Share

HTGT: 3

Author: Jane_Writes
last update Last Updated: 2023-08-07 22:21:04

“Bakit mo naman ako pinapunta dito, Elle? ” Tanong ni Cindy, mukhang naiinis na sa akin ito.

Bumuntong hininga ako.

“Cindy... ” Problemadong pagbanggit ko sa pangalan niya.

“Kanina mo pa tinatawag ang pangalan ko, Elle. Kanina pa kita tinatanong kung bakit mo ako pinapunta dito, ” sabi nito.

Napatitig ako sa kulay puting kisame nitong kwarto ko.

“May sasabihin ka ba sa akin, Elle. Ilang minuto na tayong nandito sa loob ng kwarto mo, ” naiinip na sabi ni Cindy. Siguro ay may pupuntahan ito kaya hindi mapakali hindi ko naman siya tatawagan kung hindi ko siya kailangan

“I need your advice, Cindy. Naguguluhan ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. ” Sabi ko.

“Anong klaseng advice? Advice para sa umiibig? ” Tanong nito at biglang tumawa ng mahina.

“Kakagaling ko lang sa bahay nila tita Emy . At napakagulo ng sitwasyon ngayon, Cindy. ” Sabi ko.

“Why, naman?” Tanong niya.

“Napagkasunduan ng mga magulang namin na I arrange marriage kami ni Harris, ” sabi ko. Nagulat naman ito sa sinabi ko at parang naglo- loading pa ang utak nito.

“Arrange marriage? Bakit naman gagawin nila tito iyon? ” Nagtataka niyang tanong.

“Napaka kumplikado, Cindy. Alam mo naman na mahal ko si Harris pero, hindi niya ako mahal. Kaya, hindi pa rin ako sang- ayon sa arrange marriage na iyon.” Sabi ko.

“Hindi ko ma-gets, Elle. Explain mo nga ng maayos, ” sabi nito.

“Napagkasunduan ng mga parents namin na ipakasal kaming dalawa ni Harris. Dahil ayaw nila tita kay Serah, ” sabi ko.

“Bakit naman nila gagawin 'yon? Girlfriend ni Harris si Serah,” naguguluhan nitong sabi.

“Engage na si Serah, ” sabi ko.

“What?Totoo ba 'yan? Engage na sila ni Harris? ” Hindi makapaniwalang tanong ni Cindy.

“Engage si Serah sa kapwa niya modelo,” sabi ko.

“What do you mean, Elle?” Nalilito niyang tanong.

“Nagpaimbistiga si tita Emy. At nalaman nilang matagal na pala itong engage. At gusto nilang ilayo si Harris kay Serah. Mangyayari lang iyon kung papakasalan ko si Harris,” sabi ko.

“Hindi ko inaakalang ganoong klase si Serah napaka inosente niya at parang hindi makabasag pinggan. Bakit hindi niyo pa sinasabi kay Harris? ” Tanong niya.

“Hindi magawang sabihin nila tita kay Harris ang katotohanan. Mahal na mahal niya si Serah at sa tingin ko hindi talaga maniniwala si Harris kung sasabihin namin sa kaniyang niloloko lamang siya ni Serah,” sabi ko.

“Pero, alam na ni Harris na napagkasunduan nila tita na I arrange marriage kayo?” Tanong niya.

“Oo. Alam na niya at galit na galit siya dahil sa nalaman niya. Pinuntahan pa nga ako dito sa bahay namin para dalhin sa bahay nila,” sabi ko. Nagawi ng paningin ko ang palapulsuhan ko. Namumula pa ito dahil sa higpit na pagkahawak sa akin ni Harris.

”Pero, iintindihin ko na lamang siya. Kahit naman sino ay magagalit kung bigla biglang malalaman na ipapakasal siya sa ibang babae, ” sabi ko.

“Kailangan niya pa rin malaman, Elle. Paano kung matuloy ang kasal niyo pagkatapos lalo pang magalit si Harris sa'yo,” nagaalalang sabi niya.

“Hindi ko alam, Cindy. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,” sabi ko.

“ Alam na nila mama ang tungkol sa sikreto ni Serah. Ang ikinababahala ko lang ay sa isang buwan na ang kasal daw namin,” sabi ko.

“Kahit ako ay hindi makapaniwala, Elle. Kung naka arrange marriage kayo ni Harris ibig sabihin ay hindi ka pwedeng umatras, ” sabi niya.

