”Oh…” Medyo nadismaya si Cordelia."Sabi ni Mr. Irwin sa susunod na lang daw.” Nagpasya si Zephyr para sa kanyang biyenan. "Siguradong darating siya at ibabahagi ang kanyang mga opinyon tungkol sa pag-aalaga sa mga pusa kay mom kapag handa na siya."“Sige.” Sumimangot si Cordelia at inilabas ang kanyang phone, kinausap niya ang kanyang sarili at nagtaka, "Kahit hindi dumating si Tito Irwin, dapat ay nag-text siya sa’kin...""Siguro nakalimutan niya noong naging abala siya, lalo na matanda na siya."Biglang hinila ni Zephyr si Cordelia papunta sa kanyang mga bisig at hinimas ang kanyang ulo.Ramdam ni Cordelia ang pagmamahal ng lalaki, ngunit ito ay isang pampublikong lugar, kaya sinuntok niya si Zephyr sa sobrang hiya.“Bitawan mo ako…”“Cordelia.”“Ano?”Naramdaman ni Zephyr na sumikip ang kanyang dibdib. Naisip niya kung paano naglakad si Cordelia sa maputik na daan suot ang puting wedding dress sa kabila ng malakas na bagyo, kung gaano siya kamahiyain at kaingat noong na
Kaagad naman itong naiugnay ni Cordelia sa isang listahan ng mga pangalan na ibinigay sa kanya ni Janine nitong nakaraan. Ito ay isang listahan ng mga artista ng Imperial Media na may potensyal ngunit hindi pa sikat. Bagaman, umaasa sila.Napangiti si Cordelia. Ang celebrity talent show na ito ay malamang na inihanda para sa mga artistang ito.“Sige, naiintindihan ko.” Tumingin si Cordelia kay Mr. Smith. "Pero may tanong ako."“Sige, Ms. Cordelia!”"Bakit gustong makatrabaho ni Madam Baker ang isang taong gaya nito?" Kumunot ang noo ni Cordelia.Nakangiting nagpaliwanag ni Mr. Smith, “Hindi naman sa gusto siyang makatrabaho ni Madam Baker. Ito ang desisyon ng merkado. Nag-iinvest tayo sa isang malaking produksyon sa pagkakataong ito at umaasa na manalo internationally. Kailangan nating gamitin ang isang direktor na kinikilala sa buong mundo."Ang mga pelikula ni Chad ay medyo mababa ang klase, ngunit gaya nga ng sinabi ko... Naging masuwerte kahit papaano at nanalo siya ng parang
Hindi nagtagal ay natapos na ang meeting.Huminga ng malalim si Cordelia at bigla niyang naramdaman ang kakaibang tingin na sumusunod sa kanya. Tumingin siya sa paligid at sumalubong sa kanya ang nakangising tingin ni Chad.Agad siyang nailang.Ngumiti si Chad sa kanya. Bilang paggalang, pinilit niyang ngumiti pabalik at nagmamadaling umalis dala ang kanyang mga dokumento.“Cordelia Jenner…” Umupo si Chad sa upuan habang pinagmamasdan siyang umalis, mukhang kulang pa ang nakita niya.Gaya ng inaasahan sa Imperial Media, isa talaga itong lugar ng mga mahuhusay na indibidwal. Ang mga babaeng celebrity ay napakaganda, ngunit walang kasing ganda ni Cordelia para kay Chad.Napakaraming taon na siyang gumagawa ng mga video, kaya marami na siyang nakitang magagandang babae, ngunit hindi pa siya nakatagpo ng isang tulad ni Cordelia, na may magandang mga katangian at malayong pakiramdam sa kanya.Siya ay malamig at elegante kapag hindi siya ngumingiti, ngunit kagaya siya ng banayad na ar
Ipinadala ni Chad kay William ang larawang lihim niyang kinuha kay Cordelia habang nasa meeting sila.Hindi ito malinaw, ngunit alam ni William na si Cordelia nga iyon. Hindi niya inaasahan na nakaahon si Cordelia mula sa kanyang mababang katayuan at naging isang elegante at magandang babae.Umakyat ang dugo niya sa kanyang ulo sa sobrang galit habang nanginginig niyang hinawi ang litrato."Anak mo 'yan, 'di ba? Hah, sabi ko na sa’yo makikilala ko siya!""Oh." Walang emosyon ang tono ni William. "Bakit ka nagtatanong tungkol sa kanya?""Wala naman, nagtatanong lang ako dahil sa pag-aalala!"“Hah!” Alam na alam ni William kung gaano kabigat ang salitang "pag-aalala".“Kasal na siya. Hindi ko alam kung ano ang kalagayan niya nitong mga nakaraan!""Ano?" Kumunot ang noo ni Chad. “Napakabata pa niya... tapos kasal na siya? Kanino?"Nagngangalit si William. "Sa isang dating preso!"Lalong nabigla si Chad sa rebelasyon kaya hindi siya nakaimik, natauhan lamang siya nang ibinaba ni
