—CINDY DIZON POINT OF VIEW— Noon pa man mahal ko na talaga si Harris. Simula noong nag high school kami at ng makapagtapos kami ng sabay-sabay. Grumaduate kami nila Harris at ng best friend kong si Elle.Pero… Sa sitwasyon kong ito, ako lang ang nagmamahal. Ang first love talaga ni Akihiro ay hindi si Elle. Dahil ang mahal ni Harris, ay ang best friend kong nasa kanya na ang lahat. May masayang pamilya, mapa- material man o ano, pati si Harris basa kaniya na. Pero, samantalang ako, pagmamahal na nga lang ang gusto ko. Hindi ko pa makuha. Nakakatuwa lang isipin na, ang taong mahal mo ay may ibang gusto.Naalala ko nu'ng high school pa lamang kami nila Harris at Elle. Magtatapat na sana ako ng nararamdaman ko kay Harris, nung araw ng mga puso. Pero hindi natuloy.—Flashback—Araw ng mga puso ngayon At ngayon ang araw na magtatapat ako kay Harris na gusto ko siya. Cold si Harris, at minsan lang kung magsalita. Kapag tinatanong ko siya, maikli lang ang isasagot ni
ELLE POINT OF VIEW(Four months Later)“MINA!”“MINA!”“M-MINA!” Namimilipit kong sigaw, dahil biglang humilab ang aking tiyan. Nandito ako sa kusina dahil nauuhaw ako, balak ko sanang kumuha ng tubig psrs uminom. Pasado alas dose na rin nang gabi ng biglang sumakit ang aking tiyan.“Mina!”Sigaw ko ulit dahil hindi pa rin dumadating si Mina para saklolohan ako. Dahil hindi ko na talaga kaya at may biglang tumulo sa ibaba ko, kaya naman naupo na lang ako sa sahig. Hindi ko na kaya ang matinding kirot. Naalala ko na, kabuwanan ko na pala ngayong month.Nakita ko naman si Mina na nagmamadaling bumaba sa kahoy na hagdan, at gulo gulo pa ang buhok nito.“Mina, manganganak na ata ako!” saad ko sa kaniya ng makalapit siya sa akin. Kitang kita ko ang gulat at pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya. Natataranta siya, na para bang hindi alam ang kailangan niyang gawin. “Anong gagawin ko Ate Elle?! Tanong niya, habang nanginginig pa ang boses niya. Napapikit na lng ako dahil may pag ka slow din s
Mina Point of View“Mina may dapat ba akong malaman?”Napangiwi ako dahil sa seryosong tanong ni Ate Elle. Nagkatinginan kami ni Nanay, at sa pamamagitan ng mga tingin, nag-uusap kami. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin kay Ate Elle, na under observation ang isa sa mga baby niya.FLASHBACKKaharap ko si dok, ang nag asikaso kay Ate Elle ng madala namin siya dito sa ospital. Sa sobrang taranta ko dahil hindi ko alam kung sino ang uunahin ko, kung ang mga anak ba ni ate Elle na inaanak ko, o si Ate Elle na sobrang putla na habang wala siyang malay. “Dok, kamusta po ang mag-iina? Okay naman po silang lahat ‘di ba?” tanong ko habang kaharap si dok. “Base sa lab result, nagkaroon ng infection sa pusod ang isa sa baby ng pasyente.”Ani ni dok, napa takip ako ng bibig dahil sa gulat. “ Sa ngayon, nabigyan na namin ng paunang lunas si baby, but don’t worry. Naagapan naman, dahil nadala niyo kaagad ang mag-iina.” Dugtong pa ni dok, imbis na huminahon ako, mas nanaig pa ang sobrang pagkaba