“ Hindi pa ako handang magpakasal. Ang gusto ko ay magpapakasal lamang ako kung may lalaking mamahalin ako at mamahalin ko totoo, ” sabi ko.

“Eh, mukhang si Harris ang lalaking nakatakda sa'yo.” Biglang sabi ni Cindy.

“ Malabong mangyari iyon, Cindy. Kung kami talaga ang nakatakda bakit sa ganitong sitwasyon pa?” Sabi ko

“Malay natin mainlove sa'yo si Harris,” sabi nito.

“I don't know, Cindy. Tatapatin na kita, hindi pa ako handang magpakasal. ” Sabi ko.

“Ang maipapayo ko lang sa'yo, my friend. Palipasin mo muna ng mga ilang araw at saka kayo magusap ng future husband mo,” sabi nito.

“Sigurado naman ako na hindi matutuloy ang kasal namin ni Harris. And beside, hindi iyon papayag na maikasal sa akin. Kung nand'on ka lang sa bahay nila tita Amy, tiyak na matatakot ka kay Harris.” Sabi ko.

Inangat ko ang palapulsuhan kong namumula sa harapan ni Cindy. “ Nakikita mo ba ito? Si Harris ang may kagagawan niyan, ang higpit ng pagkakahawak niya kaya hanggang ngayon ay namumula pa rin ito.” Sabi ko.

Nagpangalumbaba ito at tila nagiisip ng sasabihin sa akin. “Kung siguro sa akin nangyari ang nangyari sa'yo. Hindi na suguro ako magtatangkang kausapin siya ng mahinahon. ” Sabi nito.

Hindi ako nagsalita. Maya- maya lang ay narinig namin ang pagkatok ng kung sino mula sa labas ng kwarto ko. Hinintay kong magsalita ang taong kumakatok sa labas ng pintuan ko.

“Elle, papasok na ako. ” Rinig naming sabi ni mama. Umayos ako ng upo, bago nagsalita.

“Come in, mom. ” Sabi ko. Bumukas ang pintuan ng dahan dahan hanggang sa nakita ko na si mama n may dala-dalang dalawang basong juice sa tray.

Inilapag niya ito sa mini table nitong kwarto ko.

“Miryenda muna kayo ni Cindy, Elle. ” Sabi ni mama. Tumango naman ako.

“May kailangan po ba kayo?” Tanong ko habang nanatiling nakaupo.

“Pinuntahan ka raw ni Harris dito? ” Sabi ni mama. Mukhang hindi pa alam ni mama ang nangyari kanina dahil halata itong walang kaalam alam.

Bumuntong hininga ako bago napagpasyahang sagutin ang tanong niya.

“Dinala ako ni Harris sa bahay nila tita Amy. Galit na galit siya dahil sa nalaman niyang ipapakasal siya sa akin,” sabi ko at muling napabuntong hininga.

Lumapit sa akin si mama at naupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kama ko at mahina niya itong pinisil. Ngumiti ng pilit si mama.

“Elle, pagpasensyahan mo na kami ng papa mo. Pero, gusto rin naming tulungan ang magulang ni Harris. Sana maunawaan mo kami, Elle.” Mahinahong sambit ni mama. Magsasalita sana ako ng biglang tumayo si Cindy.

“Elle, mauuna na siguro ako. May aasikasuhin pa ako sa shop ko.” Sambit nito at isinukbit niya ang kaniyang shoulder bag sa kaniyang balikat.

“ Kararating mo pa lang dito, Cindy.” Sabi ko.

“Sa ibang araw na lang ako pupunta dito, kailangan niyong magusap ni tita.” Sambit nito at ngumiti. Nagaalalang tumango ako.

“O, sige. Magiingat ka sa paguwi,” sabi ko.

“Tita, uuwi na po ako.” Pagpapaalam nito kay mama.

Umalis si mama sa tabi ko at lumapit kay Cindy. Pinagbuksan ni mama ng pintuan ang kaibigan ko.

“Pagpasensyahan mo na ako at naabala ko pa kayo,” sambit ni mama.

“Its okay, tita. Sa ibang araw na lang kamo maguusap ni Elle,” sambit ni Cindy.

“Alis na po ako,” ayon lamang ang sinabi niya at lumabas na ng pintuan. Sinulyapan muna ako ni Cindy bago ito naglakad papaalis ng kwarto ko. Ilang saglit lang ay isinara na ni mama ang pintuan at bumalik sa tabi ko.