Biglang nakaramdam ng pangingilabot si Chad. Pagtingin niya sa paligid, wala namang tao doon. Ang maluwag na recording studio ay maayos at gumagana ng normal.Huminga siya ng malalim. Malamang natakot lang siya sa titig ni Zephyr kanina.Subalit, sa isang malapit na silid…"Itong walang kwentang ‘to?" Pinagkrus ni Nicholas ang kanyang mga binti, ipinatong niya ang mga ito sa sopa. Ininom niya ang kalahati ng whisky sa kanyang kamay, at may ngisi sa kanyang mga labi.Tumingin sa kanya si Zephyr. “Kilala mo siya?”"Chad Green, tama?" Ngumiti si Nicholas. "Narinig ko na nabanggit siya ng iba noon sa Jangasas."Nagtanong si Zephyr, “Anong klaseng tao siya?”"Ano kayang santo ang isang taong kumukuha ng mga ganitong uri ng pelikula?" Ngumisi si Nicholas. “Ang sabi madalas daw niyang niloloko ang mga babae sa university gamit ang pagiging direktor niya. Maraming mga art student ang nalinlang at dinaya niya sa parehong pinansyal at sekswal na paraan."Pagkatapos ng nangyari, ang mga b
Kakaligo lang ni Cordelia, basa pa ang kanyang buhok. Paglabas niya ng banyo, ang bango ng amoy niya.Ngumiti si Cordelia kay Zephyr, at naramdaman ng huli na mas lalong lumiwanag ang kanyang mundo."Bakit late ka na umuwi?" Nilapitan siya ni Cordelia at pinulupot ang mga braso niya sa kanyang balakang. "Magluluto ako ng hapunan para sa’yo!""Hindi na kailangan, hindi ako nagugutom." Malalim ang tingin ni Zephyr, habang ang kanyang boses ay malalim, paos, at mapang-akit.Ang damit ni Cordelia ay marahang nakalapat sa kanyang balat, at ang tela ay tila makinis sa ilalim ng liwanag.Bahagyang natulala si Zephyr, pakiramdam niya ay isang maliit na hayop ang nagising sa loob niya.“Anong problema?” Ang tanong ni Cordelia.Ngumiti siya ng hindi nagsasalita. Nang makitang tumutulo pa rin ang tubig sa kanyang buhok, pumunta siya sa banyo para kunin ang hair dryer at sinabihan si Cordelia na maupo nang kumportable sa sopa bago siya tumayo sa likuran niya upang patuyuin ang kanyang buhok
"Nag-alala ako na baka mag-shoot ulit siya ng malalaswang eksena sa pagkakataong ito at maapektuhan ang buong produksyon!"Ang matingkad na mga mata ni Cordelia ay nakatingin kay Zephyr habang seryoso niyang sinasabi na, “Nag-invest kami ng malaking pera sa pelikulang ito! Hindi ko pwedeng hayaan ang isang tulad niya na sirain ang reputasyon ng Imperial Media!“Kaya, gusto ko siyang imbestigahan, at may nalaman talaga ako! Wala siyang prinsipyo, gaya ng inaasahan, at maging ang kanyang award ay peke!"Tumango si Zephyr. Ipinadala ni Frederic ang impormasyon sa kanyang phone kasabay nito. Tiningnan niya ito at nakita niya na kapareho ito ng nakuha ni Cordelia—’yun nga lang may iba pang impormasyon na nakalagay dito. Ito ang dahilan kung bakit nawalan ng saysay ang mga reklamo ng mga batang direktor na iyon.Ito ay dahil sa nanalo na kasi si Chad. Ayaw ng media ng mas maraming isyu, kaya pinigil nila ang balita. Iilang mga media company lamang na may konsensya ang naglantad nito, ngu
“Mom,” walang nagawa si Zephyr kundi sagutin ito at bumulong siya tungkol kay Janine sa kanyang isipan nang mahigit isang libong beses.Paano siya nagawang istorbohin ng nanay niya ng ganito!?“Mom, anong problema?”“Inasikaso mo na ba ‘to?”“Ang ano?” Nagtaka si Zephyr.“Anong pinagsasabi mo? Si Chad Green, duh!”Dumakdak si Janine sa may phone ng parang isang machine gun.“Diyos ko, Zephyr, magaling! Malaki ang naging investment natin sa produksyon na ‘to. Isa itong collaboration, oo, pero kailangan nating masiguro na malinis ang lahat mula sa direktor hanggang sa mga artista! Walang iskandalo! Ang Chad na iyon ay bigla na lang nagwagi ng international award. Hindi mo ba naisip na kakaiba ‘to? Hindi mo ba siya inimbestigahan?"“A—”Sasabihin na sana ni Zephyr na inimbestigahan niya siya, pero pinigilan siya ni Janine.“Sabi ko na nga ba hindi pa!”“Mom!” Hinampas ni Zephyr ang kanyang mukha.“Hah, wala ka bang gagawin kapag hindi kita sinabihan?”Walang masabi si Zephyr.
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala