Mina Point of View“Mina may dapat ba akong malaman?”Napangiwi ako dahil sa seryosong tanong ni Ate Elle. Nagkatinginan kami ni Nanay, at sa pamamagitan ng mga tingin, nag-uusap kami. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin kay Ate Elle, na under observation ang isa sa mga baby niya.FLASHBACKKaharap ko si dok, ang nag asikaso kay Ate Elle ng madala namin siya dito sa ospital. Sa sobrang taranta ko dahil hindi ko alam kung sino ang uunahin ko, kung ang mga anak ba ni ate Elle na inaanak ko, o si Ate Elle na sobrang putla na habang wala siyang malay. “Dok, kamusta po ang mag-iina? Okay naman po silang lahat ‘di ba?” tanong ko habang kaharap si dok. “Base sa lab result, nagkaroon ng infection sa pusod ang isa sa baby ng pasyente.”Ani ni dok, napa takip ako ng bibig dahil sa gulat. “ Sa ngayon, nabigyan na namin ng paunang lunas si baby, but don’t worry. Naagapan naman, dahil nadala niyo kaagad ang mag-iina.” Dugtong pa ni dok, imbis na huminahon ako, mas nanaig pa ang sobrang pagkaba
Magbasa pa