All Chapters of Tainted Series 10: The Ruthless Billionaire: Chapter 21 - Chapter 30

67 Chapters

Chapter 20

"Tara na Ma'am." Ani Kuya Alex. Tumango lang ako kay Kuya Ales saka sumunod na. Pinagbukas niya ako ng pintuan ng sasakyan. Pumasok ako doon at naupo. Hindi na ako nag-inarte pa. Nakakahiya na kay Kuya Alex. Nagmamadali si Kuya Alex na umikot sa driver's side pagkatapos may kinuha itong envelope sa upuan sa likuran at inabot sa akin. "Ma'am pinapabigay po pala ni Sir Knoxx." Nagtataka man pero tinanggap ko ang envelope na inabot niya sa akin at ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita ko ang laman nito. Ticket to Maldives for two. Kasama ang passport ko at passport ni Knoxx doon. Meron pang card doon na nakapangalan sa akin. Tiningnan ko si Kuya Alex, nagtatanong pero nagkibit balikat lang ito. Muli kong binalik ang tingin sa loob ng envelope at kinuha ang maliit na note at may nakasulat. Much needed vacation for both of us, Baby. Don't worry about Nanay and Tatay, I got them. By the way, I arranged this card for you for your personal needs. The card has no limit, buy anythi
last updateLast Updated : 2023-08-08
Read more

Chapter 21

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa gitna ng kakahuyan. Basta ang alam ko lang pagkatapos kong narinig ang lahat na sinabi ni Knoxx para akong paulit-ulit na sinaksak sa dibdib. Ang sakit malaman na lahat pala ng pinakita niya sa akin ay puro kasinungalingan lang. I was sweating bullets. Magkahalo na ang pawis at luha ko. Halos hindi ko na makikita ang dindadaanan ko. Nararamdaman ko ang hapdi sa balat ng mga sanga at dahong sumusugat sa akin. Halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko. Takbo lang ako ng takbo at hindi ko alam kung saan ang aking pupuntahan. Para akong mababaliw sa aking narinig. All these time puro kasinungalingan lang pala ang lahat. Ang taong akala ko totoong nagmamalasakit sa akin ay nagkukunwari lang pala. Bakit?! Of all the people, bakit si Knoxx pa?I trusted him. I gave him everything. I gave him my all.Oh God. Why do I have to go through all these pain again? Hindi pa ba tapos? Ano bang kasalanan ko? Bakit mo ba ako pinaparusahan ng ganito?Hindi
last updateLast Updated : 2023-08-08
Read more

Chapter 22

Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin pero may kakaiba akong naramdaman sa aking dibdib. Pakiramdam ko bigla nalang itong nanikip na hindi ko maipaliwanag. Nagmamadali akong kumuha ng hoodie dahil pakiramdam ko lalagnatin ako. Sobra akong nilalamig pati talampakan ko sobrang lamig din. Pagkatapos pumunta na ako sa silid ni Nanay at Tatay. Nadatnan kong tahimik silang dalawa. Si Tatay ay nasa kama nila nakaupo habang si Nanay ay nasa tabing upuan sa gilid nito. Maliit lang ang silid ng mga magulang ko, maliit lang din itong bahay namin. "Ang laki na ng anak natin, Mildred." Nakangiting sabi ni Tatay pero ang mga ngiti niya ay hindi man lang umabot sa mga mata niya. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Inabot niya ang ulo ko at marahang hinaplos ito. Pag-angat ko ng tingin sa kanya nakita ko ang agad ang pag-ulap ng mga mata niya pero agad itong ngumiti sa akin. "Parang kailan lang nung hinahabol habol ka pa namin ng nanay mo dahil naliligo ka sa ulan ng o di kaya sa tuwin
last updateLast Updated : 2023-08-09
Read more