STELLA POINT OF VIEW KAHARAP ko si Ate Cindy ngayon, habang nandito kami sa isang starbucks hindi kalayuan sa ospital kung saan naka confine si kuya Harris. Actually, kaya ko si ate Cindy inaya na makipagkita sa akin, dahil may gusto akong itanong sa kaniya. “Let's taste the coffee first, ate Cindy.” Pag-umpisa ko. Nakangiti namaan siyang tumango, bago sumimsim sa baso niya.“Bakit mo pala ako gustong makita, Stella? Masyado bang importante iyan para kausapin ako ng tayong dalawa lang?” tanong niya, matapos niyang sumimsim. “Ahm. Tatanungin sana kita kung kasama mo si Ate Elle noong gabing na aksidente si Kuya Harris at noong gabing nawala na parang bula si Ate Elle,” saad ko. Para bang nagulat si Ate Cindy sa sinabi ko. Pero kalaunan, naging normal na ulit ang ekspresyon ng mukha niya.Magaling makipag plastikan…“Bakit mo ba iyan natanong, Stella?” Tanong niya.“Just answer my question, Ate Cindy.” Sabi ko, habang diretso ang tingin sa kaniya. May kutob talaga ako eh. At sa
STELLA POINT OF VIEW“Mommy, anong klaseng amnesia ‘to? Bakit ganito ang nangyayari kay Kuya? Nakikilala niya tayo. Pero ‘yung asawa niya hindi?” naguguluhan kong tanong kay Mom.Malungkot na napailing si Mom, naikina buntong hininga ko.“I don’t know, Ija. Magpasalamat na lang tayo, dahil gising na ang kuya mo.”Nakangiting sabi ni mom, pero bakas pa din sa mukha niya ang pagkalungkot. Tumango lang naman ako, bago nilingon si Ate Cindy na tahimik lang sa gilid ko. Naalala kong muli ang kaganapan kanina sa room ni Kuya.FLASHBACK“Kuya, niloloko mo ba ako? Kilala mo kami, tapos asawa mo hindi?” sarkastiko kong tanong.Dapat mahinahon at mabait ako ngayon eh. Kaso hindi ko lang maiwasan na magtaas ng boses. Kung pinaprank lang ako ng kuya kong ito sana bawiin na niya.“What are you talking about, little sis? I’m still single. Giit ni Kuya, na ikina sapo ko ng noo. “Stella, hayaan mong makapag pahinga ang kuya mo. Huwag mo siyang puwersahin, okay?” biglang sabi ni Papa, na ikinabu
ELLE POINT OF VIEWHINDI na ako magkandaugaga sa pag-aasikaso sa tatlo kong mga baby. Nahihilo na ko sa sobrang dami ng responsibilidad ko bilang isang ina. Hindi ko malaman kung ano ang uunahin ko sa tatlo kong mga anak. Nagkakataon kasi na nagkakasabay ang mga anak ko sa pag-iyak. Para na nga akong mababaliw dahil sa sitwasyon kong ito. Lumalaki na ang tatlo kong mga anak, mas kailangan kong magsipag para sa ikagaganda ng buhay nila. Walong buwan na ang mga anak ko. Ang gatas na binibili ko sa bayan ay hindi sapat sa kanila. Malakas kasi sila sa gatas, kahit ang sariling gatas ko ay hindi sapat sa kanila. Naiiyak na lang ako sa sitwasyon ko ngayon at ng mga anak ko. Hindi nila deserve ang ganitong kahirap na buhay sa probinsya. Iniisip ko nga kung bumalik na lang kaya kami sa Maynila. Tutal mas maganda ang magiging buhay ng mga anak ko sa lungsod. Sobrang hirap ng buhay dito sa probinsya. Napabuntong hininga ako ng makita ko si Mina na inaalog ang lalagyan ng gatas ng mg
THIRD PERSON POINT OF VIEW “Cindy, can you come with me?” tanong ni Harris kay Cindy sa kabilang linya ng telepono. Matapos niyang magising mula sa pagkaka-comatose, at ang sabi ng doktor sa kaniya ay may nakalimutan siyang mga ala-ala, ay hindi naman iniisip iyon ni Harris. Dahil panandalian lamang naman nawala ang ala-ala niya. Ngayon naisipan niyang magpasama kay Cindy sa pagpunta sa isang restaurant. Gusto niya ring kausapin ang babae tungkol sa tinutukoy ng pamilya niya na may asawa siya. At ang sa tingin niya lang na magsasabi sa kaniya ng totoo ay walang iba kundi si Cindy. Ang babaeng naaalala ni Harris at tinagurian niyang isang matalik na kaibigan si Cindy.“Sure, wala naman akong gagawin today.” Sagot ni Cindy kay Harris sa kabilang linya ng telepono. “Saan ba tayo magkikita?” tanong ni Cindy kay Harris.“Sa restaurant na kalapit lang ng kumpaniya namin. Hihintayin na lang kita do’n,” sagot ni Harris sa tanong ni Cindy. Matapos ang maikli nilang pag-uusap, nagpaalam na
