—Third Person—“Kuya, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Yayayain mo si Ate Cindy na maging girlfriend? The hell, hindi pa nga natin nakikita si Ate Elle, ang asawa mo. Tapos nagpaplano ka na agad palitan ang asawa mo?” hindi makapaniwalang saad ni Stella sa kaniyang kuya Harris. Mahigit dalawang taon na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik ang alaala ng kuya Harris niya. At nag-aalala si Stella na baka tuluyang mahulog ang loob ng kuya niya kay Cindy. At iyon ang ayaw niyang mangyari. Ayaw niya kay Cindy, iyon ang totoo. Kay sobrang kontra siya sa mga gustong gawin ng kuya Harris niya. “Wala akong nakikitang dahilan para hindi yayain si Cindy. Cindy is always there, kapag kailangan ko ng kausap. Kahit wala akong kailangan, lagi siya ang kasama ko. Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon para maging girlfriend ko siya?” takang tanong ni Harris sa kapatid. Napasapo ng noo si Stella at nagpalakad lakad sa harapan ng kuya Harris niya. “Kuya, hindi pagmamahal ang tawag dun. Si
Tuluyang binuksan ni Harris ang silid ng walang pagdadalawang isip. Puno siya ng determinasyon at pag-asa sa mga oras na ito. Bawat segundo ay napakahalaga sa kaniya, para bang nag-slow motion ang pagpasok niya sa loob ng silid nila ni Elle. Tulad ng nasa living room, may isang malaking frame ang nakasabit sa tapat ng kama. Bawat sulok ng kwarto ay hindi niya pinapalampas, Para siyang isang inspektor ngayon na kailangang pag-igihin ang kaniyang trabaho. Naupo si Harris sa dulo ng kama ng makaramdam siya ng pagkahilo. “Bakit ganito? Bakit lahat ng mga tao ay may concern sa ‘yo, Elle Mendoza?” biglang tanong niya sa kanyang sarili. Napapikit siya ng mariin ng mas tumindi pa ang hilo na nararamdaman niya. Nagbi-blurred ang paningin niya, lahat ng nakikita niya ngayon ay nagiging dalawa. Pumikit siya ng mariin. Ilang segundo siyang nanatiling nakapikit, pilit niyang pnapahinahon ang sarili. “Naaalala ko na ang kuwartong ito,” sambit niya at kasabay no’n ang biglang pagmulat ng mata
—HARRIS—I-I don't know how I will react…I should become happy because I discovered something? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko… parang sasabog.Kay Elle ba ang bagay na ito? Sa asawa ko ba ang pregnancy kit na 'to. Napasapo ako ng noo ng magsimulang umikot ang paningin ko. “Ijo, huminahon ka. Huwag mong pilitin ang iyong sarili na maalala ang nakaraan,” Manang said. But I ignore her. “Alam mo ba ang tungkol sa bagay na 'to, Manang? Alam mo rin ba na buntis ang asawa ko?” Sinubukan kong maging mahinahon pero hindi ko mapigilang huwag magtaas ng boses. “Oo, alam ko ang tungkol diyan, Ijo. Alam ko rin na buntis ang asawa mo. Pero, gusto ko man sabihin sa 'yo ang tungkol sa pagbubuntis ng asawa mo ay hindi ko magawa.” Manang said, napahilot ako ng sintido dahil sa matinding tensyon. Parang mababaliw ako dahil sa mga nalaman ko ngayon. I didn't expect it. Elle is pregnant, according to Manang. And this evidence, nagsasabi na isa na akong ganap na ama. “Bakit? May rason ba k