“Huwag na po kayong humingi ng sorry sa akin, ma. Nasabi na po sa akin ni tita Emy ang dahilan nila kung bakit nila naisipang I arrange marriage kaming dalawa ni Harris,” sabi ko.

“Sinabi sa iyo ni Emy?” Hindi makapaniwalang tanong ni mama. Mahina akong tumango at umiwas ako ng tingin kay mama. Ayaw kong makita niyang nahihirapan akong magdesisyon at naguguluhan kung ano nga ba ang dapat kong piliin.

“Sa isang buwan na raw ang kasal niyo?” Sambit ni mama.

“Baka may ibang paraan para mailayo si Harris kay Serah. Hindi naman ako mahal ni Harris kaya hindi kami pwedeng magpakasal,” sabi ko.

“Walang imposible, Elle. Matututunan ka ding mahalin ni Harris. Siguro, hindi madaling kalimutan niya si Serah. Pero, kapag kasal na kayong dalawa ay baka matutunan kang mahalin niya.” Sabi ni mama.

“ Kailan pa 'yon, ma? Alam naman po natin na hindi niya kailanman mamahalin ang tinuturing niyang nakababatang kapatid, ” malungkot kong sabi. Kahit anong effort ko, ang turing niya lang sa akin ay parang nakababatang kapatid. May kapatid si Harris at kasundo ko sa lahat ng bagay. Hindi ko maintindihan noon kung bakit ayaw na ayaw nila kay Serah iyon pala ay alam nila ang sikreto niya. Pero, kahit ganoon wala pa rin akong karapatang husgahan siya. Siguro, kapag dumating man na malaman ni Harris ang sikreto ng girlfriend niya ay malalaman ko kung ano ang dahilan ni Serah kung bakit nagawa niyang lokohin si Harris.

“ Alam mo ba na arrange marriage lang ang nangyari sa amin ng papa? Balak naming huwag ng sabihin sa iyo ito, Elle. Pero, kailangan mo itong malaman.” Hindi ako nakaimik sa narinig ko mula sa bibig ni mama. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nagulat ako dahil sa ibinunyag ni mama, hindi ako makapaniwala na arrange marriage din ang nangyari sa kanila noon. Pero, hindi ko naman alam na arrange marriage din sila dahil mahal na mahal nila ang isa't isa.

“ Noong ikinasal kami ng papa mo dahil sa kasunduan ng mga magulang namin. Parang ganito rin ang nangyari sa pagitan naming dalawa ng papa mo, Elle. Hindi kami magkasundo at laging nagtatalo pero, hanggang sa tumagal ang pagsasama namin. Na realize namin na bakit, hindi namin subukang mahalin namin ang isa't isa. At kalimutan ang mga hindi magandang nangyari sa amin. Hanggang sa dumatimg ka sa buhay namin ng papa mo. Kaya sana magtiwala ka sa sarili mo at sa amin, Elle. Hindi ka namin ilalagay sa kapahamakan dahil anak ka namin at ikaw ang bunga ng pagmamahalan namin ng papa mo, ” mahabang salaysalay ni mama. Parang biglang gumaan ang nararamdaman kong takot dahil sa mga nalaman ko.

“Bakit ngayon niyo lamang po sa akin sinabi? ” Taka kong tanong.

“Para malaman mo na walang imposible kung susubukan niyong mahalin ang isa't isa kapag kasal na kayong dalawa, ” sambit ni mama.

“Papaano kung kamunghian ako ni Harris imbis na mahalin niya ako? ” Natatakot kong sabi. Natatakot ako sa sarili ko na baka kapag minahal ko pa siya ay lalo akong masaktan kung hindi naman ako ang laman ng puso niya.

“Walang masama kung susubukan mo, Elle. Hindi ka naman mahirap mahalin, anak. Mabait ka at perpektong babae.” Pagpuri sa akin ni mama.

“Ewan ko, ma. Pero, ang alam ko lang kailangan niyang malaman na niloloko lamang siya ni Serah pero, wala akong karapatan para panghimasukan ang relasyon nilang dalawa.” Sabi ko.

“Tama ka naman, Elle. Pero, alam mo naman na parang anak ko na rin ang turing kay Harris. At gusto kong mailayo siya sa babaeng iyon. Hindi niya deserve ang pagmamahal ni Harris, Elle.

