaraan!""Ano?" Kumunot ang noo ni Chad. “Napakabata pa niya... tapos kasal na siya? Kanino?"Nagngangalit si William. "Sa isang dating preso!"Lalong nabigla si Chad sa rebelasyon kaya hindi siya nakaimik, natauhan lamang siya nang ibinaba ni
last updateLast Updated : 2023-11-24
Read more

Kabanata 492

Biglang nakaramdam ng pangingilabot si Chad. Pagtingin niya sa paligid, wala namang tao doon. Ang maluwag na recording studio ay maayos at gumagana ng normal.Huminga siya ng malalim. Malamang natakot lang siya sa titig ni Zephyr kanina.Subalit, sa isang malapit na silid…"Itong walang kwentang ‘to?" Pinagkrus ni Nicholas ang kanyang mga binti, ipinatong niya ang mga ito sa sopa. Ininom niya ang kalahati ng whisky sa kanyang kamay, at may ngisi sa kanyang mga labi.Tumingin sa kanya si Zephyr. “Kilala mo siya?”"Chad Green, tama?" Ngumiti si Nicholas. "Narinig ko na nabanggit siya ng iba noon sa Jangasas."Nagtanong si Zephyr, “Anong klaseng tao siya?”"Ano kayang santo ang isang taong kumukuha ng mga ganitong uri ng pelikula?" Ngumisi si Nicholas. “Ang sabi madalas daw niyang niloloko ang mga babae sa university gamit ang pagiging direktor niya. Maraming mga art student ang nalinlang at dinaya niya sa parehong pinansyal at sekswal na paraan."Pagkatapos ng nangyari, ang mga b
last updateLast Updated : 2023-11-25
Read more

Kabanata 493

Kakaligo lang ni Cordelia, basa pa ang kanyang buhok. Paglabas niya ng banyo, ang bango ng amoy niya.Ngumiti si Cordelia kay Zephyr, at naramdaman ng huli na mas lalong lumiwanag ang kanyang mundo."Bakit late ka na umuwi?" Nilapitan siya ni Cordelia at pinulupot ang mga braso niya sa kanyang balakang. "Magluluto ako ng hapunan para sa’yo!""Hindi na kailangan, hindi ako nagugutom." Malalim ang tingin ni Zephyr, habang ang kanyang boses ay malalim, paos, at mapang-akit.Ang damit ni Cordelia ay marahang nakalapat sa kanyang balat, at ang tela ay tila makinis sa ilalim ng liwanag.Bahagyang natulala si Zephyr, pakiramdam niya ay isang maliit na hayop ang nagising sa loob niya.“Anong problema?” Ang tanong ni Cordelia.Ngumiti siya ng hindi nagsasalita. Nang makitang tumutulo pa rin ang tubig sa kanyang buhok, pumunta siya sa banyo para kunin ang hair dryer at sinabihan si Cordelia na maupo nang kumportable sa sopa bago siya tumayo sa likuran niya upang patuyuin ang kanyang buhok
last updateLast Updated : 2023-11-25
Read more

Kabanata 494

"Nag-alala ako na baka mag-shoot ulit siya ng malalaswang eksena sa pagkakataong ito at maapektuhan ang buong produksyon!"Ang matingkad na mga mata ni Cordelia ay nakatingin kay Zephyr habang seryoso niyang sinasabi na, “Nag-invest kami ng malaking pera sa pelikulang ito! Hindi ko pwedeng hayaan ang isang tulad niya na sirain ang reputasyon ng Imperial Media!“Kaya, gusto ko siyang imbestigahan, at may nalaman talaga ako! Wala siyang prinsipyo, gaya ng inaasahan, at maging ang kanyang award ay peke!"Tumango si Zephyr. Ipinadala ni Frederic ang impormasyon sa kanyang phone kasabay nito. Tiningnan niya ito at nakita niya na kapareho ito ng nakuha ni Cordelia—’yun nga lang may iba pang impormasyon na nakalagay dito. Ito ang dahilan kung bakit nawalan ng saysay ang mga reklamo ng mga batang direktor na iyon.Ito ay dahil sa nanalo na kasi si Chad. Ayaw ng media ng mas maraming isyu, kaya pinigil nila ang balita. Iilang mga media company lamang na may konsensya ang naglantad nito, ngu
last updateLast Updated : 2023-11-25
Read more

