Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Kabanata 101 - Kabanata 110

Lahat ng Kabanata ng Married a Secret Billionaire: Kabanata 101 - Kabanata 110

1219 Kabanata

Kabanata 101

Nang marinig niya ito, si Dwayne Adler na mula sa marketing department ay sumenyas sa mga tauhan niya. Pagkatapos, tumingin si Yelena kay Cordelia ng may malamig na ngiti sa kanyang mga labi. "Natatandaan ko na magaling ka sa pagsisilbi at pag-aliw sa ibang tao, hindi ba, Ms. Jenner? Kung ganun, pwede mo ba akong igawa ng tsaa?" Lumingon ang lahat at tumingin kay Cordelia. Sa kasamaang-palad, kailanman ay hindi matatapos ang away sa pagitan ng tunay na anak at ng anak sa labas. Tumayo si Cordelia at tumingin siya kay Yelena bago siya naglakad papunta sa pantry ng walang ekspresyon ang kanyang mukha. Kumikibot ang mga talukap ng mata ni David. Pinagpawisan siya ng malamig noong naisip niya na may nag-utos sa kanila Josiah at Fredric na pagsamahin ang dalawang kumpanya.Noong tatayo na sana siya upang pigilan si Cordelia, muling may sumulpot sa kanyang isipan.‘Baka nagkataon lang ‘to? Baka balak na talaga ng dalawang kumpanya na mag-merge. Nagkataon lang na nangyari ito kasa
last updateHuling Na-update : 2023-09-22
Magbasa pa

Kabanata 102

Naglakad si Cordelia palapit kay Yelena ng tahimik at hinawakan niya ang kanyang braso.Sisigawan na sana ni Yelena si Cordelia, ngunit tiningnan niya siya ng masama.Bihirang maging seryoso ang mukha ni Cordelia, at hindi na siya gaya ng dati na kinakayan-kayanan ni Yelena. Nakaramdam ng kaba si Yelena. Kumibot ang kanyang mga labi, at hindi siya nangahas na gumawa ng kahit kaunting ingay.Karaniwang sinasabi ng mga tao na naiimpluwensyahan ng mga mag-asawa ang kilos at ugali ng isa’t isa. Posible kaya na pagkatapos niyang pakasalan si Marcus, ay naglaho na ang pagiging mabuti ni Cordelia at naging kasing bagsik na siya ni Marcus?“Anong balak mong gawin?”Binabaan ni Cordelia ang kanyang boses, at puno ng galit ang kanyang mga mata habang nakatingin siyang maigi kay Yelena. “Ate, nirerepresenta ko ang kumpanya, at nirerepresenta mo ang tatay natin at ang mga Jenner. Sinusubukan mo bang ipahiya ang tatay natin sa pagiging bastos mo?”Tumingin sa kanya si Yelena at kinuyom niya n
last updateHuling Na-update : 2023-09-22
Magbasa pa

Kabanata 103

Ngumiti si Marcus at sumagot, “Pupunta tayo sa Regalia Hotel.”Napalunok si Cordelia, at kumibot ang kanyang mga labi.‘Sa Regalia Hotel nanaman? Sa tuwing kakain kami sa labas, siguradong pupunta siya sa Regalia Hotel.’Subalit, dahil kagagaling pa lang ng mga sugat niya, naisip ni Cordelia na pagbigyan na lang siya.Pagkatapos magbihis ni Cordelia, pumunta sila sa hotel.Maraming tao ang naglalabas-pasok sa Regalia Hotel, ngunit sa hindi malamang dahilan, walang umuupo sa mesa na malapit sa bintana.Pagpasok nila sa hotel, masaya silang dinala ng waiter papunta sa mesa na malapit sa bintana.“Honey, hindi ba dito tayo umupo noong huling dalawang beses na pumunta tayo dito?” Ang sabi ni Cordelia, “Napakamaasikaso nila. Dalawang beses pa lang tayong nakapunta dito, pero alam na nila kung saan tayo laging umuupo.”Ngumiti si Marcus ngunit hindi siya nagsalita. Tumingin siya sa menu at inabot niya ito sa waiter habang nagpapalitan sila ng tingin.Nakilala ng waiter si Marcus. Da
last updateHuling Na-update : 2023-09-22
Magbasa pa