“At gusto niyo? Ako ang mahalin ni Harris? ” Tanong ko.

“Hindi sa ganoon, Elle. Gusto lang namin ng papa mo na mapunta ka sa desenteng lalaki. Ang kaya kang ipagtanggol, ipagmalaki sa lahat ng mga tao.” Sabi ni mama, napabuntong hininga ako.

“ Hindi po natin ang naghihintay sa atin sa hinaharap. Pero, ang pinagdadasal ko ay h'wag sanang magtanim ng galit si Harris sa magulang niya, ”

“Pero wala namang masama kung maghihintay ka kung kailan ka niya matutunang mahalin.”

“Kailan pa iyon? Hanggang kaibigan lang naman ang kayang ibigay sa akin ni Harris, kahit ipagsiksikan ko pa ang sarili ko sa kaniya walang epekto 'yon.

“Ako ang ina mo Elle. Kay'a alam ko na mamahalin ka rin ni Harris may pagsubok nga kayong pagdadaanan pero sa bandang huli ay pag- ibig pa din ang mananaig.

Related chapters

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT: 4

    Buong araw akong nanatili sa pagkakahiga mula sa ibabaw ng kama kama ko dito sa aking kwarto. Wala akong ganang kumain pagkatapos naming magusap ni mama kanina. Hindi ko man lang naramdaman ang pangangalay ng likod ko dahil kanina pa ako nakahiga sa kama ko. Pinipilit ko ang sarili kong matulog pero, hindi ko magawa. Nababagabag ako, sa pagiisip ko ng kung ano ano. Para bang mababaliw ako dahil sa sobrang pagiisip. Napalingon ako sa alarm clock ko. Pasado alas otso na ng gabi. Paniguradong tulog na sila mama. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit hindi nila ako tinawag para kumain dahil, alam nila na wala akong ganang kumain. Napabuntong hininga ako bago ko naisipang damputin ang cellphone ko sa gilid ko. Binuksan ko ang facebook ko at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makitang maraming notification sa account ko.Tinampal ko ang pisngi ko para alamin na hindi ako nananaginip. Ang laman ng notification ko ay ang modelong nagngangalang Serah Park at ang kapartner n

    Last Updated : 2023-08-07
  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT:5

    “Elle, Point of View”“What are you doing here? ” Lasing na sabi niya. Nagsimula akong kabahan at nag-iisip kung ano ang idadahilan ko sa kaniya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kaya ako pumunta dito dahil concern ako sa kaniya. Pero, concern naman talaga ako sa kaniya, kahit na itanggi ko pa.Wala sa sariling napalunok ako bago nagsalita. “ N- nag-alala kase ako sa'yo,” mahinang sambit ko. Pero, sapat na siguro para marinig niya ito ng malinaw. Narinig ko ang mamunting tawa nito at para bang isang biro ang sinabi ko.“N-nag-alala? Don't blame me, Elle. I'm sure, you are happy. ” He's sarcastic said, hindi ako makaimik dahil inaalala ko na masakit para sa kaniya ang nangyari. Iintindihin ko na lamang siya dahil siya ang pinaka biktima dito.“Harris, I think, you need sleep right now. Lasing na lasing ka na, ” sabi ko. Lalapitan ko sana ito upang kunin ang bote ng beer mula sa hawak hawak niya ngunit bigla niya itong iniwas.“Leave!” seryoso nitong sabi sa akin. Napabuntong hining

    Last Updated : 2023-08-11
  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT:6

    Limang araw na ang lumipas noong pumunta ako sa bahay nila Harris. Nandito ako ngayon sa bahay nila Cindy para magpatulong sa pagpili ng susuutin kong gown sa kasal namin ni Harris.Sa isang linggo na ang kasal namin dahil gusto ng parent's ni Harris na padaliin ang kasal namin. Wala naman akong magagawa kung hindi sumunod sa gusto ng mga magulang namin.Isang linggo na rin walang imik si Harris. Lagi itong lasing kahit umaga pa ay umiinom na ito, hindi nagustuhan ni tito Arnold ang ginagawa ng anak niya. Napabayaan na rin ni Harris ang pamumula sa kumpanya nila at kung magpapatuloy pa ang pagiging pabaya ni Harris ay maaaring mapalitan siya sa pagiging CEO niya.Hindi na rin ito tumutol sa kagustuhan ng magulang niya. Nagtataka ako dahil hindi ito sang- ayon sa arrange marriage na nasa pagitan naming dalawa. Pero, ang hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi sa akin ni Harris noong kaming dalawa lamang ang naiwan sa living room sa bahay nila."I think, magiging masaya kapag magkasama