—THIRD PERSON—Tulak-tulak ni Elle ang stroller ng panganay niyang anak, samantalang naka carrier belt naman ang anak niyang si Elisha. Dahil hindi niya kayang buhatin ang tatlo, buhat-buhat ni Mina si Hayden. Nasa mall sila ngayon, namamasyal. Nagtungo sila sa baby's store sa loob ng mall. Upang mamili ng mga bagong gamit ng tatlo niyang anak. “Ate, ito oh. Bagay kay, baby Elisha.” Sambit ni Mina kay Elle ng ipakita nito ang kulay pink na dress. “Oo nga 'no, sige isama mo na 'yan, Mina. Pagkatapos natin dito, bumili tayo ng mga damit natin. Huwag kang mag-alala, treat ko.” Nakangiting saad ni Elle. Masaya namang tumango si Mina at muli nitong binalingan ang pamimili ng mga gamit ng inaanak niya. Nalilibang naman si Elle sa pamimili ng mga laruan ng mga anak niya. Kaya kumuha siya ng ilang laruan at nilagay sa cart. Habang abala sila sa pamimili, biglang nahagip ng mata ni Elle ang dalawang taong naglalakad sa labas ng store. Dumaloy sa buong sistema niya ang kaba. Bigla s
-ELLE-Ilang araw na ang lumipas noong pumunta kami sa mall ni Mina at ng mga anak ko. Ngayon, patungo kami ni baby Elisha sa pinaka malapit na ospital sa apartment na tinutuluyan namin. Sobrang taas kasi ng lagnat ng anak ko, ni hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya naman napagdesisyunan ko na dalhin na lamang ang anak ko sa ospital. Pagkarating namin sa ospital kaagad ako lumapit sa nurse at sinabi ko ang kondisyon ng anak ko. Na sobrang daming pantal sa buong katawan at mukha ng anak ko. Kaagad naman nila akong dinala sa isang bakanteng hospital bed. Sa sobrang taranta ko kanina noong nasa apartment pa kami, hindi ko napansin na naka pantulog lang pala ang suot ko. Pasado alas otso na kasi ng gabi, at patulog na kaming lahat. Napatingala ako ng lapitan ako ng isang may edad na nurse, kaagad kong nilingon ang anak ko. May nakakabit na kay baby elisha na isang suwero, nagtataka ko namang muling binalingan ang nurse. “Bakit kailangan pang isuwero ang anak ko, nurse?” taka
—ELLE—" Hindi ko naalala ang lahat. Sa tingin mo ba, kung may naalala ako, sasayangin ko ba ang taong lumipas ng hindi ka hanapin. Para sabihin sa 'yo na I'm sorry and please forgive me. Kung alam ko ang nangyari noon, sa tingin mo ba hindi ako magtatanong sa 'yo?" Paulit-ulit na rumirihistro sa isipan ko ang huling sinabi ni Harris bago ako maglaro ng pagkakataon na makaalis. Hanggang ngayon, binabagabag ako ng mga salitang sinabi niya. Nawalan talaga siya ng alaala? Hindi ko alam kung nagsisinungaling ba siya o ano. Naguguluhan ako …Pero ano 'yung sinabi ni Cindy sa akin noong nasa restaurant kaming dalawa?Ano ba talaga ang totoo?Sino na ang nagsasabi ng totoo?Si Cindy ba o si Harris?Ang sabi ni Cindy, kinalimutan na ako ni Harris, dahil magsisimula na silang dalawa bilang magkasintahan. Pero bakit ganito? Bakit biglang nagkrus ang landas namin ng lalaking pinakamamahal ko at sasabihing wala siyang naalala.Pero kung totoo man na nawalan siya ng alaala. Hindi pa rin mag
—ELLE—MAGAAN ang pakiramdam ko pagkauwi ko sa apartment namin ni Mina. May kasama akong isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Walang iba kundi si Stella ang kapatid ni Harris. Matapos ng pag-uusap namin ni Stella sa labas, napagtanto ko na kailangan ko ng sabihin sa kaniya. Nang sa ganun ay mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Matapos kong sabihin kay Stella na sa pag-alis ko sa puder ni Harris, ay buntis na ako no'n. Nang sabihin ko na hindi lang isa ang dinadala kong sanggol sa loob ng sinapupunan ko ay laking gulat niya. Hindi siya makapaniwala na shooter daw ang kuya niya. Dahil naka-tatlo raw kaagad si Kuya Harris niya. Humingi siya sa akin ng favor na kung pwede niya makita ang mga pamangkin niya. Dahil kita ko sa mukha ni Stella ang pagnanasa na nais niyang makita ang anak namin ni Harris ay kaagad akong pumayag. Sino ba naman ako para pagbawalan siya? Si Harris lang naman ang nagkasala sa akin at si Cindy. Nilinaw ko naman kay Stella na kahit nagka amnesia ang