Chapter 23

Why life is so unfair?Kailangan ko ba talagang pagdaanan lahat ng pagsubok na 'to para matawag akong matatag? Hindi ba pwedeng kalma lang muna, isa-isa lang? Pakiramdaman ko kasi, konting-konti nalang mauubos na ako. Pakiramdam ko pinagkaisahan ako ng lahat ng tao.Buhay nga ako pero pakiramdam ko unti-unti naman akong pinapatay sa sakit. Bakit sa dinami dami ng tao dito sa mundo sa akin pa ito kailangang mangyari? Nung nagparaffle ba ng problema ako lang ang gising at nasalo ko lahat?Ang malas ko naman! Bakit sa daming dapat mapunta sa akin yun pa talaga? Hindi ko ba deserve maging masaya?Sayang naman ang ganda nitong mata ko, binigay lang ata sa akin para mas maganda ang daanan ng mga luha ko. Sana yung ordinaryong kulay nalang, siguro hindi pa ganito ang naging drama ng buhay ko.Lintek Cara! Sa dami ng problema mo naisip mo pa yun?Panay lang ang agos ng mga luha ko. Pakiramdam ko namamanhid na ako sa sakit pero ayaw pa rin paawat ng mga mata ko. Panay parin ang pag-uunahan ng
last updateLast Updated : 2023-08-11
Read more

Chapter 24

In my entire life, I never experienced any pain as much as I do now. Akala ko sagad na yung sakit pero may isasakit pa pala. Pakiramdam ko ang puso ko sobrang durog na. Hindi ko na alam kung paano ko pa ito pupulutin isa-isa. Ang nag-iisang lalaking nagmamahal sa akin ng totoo ay iniwan na rin ako. Wala na ang tatay Ador ko. Hindi ko na matutupad ang mga pangako kong ipapasyal sila nanay sa mga lugar na gusto nila. Hindi na niya matitikman ang mga mahahaling pagkain na gustong-gusto kong ipatikim sa kanila. Hindi niya na maisusuot ang mga gamit na gusto kong ipasuot sa kanya. Hindi niya na makikita kung paano ko pagsisikapan ang lahat para matupad lahat ng mga pangarap nila ni nanay para sa akin. Hindi na nahintay ni tatay na makamit ko ang tagumpay. Wala na ang tatay. Tuluyan niya na kaming iniwan. Nadala pa namin siya sa ospital pero dead on arrival na. Cardiac arrest.Ang lungkot at sobrang sakit sa pakiramdam na sa ganito magtatapos ang lahat.Nangako pa ako sa kanya na kahit
last updateLast Updated : 2023-08-12
Read more

Chapter 25

Umiiyak ako kahit sa byahe. Mabuti nalang at nakisama si Arnolfo. Hindi ito nagtanong at patuloy lang sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami. "Maraming salamat Arnolfo." "Walang problema Cara. Gusto ko din palang magpasalamat sayo dahil sa pambabasted mo sa akin, natuto akong tingnan kung anong mali sa sarili ko. May trabaho na pala ako Cara. Salamat sa pagmamaldita mo sa akin, natauhan ako." Nahihiya akong ngumiti sa kanya. Noong huling pag-uusap namin na-realtalk ko siya. Kung ano-anong mga salita ang nasabi ko pero lahat naman ay totoo. Ginawa ko yun para matauhan siya. Dahil sayang ang buhay niya kung mapunta lang sa bisyo. "Pasenysa ka na Arnolfo." "Anong pasensya, tama lang yung ginawa mo at least natauhan ako. Maraming salamat Cara. Alam kong may mabuti kang puso. Nakikita ko kung gaano mo kamahal ang mga magulang mo. Sabihin mo lang kung may kailangan ka ah? Kung may gusto kang paresbakan sabihin mo hindi ako magdadalawang isip na gawin yun para sayo." Tunog biro
last updateLast Updated : 2023-08-14
Read more

Chapter 26

"And please do me a favor. Don't show your face to me, ever again. That's the least you could do for the last time."Humakbang siya palapit sa akin.Sinubukang abutin ang mga kamay ko pero mabilis akong umatras palayo sa kanya. "I won't leave you, Ysabelle. I can't wife. Please hear me out for the last time." He said with eyes full of tears, begging but I just looked at him. Then, he slowly lowered his body, kneeling in front of me and my tatay's casket. The mighty and ruthless Knoxx Wolfert Sarmiento is kneeling in front of me but I feel nothing. Narinig ko ang bulung-bulungan ng mga tao sa paligid. Lumapit si Nanay Mildred sa kanya."Senyorito, tumayo po kayo." Pero sunod-sunod siyang umiling ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "Nay please, help me...""Wag muna ngayon senyorito, palamigin niyo muna ang isa't-isa.""I can't Nay, p-please I can't afford to lose my wife." his voice broke and the tears won't stop streaming down his face. He looked at me pleading. "Please tell me wh
last updateLast Updated : 2023-08-15
Read more