    Last Updated : 2023-08-11
  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT:7

    (One day after the wedding)Magdamag akong nasa bahay dahil sa sinabi ng mga magulang namin ni Harris. Ang sabi nila hindi daw pwedeng magkita kami ng ilang araw bago ang kasal dahil hindi raw matutuloy ang kasal kapag nagkita kami. Hindi ko sila maintindihan sapagkat wala naman silang dapat na ikatakot. Arrange Marriage lang naman ang kasal namin ni Harris at ayos lang kung hindi matuloy.Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakatitig sa wall nitong kwarto ko. Halos lahat ay abala sa pag-aayos sa venue, tiyak na wala rin dito sila mama at si Annie. Gustuhin ko mang suwayin ang utos nila mama pero, hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na bumabagabag.Noong pumili kami ni Cindy ng wedding gown ko may natipuan naman ako at masisigurado kong magiging kumportable ako. Simple lamang ang wedding gown ko dahil hindi naman ako sanay sa mga sosyaling kasuotan.Nag-iisip ako ngayon ng pwede kong gawim habang nandito ako sa kwarto ko. Nalinis ko na ang buong kwarto kong ito at naayos ko

    Last Updated : 2023-08-11
  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT:8

    Limang oras na lang ay magiging isa na akong Gordion. Nandito ako sa cottage dito sa Batangas ngayon ang araw na hindi ko malilimutan. Mamaya pa ako aayusan ng make-up artist dahil maaga pa naman.Sinabi niya sa akin na hindi siya galit sa akin dahil minahal ko ang boyfriend niya. Hindi ko siya maintindihan kahapon sa mga sinasabi niya sa akin. Para bang nagpapaalam siya dahil aalis siya at matagal babalik. Malinaw na malinaw ang sinabi niya sa aki kahapon at hindi ko makakalimutan ang mga salitang iyon.(Flash back)"Mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal ko.""Mahal na mahal ko si Harris.""Pero, ito ang kapalaran ko. Ang iwan siya at kalimutan. ""Kung bibigyan pa ako ng isa pang buhay. Itatama ko ang mga maling ginawa ko at gagawin ko na lamang ang makakapag- papasaya sa akin at sa taong mahal ko. "(End of flash back)Ang mga salitang iyon ang hindi ko makalimutan. Sinubukan kong tanungin siya kung ano ang gusto niya talagang sabihin pero nililihis niya ang usapan namin. Hindi

    Last Updated : 2023-08-11
  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT: 9

    “Napaka ganda mo, anak! ”Kaagad na bungad ni mama sa akin pagkalabas ko ng banyo. Napangiti ako dahil sa papuri ni mama. Inalalayan ako ni Annie na maglakad patungo sa stairs.“Nasapawan mo na ang kagandahan ko, Elle.” Kunwaring nagtatampo niyang sabi.“Annie naman, mas maganda ka sa akin. ” Sabi ko.“Huwag na kayo magtalo kung sino ang mas maganda sa inyong dalawa Madam. Syempre ako ang mas maganda, ” sabi ni Jam. Mahina akong natawa dahil bigla itong umirap na animoy may kaaway.“ Nagbibiro lang ito, Madam. ” Biglang sabi ni Lilak.“Ayos lang, maganda naman kayong dalawa.” Sabi ko.“Mali ka naman, Elle. Gwapo sila kung magpapaka- lalaki silang dalawa, ” biro ni Annie sa mga ito. Narinig ko naman ang pag-ubo ng dalawang make- up artist.“Itigil niyo na nga iyan!” Saway ni mama sa mga ito.“Mabuti pa maghanda na tayo, maya- maya lang ay ikakasal na si Elle. ” Sabi ni mama.***Nang tawagin na kami ng manager nitong resort na naka assign sa kasal namin at sinabing magsisimula na ang

    Last Updated : 2023-08-11
  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT:10