—STELLA—PAGKAAPAK ko pa lamang sa pinto ng bahay namin ay nakita na kaagad ng dalawang mata ko ang pagmumukha ni Ate Cindy. Kausap nito ang mga magulang ko. Napairap ako bago nagtungo sa puwesto nila. Galing ako kila Ate Elle, dahil binisita ko ang mga pamangkin ko. Araw -araw akong pumupunta do'n, at worth it naman lahat ng effort ko dahil lagi kong nakikita ang mga pamangkin ko. Kinikilig ako dahil sa mga pamangkin ko. Pero ng makita ko ang pagmumukha ng malanding ahas na 'to. Biglang humapdi ang sikmura ko. All this time, pinapaikot lang kami ng ex-bestfriend ni Ate Elle. Saan kaya ito nakakuha ng lakas ng loob para gawin 'yun? “Hello, Mom, Dad. ” Masayang bati ko sa parents namin ni Kuya, humalik ako sa pisngi nila except kay Ate Cindy. The hell… sino siya para galangin at batiin 'di ba? Siya ang dahilan kung bakit nasira sila ate Elle at Kuya. Kung alam ko lang talaga na ganito ang sistema. Tiyak na nilampaso ko na, noon pa ang pagmumukha ng babaeng 'to. “Oh, nandit
—ELLE — Matamis ang ngiti ko habang inilalatag ko ang picnic mat sa gilid ng park. Maganda ang puwesto namin dahil napakasariwa ng mga damo at para bang marami silang nakukuhang vitamis sa lupa kung saan sila nakatanim. Nandito kami sa park para ipasyal ang triples. Si Harris ang nagdesisyon na mag picnic kami. Gusto ko naman ‘yon dahil maganda naman ang panahon. Maraming mga magpapamilya ang nag ba-bonding tulad namin. Nagsasaya Sila habang ang mga bata ay naghahabulan sa damuhan. Siguro after 3 years or five years, ganyan din ang mga anak namin ni Harris. Naghahabulan habang masayang nagtatawanan. Excited na kong masaksihan ang ganoong scenario sa buhay ng mga anak ko. “Wife, gusto mo bang maglaro din tayo ng taya-tayaan?” Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang sinabi ni Harris. Nakatayo siya sa gilid ko habang pinapanood din ang mga batang nagtatakbuhan. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. “Hindi na tayo mga bata para maglaro ng taya-tayaan. Ipaubaya
Mas magandang magpalamig ka muna, Cindy. Masyado mong nilululong ang sarili mo sa alak. Kaya ang ending, hindi mo na alam ang pinaggagawa mo.” I rolled my eyes, because of what my friend said. Kanina pa ko naiirita sa new friend kong si Rea. Kanina pa niya ko binibigyan ng advice. Like duh… I don’t need her fucking advice. Lalo na ‘t hindi naman nakakatulong para bumalik ang dating kami ni Harris. Yung tipong nahahawakan at nakakausap ko siya ng maayos. Something na okay kami. Walang Elle. Walang triplet. At higit sa lahat iyong walang nakikialam sa buhay namin. “Rea, hindi iyan ang best solution para ma-solve ang problema ko. Elle ruined everything. Sinira niya ang lahat ng plano ko para sa future namin ni Harris. .” Ngitngit ko. “Well, wala ka naman ng magagawa. You told me before na ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nilang mag-asawa. Siguro its called ‘karma’ sa mga nangyayari sa ‘yo right now.” She said. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Kanino ka ba talaga k