Kabanata 495

“Mom,” walang nagawa si Zephyr kundi sagutin ito at bumulong siya tungkol kay Janine sa kanyang isipan nang mahigit isang libong beses.Paano siya nagawang istorbohin ng nanay niya ng ganito!?“Mom, anong problema?”“Inasikaso mo na ba ‘to?”“Ang ano?” Nagtaka si Zephyr.“Anong pinagsasabi mo? Si Chad Green, duh!”Dumakdak si Janine sa may phone ng parang isang machine gun.“Diyos ko, Zephyr, magaling! Malaki ang naging investment natin sa produksyon na ‘to. Isa itong collaboration, oo, pero kailangan nating masiguro na malinis ang lahat mula sa direktor hanggang sa mga artista! Walang iskandalo! Ang Chad na iyon ay bigla na lang nagwagi ng international award. Hindi mo ba naisip na kakaiba ‘to? Hindi mo ba siya inimbestigahan?"“A—”Sasabihin na sana ni Zephyr na inimbestigahan niya siya, pero pinigilan siya ni Janine.“Sabi ko na nga ba hindi pa!”“Mom!” Hinampas ni Zephyr ang kanyang mukha.“Hah, wala ka bang gagawin kapag hindi kita sinabihan?”Walang masabi si Zephyr.
last updateLast Updated : 2023-11-25
Read more

Kabanata 496

May kalayuan din ang banyo sa recording site. Mabagal na naglakad si Cordelia suot ang kanyang heels.Gayunpaman, may kutob siya na may taong sumusunod sa kanya.Maingat siya at bumagal ang lakad niya. Sa ngayon, nakatayo siya sa corridor na walang tao. Ang mga ilaw ay medyo madilim, at malamig ang hangin.Lumingon siya sa likod, ngunit walang tao sa likod niya maliban sa madilim na corridor.Huminga siya ng malalim at naisip niya na marami lang siguro siyang iniisip.Ito ay isang TV station. Ang mga taong pumasok dito ay dumadaan sa security. Walang masamang tao siguro dito.Gayunpaman…Pinag isipan niya ito at nilabas niya ang phone niya para magtext ng mabilis kay Zephyr.[Zen, naglalagay ako ng makeup sa banyo.]Wala na siyang idinagdag pa. Nagsend lang siya ng lokasyon niya kay Zephyr.Ito ang isang pagkakaintindihan sa pagitan nila.Alam ni Cordelia na pupunta si Zephyr sa pinaka mabilis na kaya nito. Magpapadala si Zephyr ng tao para protektahan si Cordelia kung hindi
last updateLast Updated : 2023-11-26
Read more

Kabanata 497

Ngumiti ng malamig si Cordelia. Mabuti na lang, sinend niya ang lokasyon niya kay Zephyr. Halos oras na. Ang kailangan niya na lang ay pigilan ang lalaking ito!“Hah, naiintindihan na kita ngayon, Director Green.” Nangutya si Cordelia. “Pero sana ay pag isipan mo ito ng mabuti bago ka gumawa ng nakakadiring bagay na tulad nito. Wag mong galitin ang mga taong hindi mo pwede galitin, kung hindi ay mamamatay ka ng nakakatakot na paraan!”“Wow, tinatakot mo ako?” Ngumiti si Chad. “Maganda ka, pero malupit ka… Haha, sige. Hindi ko kailangan na buo ang bangkay ko. Gusto ko lang mamatay sa ibabaw mo!”“Lumayo ka!”Ginamit ni Cordelia ang buong lakas niya para itulak palayo si Chad. Gayunpaman, ang matabang katawan nito ay parang isang pader.Hindi makakilos si Cordelia habang sinubukan siyang halikan ni Chad.Sabik si Chad, na para bang dumadaloy ang kuryente sa katawan niya nang maamoy niya ang bagno ng katawan ni Cordelia.“Ms. Jenner… Alam ko na kasal ka sa isang kriminal, at hindi
last updateLast Updated : 2023-11-26
Read more