    Nanatili akong nakatayo habang nakatingin ng diretso kay Harris. Nakahiga ito sa ibabaw ng kama namin at mapayapang natutulog. Pagkatapos sa hotel dumiretso na kami sa bahay namin hindi pa ako dinadatnan ng antok at gusto ko lamang pagmasdan si Harris.Sakop niya ang buong kama dahil sa gitna ito ng kama nahiga. Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya kanina dahil ayaw kong madagdagan ang galit niya sa akin.Alam kong gising pa siya at nagpapanggap lamang ito na tulog. Hindi ako tatabi sa kaniya sa pagtulog dahil pansin naman sa kaniya na ayaw niya akong makatabi. Sa living room na lamang ako matutulog malawak ang living room kaya kahit saan ay pwede akong mahiga. “Get out of my room, ” nakapikit niyang sabi.“Okay, good night. ” Ayon na lamang ang sinabi ko at tumalikod upang lisanin ang kwarto namin. Hindi ko alam kung nagkataon lamang ba na nilock ang dalawang silid dito sa bagong bahay namin ni Harris. Ayaw kon isipin na sinadya ng parent's ni Harris na magtira ng isang bukas na kwar

    Last Updated : 2023-08-11
  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT:11

    Tanghali na ng makarating ako sa bahay namin ni Harris. Mabuti at may dala akong sariling kotse para sa mga pinamili ko. Bukas dadating ang mga inorder kong gamit sa bahay at kakatapos ko lang ilagay sa ref ang mga pagkain na kailangang ilagay sa freezer. Nakapag libot na rin ako sa palibot ng bahay may swimming fool sa likod ng bahay namin. Ang akala ko na hindi malawak ang bahay na ito nagkamali ako dahil malawak ang garden sa likuran. May mga halaman na maraming bulalak kaya masasabi kong napaka- ginhawa kung tatambay sa garden.Hindi pa rin bumabalik si Harris wala naman akong number niya para matawagan at alamin kung nasaan siya at kung anong oras siya uuwi. Gusto kong pumunta sa bahay nila mama hindi ako sanay na walang nakakausap. Kahit katulong ay pwede kong makausap para naman malibang ako kung kukuha naman ako ng katulong ay iniisip ko na wala namang masyadong gagawin dito. Kaya ko naman ang mga gawaing bahay ang paglalaba, paglilinis, paghuhugas ng mga kubyertos, pagluluto.

    Last Updated : 2023-08-11

Latest chapter

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 56

    —ELLE — Matamis ang ngiti ko habang inilalatag ko ang picnic mat sa gilid ng park. Maganda ang puwesto namin dahil napakasariwa ng mga damo at para bang marami silang nakukuhang vitamis sa lupa kung saan sila nakatanim. Nandito kami sa park para ipasyal ang triples. Si Harris ang nagdesisyon na mag picnic kami. Gusto ko naman ‘yon dahil maganda naman ang panahon. Maraming mga magpapamilya ang nag ba-bonding tulad namin. Nagsasaya Sila habang ang mga bata ay naghahabulan sa damuhan. Siguro after 3 years or five years, ganyan din ang mga anak namin ni Harris. Naghahabulan habang masayang nagtatawanan. Excited na kong masaksihan ang ganoong scenario sa buhay ng mga anak ko. “Wife, gusto mo bang maglaro din tayo ng taya-tayaan?” Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang sinabi ni Harris. Nakatayo siya sa gilid ko habang pinapanood din ang mga batang nagtatakbuhan. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. “Hindi na tayo mga bata para maglaro ng taya-tayaan. Ipaubaya

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 55

    Mas magandang magpalamig ka muna, Cindy. Masyado mong nilululong ang sarili mo sa alak. Kaya ang ending, hindi mo na alam ang pinaggagawa mo.” I rolled my eyes, because of what my friend said. Kanina pa ko naiirita sa new friend kong si Rea. Kanina pa niya ko binibigyan ng advice. Like duh… I don’t need her fucking advice. Lalo na ‘t hindi naman nakakatulong para bumalik ang dating kami ni Harris. Yung tipong nahahawakan at nakakausap ko siya ng maayos. Something na okay kami. Walang Elle. Walang triplet. At higit sa lahat iyong walang nakikialam sa buhay namin. “Rea, hindi iyan ang best solution para ma-solve ang problema ko. Elle ruined everything. Sinira niya ang lahat ng plano ko para sa future namin ni Harris. .” Ngitngit ko. “Well, wala ka naman ng magagawa. You told me before na ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nilang mag-asawa. Siguro its called ‘karma’ sa mga nangyayari sa ‘yo right now.” She said. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Kanino ka ba talaga k