DUMATING na nga ang araw ng pagbisita ng pinsan ni Harris na nagngangalang Ricco. Hindi pumasok si Harris sa kumpanya ngayon dahil sa pinsan niya. Nasa kusina kami ngayong apat. Nandito din kasi si Mina, inimbitahan ko siya para makilala niya ang pinsan ni Harris. Nagluto ako ng minudo at adobong matanda. Tanghali na rin ng makarating si Ricco sa bahay kaya tyempo naman na pang tanghalian ang niluto kong pagkain. Kumakain na kaming apat sa hapag habang nagkukwentuhan. Pumasok naman sa isipan ko ang sinabi ni Harris noong isang gabi. Womanizer daw itong si Ricco. Pero sa pagsusuri ko naman sa itsura ng pinsan ni Harris ay parang hindi naman womanizer. Mahinhin kasi ito kumilos at sobrang amo ng mukha niya. Hindi ko masabing bi ang pinsan ni Harris, dahil matipuno naman ang pangangatawan niya. O sadyang mahinhin lang talaga itong si Ricco. “Masarap itong menudo and adobong matanda huh? Ikaw ba nagluto nito, insan?” tanong ni Ricco kay Harris. Napahinto naman si Harris at binalingan
NAPAHIKAB ako habang hinihele ko si Elijah. Pasado alasyete na ng umaga, sumikat na rin ang haring araw. Pero ako gusto ko pa rin umidlip kahit sandali. Paano ba naman kagabi, hindi ako tinigilan ni Harris. Puro siya kalokohan. Para bang sobrang lakas ng energy niya para mang-trip. Napaka-bastos pati ng bunganga niya kagabi. Walang preno kung magsalita. Ang katwiran naman niya ay mag-asawa naman daw kami. Matatanda na raw kami para sa mga ganoong usapin. Kaya iyon sinakyan ko ang trip niya kagabi. Umabot kami ng hatin gabi sa pagkukwentuhan. Kaya ang ending, inaantok ako ngayon. “Mukhang pinuyat ka ng asawa mo kagabi, Ija.” May ngiti sa labi ni Manang ng tanungin niya ko. Mabilis naman akong umuling. “Hindi naman po, Manang. Sobrang kulit lang po ni Harris kagabi, kaya umabot 'yung kwentuhan namin ng hatinggabi.” Napakamot ako sa batok ng dipensahan ko ang sinabi ni Manang Delya. Nandito nga din pala siya sa kuwarto ng mga bata. Naghatid siya ng mga bagong labang mga damit ng
—-ELLE—- Nagsiuwian na ang magulang namin nang sumapit ang gabi. Bago sila umalis ay binati ulit nila kami dahil sa proposal na ginawa ni Harris. Nandito kami ni Harris sa kwarto namin, nasa CR siya, naliligo. Samantalang ang mga anak namin ay nasa guest room. Si Manang Delya ang nakatoka ngayon sa pagbabantay. “Wife, can you get my towel?!” malakas na sambit ni Harris mula sa CR. Napalingon ako sa dulo ng kama, naiwan niya nga ang towel. Kaya naman tumayo ako, at dinampot ang towel. “Saglit lang.” Humakbang ako patungo sa CR. Huminto lamang ako ng nasa tapat na ako ng pinto. “Ito na,” sabi ko at naghintay na buksan niya ng bahagya ang pinto ng CR. “Come in, wife.” Saad ni Harris, imbis na sumunod ako ay nanatili akong nakatayo. Ayaw kong pumasok sa loob ng CR. Tiyak na naka hubo’t hubad ang asawa kong ‘to. “Wife, nasaan ka na? Nilalamig na ko,” sambit niya sa loob ng CR. “Kunin mo na lang dito. Parang wala kang kamay ah,” saad ko. Narinig ko naman ang pagtawa niya. “Com
Abot langit ang ngiti ko habang pinupunasan ko ang luha sa pisngi ko. Ang saya ko! Hindi ko maipaliwanag ‘yung saya na nararamdaman ko ngayon. Parang ito yung tinatawag na new chapter ng buhay ko. Bagong kabanata na napaka espesyal. Nanatiling nakaluhod si Harris sa simento, habang bakas sa mukha niya ang matinding kaba. Saglit kong sinulyapan ang pamilya namin. May hawak ang bawat isa ng mga letra. Mga letra na bumubuo sa salitang ‘WILL YOU MARRY ME’Ngayon ko lang napansin na nasa tabi ni Mina at Stella ang mga anak namin. Nakalagay sila sa kaniya- kaniya nilang stroller. “Elle, are you willing to marry me again?” tanong ni Harris ulit. “Kasal na tayo ‘di ba?” tanong ko ng may ngiti sa labi. Tumango siya at sinabing. “Yes. Pero gusto kong ikasal tayo ulit. Gusto kong maging memorable ang araw ng kasal natin. This time, ihaharap kita sa altar ng may buong pagmamahal. Please, marry me again.” Sincere niyang sabi. “Hindi mo naman ako kailangang tanungin, Harris. Kasi papakasa