Kabanata 104

Nagningning ang mga mata ni Marcus habang nakatingin siya kay Cordelia, interesado siya sa sinabi niya.“Sarili nating negosyo?”“Oo! Kung magagawa nating mag-invest o gumawa ng side hustle pagkatapos ng trabaho, magkakaroon din tayo ng dagdag na income!” Ang seryosong sinabi ni Cordelia, “Kahit isang maliit na tindahan o pwesto lang pwede na ‘yun. Kahit paano, maituturing pa rin ‘yun na sarili nating negosyo. Kapag tayo ang boss, magagawa natin ang lahat ng gusto natin. Hindi ba maganda ‘yun?”“Anong klaseng negosyo ang gusto mong simulan kapag may pera ka?”Nanahimik si Cordelia at nag-isip siya ng matagal, mistula siyang isang batang babae na iniisip ang kanyang hinaharap.“Kung marami akong pera, gusto kong bumili ng shopping mall! Pupunta ang mga tao sa shopping mall ko at bibili sila mula sa’kin! Hehe! Pero sa tingin ko imposible ‘yun, kaya mas makatotohanan ang mag-ipon ng pera upang makapagbukas tayo ng isang maliit na coffee shop na may malalaking floor-to-ceiling windows
last updateHuling Na-update : 2023-09-22
Magbasa pa

Kabanata 105

Gusto ng ibang mga babae na maging pinakamayamang lalaki sa mundo ang mga asawa nila, pero iba ang babae sa harap niya.Tumingin si Cordelia sa kanya habang kumukurap ang kanyang mga mata.“Bakit? Hindi ba magandang maging ordinaryong tao lang?”“Hindi naman sa ganun.” Ngumiti si Marcus. “Ang gusto ko lang sabihin kung mas may kakayahan ang asawa mo, mas magiging maganda ang buhay mo, hindi ba?”“Kuntento na ako sa kung anong mayroon ako ngayon!” Kumapit si Cordelia sa braso ni Marcus at sumandal siya sa kanyang balikat.Noon pa man ay madali na siyang pasayahin.Kumpara sa isang mayamang buhay, mas gusto niyang mabuhay ng payapa kasama ang lalaking mahal niya.“Yung totoo, hindi ako naiinggit sa mga mayayamang tao,” ang sabi niya ng may mahinang boses. “Siguro dahil ‘yun sa lumaki ako sa isang hindi pangkaraniwang pamilya. Nasaksihan ko ang trahedyang nangyari sa nanay ko, at pakiramdam ko walang puso ang lahat ng mayayamang tao.“Kaya naman, gusto ko lang ng isang tao na magm
last updateHuling Na-update : 2023-09-23
Magbasa pa

Kabanata 106

Umubo si Josiah at sinubukan niyang baguhin ang pinag uusapan nila. “Ngayon… Ano na ulit ang pinag uusapan natin kanina? Zenne, ano ang nagaganap sa Centrolis?”Tumingin si Zennie sa kapatid niya at sinabi niya, “Maraming ginawa ang uncle natin nitong nakaraan. Lagi siya nakikipagtalo kay dad sa mga board meeting, at hindi siya pinapansin ni grandpa! Bukod pa dito, sinabi niya na nasa Chaiseland ka dahil ayaw mo na si grandpa at gusto mo nang umalis sa mga Hamerton…”Suminghal si Josiah at sinabi niya, “At naniniwala sa kanya ang lolo niyo?”“Baka hindi ito paniwalaan ng uncle natin natin kapag sinabi niya ito ng isa o dalawang beses, pero…” Seryoso na sinabi ni Marcus, “Kapag sinabi niya ito ng isang libong beses, kahit ang isang kasinungalingan ay nagiging totoo.”Tumahimik ang lahat.“Maliban sa tito natin, may ginagawa din si Yale.” Nagpatuloy si Zennie, “Kuya, kailangan mo mag ingat. Nabalitaan ko na kausap ni Yale ang mga tao mula sa underworld. Kung gusto ka niyang saktan,
last updateHuling Na-update : 2023-09-23
Magbasa pa

Kabanata 107

Ibinaba ni Marcus ang phone niya at huminanon siya ng ilang sandali. Pagkatapos, nagdesisyon siya na tumawag kay Cordelia para siguraduhin na ayos lang siya.Ang boses na tumunog mula sa kabilang linya ay mahina at tila nagdadalawang isip.“Honey, pinilit ako ng mga director na imbitahan ang mga kliyente namin ngayong gabi para sa dinner… Hay. Sigurado ako na ang pinakamalaking kliyente namin ay si Yelena, kaya kailangan ko sumama sa kanila.”“Sige. Wag ka mag alala,” Ang sagot ni Marcus. Hindi niya sinabi na tinawagan siya ni Yelena. “Nasaan ka ngayon? Isend mo sa akin ang lokasyon mo. Susunduin kita.”“Sige,” Sumagot ng nakangiti si Cordelia. Pagkatapos, sinend niya ang lokasyon kay Marcus.Kinumpara ni Marcus ang address na binigay ni Yelena sa kanya para makumpirma na nasa isang lugar sila. Noong una, nag aalala siya na may binabalak si Yelena laban kay Cordelia, kaya gusto nito na dalhin siya sa ibang lugar. Ngunit ngayon ay mukhang hindi nagsisinungaling si Yelena sa kanya.
last updateHuling Na-update : 2023-09-23
Magbasa pa