Elle Point of ViewNapangiti ako ng makatanggap ako ng email sa isang kumpanya na pinag-apply-an ko. Isang araw din ang hinintay ko bago ko matanggap ang email sa kumpanya nila na natanggap ako. At ngayon bitbit ko ang shoulder bag ko habang naka suot ako ng formal na damit. Isa na akong assistant ng isang CEO ng iba't-ibang klaseng tela. Bago pa man ako mag-apply dito, sinigurado ko muna na walang koneksyon ang kumpanya ni Harris sa kumpanya ni Miss Ysabel. Nang makapasok ako sa loob ng office ni Miss Ysabel, kaagad akong nagbigay galang sa kaniya. “Good Morning po, Miss Ysabel.” Energetic kong sabi, isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa 'kin. “Good Day as well,” Aniya. “Mukhang magkakasundo tayo, Elle.” Dugtong pa niya habang diretsong nakatingin sa akin. Nahihiya naman akong ngumiti. Mukhang friendly si Miss Ysabel dahil nararamdaman ko base sa katauhan niya. “Sa tingin ko rin po magkakasundo tayo,” sambit ko. “Yes. Parehas tayong maganda at sexy,” saad niya na ikinakibi
—ELLE — Matamis ang ngiti ko habang inilalatag ko ang picnic mat sa gilid ng park. Maganda ang puwesto namin dahil napakasariwa ng mga damo at para bang marami silang nakukuhang vitamis sa lupa kung saan sila nakatanim. Nandito kami sa park para ipasyal ang triples. Si Harris ang nagdesisyon na mag picnic kami. Gusto ko naman ‘yon dahil maganda naman ang panahon. Maraming mga magpapamilya ang nag ba-bonding tulad namin. Nagsasaya Sila habang ang mga bata ay naghahabulan sa damuhan. Siguro after 3 years or five years, ganyan din ang mga anak namin ni Harris. Naghahabulan habang masayang nagtatawanan. Excited na kong masaksihan ang ganoong scenario sa buhay ng mga anak ko. “Wife, gusto mo bang maglaro din tayo ng taya-tayaan?” Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang sinabi ni Harris. Nakatayo siya sa gilid ko habang pinapanood din ang mga batang nagtatakbuhan. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. “Hindi na tayo mga bata para maglaro ng taya-tayaan. Ipaubaya
Mas magandang magpalamig ka muna, Cindy. Masyado mong nilululong ang sarili mo sa alak. Kaya ang ending, hindi mo na alam ang pinaggagawa mo.” I rolled my eyes, because of what my friend said. Kanina pa ko naiirita sa new friend kong si Rea. Kanina pa niya ko binibigyan ng advice. Like duh… I don’t need her fucking advice. Lalo na ‘t hindi naman nakakatulong para bumalik ang dating kami ni Harris. Yung tipong nahahawakan at nakakausap ko siya ng maayos. Something na okay kami. Walang Elle. Walang triplet. At higit sa lahat iyong walang nakikialam sa buhay namin. “Rea, hindi iyan ang best solution para ma-solve ang problema ko. Elle ruined everything. Sinira niya ang lahat ng plano ko para sa future namin ni Harris. .” Ngitngit ko. “Well, wala ka naman ng magagawa. You told me before na ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nilang mag-asawa. Siguro its called ‘karma’ sa mga nangyayari sa ‘yo right now.” She said. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Kanino ka ba talaga k