Kabanata 498

Ngumiti ng awkward si Zephyr. Inutusan niya ang mga bodyguard na tumahimik habang tahimik siyang lumapit para tumingin.Tulad ng inaasahan, tinanggal ni Cordelia ang heels niya at ginamit niya ito para hampasin si Chad sa ulo ng dalawang beses.Kalbo si Chad, kaya mas masakit ito para sa kanya. Umuungol siya sa sakit.Doon lang nilabas ni Cordelai ang galit niya. Sinuot niya ang heels niya at tumayo siya habang ang mga kamay niya ay nasa baywang niya. Kahit na medyo magulo ang buhok niya, elegante pa rin siya na parang isang bida. Nakahiga si Chad sa sahig habang namamaga ang mukha. Nanatili siyang matapang kahit na binugbog siya.“M-Mga p*ta kayo, kilala niyo ba kung sino ako?!”“Wala akong pakialam kung sino ka! Bubugbugin kita kahit na sino ka man!”“Nanalo ang movie ko ng mga international awards—”“Ang asawa ko ay si Zephyr Hamerton!”Malupit na binanggit ito ni Cordelia at sinipa niya ng dalawang beses si Chad.Natulala si Chad habang tumingin siya kay Cordelia ng naka
last updateLast Updated : 2023-11-26
Read more

Kabanata 499

“Ms. Lulham, malapit nang magsimula ang recording.” Ngumiti ng maliit si Zephyr. “Wag kang mag palate.”Alam ni Trinity na hindi siya welcome. Parang sinasabi ni Zephyr sa kanya na wag siya maging thirl wheel.Kaya naman, umalis agad siya.Ngumiti si Zephyr at hinawakan niya ang kamay ni Cordelia habang naglakad sila palabas ng corridor. Ang mga bodyguard ay naglalakad ng mabagal habang hinihila si Chad. Ginawa ni Chad ang lahat upang idilat ang namamagang mga mata niya noong nilampasan nila siya. Nakita niya mismo ng kanyang mga mata na magkahawak ng kamay sina Cordelia at Zephyr.Tumaas ang kanyang mga balahibo.Hindi nagbibiro si Cordelia na gusto ni Chad ng isang nakakatakot na pagkamatay…Sa galit ni Zephyr, siguradong puputulin niya si Chad ng isang milyong piraso!…Ang lahat ay handa na sa recording hall. Gayunpaman, hindi umupo si Zephyr sa gitna.“Mr. Hamerton, lumapit po kayo dito…” Ang host ay gusto siyang dalhin sa gitna.“Hindi na kailangan,” Ang kalmadong sina
last updateLast Updated : 2023-11-26
Read more

Kabanata 500

Ang mga host sa entablado ay maraming karanasan.Kahit na nabigla sila, nanatili silang kalmado at kinuha nila ang liham mula kay Zephyr.Isa itong report. Ang mga taong nag report nito ay mga batang director mula sa mga video clip.Nanatiling kalmado ang lalaking host at binasa niya ang liham ng may normal na bilis. Ang buong recording site ay agad na tumahimik.Bumagsak si Chad sa sahig dahil sa gulat, at kumibot ang namamagang mukha niya.Sumabog ang mainit na pag uusap pagkatapos ng sampung segundo ng katahimikan.“So, ganito pala nakuha ni Mr. Green ang award niya?!”“Hindi talaga kayang magbago ng isang tao! Nagdirect siya ng pornography noon, kaya paano siya makakapagdirect ng isang classy na movie?”“Tama. Nainis ako na nakakuha siya ng isang international award. Nangopya pala siya!”“Nakakahiya na sikat ang mga director na tulad niya!”“I-boycott siya! I-cancel siya!”Ang mga tao ay sumisigaw, mas lalo silang nagagalit.Pakiramdam niya na para bang msa libo-libong
last updateLast Updated : 2023-11-27
Read more
PREV
1
...
4849505152
...
122
DMCA.com Protection Status