ELLE POINT OF VIEW DECEMBER 5 na ngayon. Two weeks na ang nakalipas simula ng magkalinawan kami ni Harris. Hindi ko na kinakailangang magtago. At higit sa lahat ang matakot at masaktan, dahil hindi ko naman dapat iyon maramdaman. Sumama kami ng mga bata kay Harris sa dating bahay namin. Samantalang si Mina ay nanatili sa apartment na inuupahan namin. Gusto ko siyang isama sa bahay namin pero tumanggi siya. Hindi niya raw gusto na sumama sa ‘kin dahil may mga bagay na kailangan i-limit. Naiintindihan ko naman iyon. Kaya sabi ko sa kaniya, bumisita na lang siya sa bahay hangga’t gusto niya. Nakapangalumbaba ako ngayon, nakapatong ang siko ko sa gilid ng lamesa. Wala si Harris ngayon dahil may mahalaga daw siyang aasikasuhin. At ako raw ay huwag daw ako aalis ng bahay lalo na’t wala akong kasama. Sumang-ayon naman ako dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Naalala ko noong sinamahan ako ni Harris sa pamilya ko. Nagulat ang magulang ko at ang ate ko dahil akala nila may nangyari na
—THIRD PERSON —CINDY' CAN'T CONTROL herself sa pag-iisip ng kung ano-ano. People around her are mad because of her. Lalo na ang parents ni Harris. But she doesn't care. Si Harris ang kailangan niya. But they don't know where Harris is right now. Siguro tinatago nila si Harris sa kaniya. Iyan ang haka-haka niya. “Siguro pinuntahan niya si Elle.” Kausap niya sa sarili.“No…”“Hindi pwede 'yon…”“Mababaliw ako kapag hindi ko nakita si Harris ngayon.” Nakatulalang saad ni Cindy habang kaharap niya ang magulang niya. Samantalang napapaisip ang magulang niya kung bakit siya nagsasalita ng kung ano-ano. Out of topic na sa pinag-uusapan nila. “Cindy, ano ba iyang mga pinagsasabi mo? Ang isipin mo ay ang nalalapit na kasal ninyo ng anak ng kasosyo ng daddy mo.” Sambit ng ina ni Cindy sa kaniy. Samantalang wala na sa mood ang ama ni Cindy dahil pansin nito ang pagiging walang pakialam ng anak nila sa kasal na magaganap.“Please, cooperate Cindy.” inip na pakiusap ng dad ni C
Napakamot ako sa ulo ko ng maabutan ko si Harris na mahimbing na natutulog sa kama ko. Yakap niya si baby Elijah habang mahimbing din na natutulog. Namalayan ko na lang na napangiti na pala ako habang pinagmamasdan ang mag-aama ko. Kami lamang ni Harris at ng mga bata ang naiwan sa apatment na inuupahan ni Mina. Kanina habang nandito kami sa kuwarto, tumawag sa ‘kin si Stella na umalis siya kasama si Mina. Mag-oovernight daw silang dalawa. Gusto kong magreklamo sa kanila na bakit iniwan nila kami ni Harris dito. Kaso kaagad naman akong pinatayan ng tawa nito. At ngayong tulog si Harris sa kuwarto ko, nag-aalangan naman akong gisingin sia at sabihing umuwi na siya sa kanila. Siguro hahayaan ko muna siyang matulog at kapag nagising na siya, papauuwin ko na lamang siya. Lumapit ako sa kama at binuhat si Elijah. Nilagay ko si Elijah sa sarili nitong kama. Pagkatapos ay napagpasyahan kong bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang niluluto kong tinola. Pasado alas syete na ng gabi. Kanina p