DUMATING na nga ang araw ng pagbisita ng pinsan ni Harris na nagngangalang Ricco. Hindi pumasok si Harris sa kumpanya ngayon dahil sa pinsan niya. Nasa kusina kami ngayong apat. Nandito din kasi si Mina, inimbitahan ko siya para makilala niya ang pinsan ni Harris. Nagluto ako ng minudo at adobong matanda. Tanghali na rin ng makarating si Ricco sa bahay kaya tyempo naman na pang tanghalian ang niluto kong pagkain. Kumakain na kaming apat sa hapag habang nagkukwentuhan. Pumasok naman sa isipan ko ang sinabi ni Harris noong isang gabi. Womanizer daw itong si Ricco. Pero sa pagsusuri ko naman sa itsura ng pinsan ni Harris ay parang hindi naman womanizer. Mahinhin kasi ito kumilos at sobrang amo ng mukha niya. Hindi ko masabing bi ang pinsan ni Harris, dahil matipuno naman ang pangangatawan niya. O sadyang mahinhin lang talaga itong si Ricco. “Masarap itong menudo and adobong matanda huh? Ikaw ba nagluto nito, insan?” tanong ni Ricco kay Harris. Napahinto naman si Harris at binalingan
NAPAHIKAB ako habang hinihele ko si Elijah. Pasado alasyete na ng umaga, sumikat na rin ang haring araw. Pero ako gusto ko pa rin umidlip kahit sandali. Paano ba naman kagabi, hindi ako tinigilan ni Harris. Puro siya kalokohan. Para bang sobrang lakas ng energy niya para mang-trip. Napaka-bastos pati ng bunganga niya kagabi. Walang preno kung magsalita. Ang katwiran naman niya ay mag-asawa naman daw kami. Matatanda na raw kami para sa mga ganoong usapin. Kaya iyon sinakyan ko ang trip niya kagabi. Umabot kami ng hatin gabi sa pagkukwentuhan. Kaya ang ending, inaantok ako ngayon. “Mukhang pinuyat ka ng asawa mo kagabi, Ija.” May ngiti sa labi ni Manang ng tanungin niya ko. Mabilis naman akong umuling. “Hindi naman po, Manang. Sobrang kulit lang po ni Harris kagabi, kaya umabot 'yung kwentuhan namin ng hatinggabi.” Napakamot ako sa batok ng dipensahan ko ang sinabi ni Manang Delya. Nandito nga din pala siya sa kuwarto ng mga bata. Naghatid siya ng mga bagong labang mga damit ng
—-ELLE—- Nagsiuwian na ang magulang namin nang sumapit ang gabi. Bago sila umalis ay binati ulit nila kami dahil sa proposal na ginawa ni Harris. Nandito kami ni Harris sa kwarto namin, nasa CR siya, naliligo. Samantalang ang mga anak namin ay nasa guest room. Si Manang Delya ang nakatoka ngayon sa pagbabantay. “Wife, can you get my towel?!” malakas na sambit ni Harris mula sa CR. Napalingon ako sa dulo ng kama, naiwan niya nga ang towel. Kaya naman tumayo ako, at dinampot ang towel. “Saglit lang.” Humakbang ako patungo sa CR. Huminto lamang ako ng nasa tapat na ako ng pinto. “Ito na,” sabi ko at naghintay na buksan niya ng bahagya ang pinto ng CR. “Come in, wife.” Saad ni Harris, imbis na sumunod ako ay nanatili akong nakatayo. Ayaw kong pumasok sa loob ng CR. Tiyak na naka hubo’t hubad ang asawa kong ‘to. “Wife, nasaan ka na? Nilalamig na ko,” sambit niya sa loob ng CR. “Kunin mo na lang dito. Parang wala kang kamay ah,” saad ko. Narinig ko naman ang pagtawa niya. “Com
Abot langit ang ngiti ko habang pinupunasan ko ang luha sa pisngi ko. Ang saya ko! Hindi ko maipaliwanag ‘yung saya na nararamdaman ko ngayon. Parang ito yung tinatawag na new chapter ng buhay ko. Bagong kabanata na napaka espesyal. Nanatiling nakaluhod si Harris sa simento, habang bakas sa mukha niya ang matinding kaba. Saglit kong sinulyapan ang pamilya namin. May hawak ang bawat isa ng mga letra. Mga letra na bumubuo sa salitang ‘WILL YOU MARRY ME’Ngayon ko lang napansin na nasa tabi ni Mina at Stella ang mga anak namin. Nakalagay sila sa kaniya- kaniya nilang stroller. “Elle, are you willing to marry me again?” tanong ni Harris ulit. “Kasal na tayo ‘di ba?” tanong ko ng may ngiti sa labi. Tumango siya at sinabing. “Yes. Pero gusto kong ikasal tayo ulit. Gusto kong maging memorable ang araw ng kasal natin. This time, ihaharap kita sa altar ng may buong pagmamahal. Please, marry me again.” Sincere niyang sabi. “Hindi mo naman ako kailangang tanungin, Harris. Kasi papakasa