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 54

    DUMATING na nga ang araw ng pagbisita ng pinsan ni Harris na nagngangalang Ricco. Hindi pumasok si Harris sa kumpanya ngayon dahil sa pinsan niya. Nasa kusina kami ngayong apat. Nandito din kasi si Mina, inimbitahan ko siya para makilala niya ang pinsan ni Harris. Nagluto ako ng minudo at adobong matanda. Tanghali na rin ng makarating si Ricco sa bahay kaya tyempo naman na pang tanghalian ang niluto kong pagkain. Kumakain na kaming apat sa hapag habang nagkukwentuhan. Pumasok naman sa isipan ko ang sinabi ni Harris noong isang gabi. Womanizer daw itong si Ricco. Pero sa pagsusuri ko naman sa itsura ng pinsan ni Harris ay parang hindi naman womanizer. Mahinhin kasi ito kumilos at sobrang amo ng mukha niya. Hindi ko masabing bi ang pinsan ni Harris, dahil matipuno naman ang pangangatawan niya. O sadyang mahinhin lang talaga itong si Ricco. “Masarap itong menudo and adobong matanda huh? Ikaw ba nagluto nito, insan?” tanong ni Ricco kay Harris. Napahinto naman si Harris at binalingan

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 53

    NAPAHIKAB ako habang hinihele ko si Elijah. Pasado alasyete na ng umaga, sumikat na rin ang haring araw. Pero ako gusto ko pa rin umidlip kahit sandali. Paano ba naman kagabi, hindi ako tinigilan ni Harris. Puro siya kalokohan. Para bang sobrang lakas ng energy niya para mang-trip. Napaka-bastos pati ng bunganga niya kagabi. Walang preno kung magsalita. Ang katwiran naman niya ay mag-asawa naman daw kami. Matatanda na raw kami para sa mga ganoong usapin. Kaya iyon sinakyan ko ang trip niya kagabi. Umabot kami ng hatin gabi sa pagkukwentuhan. Kaya ang ending, inaantok ako ngayon. “Mukhang pinuyat ka ng asawa mo kagabi, Ija.” May ngiti sa labi ni Manang ng tanungin niya ko. Mabilis naman akong umuling. “Hindi naman po, Manang. Sobrang kulit lang po ni Harris kagabi, kaya umabot 'yung kwentuhan namin ng hatinggabi.” Napakamot ako sa batok ng dipensahan ko ang sinabi ni Manang Delya. Nandito nga din pala siya sa kuwarto ng mga bata. Naghatid siya ng mga bagong labang mga damit ng

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 52

    —-ELLE—- Nagsiuwian na ang magulang namin nang sumapit ang gabi. Bago sila umalis ay binati ulit nila kami dahil sa proposal na ginawa ni Harris. Nandito kami ni Harris sa kwarto namin, nasa CR siya, naliligo. Samantalang ang mga anak namin ay nasa guest room. Si Manang Delya ang nakatoka ngayon sa pagbabantay. “Wife, can you get my towel?!” malakas na sambit ni Harris mula sa CR. Napalingon ako sa dulo ng kama, naiwan niya nga ang towel. Kaya naman tumayo ako, at dinampot ang towel. “Saglit lang.” Humakbang ako patungo sa CR. Huminto lamang ako ng nasa tapat na ako ng pinto. “Ito na,” sabi ko at naghintay na buksan niya ng bahagya ang pinto ng CR. “Come in, wife.” Saad ni Harris, imbis na sumunod ako ay nanatili akong nakatayo. Ayaw kong pumasok sa loob ng CR. Tiyak na naka hubo’t hubad ang asawa kong ‘to. “Wife, nasaan ka na? Nilalamig na ko,” sambit niya sa loob ng CR. “Kunin mo na lang dito. Parang wala kang kamay ah,” saad ko. Narinig ko naman ang pagtawa niya. “Com