Kabanata 108

“Sa tingin ko ay masarap ito. Anong problema?”“Kung sa tingin mo ay masarap ito, edi kumain ka pa at wag ka nang magsalita!”“Ikaw!” Lumaki ang mga mata ni Yelena. “Anong pakialam mo kung kumain ako ng marami o konti? Gusto ko lang banggitin ang katotohanan. Wala pang sinasabi ang asawa mo, kaya bakit kailangan mo maging sensitive tungkol dito?”“Relax, Ms. Yelena!” Sumingit si Dwayne habang hawak ang baso ng wine. “Nagiging mabait lang si Cordelia sa pagsabi sa inyo na kumain ng marami. Nag aalala lang siya na magutom ka mamaya. Sige na, cheers tayo!”Suminghal si Yelena at inubos niya ang wine ng isang inuman.Galit na galit pa rin si Cordelia. Kinagat niya ang kanyang ngipin, at humigpit ang kamao niya sa punto na nanginginig ito.Lumingon siya para tumingin kay Marcus. Kalmado pa rin si Marcus kahit na ininsulto siya ni Yelena, at medyo naawa siya para kay Marcus.Siya siguro ang rason kung bakit tinawag ni Yelena si Marcus dito. Wala dapat si Marcus dito. Hindi niya kailan
last updateHuling Na-update : 2023-09-23
Magbasa pa

Kabanata 109

Nang pumasok si Cordelia sa sumunod na araw, naisip niya na ang lahat ay nakatingin sa kanya ng may kakaibang paraan.Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Habang nagtatrabaho siya, kumatok si Annie sa pinto at pumasok siya ng opisina. Lumapit ito sa kanya at binulong nito ng masaya sa tainga niya, “Pinag uusapan ito ng lahat sa kumpanya. Isang henyo ang asawa mo!”Nabigla si Cordelia. “Ano ang ibig mong sabihin?”“Ang stock market!” Kinaway ni Annie ang phone niya. “Maraming nangyayari sa market ngayon! Hindi mo ba nakita?”Hindi interesado si Cordelia sa stock market, kaya minsan lang niya ito binibigyan ng atensyon. Gayunpaman, pagkatapos marinig ang sinabi ni Annie, naintriga siya dito.Tumingin siya sa market trend at napagtanto niya na tama si Marcus!Bahagyang kumunot ang noo niya ay may kakaibang pakiramdam na dumating sa tiyan niya.“Nabalitaan ko na ang mga tao sa marketing department ay bumili ng stocks sa Crane Industry, at nauubos na ang pera nila ngayon!” Ang sabi
last updateHuling Na-update : 2023-09-23
Magbasa pa

Kabanata 110

Nang bumalik sa bahay si Yelena, nakita niya na madilim ang ekspresyon ni William, at nakatingin siya kay Joanne.Tumingin si Joanne kay Yelena at nilagay niya ang kamay niya sa tabi ng mga labi niya.“Mag ingat ka,” Ang bulong niya.Tumalon ang puso ni Yelena mula sa lalamunan niya.Umubo siya at lumingon siya para tumingin kay Yelena, at kinilabutan si Yelena dahil dito.“Dad…” Tumawa ng peke si Yelena. “Nakabalik na kayo, dad. Ayos lang po ba ang lahat sa kumpanya?”Tumingin ng malamig si William sa kanya. “Mukhang may pakialam ka pa pala sa kumpanya ko!”Tinikom ni Yelena ang mga labi niya at sinabi niya, “Ang Jenner Group ay ang family business natin, kaya syempre—”“Syempre ano? Gusto mo malaman kung ano ang nangyayari sa kumpanya ko kapag patay na ako, ganun ba?!” Hinampas ni William ang mesa at tumayo siya mula sa upuan, ang mga mata niya ay puno ng galit.Nanginig sa takot si Yelena, at namutla ang mukha niya. Ang boses niya ay nanginig habang nagpaliwanag siya, “Dad…
last updateHuling Na-update : 2023-09-24
Magbasa pa
PREV
1
...
910111213
...
122
DMCA.com Protection Status