ELLE POINT OF VIEW DECEMBER 5 na ngayon. Two weeks na ang nakalipas simula ng magkalinawan kami ni Harris. Hindi ko na kinakailangang magtago. At higit sa lahat ang matakot at masaktan, dahil hindi ko naman dapat iyon maramdaman. Sumama kami ng mga bata kay Harris sa dating bahay namin. Samantalang si Mina ay nanatili sa apartment na inuupahan namin. Gusto ko siyang isama sa bahay namin pero tumanggi siya. Hindi niya raw gusto na sumama sa ‘kin dahil may mga bagay na kailangan i-limit. Naiintindihan ko naman iyon. Kaya sabi ko sa kaniya, bumisita na lang siya sa bahay hangga’t gusto niya. Nakapangalumbaba ako ngayon, nakapatong ang siko ko sa gilid ng lamesa. Wala si Harris ngayon dahil may mahalaga daw siyang aasikasuhin. At ako raw ay huwag daw ako aalis ng bahay lalo na’t wala akong kasama. Sumang-ayon naman ako dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Naalala ko noong sinamahan ako ni Harris sa pamilya ko. Nagulat ang magulang ko at ang ate ko dahil akala nila may nangyari na
—THIRD PERSON —CINDY' CAN'T CONTROL herself sa pag-iisip ng kung ano-ano. People around her are mad because of her. Lalo na ang parents ni Harris. But she doesn't care. Si Harris ang kailangan niya. But they don't know where Harris is right now. Siguro tinatago nila si Harris sa kaniya. Iyan ang haka-haka niya. “Siguro pinuntahan niya si Elle.” Kausap niya sa sarili.“No…”“Hindi pwede 'yon…”“Mababaliw ako kapag hindi ko nakita si Harris ngayon.” Nakatulalang saad ni Cindy habang kaharap niya ang magulang niya. Samantalang napapaisip ang magulang niya kung bakit siya nagsasalita ng kung ano-ano. Out of topic na sa pinag-uusapan nila. “Cindy, ano ba iyang mga pinagsasabi mo? Ang isipin mo ay ang nalalapit na kasal ninyo ng anak ng kasosyo ng daddy mo.” Sambit ng ina ni Cindy sa kaniy. Samantalang wala na sa mood ang ama ni Cindy dahil pansin nito ang pagiging walang pakialam ng anak nila sa kasal na magaganap.“Please, cooperate Cindy.” inip na pakiusap ng dad ni C
Napakamot ako sa ulo ko ng maabutan ko si Harris na mahimbing na natutulog sa kama ko. Yakap niya si baby Elijah habang mahimbing din na natutulog. Namalayan ko na lang na napangiti na pala ako habang pinagmamasdan ang mag-aama ko. Kami lamang ni Harris at ng mga bata ang naiwan sa apatment na inuupahan ni Mina. Kanina habang nandito kami sa kuwarto, tumawag sa ‘kin si Stella na umalis siya kasama si Mina. Mag-oovernight daw silang dalawa. Gusto kong magreklamo sa kanila na bakit iniwan nila kami ni Harris dito. Kaso kaagad naman akong pinatayan ng tawa nito. At ngayong tulog si Harris sa kuwarto ko, nag-aalangan naman akong gisingin sia at sabihing umuwi na siya sa kanila. Siguro hahayaan ko muna siyang matulog at kapag nagising na siya, papauuwin ko na lamang siya. Lumapit ako sa kama at binuhat si Elijah. Nilagay ko si Elijah sa sarili nitong kama. Pagkatapos ay napagpasyahan kong bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang niluluto kong tinola. Pasado alas syete na ng gabi. Kanina p