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 51

    Abot langit ang ngiti ko habang pinupunasan ko ang luha sa pisngi ko. Ang saya ko! Hindi ko maipaliwanag ‘yung saya na nararamdaman ko ngayon. Parang ito yung tinatawag na new chapter ng buhay ko. Bagong kabanata na napaka espesyal. Nanatiling nakaluhod si Harris sa simento, habang bakas sa mukha niya ang matinding kaba. Saglit kong sinulyapan ang pamilya namin. May hawak ang bawat isa ng mga letra. Mga letra na bumubuo sa salitang ‘WILL YOU MARRY ME’Ngayon ko lang napansin na nasa tabi ni Mina at Stella ang mga anak namin. Nakalagay sila sa kaniya- kaniya nilang stroller. “Elle, are you willing to marry me again?” tanong ni Harris ulit. “Kasal na tayo ‘di ba?” tanong ko ng may ngiti sa labi. Tumango siya at sinabing. “Yes. Pero gusto kong ikasal tayo ulit. Gusto kong maging memorable ang araw ng kasal natin. This time, ihaharap kita sa altar ng may buong pagmamahal. Please, marry me again.” Sincere niyang sabi. “Hindi mo naman ako kailangang tanungin, Harris. Kasi papakasa

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 50

    ELLE POINT OF VIEW DECEMBER 5 na ngayon. Two weeks na ang nakalipas simula ng magkalinawan kami ni Harris. Hindi ko na kinakailangang magtago. At higit sa lahat ang matakot at masaktan, dahil hindi ko naman dapat iyon maramdaman. Sumama kami ng mga bata kay Harris sa dating bahay namin. Samantalang si Mina ay nanatili sa apartment na inuupahan namin. Gusto ko siyang isama sa bahay namin pero tumanggi siya. Hindi niya raw gusto na sumama sa ‘kin dahil may mga bagay na kailangan i-limit. Naiintindihan ko naman iyon. Kaya sabi ko sa kaniya, bumisita na lang siya sa bahay hangga’t gusto niya. Nakapangalumbaba ako ngayon, nakapatong ang siko ko sa gilid ng lamesa. Wala si Harris ngayon dahil may mahalaga daw siyang aasikasuhin. At ako raw ay huwag daw ako aalis ng bahay lalo na’t wala akong kasama. Sumang-ayon naman ako dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Naalala ko noong sinamahan ako ni Harris sa pamilya ko. Nagulat ang magulang ko at ang ate ko dahil akala nila may nangyari na

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 49

    —THIRD PERSON —CINDY' CAN'T CONTROL herself sa pag-iisip ng kung ano-ano. People around her are mad because of her. Lalo na ang parents ni Harris. But she doesn't care. Si Harris ang kailangan niya. But they don't know where Harris is right now. Siguro tinatago nila si Harris sa kaniya. Iyan ang haka-haka niya. “Siguro pinuntahan niya si Elle.” Kausap niya sa sarili.“No…”“Hindi pwede 'yon…”“Mababaliw ako kapag hindi ko nakita si Harris ngayon.” Nakatulalang saad ni Cindy habang kaharap niya ang magulang niya. Samantalang napapaisip ang magulang niya kung bakit siya nagsasalita ng kung ano-ano. Out of topic na sa pinag-uusapan nila. “Cindy, ano ba iyang mga pinagsasabi mo? Ang isipin mo ay ang nalalapit na kasal ninyo ng anak ng kasosyo ng daddy mo.” Sambit ng ina ni Cindy sa kaniy. Samantalang wala na sa mood ang ama ni Cindy dahil pansin nito ang pagiging walang pakialam ng anak nila sa kasal na magaganap.“Please, cooperate Cindy.” inip na pakiusap ng dad ni C

  • Hiding The Gordion Triplets   HTGT 48

    Napakamot ako sa ulo ko ng maabutan ko si Harris na mahimbing na natutulog sa kama ko. Yakap niya si baby Elijah habang mahimbing din na natutulog. Namalayan ko na lang na napangiti na pala ako habang pinagmamasdan ang mag-aama ko. Kami lamang ni Harris at ng mga bata ang naiwan sa apatment na inuupahan ni Mina. Kanina habang nandito kami sa kuwarto, tumawag sa ‘kin si Stella na umalis siya kasama si Mina. Mag-oovernight daw silang dalawa. Gusto kong magreklamo sa kanila na bakit iniwan nila kami ni Harris dito. Kaso kaagad naman akong pinatayan ng tawa nito. At ngayong tulog si Harris sa kuwarto ko, nag-aalangan naman akong gisingin sia at sabihing umuwi na siya sa kanila. Siguro hahayaan ko muna siyang matulog at kapag nagising na siya, papauuwin ko na lamang siya. Lumapit ako sa kama at binuhat si Elijah. Nilagay ko si Elijah sa sarili nitong kama. Pagkatapos ay napagpasyahan kong bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang niluluto kong tinola. Pasado alas syete na ng gabi. Kanina p

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status