Chapter 27

Nagpaalam saglit si William na titingnan kung anong mga kailangan sa labas. Tumayo ako at lumapit kay tatay pero hindi nagtagal naramdaman ko ang presensya ni Knoxx sa tabi ko. Gusto ko man siyang ipagtabuyan palayo sa akin pero naubos na ang lakas ko. Wala din namang silbi dahil hindi rin naman siya nakikinig sa akin kaya pinili ko nalang na wag siyang pansinin. Madaming tao sa labas dahil huling gabi na pero biglang tumahimik ang buong lugar. Siguro hinihintay nilang magwala na naman ako at aawayin ko si Knoxx pero wala ng akong lakas para gawin yun. Tahimik lang akong nag-aayos ng bulaklak na ginawa ko para kay tatay habang si Knoxx naman ay nagpupunas ng salamin ni tatay gamit ang panyo niya."Sorry, Tay." narinig kong sabi niya. "Sorry kung wala akong nagawa. Sorry kung nasaktan ko ang prinsesa."Ayokong masaktan pero dama ko ang sakit sa boses niya. "Alam kong naririnig niyo ako Tay, sana mapatawad niyo ako. Hindi ko sinasadyang masaktan kayo ni Nanay. Hindi ko sinasadyang s
last updateLast Updated : 2023-08-16
Read more

Chapter 28

Knoxx never gave up on me but he respected my decisions. Though hindi ko siya nakikita pero nararamdaman ko ang presensya niya. Minsan naman bigla nalang siyang pumapasok sa isipan ko at kapag ganun para akong sinasakal. Nahihirapan ako, naninibago pero pilit kong nilalabanan. Ganun siguro talaga kasi nasanay akong palagi kaming magkasama. Pero masasanay din ako, malalagpasan ko rin lahat ng 'to dahil ito ang nararapat kong gawin. May mga pagkakataon pang hindi ko namamalayang umiiyak nalang ako. Hindi ko talaga napipigilan at bigla nalang tumutulo ang luha ko. Lalo't wala pa akong kilala dito sa bagong tinitirahan namin. Nakaka-miss din pala ang mga maiingay at chismosa naming kapitbahay. Nakaka-miss din pala ang panlilibak nila sa akin. Hindi lang din naman puro negatibo ang hatid nun sa akin dahil ginawa ko itong motivation para pag-igihan at baguhin ang aking sarili. Mabuti nalang at nandito si nanay. Siya ang nagpapatahan sa akin kapag nakikita niyang umiiyak ako. Siya ang
last updateLast Updated : 2023-08-17
Read more

Chapter 29

"Ysabelle, my sandals! Faster!" "Yes Ma'am." Dali-dali kong nilinisan ang mga sapin sa paa na gagamitin ng amo ko ngayong araw. Nasa sahig ang ilang pares ng sandals na nalinisan ko na at kailangan ko pang linisin. Na-ready ko na ang damit na susuotin niya kagabi pati ang bag at sandal na gagamitin niya pero ngayong umaga nagbago ang isip niya at ibang damit ang gustong suotin kaya aligaga ako. Hindi lang isang damit ang pinahanda niya kundi madami para may pagpipilian daw siya. Pati ang sandals na panterno iba-iba din kasali na ang bag. Hindi ko tuloy alam kung alin ang uunahin ko. Ang mga damit pa na nasukat niya ay basta nalang tinatapon sa sahig kaya parang binagyo ang silid nila ngayon sa dami ng damit na nakakalat sa sahig."Ysabelle, where are you? I will be late! Move faster your like a turtle. You idiot!" Iritadong sigaw niya sa akin mula sa loob ng walk-in closet."One minute, Ma'am." Sagot ko sa kanya. Hindi na ako magkandaugaga sa paglinis ng mga sandal niya. "What th
last updateLast Updated : 2023-08-19
Read more
PREV
1234567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status