Pera, pera at maraaaming maraming pera.Sa murang edad nakatatak na sa isipan ko na dito sa mundo kailangan ng pera para mabuhay. Bawat galaw may katumbas na salapi.Kailangan ng pera pambili ng pagkain, damit, mga gamit at higit sa lahat kailangan ng pera para sa mga pang-araw-araw na pangangailangan. Tawagin na akong mukhang pera, pero sa mundong ito hindi ka mabubuhay kung wala ka nun.They say, money can’t buy happiness. Oh, well! Ewan ko lang sa iba but it’s a big no for me. Why? Hah! Sige nga, sabihin mo sa akin kung magiging masaya ka pa rin ba kung kumakalam na ang sikmura mo dahil wala kang pambiling bigas?Magiging masaya ka ba kung ultimo pambili ng napkin wala ka? Masaya ka ba kung kahit pambili ng shampoo at sabon, zero balance ka? O kahit pambili na lang ng tira-tira(kendi) sa tindahan nga-ngá?Judge me all you want but I’m just telling the truth. Everything in this world revolves around money. If you have the money, you can do what you want. You can have what you want.
Last Updated : 2023-07-03 Read more