“Bakit mo naman ako pinapunta dito, Elle? ” Tanong ni Cindy, mukhang naiinis na sa akin ito.Bumuntong hininga ako.“Cindy... ” Problemadong pagbanggit ko sa pangalan niya.“Kanina mo pa tinatawag ang pangalan ko, Elle. Kanina pa kita tinatanong kung bakit mo ako pinapunta dito, ” sabi nito.Napatitig ako sa kulay puting kisame nitong kwarto ko.“May sasabihin ka ba sa akin, Elle. Ilang minuto na tayong nandito sa loob ng kwarto mo, ” naiinip na sabi ni Cindy. Siguro ay may pupuntahan ito kaya hindi mapakali hindi ko naman siya tatawagan kung hindi ko siya kailangan“I need your advice, Cindy. Naguguluhan ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. ” Sabi ko.“Anong klaseng advice? Advice para sa umiibig? ” Tanong nito at biglang tumawa ng mahina.“Kakagaling ko lang sa bahay nila tita Emy . At napakagulo ng sitwasyon ngayon, Cindy. ” Sabi ko.“Why, naman?” Tanong niya.“Napagkasunduan ng mga magulang namin na I arrange marriage kami ni Harris, ” sabi ko. Nagulat naman ito sa sinabi
Last Updated : 2023-08-07 Read more